Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukas pa ang nakalululang taas presyo sa petrolyo pero ramdam na ang epekto nito sa pagkain, sa delivery at shipping
00:07fees at pati na sa pamasahe at ilang biyahe ng barko.
00:10At ang singil naman sa kuryente, posibleng tumaas ng 16% ang sa Energy Department.
00:16Saksi si Darlene Cai.
00:21Parang pagtumba ng mga dominong epekto ng malawak ang taas presyo sa produktong petrolyo dahil sa sunod-sunod na dulot
00:27nito sa iba't ibang sektor at bilihin.
00:30Tulad sa agrikultura at pagkain.
00:32Nauna ng nagmahal ng hindi baba pa sa isandaang piso kada kilo ang ilang klase ng isda sa Bulungan Seafood
00:38Market sa Paranaque.
00:39Limandaang piso kada banyera naman ang iminahal ng isda sa Balintawak Market sa Quezon City.
00:44At hindi na kada kilo kong ibenta para kayani ng budget ng mamimili.
00:48Binabawasan namin sa timbang. Kami nalang bahala dumiskarte, nga mano yung isda namin.
00:53Pati ilang gulay tulad ng talong, kalabasa at kalamansi nagmahal din.
00:58Nag-adjust ng konti na kumita.
01:00Sa pang-araw-araw. Pambayad ng mga bayarin. Pwesto. Kailang gumita, marami kami pinapasahod.
01:06Mahal na kasi ang gaso sa delivery dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
01:09Para pumabawi namin yung diesel na itinaas nila.
01:14Kapiktalo na rin.
01:17Kasi araw-araw kami bumabiyahi.
01:19Sa lawag City, Locos Norte, bihira ng pumalaot ang ilang mangingisda dahil sa sobrang mahal ng gasolina.
01:26May mga naglalatagbuna ng mga fish cage para makapagparami ng tilapia.
01:30Pati epekto sa shipping fee, hindi raw may iwasan lalot ayon sa Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations.
01:3750% ng kanilang operasyon ay gumagamit ng diesel.
01:41Nagsisimula na kaming mag-advise sa aming mga clients.
01:45Inevitably also, increase sa aming services.
01:50And this could account for at least 20 up to 30% of increase in transportation service.
01:59Ilang transport group na ang humiling na payagan silang magdagdagpasahe sa jeepney, mga city bus at TNVS.
02:06Naganoon siya na rin ang pansamantalang taspasayang ilang shipping companies sa Cebu.
02:09Pati temporary suspension ng ilang biyahe bilang pagtitipid sa krudo.
02:14Nagtaas na rin ang pasahe sa Roro ang ilang kumpanyang may biyahe papuntang Zamboanga City at Isabela City, Basilan.
02:20Ang epekto sa bayarin sa kuryente, posibleng sa Abril maramdaman ayon sa Department of Energy.
02:25Maaring 16% ang itataas niyan base raw sa kanilang simulation.
02:29Coal only had a slight increase but the transportation insurance is more expensive now.
02:34Liquefied natural gas is now triple from P12 pesos to about more than P25.
02:41Yes, there is an impact and I think we're trying to find ways to mitigate that.
02:50Not only on the grid area but also on off-grid kasi diesel-based nila.
02:55So we'll report that once we have more definite plans and calculations.
03:02Bilang bahagi ng pagtitipid, ipinatutupad na ang four-day work week sa mga ahensya ng gobyerno,
03:08alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:11Ang Department of Social Welfare and Development, sinigurong hindi raw maaantala ang kanilang mga programa at serbisyo.
03:17Nananatiling fully operational din ang ilang serbisyo ng PhilHealth.
03:20Ang GSIS, sinigurong bukas ang kanilang service counters, kabilang ang lobby at pensioner's lounge mula lunas hanggang biyernes
03:28sa pamamagitan ng adjusted frontline shifts.
03:31Patuloy rin ang operasyon sa SSS branches sa pamamagitan din ng shifting work schedule.
03:35Susunod din daw ang Department of Justice pero babalansin daw nila ito para hindi maapektuhan ng access sa hostisya ng
03:42publiko.
03:43Sa Department of Education, work from home tuwing biyernes ang mga kasamang non-teaching at related teaching personnel.
