00:00Ihaharap ng mga endorser ng ilang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
00:05ang mga bank record ng bise at affidavit ng nagpakilalang dati niyang aid.
00:11Kasunod yan ang hamon ng National Unity Party at ng House Justice Committee Chairperson
00:16na dapat may bagong ebidensya para umusad ang mga reklamo.
00:21Nakatutok si Tina Panginiban Perez.
00:27Kahit sinabi na ng Korte Suprema na pwedeng ihain muli ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
00:34kapag tapos na ang one-year ban, kinasahan ng mga ilang nag-endorso sa ilang mga reklamo
00:40ang hamon ng National Unity Party at ng House Justice Committee Chairperson na magpresinta ng bagong ebidensya.
00:49So this is not a case of whether the allegations are new or old. We're up to the challenge.
00:53Pero ipinagtataka nilang may ganito pang pagbagal, gayong nadesisyonan na ng Kamara noong nakaraang taon
01:00na dapat ma-impeach ang bise.
01:02We went through this process before at alam naman natin na na-impeach na siya ng House of Representatives.
01:08Walang problema both sa issue ng sufficiency and form and substance.
01:14Kasama sa mga bagong ipipresenta ng mga nag-endorso ng impeachment complaints
01:19laban kay Vice President Sara Duterte ay ang bank records ng bise at ang affidavit
01:25ng nagpakilalang dati niyang aide na si Ramil Madriaga.
01:29In particular, may mga bahagi doon na nakaugnay sa paggamit ng 125 million in 11 days noong December 2022.
01:39So yes, may bago dyan na lalabas.
01:41Yung unexplained wealth na makikita natin yun pag napanahon na tayo ng presentation ng evidence.
01:47Pinoprotektahan ng bank secrecy law ang confidentiality o pagiging privado ng mga bank deposit.
01:54Pero sabi ng isang vice chair ng House Committee on Justice, exempted dito ang impeachment.
01:59I know that that's one of the, I think, exceptions on the bank secrecy law, on yung AMLOC din na
02:07pwedeng ma-explore yung mga impeachment cases.
02:10Inabisuhan na ng Justice Committee ang mga miyembro nito sa pulong nila sa susunod na linggo.
02:17Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments