Skip to playerSkip to main content
  • 3 weeks ago
Brigada Eskwela 2026 sa mga paaralan, umarangkada na | ulat ni Sheila Natividad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umarangkada na ang Brigada Eskwela bilang paghahanda sa nalalapit na basukan sa susunod na linggo.
00:06Ang detalya sa report ni Sheila Natividad.
00:11Isang linggo bago ang pagsisimula ng school year 2026 to 2027,
00:16umarangkada na ang Brigada Eskwela sa pangunan ng Department of Education.
00:20Kasabay ng National Kick-Off na pinangunahan ni Education Secretary Sonia Anggara,
00:25nakiisa rin ang mga paaralan sa iba't ibang bahagi ng bansa sa taon ng bayanihan,
00:29para sa paghahanda ng mga silid-aralan bago ang pagbubukas ng klase.
00:33Sa Bagong Silangan Elementary School sa Quezon City,
00:37maagang nagtungo ang mga guro, magulang, mag-aaral at mga buluntaryo
00:41upang makibahagi sa paglilinis at pag-aayos ng mga pasilidad ng paaralan.
00:46Layunin din kasi ng Brigada Eskwela na matiyak na ligtas, malinis at maayos sa mga paaralan
00:51para sa pagbabalik ng milyon-milyong mag-aaral sa susunod na linggo.
00:55Mahalaga ma'am para makatulong din sa paglilinis ng classroom at makilala kung sino yung advisor.
01:03Sinulit na rin ang ibang magulang ang pagkakataon para tingnan sa mga nakapaskil na listahan
01:07ang pangalan ng kanilang mga anak.
01:09At bagamat may kaunting takot para sa kanyang anak dahil tumataas din ang grade level nito,
01:14kumpiyansa naman si Rocha na dekalidad pa rin ang edukasyon na makukuha ng kanyang anak.
01:18Sana makayana niya yung grade 1 kasi hindi ko na siya maahatid siya susunod sa loob ng school,
01:25hindi ka tulad nung kinder siya.
01:27Naniniwala naman ang principal ng eskwelahan na si Dr. Wilma Rosal
01:30na walang batang dapat mapag-iwanan para sa darating na taong pampanuruan.
01:35Ito naman brigada ay taon-taon nating ginagawa.
01:38At syempre, bago naman tayo mag-umpisa, of course,
01:42nagkaroon kami muna ng mga series of meetings and we top different stakeholders
01:47to coordinate and support our brigad eskwela.
01:52Dapat ang isang bata ay maingganyo sila na mag-aral sa pamamagitan ng pagmaaliwalas,
01:58malinis ang kanilang classroom, at ready-ready ang ating mga kaguruan.
02:03Syempre, ang bata ay excited na papasok.
02:07Para sa ganoon ay walang batang QC na mapag-iiwanan.
02:11Binisita rin ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian
02:15ang bagong silangan high school na nagsagawa rin ng brigada eskwela
02:19kung saan may mga four-piece beneficiary na nakilahok.
02:22Masaya po ako, masaya, masaya po.
02:24Binibigyan ko po talaga ng oras ang pagkakataong ito
02:26kasi hindi naman po ito araw-araw.
02:28Bira lang po, isang taon lang po ito mangyari sa isang beses, sa isang taon.
02:32Samantala, inaasahan naman ng DepEd ang patuloy na pakikipagtulungan
02:36ng mga local government unit, pribadong sektor,
02:38at ibat-ibang organisasyon upang matugunan ng mga pangangailangan
02:42ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase.
02:45Kapag usapin ang edukasyon, lumalabas ang diwa ng bayanihan
02:49sa pamamagitan ng brigada eskwela.
02:51At sa sanib na puwersa ng pamahalaan,
02:54ibat-ibang sektor ng lipunan,
02:55kabilang ang mga guro, magulang at kabataan
02:58para sa iisang layunin.
03:00Ang matiyak na handa ang bawat paaralan at mag-aaral
03:03sa pagbubukas ng panibagong pahina ng pagkatuto.
03:08Shilan Natividad para sa Pambansang TV
03:11sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended