00:00Naglabas na ang lahat ng Senador ng kanika nilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o tala ng kanilang yaman.
00:09Pinakamalaki ang kay Sen. Mark Villar, habang pinakamaliit ang kay Sen. Jesus Cudero.
00:16Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:21Sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth na inilabas ni Sen. Aimee Marcos,
00:27nagdeklara siya ng total assets na umaabot ng halos 165 milyon pesos.
00:33Kabilang dito ang ilang residential, commercial at agricultural lands na nagkakahalaga ng mahigit 74 milyon pesos,
00:4159.5 milyon na cash at mga sasakyan at shares na umaabot ng 16.6 milyon pesos.
00:49Pero hindi pa kasama rito ang kanyang shares sa mga hindi pa natatapos na proseso
00:53sa hatian ng mana mula sa kanyang amang si dating pagulong Ferdinand Marcos Sr.
00:58Wala siyang idineklarang liabilities o utang.
01:02Kaya ang kanyang net worth ay halos 165 milyon pesos.
01:06Si Sen. Alan Peter Cayetano naman,
01:09nagdeklara ng total assets na umaabot ng 110.6 milyon pesos.
01:15Kasama rito ang halos 13 milyon pesos na mga kondominium unit,
01:2030.5 milyon pesos na cash,
01:22mahigit 4 milyon pesos na halaga ng mga alahas,
01:26artworks at personal na gamit,
01:28at 30.7 milyon pesos na investments.
01:32Joint sal-end nila ito ng asawa niyang si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
01:37May liabilities o utang silang umaabot ng 1.5 milyon pesos.
01:42Ang deklaradong net worth, mahigit 109 milyon pesos.
01:47Si Sen. Rodante Marcoleta naman,
01:50nagdeklara ng total assets na mahigit 80.4 milyon pesos.
01:55Kasama rito ang isang housing lot,
01:57kondominium unit,
01:58at ilang residential lot na halos 12 milyon pesos.
02:02Mga sasakiyang nakakahalaga ng mahigit 12 milyon pesos.
02:06At deposito sa bangko at investments na umaabot ng mahigit 39 milyon.
02:11Mahigit 28.4 milyon ang kanyang liabilities o utang,
02:16kaya ang net worth niya ay halos 52 milyon.
02:19Si Sen. Bonggo naman,
02:22nagdeklara ng total assets na umaabot ng 44.5 milyon pesos.
02:27Kasama rito ang ilang housing lot at mga residential,
02:31agricultural at commercial lots na umaabot ng 23.24 milyon pesos,
02:367.5 milyon pesos na cash,
02:39at mga alahas na mahigit 1.2 milyon pesos.
02:43Ang idineklara niyang business interests ay sa trucking,
02:47cemetery, at real estate activities.
02:50Pero meron siyang total liabilities o utang
02:53na umaabot ng 12.1 milyon pesos,
02:56kaya ang net worth niya ay 32.4 milyon pesos.
03:00Si Sen. Bato de la Rosa naman,
03:04nagdeklara ng total assets na umaabot ng 61.3 milyon pesos.
03:09Malaking bahagi nito mula sa ilang residential at agricultural lots
03:14na halos 44.7 milyon.
03:17Nagdeklara siya ng total liabilities o kabuang utang
03:20na umaabot ng mahigit 29 milyon pesos,
03:24kaya ang kanyang net worth ay umaabot ng halos 32.3 milyon pesos.
03:29Sa ngayon, lahat na ng mga senador ay naglabas na ng kanilang salen.
03:34Base sa kanilang mga deklarasyon,
03:36pinakamalaking net worth si Sen. Mark Villar,
03:40na sinunda ng kapabilyonaryong si Sen. Rapi Tulfo
03:43at kapatid niyang si Irving Tulfo.
03:46Pinakamaliit naman ang idineklarang net worth
03:48ni na Sen. Arisa Ontiveros at Sen. Cheese Escudero.
03:53Para sa GMA Integrated News,
03:55Tina Panganiban Perez,
03:57Nakatutok 24 Horas.
Comments