00:00Kognay ng balitang yan, nagsagawa ng chat day ang Bureau of Internal Revenue o BIR ng Davao Region.
00:06Ito'y para suriin kung sumusunod ang mga establishmento sa kanilang tax obligations.
00:12Ang detalya sa report ni Regine Lanusa ng PTV Davao.
00:19Pasado alas 10 ng umaga, Pebrero 23,
00:23binisita ng tanggapan ng Bureau of Internal Revenue Region 19 Davao
00:27ang isang establishmento dito sa Kabagyo Street, Lungsod ng Davao.
00:31Mismang si BIR Revenue Region 19 Director Narciso Laguerta ang nanguna sa nasabing aktibidad.
00:37Sa naturang operasyon, sinuri nila ang mga tax compliance requirements,
00:42kabilang na ang pagbusisi sa mga lisensya at iba pang dokumento ng binisitang negosyo.
00:47Ginabayan din sila sa tamang record-keeping at invoicing requirements.
00:51Gayunpaman, kompleto at wala namang nakitang paglabag ang nasabing establishmento.
00:56Sinagot din ng mga revenue officers ang mga katanungan tungkol sa tax obligations at iba pang concern.
01:03Actually, para ma-check din po yung complete yung mga papers, yung mga documents, kung legally operated din po ba?
01:09Or same job?
01:10Yes po.
01:11Ayon sa nasabing tanggapan,
01:13ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang programang council,
01:17Help Assist Taxpayers, o Chat Day.
01:20I-ikot ang mga revenue officers at kanilang mga tauhan simula Pebrero 23 hanggang 27 ngayong taon sa mga establishmento
01:29dito sa Davao Region,
01:30upang tingnan kung compliant sila sa kanilang tax obligations.
01:34Dati na ang nagsagawa ng tinatawag nilang tax mapping.
01:37Ngunit ang pagkakaiba ngayon ay hindi sila magpapataw ng multa sakaling makitaan ng kulang o mga pagkakamali.
01:44Sa halip, papayuhan lamang sila sa mga kulang na requirement o maling nakagawian.
01:49Tinatawag nga nating friendly TCBD tax campaign natin.
01:54Ito po ay mag-iikot-ikot po ang ating mga revenue officers.
01:58Sa gaya ng nasabi ko, kami po ay sort of, ano lang, che-check lang yung mga inyong compliance.
02:06Mga resibo natin, mga books natin, mga displays natin.
02:10Paliwanag pa niya, ang hakbang na ito ay magsisilbing tulong ng kanilang ahensya para sa mga taxpayers.
02:16Maaari ring magpakonsulta ang mga taxpayers tungkol sa kanilang mga tanong, sitwasyon at concerns.
02:22Naniniwala ang BIR na sa pamamagitan nito, mas marami na ang mga susunod sa requirements
02:27dahil alam na nila ang mga dapat gawin at mga kinakailangang dokumento.
02:31Nandiyan po kami, pupunta po kami sa inyo para tumulong, hindi para makipag, ano man.
02:40So asahan po ninyo, ang aming mga revenue officers na pupunta po diyan,
02:46napagbilingan namin mabuti na sila ay maging porteous, maging friendly po sa inyo
02:50at wala po silang ibang pakay sa inyo, hindi kayo ay matulungan.
02:55Tataga lamang ng isang linggo ang kanilang pag-iikot,
02:58ngunit ang kampanya ng shot day ay magpapatuloy sa buong taon.
03:02Regine Lenuza, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments