Skip to playerSkip to main content
20 araw lang dapat inaabot ang pagpapatitulo ng lupa, ayon mismo sa Land Registration Authority o LRA.


Pero siyam-siyam ang inaabot ng ilan nating kababayan na kinukubrahan pa umano ng P10,000 padulas.


Binusisi natin ‘yan sa pagpapatuloy ng serye ng ating special report kontra-Red Tape. Dahil kung taga-LRA ka, nagsisilbi ka dapat. Bawal ang Red Tape!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:0820 araw lang dapat inaabot ang pagpapatitulo ng lupa ayon mismo sa Land Registration Authority o LRA.
00:17Pero siyam-syam ang inaabot ng ilan ating kababayan na kinukubrahan pa umano ng 10,000 pisong padulas.
00:25Binusisi po natin yan sa pagpapatuloy ng serye ng ating special report, Contra Red Tape.
00:31Dahil kung taga LRA ka, nagsisilbi ka dapat bawal ang red tape.
00:37Nakatutok si June Veneration.
00:43Hindi na po ma-process ka agad dahil may mga backlog spot.
00:49Mingi sila ng 10,000.
00:55Bayo 2025 pa, nagpa-proseso ng transfer of ownership ang pamilya ni Edwin sa Land Registration Authority para sa ipinamanang
01:04lupain ng kanila mga magulang sa Kamarina Sur.
01:08Kumpleto ang naipasan nila mga dokumento para mapagulong ang prosesong magtatagal daw ng dalawang buwan ayon sa kinatawan ng Registry
01:17of Deeds sa Kam Sur.
01:21Kasama na riyal ang pagbabayad sa mahigit 6,000 pisong processing fee.
01:26Following month, which is June, bumalik na pa ulit sa Manila.
01:33Tapos dito ko lang po tinatrack yung status niya via online.
01:40Pero napako na raw sa under-examination ang status sa LRA online tracking system.
01:47Nagantay po ako ng another month.
01:48Baka sakaling umusad na yung proses niya, still po under examination pa rin.
01:54Noong August 26, may pinapunta po kami yung relative sa Office ng Registry of Deeds para mag-follow up.
02:05Hindi na po ma-process ka agad dahil may mga backlogs pa.
02:11Hanggang sa may nag-alok na mapabilis ang proseso.
02:18Hingi sila ng LK 10,000 kasi yun nga maraming mesang dadaanan.
02:24Harapan pong hiningi ito, eh?
02:25Hindi naman po kami pumayag kasi unang-una, ba't kami magbibigay ng lagay?
02:33Eh, nagbayad naman kami sa kanila.
02:35Ang binayaran namin na 6,000 lang para sa processing.
02:38Mag-ihingi ito, sihingi sila ng 10,000 as lagal-lagay.
02:46Bukod sa pag-check online, noong progress o estado noong kanyang application, itong si Edwin,
02:54ay tumitingin din sa website ng Land Registration Authority para makahanap ng paraan para mag-follow up.
03:01At ito nga yung isa sa mga nakita niya.
03:03Ito ba yun, Edwin? Yung number?
03:05Tama po, sir. Yan po yung number niya.
03:07Subukan natin.
03:36Ang prosesong dalawang buwan niya ang sana.
03:38Abay, inabot na ng siyam-syam.
03:41Baka pinatatagal nila.
03:42I expect sila na maglalagay na lang si Euro to kasi masyado na matagal.
03:49Sa report na ginawa ng ARTA noong 2025,
03:52itong Land Registration Authority,
03:54ang panglima sa pinaka-inarereklamong ahensya ng gobyerno
03:58dahil daw sa mga mabagal na transaksyon dito.
04:02Sa buong bansa, merong nasa mahigit isang daan at alim na pong Registry of Deeds o RD
04:08ang kanilang pangunahing mandato.
04:10Land Registration o pagpapatitulo na karaniwang nagtatagal ng dalawang pong araw
04:16depende sa klase ng transaksyon.
04:19Nakipag-ugnayan kami sa pamunuan ng LRA para makuha ang kanilang panig.
04:24At ang Register of Deeds ng Quezon City na si Atty. Elbert Kilala
04:29ang inihirap nila sa amin.
04:31Dalawang bagay ang pagpapatitulo ng lupa.
04:34Una, kung ang lupa mo ay wala pang titulo,
04:36itatransfer mo dahil ibibenta ng kumayari.
04:39So ang mga complicated na transaksyon,
04:41yung mga extrajudicial settlements of estates,
04:43yung mga pamana, marami mo kasing requirements yan.
04:46Pero yung ordinary sale, ordinary donation,
04:49mabilis po yan basta kumpleto ang requirements.
04:56Sa proseso ng transfer of ownership,
04:59gaya ng ipinagawa ng pamilya ni Edwin,
05:02mabilis na raw ang dalawang buwan.
05:03Pero hindi na bago kung magkaroon ng backlog ang kanilang mga RD.
05:08Nangyayari dyan kasi pagka medyo nagkakasakit yung mga empleyado,
05:13kakaroon sila ng kaso fortuito,
05:15nagkakaroon ng bagyo, kakaroon ng baha.
05:19Ayon sa LRA, sa Registry of Deeds sa Kamsur,
05:22naka-apekto mo no sa usad ng transaksyon,
05:24ang pagri-retiro ng jepe noong nakarang taon.
05:28Yung po bang mga delay,
05:31may mga nag-iisip kasi na hindi kaya sinasadya ito
05:34para pagkakitaan yung mga kumukuha?
05:36Alam mo, hindi ako magiging manhid sa inyo dyan.
05:39Pusible.
05:40Kung ang fixer naman ay mag-post as someone
05:42who is in charge with that presentation of documents,
05:46wala ako yung magagawa doon.
05:47As we go on, siguro naman in the near future,
05:50we will be able to pluck this kind of unscrupulous individuals.
05:56Kumihingi rin ng pasensya ang ahensya
05:57sa kanilang problemadong linya ng komunikasyon.
06:01Nasa 60 ang mga empleyado dito sa Quezon City Registry of Deeds.
06:05Pero ang kanilang mga inaasikasong transaksyon kada taon,
06:09umaabot daw sa 100,000.
06:11Kung ano ang problema sa kakulangan ng tauhan sa opisina ito,
06:15ganun na daw sitwasyon sa iba pang Registry of Deeds
06:18sa iba't ibang parte ng bansa.
06:20Simple lang ang frontline services na makikita sa bawat RD.
06:25Ito yung unang hakbang na yung pagdadaanan.
06:28Ito ito natawag na grooming.
06:30Yung officer of the day,
06:32titignan lahat ng mga dokumentong dala mo.
06:35Magkulang, babalik siya ma?
06:37Yes po.
06:38Kailangan niya pong kompleto
06:39kasi hindi din po mapaprocess pagkulang po yung document.
06:42Anong kadalasan yung kulang?
06:44Hindi mo ka lang pupunta.
06:46Usually sir, hindi nila nakakukompleto
06:48itong taxes, tax clearance.
06:50Minsan yung mga sa e-car, BIR.
06:52Pagkatapos dito sa grooming,
06:53gagawin yung examination.
06:55Kadalasan, maabod daw dito
06:57ng isang oras bago matapos ang proseso.
07:04Pagkatapos po niyan,
07:05tinadala po sa encoding namin.
07:07After that is done,
07:09pumubod na na siya sa actual examination.
07:11Yung examination naman po namin,
07:14ito po yung ano,
07:15tinitignan nila yung veracity,
07:16kung tama o hindi.
07:18Pagkatama lahat,
07:20diretso na po sa kahera.
07:23Nakatawag sa aming pansin si Maureen
07:25na dismayadong hindi nakuha ang titulo
07:28na dapat ay i-release na.
07:31Desyembre ng nakaraang taon pa raw niya
07:33na ipasa lahat ng requirements
07:35at nabayaran din ang processing fee.
07:38Pero hiningan siya ng latest certificate of management
07:41na ngayon'y dala na niya.
07:43Hindi naman namin today ni-disregard
07:45yung transaction nyo.
07:45However, kailangan lang natin
07:46maging updated sa system natin.
07:48Sabi baka,
07:49madenay daw po yung binayad ko.
07:52Madenay siya if ever
07:53kung ipupush natin
07:54na hindi ninyo mapoprovide.
07:56Ito po, dala ko.
07:57Ayan, meron na pala eh.
07:58Kaya today.
07:59Carry naman natin,
07:59sige po, push natin.
08:03Makaraang aming ipaalam
08:04ang hilaing ng pamilya ni Edwin.
08:06Nakuhan na rin nila
08:07ang pinaprosesong transfer of ownership
08:09matapos ang sampung buwan.
08:11Huwag ko kayo mag-atubili
08:13na gumawa ng formal na complaint.
08:15Otherwise, wala kaming paraan
08:18para ituwid
08:19ang maaring pagkakamili ng opisina.
08:25Responsibilidad ng bawat mamamayan
08:27ang magbayad ng tamang buwis.
08:28Kaya naman,
08:29obligasyon din
08:30ng mga ehensya ng gobyerno
08:32ang suklian nito
08:33ng maayos
08:34at mabilis sa servisyo.
08:36Pero hindi rin naman
08:38may kakaila
08:38na may mga problemang
08:40kinakaharap
08:40gaya na lang
08:42ng Land Registration Authority
08:43na may kakulangan sa tauhan
08:45na dapat din namang bigyan
08:47ng kaukulang solusyon.
08:50Para sa GMA Integrated News,
08:52June Veneration Nakatuto,
08:5324 Horas.
09:00Hãy subscribe cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
09:01cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended