Skip to playerSkip to main content
Pati presyo ng kuryente, pinangangambahan ding tumaas dahil sa epekto ng gulo sa Middle East.
Paghimok ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno pati sa publiko, magtipid lalo sa paggamit ng mga produkto at serbisyong ginagamitan ng langis.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pati presyo ng kuryente, pinangangambahang ding tumaas dahil sa epekto ng gulo sa Middle East.
00:06Paghimok ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno, pati sa publiko,
00:11magtipid lalo sa paggamit ng mga produkto at servisyong ginagamitan ng langis.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:23Sa gitna ng Tansyon, sa gitnang silangan, bukod sa presyo at supply ng krudo,
00:28may agam-agam din kung maapektuhan ang presyo ng kuryente.
00:32May mga power plant pa rin kasi ang Pilipinas na pinatatakbo ng krudo.
00:36Pero sabi ng Department of Energy, minimal o kakaunti lang yan,
00:40kaya hindi raw masyadong makaka-apekto sa ating power supply.
00:44Technically, we are not dependent on oil for electricity.
00:49Only 3% of oil is used for electricity.
00:54Although there will be indirect impact kasi the shipping cost of importing other fuels,
01:02like coal for example, might be affected pero wala pa naman kaming napapansin dyan.
01:09Ang inventaryo ng mga produktong petrolyo ng mga oil companies sa bansa,
01:13aabot daw ng hanggang dalawang buwan.
01:16Gayun man, kung tumagal ng gera, humihingi na raw sa kanila ang DOE ng contingency plan
01:21kung saan bibili ng langis sa labas ng Middle East.
01:25We are assuring na hindi po pupunta kayo sa gasolinahan at walang gasolina dun.
01:31Hihingin rin daw ng DOE sa mga oil company na utay-utayin ang ano bang oil price increase.
01:37Instead of one time, baka pag-usapan yung over a series of adjustments weekly or a number of days.
01:49At nagawa na hoon natin ito recently dun sa nangyaring Israel-Iran missile conflict.
01:58Sa gitna nito, inutusan na ni Pangulong Marcos ang mga ahensya na gobyerno na magpatupad na mga paraan ng pagtitipid.
02:04Hinimok din niya ang publiko na gawin din ito.
02:08We encourage the use of public transport, private vehicles, punuin naman ninyo yung sasakyan ninyo,
02:13huwag yung isang tao lang ang kumagamit. All of these things can come together.
02:19Ang Department of Labor naman, hinihimok ang mga employer na magpatupad ng work-from-home arrangement.
02:25Hindi lang daw mga empleyado ang makikinabang dito, kundi pati mga kumpanya.
02:29Ang condition lang dito, Maki, dapat may voluntary agreement yung workers, may voluntary agreement yung employers,
02:37at gagawa sila ng telecommuting program.
02:43May magagawa rin daw ang motorista para makatipid ng hanggang 20% sa konsumo ng gas, sabi ng DOE.
02:50Kabilang dyan ang tamang tire pressure, bigat ng gamit sa sasakyan, paghinay, sabilis ng takbo, paggamit ng aircon, at pag
02:58-iwas sa hard braking o madiin na preno.
03:01Every time po kasing nag-a-accelerate ang sasakyan, mas madami siyang kinukonsumo na gasolina to rev up to reach
03:10a particular speed.
03:11Pagka nag-preno ka, sayang yung binasos mo na dun sa takbo.
03:14Kaya parati natin pinapaalalahanan yung ating mga kababayan, iwas yung hard brake.
03:19Ang mga negosyanteng nagbebiyahin ng gulay, nagsasabi na ngayon pa lang, hindi na may iwasang magmamahal ang kanilang paninda.
03:26Dahil hindi lang naman sa transportasyon ginagamit ang diesel, kundi pati sa makinarya, sa pagtatanim, pati na sa patubig.
03:33Minsan po, pinapasa din po sa presyo ng gulay.
03:37Doon po pinabasa, pag tumaas po yung diesel, tataas din po yung gastos po namin.
03:41Kaya mapipilitan din po kami minsan itaas yung presyo ng gulay ng konti.
03:45Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatuto, 24 Horas.
Comments

Recommended