00:00Higit 6% ng kumpleto ang konstruksyon ng Samal Island Davao City Connector Bridge Project
00:05na magduluktong sa Davao City at Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.
00:10Kaya para tiyakin ang progresa nito,
00:12ininspeksyon ni Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang naturang proyekto.
00:16Si JC Elipongga sa report.
00:22Malaking ginhawa ang maidudulot ng Samal Island Davao City Connector Bridge Project.
00:28Ayon kay Justine, isang residente na madalas bumiyahe mula Davao City patungo sa Island Garden City of Samal o Igacos
00:38sa Davao del Norte.
00:40Ayon sa kanya, mas makakatipid siya sa pamasahe at oras ng biyahe
00:46dahil hindi na kailangang umasa sa mga sasakyang pandagat upang makatawid sa pagitan ng Davao City at Samal.
00:55Isa sa pinakadako ang atabang if mahuman ang Samal Bridge is accessible na kayo nga makatog Samal,
01:02dili na kay Kosti ba kayo.
01:04Kaugnay nito, nagsagawa ng aerial inspection si DPWH Secretary Vince Dizon sa Samal Island Davao City Connector Bridge.
01:15Nasa higit 62% na ang proyekto at target na makompleto ito sa 2028.
01:22Tapos na rin ang mga underwater foundation columns habang tuloy ang paglalagay ng box girders
01:30at paggawa ng mga pylon at land viaduct para matapos ang proyekto sa takdang panahon.
01:38We are confident now na kinausap ko na yung kontratista, kinausap ko na ang mga engineers natin.
01:44Kaya yan matapos before the end of the term ni PBB.
01:47Ang Samal Island Davao City Connector Bridge ay halos apat na kilometrong cabled stay bridge na nagdudugtong sa Davao City
01:57at Samal.
01:58Inaasahang mapapaikli nito ang biyahe mula 30 hanggang 50 minuto sa limang minuto na lamang,
02:06na mapapalakas ang transportasyon, turismo at ekonomiya ng regyon.
02:13Mula dito sa Davao City, J.C. Aliponga para sa bayan.
Comments