00:0015 overseas Filipino workers na na-stranded matapos ang kaguluhan sa Middle East,
00:06ligtas na nakabalik sa Davao Region,
00:09OWA tiniyak ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong OFW sa region.
00:15Si Regine Lanuza ng PTV Davao, sa Sentro ng Balita.
00:21Babiyaki na sana papuntang Jordan si Janeline,
00:24kung saan siya magtatrabaho bilang domestic helper,
00:27upang meron siya pangtusto sa kanyang anak.
00:30Pero hindi pa siya makatuloy sa pagbiyahe dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East ngayon.
00:36Galing na siya sa Riyadh, Saudi Arabia at umuwi lamang dito sa Davao City para magbakasyon.
00:42Mabuti na lang anya at hindi muna siya nakatuloy dahil nag-aalala rin siya sa kanyang siguridad sa Jordan.
00:49Pocos na lang po na ako banding sa akong mga anak,
00:53atimansa ko ang mga esjante, akong pamilya,
00:55sana na lang murag ka ng ngituyog ito sa ginoong dili sa adyud ko pala ka-warn kay yung anak.
01:03Ayon sa Overseas Workers' Welfare Administration o OWA 11,
01:07maraming mga OFW ngayon ang nastrande dahil sa nasabing tensyon.
01:11May mga OFW na nakabiyahe na noong nakaraang Sabado,
01:15sa mismong araw kung kailan nagsimula ang gulo sa Middle East.
01:18Ngunit dahil isinara na ang karamihan sa mga airports sa Middle East,
01:22apektado ngayon ang maraming mga biyahe.
01:25Kaya ang mga OFW na patungo rin sana sa Middle East,
01:29pinauwi muna.
01:30Dagdag pa ng ahensya mula March 3,
01:33nakapagtala na ng labing limang mga stranded na OFW na nakabalik na rito sa Davao Region.
01:39Bagamat wala pang guideline sa pagbibigay ng ayuda,
01:42hiningan na ng detalye ang mga ito upang mapabilis ang proseso ng pagtulong.
01:47Pag-arrive nila sa Manila,
01:48g-accommodate sila sa OWA and then g-book o ticket paulit sa dere,
01:54something g-observe pa, something ongoing pa ang crisis sa Middle East.
01:59Sa ngayon, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring upang matulungan ang mga OFW
02:04na pinauwi muna sa kanilang mga lugar dahil sa tensyon sa Middle East.
02:09Regine Lenuza, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments