- 6 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Lunes March 9, 2026.
- Sunog na labi ng isang babae at lalaki, natagpuan sa nasunog na sasakyan
- Pila ng mga sasakyan sa mga gasolinahan ilang oras bago ang big-time oil price hike
- Big-time OPH dahil sa gulo sa Middle East, utay-utay na ipatutupad simula bukas
- Fratman, nalapnos matapos makialam sa apoy sa food warmer sa kanilang pagtitipon; 2 iba pa sugatan
- 2 kasama ng 19-anyos na biktima umano ng hazing, ibinahagi ang dinanas na pananakit sa initiation rites
- Ilang oil facility, tinamaan ng drone strikes sa gitna ng krisis sa Middle East
- Singil sa kuryente, posibleng tumaas ng 16%, ayon sa DOE
- Tindero, naatrasan ng SUV nang aksidente umanong maapakan ng driver ang accelerator habang umaatras
- Pagkakaroon ng Pilipinas ng non-permanent seat sa UN Security Council, isusulong ni Pres. Marcos
- Palitan ng piso kontra dolyar, bumaba sa pinakamahinang lebel: P59.50 = $1
- Rep. Leila De Lima at Fr. Flavie Villanueva, nagsampa ng mga reklamong perjury at cyberlibel laban sa 18-ex marines at kanilang abogado
- Pagtatapos ng La Niña, idineklara ng PAGASA
- 8 sugatan sa pagbagsak at pagsabog ng fireworks sa harap ng mga manonood
- Ikalawang baby boy nina Rocco Nacino at Melissa Gohing, isinilang na
- Marriage banns nina Bea Alonzo at kanyang BF na si Vincent Co, nakita sa livestream ng isang simbahan
- Magkakaibigang namundok, halos tangayin ng malakas na hangin
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Sunog na labi ng isang babae at lalaki, natagpuan sa nasunog na sasakyan
- Pila ng mga sasakyan sa mga gasolinahan ilang oras bago ang big-time oil price hike
- Big-time OPH dahil sa gulo sa Middle East, utay-utay na ipatutupad simula bukas
- Fratman, nalapnos matapos makialam sa apoy sa food warmer sa kanilang pagtitipon; 2 iba pa sugatan
- 2 kasama ng 19-anyos na biktima umano ng hazing, ibinahagi ang dinanas na pananakit sa initiation rites
- Ilang oil facility, tinamaan ng drone strikes sa gitna ng krisis sa Middle East
- Singil sa kuryente, posibleng tumaas ng 16%, ayon sa DOE
- Tindero, naatrasan ng SUV nang aksidente umanong maapakan ng driver ang accelerator habang umaatras
- Pagkakaroon ng Pilipinas ng non-permanent seat sa UN Security Council, isusulong ni Pres. Marcos
- Palitan ng piso kontra dolyar, bumaba sa pinakamahinang lebel: P59.50 = $1
- Rep. Leila De Lima at Fr. Flavie Villanueva, nagsampa ng mga reklamong perjury at cyberlibel laban sa 18-ex marines at kanilang abogado
- Pagtatapos ng La Niña, idineklara ng PAGASA
- 8 sugatan sa pagbagsak at pagsabog ng fireworks sa harap ng mga manonood
- Ikalawang baby boy nina Rocco Nacino at Melissa Gohing, isinilang na
- Marriage banns nina Bea Alonzo at kanyang BF na si Vincent Co, nakita sa livestream ng isang simbahan
- Magkakaibigang namundok, halos tangayin ng malakas na hangin
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04Sama-sama tayong magiging, Sarakli!
00:31At hindi pa nagbibigay ng karagdag ng detalya ang mga polis habang gumugulong ang investigasyon.
00:40Mga kapuso, hanggang ngayong gabi, mahaba ang pila sa ilang gasolinahan bago ang big-time oil price hike.
00:48At sa isang gasolinahan sa bahagi ng East Avenue sa Quezon City, maraming motorista ang naghabol na magpakarga ng langis.
00:55At abot kalsada na rin ang pila ng mga sasakyaan sa isa pang gasolinahan sa Congressional Avenue naman.
01:04Mahigit limampung gasolinahan ang pinagpapaliwanag ng DOE dahil nauna nang nagtaas presyo ng produktong petrolyo.
01:12At ilang gasolinahan naman ang naubusan na ng supply bago pa man ang itinakdang malakihang taas presyo.
01:18Saksi si Ian Cruz.
01:23Bula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, pila ang mga sasakyan na naghahabol para magpakarga ng langis.
01:32Sa gasolinahan ito sa Quezon City, umabot na sa labas ng kalsada ang pila ng mga sasakyan.
01:38Maraming naghahabol dahil simula na bukas ang big-time oil price hike dulot ng gulo sa Middle East.
01:45Depende sa oil company, 17 pesos and 50 centavos hanggang 24 pesos and 25 centavos ang kabuang itataas ng kada
01:55litro ng diesel.
01:577 hanggang 13 pesos para sa gasolina at 32 hanggang 38 pesos and 50 centavos ang sa kerosene o gaas.
02:06Base sa pagsusuri ng GMA News Research sa datos mula sa DOE at mga oil company, mas mataas na ito
02:14kumpara sa oil price hike noong March 2022 kung kailan na itala ang highest OPH na isang bagsak.
02:23Pero hindi isang bagsak ang gagawin ngayon.
02:26Bulontaryo itong uutayin ng mga oil company ngayong buong linggo.
02:30Para pa konti-konti lang para maplano natin na maayos kung kailan tayo magpapagas.
02:36The rest, I'm inviting them all to also participate in this staggering of prices.
02:45Bukas pa dapat ang malakihang dagdag presyo pero may mga nagmahal na.
02:50Kaya pinagpapaliwanag sila ng Energy Department.
02:53Kanina, pinuntahan ng DOE ang isang gasolinahan sa Pasig na Sabado pa lang ay itinaas na sa 79 pesos ang
03:02litro ng diesel mula sa halos 52 pesos.
03:05Tumagin magbigay ng pahayag ang manager ng gasolinahan.
03:09Sinilbihan din ang SCO ang gasolinahan ito sa Fairview, Quezon City dahil umakyat sa 71 pesos ang litro ng diesel
03:17noong Sabado.
03:18Bali, nung araw po ngayon, mataas po yung kuha ng amo namin po eh.
03:23Pero yung pagtas po niyan, hindi po namin alam, inuutosan lang po kami ng amo namin.
03:29Gayun din ang gasolinahan ito sa North Fairview, Quezon City na Sabado pa pumalo sa 72 pesos ang litro ng
03:37diesel.
03:37Tumagin magbigay ng pahayag ang manager nito.
03:4055 gasolinahan ang inisyuhan ng parehong order para ipaliwanag kung bakit di dapat kansinahin ang kanilang Certificate of Compliance.
03:50Pag hindi po sila o hindi nakontento ang Department of Energy, sa kanilang mga reasons,
03:57magbibigay po tayo ng administrative na mga kaso kasama o hiwalay pa po dyan yung pwedeng ibigay na criminal case.
04:05Kasi kapag po napakita rito na sila po ay may mga fraudulent acts, maaari po silang makancelan ng permito sa
04:12kanilang mga transaksyon.
04:16Ang ibang gasolinahan naman, naubusan na rao ng supply, particular ang diesel.
04:21Marami pong nagpapakarga po, mga trucks, mga PUV, mga jeep.
04:27Sa iba na lang po kami, kung ano, maghal pa lang po ng medyo mababa po.
04:30Malaking kawalan po talaga yan, ang pagwalang diesel.
04:35Okay lang naman yan, pero ang masama is may mga nag-cohorde o may ibang gasolinahan na naghihintay ng akyat
04:44at ayaw mag-bend.
04:45So yun po yung mga kakasuhan po natin at ipapasara po ng DLD.
04:51Pagtitiyak ni Energy Secretary Sharon Garin, may supply ng langis sa bansa hanggang sa katapusan ng Abril.
04:57We have enough supply until the end of April.
05:02Ang usual kasi na deliveries, ang capacity lang ng ating mga oil companies is around mga 15 days or more.
05:12Yun yung storage nila, kasi hindi naman ganun kalaki na they can store up to 200 days.
05:19So may required sila na 15 days, pero ang capacity nila siguro 40.
05:27So they have to replenish every 40 days, let's say.
05:31So we have more than enough time to order the next batch.
05:38Pero ang tanong ng marami, kung may imbak pa ng langis, bakit nga ba nagmamahal na ang presyo?
05:45It's the replacement cost. It's not when nila kinuha, when nila binili, or when nila na-receive,
05:51kuni kung ano magkano na yung replacement.
05:53Imagine now, if we still stay with the price two weeks ago, wala sa pera pang bilhin ng bagong stock.
06:02Ayon sa DOE, madaragdagan pa ang supply ng produktong petrolyo.
06:06Mainam daw ito, sabi ng isang ekonomista, lalo't hindi alam kung hanggang kailan ang kaguluhan sa Middle East.
06:13Well, that's good, but ang safe talaga sana is 90 days as a rule, general rule sana.
06:21A country must have at least 90 days worth of oil deserves sana.
06:24There's a lot of uncertainty here.
06:28And yung uncertainty na yan has to do with how long mangyayari itong kaguluhan ito.
06:36Pero babala ni Professor Peña Reyes, hindi lang ang presyo ng gasolina ang tataas
06:42dahil meron itong epekto sa presyo ng mga bilihin gaya ng transportasyon, pagkain, at iba pa.
06:50Sana daw, huwag itong mauwi sa stagflation o pinaghalong epekto ng stagnation at inflation
06:57o yung mabagal na paglago ng ekonomiya na sinabayan pa ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at
07:04mga servisyo.
07:05Kaya kailangan raw balansihin ng gobyerno ang pag-agapay sa krisis sa petrolyo habang tinitiyak
07:11na hindi nalulugmok ang mga nangangailangan, tulad ng hindi muna pagkataas ng interest rates
07:18at pagbibigay ayuda sa mga sektor na lubos na nangangailangan ito.
07:23Temporary targeted relief for the affected sectors, so transport vouchers, sa mga PUV driver,
07:31targeted cash transfers for the tourist households.
07:35Ayaw natin mangyari na mag-ease up pa tayo, pwedeng maging inflationaryan,
07:40but if we tighten too much, that would also choke economic growth.
07:46So it's a delicate balancing act.
07:48Ayaw natin mangyari na mag-ease up pa tayo, pwedeng maging inflationaryan,
07:54but if we tighten too much, that could also choke economic growth.
08:00So it's a delicate balancing act.
08:02Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
08:08Nagpapagaling isang fratman sa ospital matapos malapnos ang balat niya sa sunog na sumiklab sa kanilang pagkitipon.
08:14Naki alam umano ang nakainom na biktima sa apoy sa ilalim ng mga food warmer,
08:19kaya nagkaroon po ng pagsabog.
08:21Saksi si Mark Salazar.
08:26Sumiklab ang sunog sa gitna ng anniversary celebration ng isang fraternity sa barangay Santa Monica na Validias, Quezon City.
08:33Ikinagunat na mga bisita ang pagliyab sa may buffet table sa gitna ng kasiyahan.
08:39Alasais kagabi, tatlong fratmen ang sugatan.
08:43Isa sa kanila, napuruhan kaya na ospital.
08:46Nagpapagaling pa rin siya ngayon.
08:48Bigla na lang lumiyab, malakas.
08:50Tapos yung tao, nagtatakbo, maapoy.
08:53Inaampas na lang siya ng mga damit ng mga kasamahan niya para mamatay yung apoy.
08:57Nagsumisigaw siya siya rin, tama tumatakbo eh.
08:59Kasi maapoy nga eh.
09:00E nakainom din yata yung tao.
09:02Opo kasi nagiinom sila nung gabi.
09:05Dagdag pa ni Michael, pinakialaman ng nakainom umano na biktima ang apoy sa ilalim ng food warmer.
09:11Iba kasi yung apoy niya eh.
09:12Hindi yung apoy na sa sunog na kulay dilaw.
09:14Hindi eh.
09:15Kulay blue yung apoy niya eh.
09:16Oo, kulay blue yung apoy eh.
09:18May apoy pa raw yun.
09:19Tapos nilagyan nila ng liquid gel na ano.
09:22Parang ginagamit sa mga catering, di ba?
09:24Pag pinapapoy sa ilalim.
09:26Pag may iniinit na mga ulam, gano'n.
09:29Bigla daw po nilagyan.
09:30Ngayon, paglagay, bigla namang sumabog.
09:33Dalawa lang nga sila o tatlo.
09:36Kasi nandito sila, nasa agit na sila ng kort eh.
09:39Nagsasayawan yung mga kasamahan nila eh.
09:41Nagulat kami, bigla umapoy.
09:43Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang mga biktima.
09:46May iniwan namang paalala ang barangay chairman ng Santa Monica.
09:50Kailangan nga yan.
09:51Lalong-lalong na mainit, dapat talaga mag-iingat ngayon sa panahon na to.
09:55Yung pag nagluluto, may kitchen na malayo sa mga flammable materials.
10:01And then huwag iiwanan na ang pagluluto especially.
10:06Ang apoy, anything na nag-aapoy, iiwanan basta-basta.
10:10Para sa Jemmy Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
10:17Pitong suspect na ang hawak ng mauturidad sa hazing na ikinamatay ng 19 anyos na freshman maritime student sa Cavite.
10:24Ikuinento naman ang dalawang neophyte na kasama umunan ng biktima sa initiation rites,
10:29ang pinagdaan ng hirap sa kamay ng mga miyembro ng fraternity.
10:32Saksi, si Marisol of the Ramal.
10:38Pinadel lang po.
10:39Ganon din po, pinadel din po.
10:41Mismong mga kapa new fight ng freshman maritime student at si Mark Kenneth Alcedo
10:45ang kumumpirma sa dinanas na initiation rites sa Tawagama fraternity.
10:50March 1 daw na mangyari ang initiation sa Cavite.
10:53Nagnanana pa nga ang mga malalali na sugat at namamaga pa ang halos kulay talong na kanilang mga hita.
10:59Kayo ang magkakasamang sa initiation.
11:02Apo.
11:03Kayong tatlo.
11:04Apo.
11:05Ang ginawa ba kay Kenneth? Same sa ginawa sa inyo?
11:08Apo.
11:09Labing-olong miyembro na ang Tawagama fee ang nandun.
11:11Lahat ba sila nagpadal sa inyong tatlo?
11:14Apo.
11:15Apo.
11:16So hindi para nakontento ang grupo.
11:17Bago kami matapos nun last naming pinagsusuntok po kami.
11:23Nawala ng malay si Kenneth.
11:25Sinipar po siya.
11:26Kasi po nasa loob po kami ng bahay.
11:29Tapos nasa sala lang po ata yun sila.
11:33Para sa ama ni Kenneth, hindi basa-basang hazing ang ginawa sa kanyang anak.
11:37Kitang-kita sa lahat ng party.
11:40Kasi kung hindi mo makita ng marami, marami.
11:42Buti kung dito lang sa hita, pwede masabi natin na hazing lang yan.
11:46Eh lumalabas po marami sa baba.
11:48Sa ano, dito.
11:50Dito.
11:50Ang dami.
11:52Kanina, sinampahan ng ama ni Kenneth ang labing-apat na suspect na tukoy na ang pagkakakilanlan.
11:57Kabilang dito ang apat na sumuko kagabi sa General Trias Police.
12:01At isang sumuko naman sa Dasmarinas Police noong Sabado sa pumagitan ni Mayor Jenny Barzaga.
12:06May isa pang suspect na sumuko sa CIDG-NCR sa Camp Kraming.
12:11Kaya aabot na sa pito ang kabuang bilang ng mga suspect na hawak ng mga otoridad.
12:17Tuloy naman ang apilan ng ama ni Kenneth at ng mga otoridad sa mga suspects.
12:21At maging sa pamunuan ng taogama fee na isuko na ang mga membrong sangkot sa insidente.
12:26Kung talagang makatawa yung fraternity nyo, maging patas kayo.
12:30Tulungan nyo yung mga kasama nyo na isuko.
12:34Diba?
12:35Tapos harapin nila.
12:36Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman ang inyong saksi.
12:43Ilang oil facilities sa Middle East o gitmang silangan ang pinuntirya sa gitna ng mahigit isang linggo ng krisis doon.
12:50At sa gitna po nito, hinirang ang bagong supreme leader ng Iran.
12:54Saksi si Bea Pinlac.
13:00Nabalot ng makapal na usok ang Babco Oil Refinery na pangunahing oil refinery sa Bahrain.
13:06Dahil yan sa pagtama umano ng drone ng Iran sa gitna ng mahigit isang linggo ng gantihan ng mga missile
13:13at bomba sa pagitan ng Amerika, Israel at Iran.
13:21Apektado rin ang sigalot ang iba pang oil facilities sa Middle East.
13:25Sinuspindin ang Saudi Arabia ang output ng isa sa pinakamalaking refinery sa Middle East matapos itong tamaan umano ng drone
13:32ng Iran.
13:33Ang Kuwait Petroleum Corporation nagbawas ng oil output nitong Sabado dahil hindi makadaan ang mga barko sa Strait of Hormuz
13:41na dinadaanan ng one-fifth ng krudo at liquefied natural gas na kinokonsumo sa mundo.
13:48Dahil diyan, sumisipa ang presyo ng krudo sa world market.
13:51Sa kabisera ng Iran na Tehran, nagkasunog sa mga oil depot na tinamaan sa gitna ng airstrikes ng Israel.
14:00Ayon sa Iran, apat na empleyado ang patay.
14:04Giit ng Israel, ginagamit umano ang langis sa mga pag-atake ng Iran sa kanila.
14:10Sa Central Israel, isang naiulat na patay sa panibagong missile attack ng Iran.
14:21Umaaling-aungaw pa rin ang mga warning sirens sa iba pang bahagi ng Israel.
14:25Sa Lebanon, patuloy rin ang airstrikes ng Israel laban sa grupong Hezbollah na kaalyado ng Iran.
14:32Sa tala ng Health Ministry ng Lebanon, halos apat na raan na ang patay sa mga airstrikes ng Israel.
14:38Sa Iran, mahigit isang libu na ang nasawi ayon sa non-profit group na Red Crescent Society.
14:44Kasama rito ang mahigit isang daang anilay na patay nung tamaan ng mesailang isang paaralan noong February 28.
14:52Sa Israel, di bababa sa labing isang patay sa magkahihwalay na pag-atake kabilang ang isang Pilipina.
14:59Dalawa pang sundalo nila ang nasawi sa Lebanon.
15:02Meron ding mga nasawi sa Iraq, UAE, Syria, Saudi Arabia, Bahrain, Kuwait at Oman.
15:08Inanunsyo na ng Iran ang magiging kapalit ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na nasawi sa pag-atake ng
15:15Amerika at Israel noong February 28.
15:18Yan ang 56 na taong gulang na anak niyang si Mojtaba Khamenei na isa ring Shiite cleric at napaulat na
15:25may suporta mula sa Security Forces at Business Network sa Iran.
15:28Dati nang sinabi ni US President Donald Trump na hindi magtatagal ang isang Iranian leader na hindi umano-aprobado ng
15:35Amerika.
15:36Sa isa pang panayam pagkatapos pangalanan ng bagong Supreme Leader ng Iran, sinabi ni Trump na tignan na lang kung
15:42ano ang mangyayari.
15:43Dagdag ni Trump, ang anumang pagtatapos sa gera ang magiging mutual decision nila ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
15:51Ang Israel naman, sinabi na dati natatargetin nito kung sino man ang mapili na bagong Supreme Leader.
15:57Mula ng sumiklabang krisis, halos 400 OFW at 12 dependent nila ang napauwi sa Pilipinas mula sa gitnang silangan.
16:07Kabilang dito ang 70 OFW kasama ang mga kaanak nila na dumating sa Naiya Terminal 3 kagabi.
16:13Galing UAE ang eroplanong sinakyan nila.
16:16Ang ilan sa mga OFW galing Bahrain at Saudi Arabia.
16:20The youngest that I saw was a month old baby.
16:23There are about 3 or 4 kids na nakita ko.
16:26And we met a couple, senior citizens who are parents of an OFW.
16:32So yun, counted yung dalawang yun as dependents.
16:35Para sa GMA Integrated News, ako si Bea Pinlock, ang inyong saksi.
16:41Bukas pa ang nakalululang taas presyo sa petrolyo pero ramdam na ang epekto nito sa pagkain,
16:46sa delivery at shipping fees at pati na sa pamasahe at ilang biyahe ng barko.
16:51At ang singil naman sa kuryente, posibyo yung tumaas ng 16% ang sa Energy Department.
16:57Saksi si Darlene Cai.
17:02Parang pagtumba ng mga domino ang epekto ng malawak ang taas presyo sa produktong petrolyo
17:07dahil sa sunod-sunod na dulot nito sa iba't ibang sektor at bilihin.
17:11Tulad sa agrikultura at pagkain.
17:13Nauna ng nagmahal ng hindi baba pa sa isandaang piso kada kilo
17:17ang ilang klase ng isda sa Bulungan Seafood Market sa Paranaque.
17:20Limandaang piso kada banyera naman ang iminahal ng isda sa Balintawak Market sa Quezon City.
17:25At hindi na kada kilo kong ibenta para kayani ng budget ng mamimili.
17:29Binabawasan namin sa timbang.
17:31Kami nalang bahala dumiskarte, nga mano yung isda namin.
17:34Pati ilang gulay tulad ng talong, kalabasa at kalamansi nagmahal din.
17:38Nag-aadjust ng konti na kumita sa pang-araw-araw.
17:42Pambayad ng mga bayarin, pwesto.
17:44Ilang kumita, marami kami pinapasahod.
17:47Mahal na kasi ang gasto sa delivery dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
17:50Para pumabawi namin yung diesel na itinakas nila.
17:55Kapitano na rin.
17:57Kasi araw-araw kami bumabiyahe.
18:00Sa lawag City, Locos Norte, pihira nang pumalaot ang ilang mangingisda dahil sa sobrang mahal ng gasolina.
18:07May mga naglalatag puna ng mga fish cage para makapagparami ng tilapia.
18:11Pati epekto sa shipping fee, hindi raw may iwasan lalot ayon sa Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations.
18:1750% ng kanilang operasyon ay gumagamit ng diesel.
18:22Nagsisimula na kaming mag-advise sa aming mga clients.
18:26Inevitably also, increase sa aming services.
18:31And this could account for at least 20 up to 30% of increase in transportation service.
18:39Ilang transport group na ang humiling na payagan silang magdagdagpasahe sa jeepney,
18:45mga city ba sa TNVS.
18:46Nag-anunsyo na rin ang pansamantalang taspasahe ang ilang shipping companies sa Cebu.
18:50Pati temporary suspension ng ilang biyahe bilang pagtitipid sa krudo.
18:55Nagtaas na rin ang pasahe sa Roro ang ilang kumpanyang may biyahe papuntang Zamboanga City at Isabela City, Basilan.
19:01Ang epekto sa bayarin sa kuryente, posibleng sa Abril maramdaman ayon sa Department of Energy.
19:06Maaring 16% ang itataas niyan base raw sa kanilang simulation.
19:10Coal only had a slight increase, but the transportation insurance is more expensive now.
19:15Liquefied natural gas is now triple, from 12 pesos to about more than 25 ng.
19:22Yes, there is an impact and I think we're trying to find ways to mitigate that.
19:31Not only on the grid area, but also on off-grid kasi diesel-based nila.
19:36So we'll report on that once we have more definite plans and calculations.
19:43Bilang bahagi ng pagtitipid, ipinatutupad ng 4-day work week sa mga ahensya ng gobyerno, alinsunod sa utos ni Pangulong
19:51Bongbong Marcos.
19:52Ang Department of Social Welfare and Development, sinigurong hindi raw maaantala ang kanilang mga programa at serbisyo.
19:58Nananatiling fully operational din ang ilang serbisyo ng PhilHealth.
20:02Ang GSIS, sinigurong bukas ang kanilang service counters,
20:05kabilang ang lobby at pensioner's lounge mula lunes hanggang biyernes sa pamamagitan ng adjusted frontline shifts.
20:12Patuloy rin ang operasyon sa SSS branches sa pamamagitan din ng shifting work schedule.
20:16Susunod din daw ang Department of Justice pero babalansihin daw nila ito para hindi maapektuhan ng akses sa hostisya ng
20:23publiko.
20:23Sa Department of Education, work from home tuwing biyernes ang mga kasamang non-teaching at related teaching personnel
20:29habang patuloy nasusunod din ang teaching personnel ng nakatakdanan nilang schedule.
20:33Ang Korte Suprema, magkakaroon ng flexible work arrangements sa kanilang mga opisina,
20:38maging sa Court of Appeals, Sandigan Bayan at first at second level na mga korte.
20:42Basta hindi daw dapat maging dahilan ito para i-cancela o ipagpaliba ng mga pagdinig na nauna ng nakaschedule.
20:50Bakit nga ba hindi pwedeng lagyan ng cap o hangganan ng taas presyo sa mga produktong petrolyo?
20:55I-pinaalala ng Energy Department na wala silang kapangyarihang kontrol ng presyo dahil sa Oil Deregulation Law.
21:01Kung nga amyendahan ng batas, ayon kay Garin, maaari raw makatulong pero sa ngayon ay nakatoon sila sa agarang mga
21:07solusyon.
21:08The Oil Deregulation doesn't only speak about prices. There are other things that it regulates.
21:18So maybe an amendment to the law, not the entire law.
21:22If Congress wishes to do so, that's their legislative action.
21:29Kanina tinalakay na sa Kamara ang panukalang bigyan ng Pangulo ng Kapangyariyang suspendihan ng excise tax sa langis.
21:35Sakaling matuloyan na ayon sa DOE, 6 hanggang 10 piso agad ng tapiya sa presyo ng kada litro ng diesel
21:41at gasolina.
21:42It can be suspended 1 month, 2 months, 6 months depends on the wisdom of the committee.
21:50But it could be a limited authority on the President.
21:53What is up for consideration is not the abolition but rather just the empowerment of the President
21:59so that the President can validly make a decision whether to suspend, to reduce itong ating mga excise tax on
22:09fuel.
22:10Nagpanukala rin ang economic manager sa Pangulo ng ibang paraan para maibsa ng epekto ng krisis sa Middle East.
22:16Kasama na dyan yung fuel conservation and then of course yung mga subsidies for the most vulnerable,
22:22especially those producers of food transport sector in general.
22:27Sa Merkoles, nakadakdag magkaroon ng pagdinigang House Ways and Means Committee
22:32tungkol sa panukalang batas na nagbibigay ng emergency power sa Pangulo
22:36na suspendihin ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
22:40Kung sakali na is-certify as urgent ng Pangulo ang panukalang batas na iyan,
22:44sa susunod na linggo ay maaaring na raw itong maaprobahan ng Kamara.
22:48We recognize that this is a challenge we must face head on,
22:53which is why the House of Representatives will work with the executive
22:57to focus on the measures that will help push on the effects of rising oil prices.
23:02Pag-aaralan rin ng Senado ang paghahain ng parehong panukala.
23:06Discuss it and hopefully we'll be able to come up with something that would be able to address
23:11the would-be problems that we will be encountering.
23:15Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
23:20Labing limang sugata ng araruhin ng kotse ang isang pampaseheron jeep sa Cebu.
23:25Sugata naman ang isang tindero sa Rizal nang maatrasan ng SUV.
23:29Saksi, si Femarie Dumamok ng GMA Regional TV.
23:37Sa gitna ng paggaloy ng trapiko sa bahagi ng J.P. Rizal Street sa Rodriguez, Rizal, kagabi,
23:42nagkaroon ng banggaan.
23:46Sa lakas nito, napatayo ang nagtitinda sa kabilang kalsada hanggang sa...
23:53Diglang umatras ang isang SUV na nagdirediretsyo hanggang maatrasan ang tindero.
23:59Tatakbo pa sana siya palayo pero mabilis siyang naabutan ng kotse.
24:03Base sa investigasyon ng mga polis,
24:05nasa gasolinahan ang SUV nang masagi nito ng sasakyan sa harapan nito.
24:09Habang siya'y nagmamana yung palapas, hindi niya nakala na yung kanyang nagtapakan ay yung mismong accelerator.
24:17Sugatan ang nabanggang tindero.
24:20Nangako naman ang driver ng SUV na sasagutin nito ang pagpapaayos ng food cart at pagpapagamot sa biktima.
24:27Babayaran din daw ng driver ang sweldo ng biktima habang nagpapagaling sa ospital.
24:32Sa Cebu, nakatayo lang sa gilid ng kalsada ang isang babae na may kargang bata at dalawa pang bata.
24:40Huminto ang isang jeep sa likuran nila para magsakay ng pasahero.
24:44Lumapit din sa jeep ang isang lalaki na nakasuot ng puting damit.
24:47Ilang saglit lang, diglang inararo ng isang pulang kotse ang jeep, pati ang mga tao.
24:53Sa lakas ng impact, tumilapo ng lalaking nakasuot ng puting damit na ayon sa polisya ay isa ring driver na
25:00magpapabaryalang sana.
25:02Nadaga na naman ang tumaghilid na jeep ang babaeng may kargang bata at dalawa pang bata.
25:07Kita naman sa isa pang video na nagtulungan ang ilang motorista at mga tao sa paligid para itayo ang jeep.
25:14Kita rin ang paglabas ng mga pasahero mula sa jeep.
25:17Arestado ang nang-ararong driver na sinabing nasira ang manibela ng kanyang sasakyan.
25:36Sugatan ang driver ng jeep at anim nitong pasahero.
25:39Damay rin ang limang pedestrian at tatlong sakay ng nang-ararong sasakyan.
25:44Patuloy ang embistigasyon ng polisya.
25:46Para sa GME Integrated News, ako si Femarie Dumabuk ng GME Regional TV.
25:53Ang inyong saksi!
25:55Bahagi po ng misyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang working visit sa New York sa Amerika
26:00ang manawagang resolbahin ang krisis sa gitnang silangan.
26:04Saksi si Joseph Moro.
26:09Mag-aalak stress ng hapon, dumating dito sa New York sa Amerika si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa
26:15Araneta Marcos.
26:16Pangunahin sa kanyang misyon ang ikampanya ang Pilipinas sa United Nations para makuha nito ang non-permanent seats sa UN
26:23Security Council.
26:24Ang UN Security Council ang nagpapasa ng mga resolusyon na binding o dapat sinusunod ng mga bansang kasapi ng UN.
26:31Halimbawa ang pagpapataon ng mga sanksyon o kaya naman ay pag-uauthorize ng paggamit ng puwersa.
26:36Sabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Babes Romualdez,
26:40may bigat at timing kung makukuha ito ng Pilipinas para sa taon 2027 hanggang 2028.
26:47Lalo pang at may gera sa gitnang silangan at may sarili tayong isyo sa West Philippine Sea.
26:52To us, especially for the world, having a seat at the Security Council, even if it's a temporary seat, meaning
26:58to say it's not a permanent seat,
26:59it still makes an impact for us, precisely because of the conflicts or rather the challenges that we face.
27:06Dagdag pa ni Romualdez sa parehong talumpati, kukuni na rin ang Pangulo ang pagkakataon na magpahayag ng posisyon ng Pilipinas
27:13tungkol sa gera sa gitnang silangan.
27:15At the same time, because of what's happening all over the world, I think especially in the Middle East,
27:21I think the President would like to take the opportunity to be able to speak at the General Assembly of
27:25the United Nations
27:27and be able to at least push for what he has said, a peaceful settlement of the conflict that's going
27:38on.
27:38Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo na mananawagan siya para sa restraint o pagtitimpi, dialogo at paggalang sa international law.
27:46Malayo man sa Pilipinas ang gera sa gitnang silangan, malapit naman sa bituka ng mga Pilipino ang epekto nito,
27:53katulad na lamang sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
27:56Kaya nga sa gagawing talumpati ng Pangulo sa United Nations dito sa Amerika, ipaparinig niya ang boses ng mga Pilipino
28:03at ng Pilipinas.
28:04Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong ang inyong saksi.
28:10Sumadsad sa panibagong pinakamababang level ang palitan ng piso kontra dolyar.
28:15Nagsara po ito sa 59 pesos and 50 centavos na pinakamahina sa kasaysayan.
28:21Nahikita nito ang dating record na 59 pesos and 46 centavos na naitala noong January 15.
28:27Ay sa isang ekonomista, may kaugnayan ang paghina ng piso kontra dolyar sa pagtaas ng presyo ng langis
28:33sa world market na ngayon po ay nasa $100 per barrel na.
28:38Ang international benchmark na Brent Crude ay umakyat ng 30% para pumalo sa $119
28:45ang bawat bariles na pinakamataas mula noong July 2022.
28:52Handa raw si Atty. Levito Baligod at 18 dating Marines na harapin ang mga panibagong reklamang perjury at cyber libel
29:00na isinampalaban sa kanila.
29:01Saksi si Sandra Aguinaldo.
29:08Magkasamang dumating sina Rep. Laila de Lima at Fr. Flavi Villanueva sa Department of Justice.
29:14Nagsampa sila ng magkahiwalay na reklamang perjury laban sa 18 dating Marines na nagsabing
29:20nag-deliver sila ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno mula o mano kay dating Rep. Zaldico.
29:25Sa pinagsamang sinumpaang salaysay ng mga dating sundalo at sinabi nilang inutusan sila ni Co na mag-deliver ng mga
29:32maletang may lamang pera.
29:33Kabilang sa binanggit na nakatanggap ng pera o mano, si De Lima. Mariin niya itong itinanggi.
29:40Sa National Bureau of Investigation naman, nag-file ng cyber libel complaint sina De Lima at Fr. Flavi laban sa
29:47abogadong si Levito Baligod na kasama ng mga dating sundalo.
29:51Since these are untruthful statements made in their affidavit, sorn affidavit, nagpasya po ako na mag-file ng complaint affidavit
30:00for perjury kasi nga ako kasinungalingan.
30:02Nabanggit din sa affidavit na si Co umano ang gumasto sa pagbisita ng mga kinatawa ng International Criminal Court sa
30:10Pilipinas.
30:10At isa umano sa pinuntahan nila ang bahay kalinga para makausap ang mga biktima ng drug war ni dating Pangulong
30:17Duterte.
30:17Ito raw ang dahilan ng pagdulog sa DOJ ni Fr. Flavi.
30:22Ito ay naniniwala ko isang pananakot, paninira sa integridad ng ICC.
30:31Sinagawa nila ito, itinaon nila ito sa investigasyon.
30:35Pangalawa, dinawit nila at pilit dinadawit yung mga taong gustong ilantad yung katotohanan.
30:42Sa tanong kung sino ang nasa likod ng mga umunay dating Marines, sabi ni Delima,
30:47Could only be the handiwork of the Duterte camp. Tingnan nyo po naging timing kung saan nandyan yung impeachment proceedings
30:54against the Vice President.
30:55Hiningan namin ng reaksyon si Vice President Sara Duterte.
30:59Pero nauna nang sinabi ng Vice President na hindi niya kilala ang mga dating sundalo.
31:04Sinabi rin niya na walang makapagsabi sa kanila na kinausap o nakipagkita siya sa mga ito.
31:10Welta naman ang dating Chief Presidential Legal Counsel ni dating Pangulong Duterte.
31:15Wala o mano, may katiting na kredibilidad ang sinabi niya na Delima at Father Flavi.
31:21Hindi raw ito nararapat pang sagutin.
31:23Sinabi naman ni Baligod na handa silang harapin ang mga akusasyon.
31:28Sana raw ang mga napanggit sa affidavit ay handa ring harapin ang mga akusasyon nila.
31:33Nagsam pa rin sa DOJ ng reklamong cyber libel si Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang.
31:40Laban kay Baligod at cyber libel complaint naman laban sa 18 ex-Marines.
31:46Sa Supreme Court naman, nag-file si Catapang ng disbarment complaint laban kay Baligod
31:51dahil sa mga hindi totoong payag nito sa media.
31:54Matatanda ang sinabi sa affidavit ng mga dating sundalo na si Catapang Umano
31:58ang nagbigay ng walong maleta kay Ko sa isang hotel.
32:02Mariin itong itinanggi ni Catapang.
32:04Baka naman na-waylaid lang sila ng mga nag-udyok sa kanila na mag-testify against me.
32:12Sagot naman ni Baligod, inaasahan na nila na meron pa mga darating na reklamo laban sa kanila
32:17pero hindi raw sila pinanghihinaan ng loob.
32:21Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
32:27Opesyal na ang idineklara ng pag-asa ang pagtatapos ng Laniña ngayong araw.
32:32Ibig sabihin, bumalik na sa tinatawag na Enso Neutral ang panahon sa bansa
32:35kung saan walang umiiral na Laniña o El Niño.
32:40Ay sa pag-asa, ang kondisyong ito ay magpapatuloy hanggang kalagitnaan ng taon.
32:45At kahit wala na raw ang Laniña, maari pa rin magkaroon ng malalakas na ulan
32:49dulot ng ibupang weather at climate system.
33:03Bumagsak at sumabog sa harap ng mga manonood
33:06ang fireworks na bahagi ng panagbanga fireworks displays sa Baguio City.
33:10At ayon sa polisya, pumaliang isa sa mga fireworks
33:13kaya tumama sa mga bahagi ng skating rink kung saan nakaupo
33:17ang mga mag-anak mula pang gasinan.
33:20Ito ang nagtamon ng first-degree birds
33:23at isa ang inoobserbahan sa ospital
33:25dahil sa malalim na sugat sa paa.
33:27Sa isang payag, sinabi ng Baguio Flower Festival Foundation
33:30natutulong sila sa embisigasyon.
33:33Aakuin din daw ng grupo ang gastusin ng mga nasaktan
33:36ayon kay Mayor Benjamin Magali.
33:44Isinilang na po ang baby number two
33:46na mag-asawang Rocco Nasino at Melissa Gohing.
33:50Meet baby Aion Azriel na ipinanak nitong Martes, March 3.
33:56Proud family of four na nga raw sila
33:58at bumuhos naman na pagbati sa celebrity couple.
34:06Ikakasal na nga ba si Bea Alonzo?
34:09Yan po ang tanong ng marami nang makita sa livestream
34:12na isang simbahan sa Maynila
34:14ang marriage bans ng aktres
34:16at ng kanyang businessman boyfriend
34:18na si Vincent Koch.
34:20Gamit dito ang kanilang legal names
34:23at tatlong magkakasunod na linggo
34:25madalas isinasa publiko ang mga marriage ban.
34:28Sinusubukan pa namin makuna na pahayag si Bea.
34:32Dati ng nabanggit na aktres
34:33na pinipili niyang gawing privado
34:35ang kanyang love life.
34:44Halos ta ngayon ang malakas na hangin
34:46ang magkakaibigang umakyat ng bundok
34:48sa Zamboanga del Sur.
34:50Kita po ang lakas
34:51ng hampas ng hangin
34:52pati na rin kung gaano kahigpit
34:54ang kapit ng magkakaibigan
34:56sa isa't isa.
34:58Kinaliwa naman ang mga netizen
35:00ang pabirong caption nila
35:01nang ilayunin
35:02ay makauwi ng buo.
35:05Nagpaalam naman daw sila
35:06at nang mag-viral ang kanilang video
35:08nakita rin ito
35:10ng kanilang mga magulang.
35:15Salamat po sa inyong pagsaksi.
35:17Ako po si Pia Arcangel.
35:18Para sa mas malaking misyon
35:20at sa mas malawak
35:21na paglilingkod sa bayan.
35:24Mula po sa GMA Integrated News,
35:26ang news authority
35:27ng Pilipino.
35:28Hanggang bukas,
35:30sama-sama po tayong magiging
35:31saksi.
35:33Saksi!
35:38Mga kapuso,
35:40maging una sa saksi.
35:41Mag-subscribe sa GMA Integrated News
35:43sa YouTube
35:43para sa ibat-ibang balita.
Comments