00:00Sa paumuna naman ng Bureau of Animal Industry,
00:02ginugunita ngayong buwan ang Rabies Awareness Month.
00:06Kaugnay po dito, ginanap ang Rabies Summit 2026,
00:09kung saan tinalakay ang ibat-ibang hakbang at inisyatiba
00:12upang patuloy nalabanan ang rabies.
00:16Silipin po natin ang mga kaganapan. Let's all watch this.
00:21Nananatiling mahalagang usapin sa pampublikong kalusugan ang rabies,
00:26ngunit may katiyakan ng mga eksperto.
00:28Ito ay ganap na kayang pigilan at wakasan
00:31sa pamagitan ng tamang kaalaman at pagbabakuna.
00:35Sa ginanap na 3-day Rabies Summit na may temang
00:38Bagong Pilipinas, Walang Rabies, Converging to a Rabies Free 2030,
00:43nagsama-sama ang mga pangunay-ahensya ng gobyerno,
00:46katuwang ang Bureau of Animal Industry,
00:48iba't-ibang local government units at mga development partners.
00:52Ang rabies sa Pilipinas ay endemic.
00:54Ibig sabihin, meron tayong rabies dito sa Pilipinas.
00:59Tinalakay dito ang kasalukuyang kalagayan ng rabies sa bansa
01:03at ang mga hakbang upang mapababa ang bilang ng kaso.
01:06Bukod dito, binigyang diin ang pagsunod ng mga LGU
01:10sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa at programa laban sa rabies.
01:14The Bureau of Animal Industry, through our regional program managers,
01:19yung mga deputized na program managers sa Department of Agriculture Regional Field Offices,
01:25sila yung nagko-coordinate papunta sa mga provinces and mga cities and municipalities sa bawat region.
01:33So they monitor the implementation of the rabies program at the regional level.
01:37Inihayag din ang paghahanda para sa nationwide simultaneous rabies vaccination drive
01:42gaganapin sa March 11.
01:44Layunin nito na mapataas ang vaccination coverage sa mga aso at pusa
01:48na pangunahing tagapagdala ng rabies virus.
01:51Ang gusto po natin ipaalala sa lahat bilang responsible pet owners,
01:57huwag natin kalimutan na magpabakuna yung mga alaga nating hayop, aso, pusa.
02:03So for rabies, taon-taon.
02:05The same with yung pagpapakapon, spay and neuter,
02:09we would encourage everybody to consult with your local veterinary offices
02:13to ask for the services na pwede nyo pong i-avail.
02:16Ang laban contra rabies ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan.
02:20Ito ay kolektibong tungkulin ng bawat komunidad, bawat pamilya at bawat pet owner.
02:26Sa huli, iisa lamang ang layunin ng summit na ito,
02:29ang masiguro ang kalusugan ng bawat tao at hayop para sa mas ligtas na kinabukasan para sa bagong Pilipinas.
Comments