00:00Mga panibagong reklamo ang inihain laban sa 18 nagpakilalang sundalo ng mga dati umanong tauhan ni Zaldico
00:07at laban sa kasama nilang si Atty. Levito Baligod.
00:11Kabilang dyan ang perjury at cyber libel na inihain ni Congresswoman Laila de Lima at isang pari.
00:17Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:22Magkasamang dumating si na-Representative Laila de Lima at Father Flavi Villanueva sa Department of Justice.
00:28Nagsampa sila ng magkahihwalay na reklamong perjury laban sa 18 dating marines na nagsabing nag-deliver sila ng pera sa
00:36ilang opisyal ng gobyerno mula umano kay dating Representative Zaldico.
00:40Sa pinagsamang sinumpaang salaysay ng mga dating sundalo, sinabi nilang inutusan sila ni Co na mag-deliver ng mga maletang
00:47may lamang pera.
00:48Kabilang sa binanggita na katanggap ng pera umano, si De Lima. Mariin niya itong itinanggi.
00:54Sa National Bureau of Investigation naman, nag-file ng cyber libel complaint si na De Lima at Father Flavi laban
01:01sa abogadong si Levito Baligod na kasama ng mga dating sundalo.
01:05Since these are untruthful statements made in their affidavit, sorn affidavit, yung pinagsamang sinumpaang salaysay, signed and executed by these
01:1518 alleged ex-marines,
01:19ay nagpasya po ako na mag-file ng complaint affidavit for perjury kasi nga ako kasinungalingan.
01:25Nabanggit din sa affidavit na si Co Umano ang gumasto sa pagbisita ng mga kinatawa ng International Criminal Court sa
01:33Pilipinas
01:33at isa umano sa pinuntahan nila ang bahay kalinga para makausap ang mga biktima na drug war ni dating Pangulong
01:40Duterte.
01:41Ito raw ang dahilan ng pagdulog sa DOJ ni Father Flavi.
01:45Sa ngalan ng mga biniktima na extrajudicial killing noong panahon ni Rodrigo Duterte, kami po ay naninindigan sa katotohanan.
01:55Ito ay naniniwala ko isang pananakot, paninira sa integridad ng ICC.
02:04Sinagawa nila ito, itinaon nila ito sa investigasyon.
02:08Pangalawa, dinawit nila at pilit dinadawit yung mga taong gustong ilantad yung katotohanan.
02:15Sa tanong kung sino ang nasa likod ng mga umunay dating Marines, sabi ni Delima,
02:20It could only be the handiwork of the Duterte camp.
02:23Tingnan niyo po naging timing kung saan nandyan yung impeachment proceedings against the Vice President,
02:28kung saan nandyan yung mga kaganapan sa ICC,
02:32katatapos lang ng confirmation of charges hearing, sa kanila linabas ito.
02:36To distract, napakaklaro po ng agenda na yan.
02:40To confuse, to create confusion.
02:42Hiningan namin ng reaksyon si Vice President Sara Duterte.
02:46Pero nauna nang sinabi ng Vice President na hindi niya kilala ang mga dating sundalo.
02:51Sinabi rin niya na walang makapagsabi sa kanila na kinausap o nakipagkita siya sa mga ito.
02:57Buelta naman ang dating Chief Presidential Legal Counsel ni dating Pangulong Duterte,
03:02Wala o mano ni katiting na kredibilidad ang sinabi niya na Delima at Father Flavi.
03:08Hindi raw ito nararapat pang sagutin.
03:10Sinabi naman ni Baligod na handa silang harapin ang mga akusasyon.
03:14Sana raw ang mga nabanggit sa affidavit ay handa ring harapin ang mga akusasyon nila.
03:20Nagsam pa rin sa DOJ ng reklamong cyber libel si Bureau of Corrections Chief Gregorio Katapang laban kay Baligod
03:28at cyber libel complaint naman laban sa 18 ex-Marines.
03:32Sa Supreme Court naman, nag-file si Katapang ng disbarment complaint laban kay Baligod
03:37dahil sa mga hindi totoong payag nito sa media.
03:40Matangtanda ang sinabi sa affidavit ng mga dating sundalo na si Katapang Umano
03:45ang nagbigay ng walong maleta kay Ko sa isang hotel.
03:49Mariin itong itinanggi ni Katapang.
03:51Baka naman na-waylaid lang sila ng mga nag-udyok sa kanila na mag-testify against me.
03:59Willing naman ako kung basta i-withdraw nila yung statement nila na nag-deliver ako ng walong maleta
04:07at hindi ako corrupt.
04:09Sagot naman ni Baligod, inaasahan na nila na meron pa mga darating na reklamo laban sa kanila
04:14pero hindi raw sila pinanghihinaan ng loob.
04:18Ayon sa DOJ, pag-aaralan pa nila ang mga isinampang reklamo para matukoy kung uusad ba ito sa preliminary investigation.
04:27Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatuto, 24 Horas.
Comments