00:00Pagkakaisa at pagtutulungan sa oras ng sakuna.
00:03Ito ang naging layunin ng mga volunteer na handang maghatid ng tulong
00:07sa mga pamilya na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
00:11Ito ay kahit ang ilan sa kanila ay biktima rin.
00:14Si Israel Damaulaw, sa Sentro ng Balita.
00:18Matapos ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol na nakasentro sa Maasim, Sarangani,
00:23nagkaisa ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan
00:26upang agarang makapagbigay tulong para sa pagbangon ng mga residenteng apektado ng lindol.
00:32Nagkaisa rin ang mga volunteer groups sa pagtatayo ng isang relief mobile kitchen group
00:35at community pantry mula sa Davao City, papunta sa Sarangani
00:39upang makapagbigay ng mainit na pagkain sa mga residenteng na apektuhan ng kalamidad.
00:44Nabigyan din nila ay ang mga pamilyang nananatili muna sa labas ng kanila mga tahanan
00:49dahil sa takot sa mga aftershocks.
00:52Ayon sa grupo, ang kakulangan sa potable water o malinis na inuming tubig
00:56ang isa sa pinakamalaking suliraning kinakaharap ng mga apektadong residente sa Sarangani.
01:01Ang pinakauna namin kailangan ay tubig and then rice.
01:06So in order to survive, they need to drink potable water
01:10kasi kung inom sila ng maraming tubig, nagkaka-LBM.
01:15Lalo na yung mga bata, nagkaka-LBM.
01:17Isa rin pamilya mula sa malapatan Sarangani ang nagbigay ng tulong
01:20sa kabila ng matinding pinsalang sinapit na kanilang bahay dahil sa lindol.
01:23Ayon kay Cherry, isa sa mga volunteer, nakita nila ang matinding pangangailangan
01:28ng mga residenteng labis na apektado ng sakuna
01:31sa pamamagitan ng pagluluto at pamibigyan ng pagkain sa mga nangangailangan.
01:35Mag-initiate yung family namin na kahit affected po kami,
01:41eh kahit paano naman po, may naman po ang kaunti yung magbubumot.
01:46Mag-initiate kami sa inyo na bilig kami ng mga bigas, ng tubig,
01:51kamigay din sa mga tao na most affected po, yung nawalan po talaga ng bahay,
01:56walang pagkain, walang tubig.
01:59Para sa pamilya Kubrador, mas malakas ang pagkakaisa at pagtutulungan
02:03kaysa sa mga pinsalang idinulot ng kalamidad.
02:07Israel de Maulaw para sa bayan.
Comments