Skip to playerSkip to main content
Target ihabol sa Semana Santa ang pag-alis ng mga sagabal at pagtatapal sa Maharlika Highway.


Mahalaga ang daan lalo sa pagbiyahe ng mga kalakal mula Luzon hanggang Mindanao kaya may hiwalay na pangmatagalang rehabilitation na isasagawa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Target, ihabol sa Semana Santa ang pag-aalis ng mga sagabal at pagtatapal sa Maharlika Highway.
00:06Makalaga ang daan lalo sa pagbiyake ng mga kalakal mula Luzon hanggang Mindanao,
00:10kaya may hiwalay na pangmatagalang rehabilitation ay sasagawa.
00:14Nakatutok si Joseph Morong.
00:19Kung ang Pilipinas ay isang katawan, ang Pan-Philippine Highway o Maharlika Highway
00:25ay isang malaki at mahabang ugat na lampas 3,000 kilometro ang haba mula sa lawag sa Hilagang Luzon.
00:32Itatawid ng Roro at magpapatuloy sa Eastern Visayas bago muli itawid ng Roro mula Hilagang Mindanao papuntang Sambuanga City.
00:40Dito dumaraan ang maraming produktong agrikultural kaya nga may panukalang batas na tawagin din itong National Food Highway.
00:48Dekada 70 pa ito na itayo at kung ang mga inspeksyon ni Department of Public Works and Highways
00:54sa DPWH Secretary Vince Disson ang pagbabasehan,
00:57tila napabayaan na ito sa ilang bahagi sa Quezon, baku-baku ang daan,
01:02gayon din sa Bicol at sa Samar.
01:05Hindi mo aakalaing National Highway ito.
01:08Kaya ngayong malapit na naman ang Semana Santa kung kailan marami ang inaasahang babyahe,
01:13pinapamadali na ng DPWH ang paglilinis ng mga obstruction o harang sa Maharlika Highway,
01:19kasabay ng pansamantalang pagtatapal at pagpapantay ng mga baku-bakong bahagi nito
01:24hanggang sa katapusan ng Marso.
01:26Ang target walang matirang bahagi nito na hindi madadaanan sa kasagsagan ng mahal na araw.
01:33Pasensya ulit, no?
01:35Pero kaya kami nagmamadali ngayon kasi in preparation for Holy Week.
01:39Sa Hunyo o Hulyo naman, maaaring simula ng pangmatagalang rehabilitasyon ito
01:44na nangangailangan ng nasa 16 bilyon pesos.
01:48Pag natapos, ganito na dapat ang maging itsura ng Maharlika Highway.
01:52Magkakaroon na tayo ng malawakan bidding for A5 sa Bicol, Samar sa Region 8
02:01and sa Region 13 sa Agusan, no?
02:04Sa Surigao-Agusan area.
02:07Kasi yun ang information natin na yun ang pinakamasasamang area.
02:11Ayon kay DPWH Secretary Vince Tiso, nasa 60% na mga kalsada sa buong bansa
02:16ang kailangang i-repair o kumpunihin.
02:19Samantala, sa Hulyo naman, inaasang matatapos ang Phase 1
02:23ng rehabilitasyon ng EDSA mula Taft hanggang Orense.
02:27Oras na matapos ito, magkakaroon daw ng mga sidewalk para sa publiko.
02:31Pinag-aaralan ng DPWH kung pwede ang maghapon at magdamag na rehabilitasyon
02:36sa Semana Santa dahil walang masyadong tao sa Metro Manila.
02:40Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended