Skip to playerSkip to main content
Sa unang pagkakataon ay isinapubliko ng International Criminal Court ang mga detalye ng mga asuntong pinahaharap kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Bahagi ng reklamo ang insidente ng pagpatay sa pitumpu't walong biktima umano ng drug war ni Duterte sa ilang taon ng pagiging Davao city mayor niya at sa ilang taon ng kanyang termino bilang pangulo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Rodrigo Duterte
00:30Sa lima, refran
00:31Tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder ang mga asuntong isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa prosecution pre-confirmation brief na inilabas ng International Criminal Court o ICC.
00:50Sakop ng count 1, ang labing siyam na pagpatay sa mga umano'y drug pusher at magnanakaw noong 2013 hanggang 2016 sa Davao City habang mayor pa si Duterte at umano'y pinuno ng Davao Death Squad.
01:05Sakop ng count 2, ang labing apat na pagpatay sa mga umano'y high value targets na sangkot umano sa droga sa unang taon ni Duterte bilang Pangulo.
01:14Sakop naman ng count 3, ang apat na putatlong pagpatay at dalawang tangkang pagpatay sa lower level criminals sa pamamagitan ng Barangay Clearance Operations o Oplan Tukhang mula 2016 hanggang 2018.
01:30Sa dokumento, sinabi na indirect co-perpetrator si Duterte sa tatlong count ng murder.
01:35Bilang Davao City Mayor, may legal na kontrol umano si Duterte sa pulisya noon at sa ibang tauhan ng City Hall at Barangay na nagkasah na mga krimit.
01:46Ayon sa ICC prosecutor, ang ginawa sa Davao, pinalawig umano'y nang maging Pangulo siya.
01:53Malinaw na pinapakita sa atin ng prosecutor na merong nangyaring DDS killings at ito ay naayon sa isang plano.
02:02Nung naging presidente na si Duterte, nung siya ay naging, nung simula 2016, nabuo o sinagawa yung national plan.
02:13Pili lang ang mga inilis ng insidente at biktima.
02:17Mas maliit definitely kaysa sa libo-libo na sinasabi, pero ito ay posibleng bahagi ng approach o resulta nung approach ng prosecutor ngayon.
02:27Kung baga, paninigurado, sisiguraduhin namin, makukundik namin siya sa pinakamalalakas na insidente o kaso.
02:36Sa isinapublikong dokumento, hindi binanggit o kaya na may tinakpan o redacted ang mga kasabwat umano ni Duterte.
02:44Pero inilarawan sila bilang galing sa Davao City at itinalaga sa high-level national position na maging presidente si Duterte.
02:53Nagkatag-umano sila ng network kabilang ang mga mula sa PNP, PEDEA, NBI at Bureau of Corrections kasama ang mga hitman.
03:03Posibleng isyohan sila ng ICC ng warrant of arrest ayon kay Atty. Gilbert Andres, isang ICC-accredited lawyer na tumutulong din sa mga biktima.
03:13Parang there are 21 names. Kung tingnan ko lang yung redact, redact, redact. Kaya siguan, tabayaran pa natin may pa pong mga pangalan na ilalabas eventually.
03:23Bagamat ni redact o tinakpan ang pangalan ng mga umano'y kasabwat, may lumusot na isang De La Rosa na siya umanong na nga kung agad ay patutupad
03:32ang pinalawak na bersyo ng Davao model o drug campaign ng Davao City.
03:38Sabi niya umano, kung may manlalaban ay gaganti ang polis at kung walang manlaban, pipilitin nilang manlaban ang mga ito.
03:47Nabanggit din sa dokumento ang isang agire na nagsabi umanong papatayin ang mga drug lords.
03:52Bagamat di sila pinangalanan, ayon kay Conti, malamang ang De La Rosa ay si ngayoy Senador Bato De La Rosa na dating Davao City Police Chief
04:02bago naging PNP Chief at siyang nagpatupad ng Duterte Drug War.
04:07Nabanggit din ni Conti ang Justice Secretary.
04:10Tangi si Vitaliano Aguirre II ang agiring naging Justice Secretary ni Duterte.
04:15Malinaw na inilalatag na si Bato De La Rosa ay co-perpetrator kasama ni Duterte.
04:21If you read between the lines, ang dami palang pinatutungkulan.
04:24NBI Chief, PIDEA Chief, Secretary of Justice, IAS at saka na Paul Cohn.
04:33Itinanggi ni Aguirre na sinabi niya ang mga pahayag na ito.
04:36Hindi raw ito totoo at hindi niya isusulong ang ex-judicial killings.
04:42Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Dalarosa at maging ang kampo ni Duterte.
04:49Para sa GMA Integrated News, Salima Refrain, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended