Skip to playerSkip to main content
Matapos kuwestiyunin sa impeachment proceedings ng House Justice Committee ang kanyang SALN ay nanindigan si Vice President Sara Duterte na lehitimo ang lahat ng pinanggalingan ng kanyang mga pera at ari-arian.


Kumpiyansa naman ang ilan sa komite na sapat o higit pa ang mga ebidensya para masabing may probable cause o batayan para sa impeachment case.


Tinawag pang "smoking gun" ng isang kongresista ang mga nakita sa SALN ng bise at ang bilyun-bilyong pisong transaksyong kinumpirma ng AMLC.


Samantala, ayon naman sa dating BIR commissioner, 'di pinapayagan ng batas ang pag-iwan kahapon ng BIR sa kamara ng kahong naglalaman ng income tax returns ni Duterte.


Panoorin ang report.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Matapos questionin sa impeachment proceedings ng House Committee on Justice ang kanyang sal-in,
00:06nanindigan si Vice President Sara Duterte na lehitimo ang lahat ng pinanggalingan ng bawat sentimo ng kanyang mga pera at
00:14ari-arian.
00:15Nakatutok si Marisol Abdurrahman.
00:18Inalaga ng defense team ni Vice President Sara Duterte,
00:22ang mga komentong hindi daw nagtutugma ang mga halagang nakalagay sa kanyang statements of assets, liabilities and net worth
00:28sa mga bank transactions na pinakita sa hearing kahapon.
00:32Para po sa amin, actually, wala naman pong hindi nagtutugma.
00:35Perhaps it's just the way that things were presented.
00:38Kung accurate ba yung presentation na gano'n?
00:41Sa testimonyo kahapon ng Anti-Money Laundering Council o Unblock sa pagdinig sa House Committee on Justice,
00:47sinabi nito merong mahigit aling na raong cover at suspicious transactions sa mga bank account ng Vice at kanyang asawa
00:54na nagkakahalaga ng 6.7 billion pesos.
00:57Suspicious transactions does not equate to any wrongdoing or unlawful activity.
01:05Perhaps the bank thought or tagged it as suspicious so umakyat sa AMLOC.
01:12Dagdag nila, umabot sa halos 7 billion ng halaga ng mga transaksyon dahil pinagsama-sama ang halaga ng mga transaksyon
01:20sa mahigit 18 taon.
01:22Ibig sabihin, lahat ng withdrawals mo, lahat ng deposits mo pagdating sa inflow and outflow,
01:29e pinagsama-sama kasi aggregate yung ginagawang number.
01:34So lahat ng inflows dyan, lahat ng outflows dyan, ina-add up lang.
01:38Kaya may tendency talaga na maging bloated yung figures.
01:43It's not determinative or conclusive as to magkano ba talaga yung nasa loob ng account.
01:48Sa isang namang pahayag, pinuna ni Duterte ang mga pusyalang AMLOC dahil hindi nito nilinaw na walang findings na mga
01:54paglabag sa batas ang kanyang mga transaksyon at hindi totoo may bilyones sa kanyang bank account.
02:00Sabi niya, lahat daw ng kanyang ari-arian at pera ay edineklara niya sa kanyang salen.
02:06Ang bawat centimo raw ay lihitimo at may kaukulang dokumento.
02:10Tinukoy din ang BC ang inilabas na Notice of Disallowance ng Commission on Audit OCOA sa confidential funds ng BC.
02:17Tila itinaong daw ang paglalabas ng report at naaayon sa mga nararanasang political attack.
02:23Sa testimonya naman ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na tumagap umano ang BC at kanyang pamilya ng pera mula
02:30sa isang umano ng drug lord,
02:31sinabi ng BC na halos isang dekada na raw gumagawa ng kwento si Trillanes.
02:36Hingilis sa dimonibilyones sa kanyang bank accounts.
02:39Wala raw nagbago sa kanyang mga kwento pero ngayon, ibang makinarayan na raw ang nasa likod niya.
02:45Ito raw si Pangulong Bongbong Marcos na dapat nagpapadrug test.
02:49At ang mga tinawag ng BC na mga lawbender na mga kongresista na tumanggap na mga maleta at paulit-ulit
02:56na binabaliwala ang constitutional limit.
02:59Kung gaano raw katindi ang paninira sa kanya, ganoon din daw katindi ang katahimikan.
03:04At takot ng administrasyon na managot sa bilong milyong pisong ni nakaumunong nilagay sa maleta at inilabas sa bansa.
03:12Muling iginiit na defensive ni BC ang kanilang naonong posisyon na sa tamang forum lang haharap at sasagot ang BC
03:19at ang kanyang mga abugado.
03:20Naman ang kanyang abugado ang sinabi sa komite kahapon na hindi umunong nagdeklara ng cash on hands and in bank
03:26ang BC ng ilang taon sa kanyang sal-end.
03:29Git nila, e dineklara niya ito.
03:32She disclosed because it was all lumped under yung others.
03:37Kasi sa personal items, kung makita nyo dun sa sal-end, nakasulat dun eh, vehicles, others, ganyan.
03:45So yung cash in bank, kasama siya dun sa others.
03:49I just wanted to clarify kasi baka sabihin parang sinasabi namin mali o sinungaling yung mga house members yesterday.
03:57Hindi naman po kasi ang sinasabi naman nila is walang line item ng cash in bank.
04:01Muling iginiit na defensive ni BC ang kanilang naonong posisyon na sa tamang forum lang haharap at sasagot ang BC
04:08at ang kanyang mga abugado.
04:11Inaasahan na rin ng defense team ni Duterte ang mga prenisinta sa impeachment hearing kahapon.
04:16Pero sasagot lamang sila sa tamang forum.
04:19A mere presentation of supposed evidence before a committee that is not authorized to conduct trial does not really amount
04:29to proof.
04:30It's because every evidence, whether it's something that you present in an ordinary case or in this case in an
04:41impeachment proceeding, must still survive scrutiny.
04:45It happens only in a proper trial before a tribunal or a body that has jurisdiction to conduct trial.
04:56Hinihinga naman ang reaksyon ng Pangulo at mga tanggapang nabanggit ni Duterte.
05:01Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
05:07Kumpiyansa ang ilan sa House Justice Committee na sapat o higit pa ang mga ebidensya para masabing may probable cause
05:16o may batayan sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
05:21Tinawag pang smoking gun ng isang kongresista ang mga nakita sa sal and ambise at ang bilyong-bilyong piso ng
05:30transaksyong kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council.
05:34Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
05:39Ang nakita ng House Committee on Justice na malaking pagkakaiba ng halaga ng bank transactions ni Vice President Sara Duterte
05:47kumpara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth, tinawag na smoking gun ng isang miyembro nito.
05:55Para sa akin, ito ay isang smoking gun na at least insofar as probable cause is concerned ay andyan na
06:04yan.
06:04Ang pagdinig ng kumite, ginagawa para alamin kung merong probable cause para i-impeach si Duterte.
06:12Na-reach na po ba yung threshold for probable cause sa tingin po ninyo?
06:34Ang net inflow na dumaan sa mga account niya ayon sa AMLA ay umabot sa 2.87 billion pesos.
06:44Samantalang ang na-declare niya sa kanyang salen ay 88.5 million pesos lamang.
06:53Napakalaki ng pagkakaiba yung discrepancy ng dalawang halaga na yan.
06:59At either dito sa kumite o kaya sa Senado kung yan ang kagustuhan niya, ay dapat ipaliwanag niya.
07:07May nakita ng probable cause ang ilang miyembro ng House Committee on Justice para i-impeach si Vice President Sara
07:14Duterte
07:15kahit hindi pa nabubuksan ang kahong isinumite ng Bureau of Internal Revenue na naglalaman ng mga income tax returns ng
07:22BISE at ng kanyang asawa.
07:25Pagbobotohan pa kung bubuksan ang kahon o hindi sa susunod na hiring.
07:29Umalma kasi si BIR Commissioner Atty. Charlito Mendoza dahil base raw sa batas, bawal ang pagsasapubliko ng anumang tax records
07:39ng isang individual
07:40maliba na lamang kung hilingin ito ng kongreso in aid of legislation at kung bubusisiin ito sa isang executive session.
07:48Parang you are so near yet you're so far. The BIR apparently complied with the subpina by bringing to us
08:00the sealed box.
08:01But because of that issue of confidentiality, we cannot open the box.
08:06Ang kahon ng income tax returns ng BISE nasa pangangalaga ngayon ng Secretary ng Komite.
08:13Tatalakayin din sa susunod na pagdinig ang umunaybantaan ni Duterte sa Pangulo, First Lady at dating Speaker.
08:20At inaasahang pagbabotohan na rin pagkatapos nito kung may probable cause para i-impeach ang BISE.
08:28Tina Panganiban Perez, Nakadutok, 24 Horas.
08:32Mayigbit talagang batas sa pagsasapubliko ng income tax returns ayon mismo sa dating Commissioner ng Bureau of Internal Revenue ng
08:42Aquino Administration.
08:44Pati ang pag-iwan kahapon sa Kamara ng kahong naglalaman ng ITR ni Vice President Sara Duterte,
08:51hindi pinapayagan ng batas. Nakatutok si Maki Pulido.
08:58The law expressly says it can only be examined if the two requisites concur in aid of legislation and in
09:06an executive section.
09:08Thank you Madam Chair.
09:08But this is not an inquiry in aid of legislation. This is an impeachment proceeding.
09:13Yan ang dahilan ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza kung bakit hindi raw pwede buksan at suriin ng House Justice
09:20Committee
09:20ang kahong ito ng income tax returns ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Mance Carpio.
09:27Parang you are so near yet you're so far.
09:31Ang katwiran na yan ng BIR nakasaad sa Section 20-A ng National Internal Revenue Code kung saan nakasaad na
09:39maaari lamang mag-sumite ng tax returns
09:41at iba pang datos ang BIR Commissioner sa Congress kung ito ay in aid of legislation at kung naka-executive
09:48session.
09:49Dahil dyan gusto dapat bawiin ang BIR ang kahon ng tax returns pero umalma dito ang kumite.
09:54Therefore, what we will do Madam Chair is to withdraw our submission.
10:00We will not be returning this to BIR.
10:03Kaya ang Salyadong Kahon pinirmahan ng BIR Commissioner at iniwan sa Kamara.
10:08Sabi ni dating BIR Commissioner Kim Henares, maigpit talagang batas sa pagsasa publiko ng income tax returns
10:15dahil maaaring may maibunyag na trade secret kung mabusisi ito ng kalaban sa negosyo.
10:19Kasi yung tax returns, pag makikita mo kung saan siya kumikita, paano siya kumikita.
10:27And usually these are trade secret. May mga confidential provision dyan.
10:34Pag makikita mo kung ikaw ay competitor, makikita mo saan siya gumagastos, mga ganyan.
10:39So confidential yung mga information na yan.
10:43Sabi pa ni Henares, hindi raw pinapayagan ng batas ang ginawa ni Mendoza
10:46nang iwanan niya sa kongreso ang Salyadong Kahon na mga income tax returns.
10:51That's even not allowed in the exception because he said furnish its appropriate copy with copies of the income tax
10:58returns.
10:59So leaving it there, you already furnish them with copies.
11:02Paliwanag ni Henares, may ilang exemptions lamang sa National Internal Revenue Code
11:06na pinapayagang isa publiko ang income tax returns.
11:10Bukod nga sa paghingi rito ng kongreso in aid of legislation,
11:13kasama riyan kung iutos ng Pangulo na bigyan ng Secretary ng Department of Finance
11:18at kung hingi nito ng korte.
11:20Kaya ibang usapan raw kung ang Senate impeachment court na ang hihingi ng tax records.
11:26Ganito raw ang ginawa noon ni Henares nang ipatawag siya sa impeachment trial
11:30ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012
11:33para ipresinta sa pagdinig ang tax records ni Corona at ng may bahay nito.
11:38The Senate is already a court because it's an impeachment court.
11:43So this Section E will now be the exception.
11:46Although in my case, I added that I asked the President's authority to release the return.
11:54Makipulido na katuto, 24 oras.
Comments

Recommended