00:00The National Government
00:30area of responsibility ang isa pang bagyo na pinangangambahang magiging isang super typhoon.
00:36Dahil sa 1,400 kilometers ang lawak ng bagyong papangalanang UAN,
00:41nag-abisong Office of Civil Defense sa mga Tigaluzon at Visayas na maghanda na ngayon pa lang
00:47para sa posibilidad ng mga pagbaha at landslide.
00:50Inaasahan kasing magdadala ang bagyo ng matinding pag-uulan sa loob ng 700-kilometer rain ban.
00:57We are urging everyone including our local government units to implement na po
01:03yung ating mga preemptive or preparatory activities in preparation dito sa possible impact nitong UAN.
01:16Hindi lang po hangin ang kalaban natin dito, nandyan po ang banta ng matinding pag-uulan.
01:22Sa Katanduanes, itinaas na ng lokal na pamahalaan ang red alert status efektibo simula kaninang alauna ng hapon.
01:30Sa Zambales, iniinspeksyon ang mga drainage at iba pang daluyan ng tubig.
01:34Inactivate ang Emergency Operation Center para sa mga posibling maapektuhan ng bagyo.
01:40Sa Batangas, nagkasah ng clearing operations para maiwasan ang matinding pagbaha.
01:45Hinimok ng mga otoridad ang mga LGU na magpatupad na ng preemptive evacuation.
01:52Dapat daw sa linggo pa lang ay nasa evacuation center na ang mga residente, lalo na sa mga nasa high-risk area.
01:59Marami po dun sa mga namatay, dun sa experience natin kay Tino ay ang mga nabagsakan, nang puno o kaya ng kahoy.
02:06Maaaring magkaroon tayo ng mga cuts and lacerations and other traumatic injuries sa mga lumilipad na yero, sa mga lumilipad na mga bagay.
02:15So, pag tayo po ay pina-evacuate, ang pinakaligtas na lugar po is yung evacuation center.
02:21Payo ng pag-asa sa mga lumikas noong bagyong Tino, huwag munang bumalik sa kanilang mga nasira o nalubog na bahay.
02:27Hanggat meron tayong oversaturation ng mga ground, there's still a possibility na magkaroon ng landslide sa kanilang lugar.
02:35Sa taya ng OCD, mahigit 8.4 milyon na individual ang maapektuhan ng bagyong Uwan sa Region 1, 2, Cordillera, Region 3, Calabarzon, Mimaropa at Catanduanes.
02:46Bilang paghahanda sa epekto ng super typhoon, payo ng OCD, mag-imbact ng supply na tubig at pagkain para sa tatlo hanggang limang araw.
02:55At asahan din daw ang posibleng mga brownout at pagkawala ng telco at internet signal.
03:01Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston Nakatutok 24 Horas.