00:01Isang malaking hamon ngayon para sa defense team ni Vice President Sara Duterte na pabulaanan ang mga ebidensyang inilatag ng
00:09House Prosecution Panel.
00:11Ayon kay Prosecution Spokesperson Congressman Robert Ace Barbers, matibay at malakas ang kanilang mga hawak na dokumento kaunay ng aligasyon
00:20ng unexplained wealth ng Vice Presidente.
00:23Dagdag pa niya, mga official records mula sa BIR, SEC at SALEN ang kanilang gamit na hindi kailanman madaling manipulahin.
00:32Gaya ng sinabi ko kanina, ito'y galing mismo sa respondent. Yung BIR tax filings niya, yung kanyang SALEN, yung
00:40kanyang shareholding sa corporation mula sa SEC and these records, galing ito sa mga ahensya ng gobyerno na magpapatunay na
00:50ito'y hindi gawa-gawa.
00:52Ipinunto rin ni Bantay Senado, Co-Convenor Atty. Dino De Leon ang mga bank at AMLC records na nag-uugnay
00:59kay Duterte sa mga kumpanyang GenCorp at Calia 88.
01:03Ani De Leon, hindi naman na raw pwedeng magbulag-bulagan ang mga senador dahil malinaw sa konstitusyon na bawal magkaroon
01:10ng negosyo ang isang sitting Vice President.
01:13Sa lungat din umano sa batas ang hindi nito pag-divest ng business interest, lalo't may mga transaksyon umano ang
01:19GenCorp sa pamahalaang lungsod ng Davao.
01:22Samantala, isinantabi muna ang tatlong articles of impeachment na inatrust ng prosecution, habang mag-a-adjust din ang defense team
01:30sa kanilang presentasyon ng ebidensya.
01:32Nakatakda namang magpatuloy ang paglilitis ng impeachment court sa November 9.
01:36Azi Roberto, para sa bayan.