03:48Habang patuloy nasusundin ang teaching personnel ng nakatakdanan nilang schedule.
03:53Ang Korte Suprema, magkakaroon ng flexible work arrangement sa kanilang mga opisina,
03:57maging sa Court of Appeals, Sandigan Bayan at first at second level ng mga korte.
04:01Basta hindi raw dapat maging dahilan ito para i-cancela o ipagpaliba ng mga pagdinig na nauna ng nakaschedule.
04:09Bakit nga ba hindi pwedeng lagyan ng cap o hangganan ng taas presyo sa mga produktong petrolyo?
04:14Ipinaalala ng Energy Department na wala silang kapangyarihang kontrol ng presyo dahil sa oil deregulation law.
04:20Kung aamiendahan ng batas, ayon kay Garin, maaari raw makatulong pero sa ngayon ay nakatuon sila sa agarang mga solusyon.
04:27The oil deregulation is not just, that doesn't only speak about prices. There are other things that it regulates.
04:37So maybe an amendment to the law, not the entire law. If Congress wishes to do so, that's their legislative
04:47action.
04:48Kanina tinalakay na sa Kamara ang panukalang bigyan ng Pangulo ng Kapangyariyang suspendihan ng excise tax sa langis.
04:54Sakaling matuloy yan, ayon sa DOE, 6 hanggang 10 piso agad ang tapiya sa presyo ng kada litro ng diesel
05:01at gasolina.
05:02It can be suspended 1 month, 2 months, 6 months, depends on the wisdom of the committee.
05:09But it could be a limited authority on the President.
05:12What is up for consideration is not the abolition but rather just the empowerment of the President
05:18so that the President can validly make a decision whether to suspend, to reduce itong ating mga excise tax on
05:28fuel.
05:29Nagpanukala rin ang economic manager sa Pangulo ng ibang paraan para maibsa ng epekto ng krisis sa Middle East.
05:35Kasama na dyan yung fuel conservation and then of course yung mga subsidies for the most vulnerable,
05:41especially those producers of food transport sector in general.
05:46Sa Merkoles, nakadakdag magkaroon ng pagdinigang House Ways and Means Committee
05:51tungkol sa panukalang batas na nagbibigay ng emergency power sa Pangulo
05:55na suspendihin ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
05:59Kung sakali na is-certify as urgent ng Pangulo ang panukalang batas na iyan,
06:03sa susunod na linggo ay maaaring na raw itong maaprobahan ng Kamara.
06:07We recognize that this is a challenge we must face head on,
06:12which is why the House of Representatives will work with the executive
06:16to focus on the measures that will help cushion the effects of rising oil prices.
06:21Pag-aaralan rin ng Senado ang paghahain ng parehong panukala.
06:25Discuss it and hopefully we'll be able to come up with something that would be able to address
06:30the would-be problems that we will be encountering.
06:34Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
06:39Labing limang sugata ng araruhin ng kotse ang isang pampaseheron jeep sa Cebu.
06:44Sugata naman ang isang tindero sa Rizal nang maatrasan ng SUV.
06:48Saksi, si Femarie Dumamok ng GMA Regional TV.
06:56Sa gitna ng pagdaloy ng trapiko sa bahagi ng J.P. Rizal Street sa Rodriguez, Rizal, kagabi,
07:01nagkaroon ng banggaan.
07:05Sa lakas nito, napatayo ang nagtitinda sa kabilang kalsada hanggang sa...
07:12Diglang umatras ang isang SUV na nagdirediretsyo hanggang maatrasan ang tindero.
07:18Tatakbo pa sana siya palayo pero mabilis siyang naabutan ng kotse.
07:22Base sa embestigasyon ng mga polis,
07:24nasa gasolinahan ang SUV nang masagi nito ng sasakyan sa harapan nito.
07:29Habang siya'y nagmamana yung palapas, hindi niya nakala na yung kanyang nagtapakan ay yung mismong accelerator.
07:36Sugatan ang nabanggang tindero.
07:39Nangako naman ang driver ng SUV na sasagutin nito ang pagpapaayos ng food cart at pagpapagamot sa biktima.
07:46Babayaran din daw ng driver ang sweldo ng biktima habang nagpapagaling sa ospital.
07:52Sa Cebu, nakatayo lang sa gilid ng kalsada ang isang babae na may kargang bata at dalawa pang bata.
07:59Huminto ang isang jeep sa likuran nila para magsakay ng pasahero.
08:03Lumapit din sa jeep ang isang lalaki na nakasuot ng puting damit.
08:06Ilang saglit lang, biglang inararo ng isang pulang kotse ang jeep, pati ang mga tao.
08:12Sa lakas ng impact, tumilapo ng lalaking nakasuot ng puting damit na ayon sa polis siya ay isa rin driver
08:19na magpapabaryalang sana.
08:21Nadaga na naman ang tumaghilid na jeep ang babaeng may kargang bata at dalawa pang bata.
08:26Kita naman sa isa pang video na nagtulungan ang ilang motorista at mga tao sa paligid para itayo ang jeep.
08:33Kita rin ang paglabas ng mga pasahero mula sa jeep.
08:36Arestado ang nang-ararong driver na sinabing nasira ang manibela ng kanyang sasakyan.
08:55Sugatan ang driver ng jeep at anim nitong pasahero.
08:58Damay rin ang limang pedestrian at tatlong sakay ng nang-ararong sasakyan.
09:03Patuloy ang embistigasyon ng polis siya.
09:05Para sa GME Integrated News, ako si Femarie Dumabuk ng GME Regional TV.
09:12Ang inyong saksi!
09:14Bahagi po ng misyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang working visit sa New York sa Amerika
09:19ang manawagang resolbahin ang krisis sa gitnang silangan.
09:23Saksi si Joseph Moro.
09:28Mag-aalas stress ng hapon, dumating dito sa New York sa Amerika si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa
09:34Araneta Marcos.
09:35Pangunahin sa kanyang misyon ang ikampanya ang Pilipinas sa United Nations para makuha nito ang non-permanent seats sa UN
09:42Security Council.
09:43Ang UN Security Council ang nagpapasa ng mga resolusyon na binding o dapat sinusunod ng mga bansang kasapi ng UN.
09:50Halimbawa ang pagpupataw ng mga sanksyon o kaya naman ay pag-uauthorize ng paggamit ng puwersa.
09:55Sabi ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Babes Romualdez,
09:59may bigat at timing kung makukuha ito ng Pilipinas para sa taon 2027 hanggang 2028,
10:06lalo pang at may gera sa gitnang silangan at may sarili tayong isyo sa West Philippine Sea.
10:11To us, especially for the world, having a seat at the Security Council,
10:15even if it's a temporary seat, meaning it's not a permanent seat,
10:18it still makes an impact for us, precisely because of the conflicts or rather the challenges that we face.
10:25Dagdag pa ni Romualdez sa parehong talumpati,
10:28kukuni na rin ang Pangulo ang pagkakataon na magpahayag ng posisyon ng Pilipinas tungkol sa gera sa gitnang silangan.
10:34At the same time, because of what's happening all over the world,
10:37I think especially in the Middle East,
10:40I think the President would like to take the opportunity to be able to speak
10:43at the General Assembly of the United Nations
10:46and be able to at least push for what he has said,
10:53a peaceful settlement of the conflict that's going on.
10:57Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo na mananawagan siya
11:00para sa restraint o pagtitimpi, dialogo at paggalang sa international law.
11:05Malayo man sa Pilipinas ang gera sa gitnang silangan,
11:08malapit naman sa bituka ng mga Pilipino ang epekto nito,
11:12katulad na lamang sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
11:16Kaya nga, sa gagawing talumpati ng Pangulo sa United Nations dito sa Amerika,
11:20ipaparinig niya ang boses ng mga Pilipino at ng Pilipinas.
11:23Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong ang inyong saksi.
11:29Sumadsad sa panibagong pinakamababang level ang palitan ng piso kontra dolyar.
11:34Nagsara po ito sa 59 pesos and 50 centavos na pinakamahina sa kasaysayan.
11:40Nahikita nito ang dating record na 59 pesos and 46 centavos na naitala noong January 15.
11:46Ayon sa isang ekonomista,
11:48may kaugnayan ang paghina ng piso kontra dolyar sa pagtaas ng presyo ng langis
11:52sa world market na ngayon po ay nasa $100 per barrel na.
11:57Ang international benchmark na Brent Crude ay umakyat ng 30% para pumalo sa $119
12:04ang bawat bariles na pinakamataas mula noong July 2022.
12:11Handa raw si Atty. Levito Baligod at 18 dating Marines na harapin ang mga panibagong reklamong perjury at cyber libel
12:19na isinampalaban sa kanila.
12:21Saksi si Sandra Aguinaldo.
12:27Magkasamang dumating si na Rep. Laila de Lima at Fr. Flavi Villanueva sa Department of Justice.
12:33Nagsampa sila ng magkahiwalay na reklamong perjury laban sa 18 dating Marines na nagsabing
12:39nag-deliver sila ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno mula o mano kay dating Rep. Zaldico.
12:45Sa pinagsamang sinumpa ang salaysay ng mga dating sundalo,
12:48at sinabi nilang inutusan sila ni Co na mag-deliver ng mga maletang may lamang pera.
12:52Kabilang sa binanggit na nakatanggap ng pera o mano, si De Lima.
12:56Mariin niya itong itinanggi.
12:59Sa National Bureau of Investigation naman,
13:02nag-file ng cyber libel complaint si na De Lima at Fr. Flavi laban sa abogadong si Levito Baligod na
13:08kasama ng mga dating sundalo.
13:10Since these are untruthful statements made in their affidavit, sworn affidavit,
13:15nagpasya po ako na mag-file ng complaint affidavit for perjury kasi nga ako kasinungalingan.
13:21Nabanggit din sa affidavit na si Co Umano ang gumasto sa pagbisita ng mga kinatawa ng International Criminal Court sa
13:29Pilipinas.
13:29At isa Umano sa pinuntahan nila ang bahay kalinga para makausap ang mga biktima ng drug war ni dating Pangulong
13:36Duterte.
13:36Ito raw ang dahilan ng pagdulog sa DOJ ni Fr. Flavi.
13:41Ito ay naniniwala ko isang pananakot, paninira sa integridad ng ICC.
13:50Sinagawa nila ito, itinaon nila ito sa investigasyon.
13:54Pangalawa, dinawit nila at pilit dinadawit yung mga taong gustong ilantad yung katotohanan.
14:01Sa tanong kung sino ang nasa likod ng mga umunoy dating Marines, sabi ni Delima,
14:06Could only be the handiwork of the Duterte camp.
14:10Tingnan nyo po naging timing kung saan nandyan yung impeachment proceedings against the Vice President.
14:14Hiningan namin ng reaksyon si Vice President Sara Duterte.
14:18Pero nauna nang sinabi ng Vice President na hindi niya kilala ang mga dating sundalo.
14:24Sinabi rin niya na walang makapagsabi sa kanila na kinausap o nakipagkita siya sa mga ito.
14:30Welta naman ang dating Chief Presidential Legal Counsel ni dating Pangulong Duterte.
14:34Wala o Mano, may katiting na kredibilidad ang sinabi ni na Delima at Father Flavi.
14:40Hindi raw ito nararapat pang sagutin.
14:43Sinabi naman ni Baligod na handa silang harapin ang mga akusasyon.
14:47Sana raw, ang mga napanggit sa affidavit ay handa rin harapin ang mga akusasyon nila.
14:52Nagsam pa rin sa DOJ ng reklamong cyber libel si Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang
14:59laban kay Baligod at cyber libel complaint naman laban sa 18 ex-Marines.
15:05Sa Supreme Court naman, nag-file si Catapang ng disbarment complaint laban kay Baligod
15:10dahil sa mga hindi totoong payag nito sa media.
15:13Matatanda ang sinabi sa affidavit ng mga dating sundalo na si Catapang Umano
15:17ang nagbigay ng walong maleta kay Ko sa isang hotel.
15:21Mariin itong itinanggi ni Catapang.
15:23Mga naman na-waylaid lang sila ng mga nag-uudyok sa kanila na mag-testify against me.
15:31Sagot naman ni Baligod, inaasahan na nila na meron pa mga darating na reklamo laban sa kanila
15:36pero hindi raw sila pinanghihinaan ng loob.
15:40Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
15:46Mga kapuso, maging una sa saksi.
15:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended