Skip to playerSkip to main content
Ilang araw matapos arestuhin dahil sa umano’y paniniktik, pinoproseso na ngayon ang pagpapa-deport sa hinihinalang Mongolian spy.


Sa gitna niyan, sinita rin sa pagdinig ng Senado ang ilang ahensiyang inatasang bumusisi sa mga dayuhang estudyanteng gustong mag-aral dito sa bansa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang araw, matapos arestuhin dahil sa umunoy paniniktik,
00:04pinoproseso na ngayon ang pagpapadeport sa ininalang Mongolian spy.
00:09Sa gitna niyan, sinita rin sa pagdinig ng Senado ang ilang ahensyang inatasang bumusisi
00:14sa mga dayuhang estudyante ang gustong mag-aral dito sa bansa.
00:18Nakatutok si Rafi Tima.
00:23Pinoproseso na ang deportation case ng Mongolia na nahuli sa iba Zambales
00:26matapos paginalang nangiespia sa bansa.
00:29Puebes noong nakarang linggo, inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration,
00:34AFP at PNP ang Mongolian na nag-enroll bilang estudyante sa isang aviation school.
00:39Nakakuha po tayo ng impormasyon na kumuha siya ng mga aerial photos doon po sa Zambales area.
00:45Alam po natin na itong area na ito ay malapit doon sa ilang mga contested areas
00:51between China and the Philippines.
00:53So ito po ay mga actions na nakikita natin na mukhang leading to espionage.
00:59Sa impormasyong hawak ng AFP, isang jet fighter pilot ang Mongolian sa People's Liberation Army ng China.
01:05Nagtapos din umano ang dayuhan ng jet fighter training mula sa PLA Air Force Aviation University
01:10ayon kay National Security Advisor Eduardo Año.
01:13Dahil sa nangyari, lalo daw pa iigtingin ng PNP ang kanilang pagbabantay at pagkalat ng impormasyon
01:19laban sa mga dayuhang posibleng sangkot sa pangiespia sa bansa.
01:22Nakakulong ngayon ang Mongolian National sa custodial facility ng BI habang iniimbestigahan.
01:27Sabi ng BI, itinanggi niya ang mga paratang.
01:30Nais nating malaman kung siya lang ba mag-isa na gumagawa nito
01:34o kung meron siyang ilang mga kasamahan din na maaaring gumagawa ng similar activities.
01:39Sa pagdinigdang Committee on Foreign Relations sa Senado,
01:42nasita naman ang ilang ahensyang inatasang lumusisi sa mga dayuang estudyanteng gustong mag-aral sa Pilipinas.
01:47Maliwanag ng CHED, may inter-agency committee na tumitingit sa mga application.
01:52Ayon naman sa DFA, may restricted nationals din na dumadaan sa mas mabusising proseso
01:56tulad namang mula sa China at India.
01:59Aminado ang DFA, may limitasyon nito.
02:01Ano ang nangyari doon sa nahuli po na Mongolian daw na sinasabi ng mga otoridad natin,
02:08espia po, paano po nakalusot yun?
02:12Yung specific case na yun, Mongolia is not, I think, covered by a restriction.
02:17Noong nakaraang taon, anim na Chinese nationals na ang inaresto ng BI at AFP dahil sa hinalang pang espia,
02:23kabilang ang isang Chinese na nahuli malapit sa Comelec na may dalang surveillance device.
02:27Ang pagkakaaresto sa Mongolia na fighter pilot, dagdag sa dumaraming bilang na mga naarestong dayuhan
02:33na hinihinalang nagsasagawa ng spy activity sa bansa.
02:37Ayon sa Bureau of Immigration, bukod sa mga security agencies,
02:41malaki ang may tutulong ng mga ordinaryong mawamayan sa pagbibigay impormasyon
02:45sa mga maobserbang dayuhan na iligal na aktividad ang pakay dito sa bansa.
02:50Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended