Skip to playerSkip to main content
Iginiit ng legal team ni dating pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaring ipatupad ang hurisdiksyon ng ICC kaugnay ng kanyang kaso dahil kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute bago pa aprubahan ng ICC ang hiling na imbestigahan ang drug war. Hiling nila, palayain na ang dating pangulo. Giit naman ng mga abugado ng mga biktima, ‘di lulusot sa ICC ang teknikalidad na 'yan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:04na hindi maaaring ipatupad ang horisdiksyon ng ICC
00:08kaugnay sa kanyang kaso
00:10dahil kumalas ng Pilipinas sa wrong statute
00:13bago pa naaproon ng ICC
00:16ang hiling na imbestigahan ang drug war.
00:19Ang hiling nila, palayain na ang dating Pangulo.
00:22Ang gait naman ng mga abogado ng mga biktima,
00:25hindi lulusot sa ICC ang teknikalidad na iyan.
00:30Nakatutok si Maki Pulido.
00:35Agad na pagtigil sa kaso at agad na paglaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:39ang hiling ng kanyang mga abogado sa pre-trial chamber 1 ng ICC
00:44o International Criminal Court.
00:46Ang kanilang inihain,
00:47Defense Challenge with Respect to Jurisdiksyon o Pagkwestiyon sa Horisdiksyon ng ICC.
00:53Ang basihan nila ang Article 13 ng wrong statute
00:56kung saan nakasaad na maaaring ipatupad ng ICC ang jurisdiksyon ito
00:59kung nasimula ng prosecutor ang imbestigasyon habang partido pa ang bansa sa Rome Statute.
01:05Pagpunto ng kampo ni Duterte,
01:07nag-withdraw na ang Pilipinas sa Rome Statute no March 17, 2019.
01:11Pero taong 2021 na nang aprobahan ng pre-trial chamber
01:15ang request ng dating prosecutor para imbestigahan ang mga nangyayari sa Pilipinas.
01:19Pagpunto ng kampo ni Duterte,
01:21nakalagay sa Article 12 ng Rome Statute
01:23na nangyayari lang ang exercise of jurisdiction
01:26kapag hukom o mga judge ang umaksyon at hindi ang prosecutor.
01:30Paniwala naman ng National Union of People's Lawyers
01:33na tumulong sa ilang biktima ng drug war,
01:35bahagi ng ICC ang Office of the Prosecutor.
01:38Kaya nang simula ng preliminary examination noong 2019,
01:42may exercise of jurisdiction na ang ICC.
01:45ICC yan kasi yung Office of the Prosecutor
01:48part siya ng International Criminal Court
01:52at yung sisimulan niya na preliminary examination
01:56is any matter under the consideration by the court.
02:02At bagamat bahagyang nag-aalala sa magiging desisyon
02:05ng pre-trial chamber 1,
02:06mas matimbangan nila para sa kanila
02:08ang pag-asang hindi makukuha sa teknikalidad ang ICC.
02:12Tingin namin ang ICC naman ay papabor
02:15sa greater interests of justice
02:17sa mga biktima,
02:19hindi lang sa simpleng teknikalidad magpapatalo.
02:22Kabilang pa sa mga argumentong inilatag
02:24ng mga abogado ni Duterte
02:25ang anilay sulat ni Pangulong Bongbong Marcos
02:28na nagpahiwatig na hindi dapat litisin si Duterte
02:30ng ICC dahil sa kawalan ng jurisdiksyon.
02:33Sabi ng Malacanang,
02:34Kahit siguro po walang letter,
02:36hindi naman po talaga tayo makikialam
02:37kung ano po ang magiging mandato ng ICC.
02:42Kung ang depensa nila ay walang jurisdiksyon
02:45ng ICC,
02:46then that's part of due process.
02:49Let them be.
02:51At kung ano ang magiging tugon po dito ng ICC,
02:54nasa kamay na po yan ng ICC.
02:56Para sa GMA Integrated News,
02:58Maki Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended