- 53 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- Mga negosyo, tumindi ang kalbaryo ngayong may P17-P36/KG na dagdag-presyo sa LPG
- Mga pasahero sa PITX, umabot sa mahigit 179,000; sapat naman ang mga bus
- Ilang pasahero, naninibago sa pagkuha ng ticket online
- Pasaherong nakuhanan ng 2 magazine ng M-16 AT 65 live ammunition, 'di pinabiyahe
- Karneng bocha at expired grocery items, magkahiwalay na nasabat; Chinese, arestado
- Dami ng mga bakasyunista sa Baguio City, bahagyang nabawasan
- U.S. Pres. Trump, sinabing humiling na ng ceasefire ang Iran; Iran, 'di pa ito kinukumpirma
- 1 sugatan sa bumagsak na crane lift sa ginagawang gusali
- Pabasa isinasapuso ng ilang katoliko sa iba't ibang himig at bersyon
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Mga pasahero sa PITX, umabot sa mahigit 179,000; sapat naman ang mga bus
- Ilang pasahero, naninibago sa pagkuha ng ticket online
- Pasaherong nakuhanan ng 2 magazine ng M-16 AT 65 live ammunition, 'di pinabiyahe
- Karneng bocha at expired grocery items, magkahiwalay na nasabat; Chinese, arestado
- Dami ng mga bakasyunista sa Baguio City, bahagyang nabawasan
- U.S. Pres. Trump, sinabing humiling na ng ceasefire ang Iran; Iran, 'di pa ito kinukumpirma
- 1 sugatan sa bumagsak na crane lift sa ginagawang gusali
- Pabasa isinasapuso ng ilang katoliko sa iba't ibang himig at bersyon
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04State of the Nation
00:10Ngayong problema ang supply sa langis,
00:13pwedeng pansamantalang limitahan ang dami ng bibilang petrolyo
00:16ng customer para iwas hoarding ayon sa Energy Department.
00:20Limpetado rin ang supply ng LPG,
00:22kaya sumirit ang presyo nito ng hanggang 36 pesos per kilo.
00:27May report si Maki Pulido.
00:31Mula ng pumutok ang gera sa Middle East,
00:33humina na rao ang karinderiya ni Marilu.
00:36Yung pagkain po ng customer namin, dati buo, ngayon panay kalahati.
00:41Kalahating sinigang, dalaw silang kakain.
00:43Babawi na lang sila sa kanin sa baw.
00:45Lumiit ang kanyang kita, tumaas naman ang gastos.
00:49Ang ginagamit nilang LPG, nagmahal na ng hanggang 36 pesos kada kilo.
00:53Halos 1,500 pesos na ang 11 kilogram na tangke.
00:57Para makatipid, binawasan nila ang paggamit ng LPG at gumamit na rin ang panggatong.
01:03Utay-utay ang taas presyo sa LPG, kaya may kasunod pa sa mga susunod na linggo.
01:08Kakayanin pa naman daw ng karinderiya ni Marilu, pero hanggang kailan?
01:11O yun ang pinangapangambahan ko na magsara o humina.
01:16Kapag po humina, laban pa rin ng laban hanggang kaya pa.
01:22Hanggat kapos ang supply, posibleng tuloy-tuloy na magmahal ang LPG.
01:26May nabili namang 44 million metric tons ng LPG ang gobyerno mula Houston, Texas,
01:31na paparating sa May 15 hanggang June 1.
01:34Ayon kay Arnold T., presidente ng Regasco at founder ng LPG Marketeers Association,
01:39Government to Government Procurement ito o Energy Department ang bumili ng dagdag na supply sa Amerika.
01:45Katumbas ito ng 20 araw na supply para dumami ang inventaryo ng LPG sa 60 araw o hanggang katapusan ng
01:53Mayo
01:53mula sa dating pang-40 araw lang.
01:56Palating bagay yun. If you compare ourselves with India sa ngayon, hanggang ngayon wala silang product.
02:03Bukod sa Amerika, may mabibili ring LPG supply sa Mexico at Canada.
02:07Kami pa rin po magbebenta pero at least the product is provided by the government.
02:13We will be paying the government based on the cost at kami naman, we have to sell it to the
02:18public
02:18based on the cost of the government plus a little margin.
02:22Para iwas hoarding na lalong iipit sa supply, mismo mga nagbebenta ng LPG ang nagbabantay.
02:28Alam namin ang volume requirement lang po nila.
02:31Pagka nakita po namin tubaas ang kanilang demand or yung kanilang request for product,
02:37kinokontrol po namin dahil alam namin itatago lang po nila yan.
02:41Hinigpitan na rin ang DOE ang pagbabantay kontra hoarding ng diesel at gasolina.
02:45Sa inisyo nitong operating guidelines, sinabing maaring pansamantalang limitahan
02:50ang dami ng binibiling petrolyo kung kailangan.
02:53Hihigpitan din ang regulasyon sa paggamit ng mga container.
02:56Wala pang ibang detaling ibinigay ang DOE kaugnay nito at kung kailan nito ipatutupad.
03:01Muli namang bubuoyin ang DOE-DOJ Task Force na mag-iimbesiga at maghahain ng reklamo
03:07kaugnay sa mga matatanggap na report ng hoarding.
03:10Makipulido, GMA News.
03:12Ngayong Merkulis Santo ng gabi, umabot sa mahigit 90% ng fully booked
03:17ang mga biyahe pa Bicol mula PITX.
03:19Kabilang dyan ay yung additional trips.
03:22May report si Oscar Oida.
03:26Tila nagpinitensya na ang mga humahabol na pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
03:33ngayong Merkulis Santo.
03:35May ilang ngayon palang bumili ng tiket dahil pumasok pa sa trabaho.
03:40Sayang naman po kasi yung sweldo ngayon kaya pumasok na lang po ako.
03:44As of 8pm, umabot na sa mahigit 179,000 ang pasahero sa terminal.
03:50Sabi nga ng pamunuan ng PITX, baka mahigitan pa ang lagpas 200,000 na biyahero na naitala noong nakaraang taon.
03:59Ang ilang kasing may sasakyan, posibleng nag-commute na rin.
04:03Napakataas ng presyo ng produktong petrolyo.
04:06Nakikita natin na yung mga dating motorista na nagdadala na kanikin na mga pribado sasakyan patungo sa mga probinsa.
04:12Eh ngayon, nagpa-public transport na o nagbu-boost na.
04:15Sa kabila niyan, sasapat daw ang mga bus.
04:18In the last few days, marami ng special permit din na na-issue no.
04:21In the past few days, nagsabi na ilan sa ating mga operators na magbabawa sila ng mga biyahe.
04:26Pero thankfully, tumalima rin naman at sumunod yung mga transport operators natin na magpadala pa rin sila na kanilang mga
04:32units dito.
04:33Ang di-autorizadong taas-pasahe ng ilang bus companies na ibalik na rin daw sa dati.
04:38Wala pa namang pinataw na suspension as far as I know.
04:42As of 8pm, 90% ng mga biyahe pa Bicol ngayong araw ang fully booked na, kabilang 63 additional trips.
04:51Lagpas 90% na rin ng mga biyahe ngayong araw pa Visayas at Mindanao at pa Mindoro ang fully booked.
04:58Para sa mas ligtas na biyahe, nag-inspeksyon sa terminal ang pulisya, pati ang Office for Transport Security at ang
05:06Bureau of Fire Protection.
05:07May nasita kami dahil nga nakatali ng alambre and it took him 8 seconds para matanggal yung alambre and it's
05:16supposed to be.
05:17Dapat madali yung mga maugod dahil 8 seconds tapos meron nasusunod sa lukong bag.
05:23That's a long-long time.
05:25Kasi ang dinadrive mo rito, hindi lang buhay mo yan.
05:28You're carrying and protecting the safety ng mga pasahero mo and malaking obligasyon yun.
05:37Ang PNP, nakabantay na rin sa mga bus terminals sa Cuba, Ocaso City.
05:42Bukod sa public announcement system, gumamit na rin sila ng placards para magpaalala sa publiko.
05:48Yung pananamantala ay palagi po ang ating kapulisan dyan na nagbabantay to make sure na ligtas ang ating mga kababayan,
05:58lalong-lalo na po yung ating mga kababayan na bibiyahe.
06:03Maganda rin para maalam mo safe ka.
06:05Okay lang po kasi para po maging ligtas po yung kapaligiran.
06:08Ang dagsa ngayon ng mga biyahero, di raw inaasahan ng mga bus driver.
06:14E nakala kasi nilang magiging matumal na dahil noong nakarang linggo pa lang ay punuan na ang mga biyahe.
06:22Oscar Oida, GMA News.
06:25Nanibago ang ilang pasahero sa bagong sistema ng pagkuhan ng tiket sa Batangasport kung saan ramdam ang pagtuma ng pasahero
06:32ngayong Semana Santa.
06:34Ang sitwasyon doon sa live report ni Bam Alegre.
06:38Bam!
06:42Ato, maganda gabi dito sa Batangasport. Yung sitwasyon dito, maghapon, matumal yung foot traffic.
06:48Pero kaninang pasado las 10 ng gabi, nagsimula rin magsidatingan yung mga pasahero.
06:53Ang running count natin, as of 10pm, nasa mahigit 20,000 na mga pasahero ang dumaan dito sa Batangasport ngayong
07:01Merkulay Santo.
07:02Pero mas mababa yan kung ikukumpara natin noong nakaraang taon na nasa mahigit 29,000.
07:11Kararating lang ni April at ng kanyang anak mula Korea.
07:13Kahit pagod at mas mahal ang pangasahe, nasa Batangasport sila kanina para bumiyahe pa Buracay.
07:19Sabi ng kapatid ko, ate wika, mag-reunion tayo sa ano, nito nga, 60 years old na kasi.
07:26Kasi pagdating kasi sa mga birthday, simpre, lagi ako wala.
07:31Yun lang, wala silang online tiket kaya kailangan ng pass mula sa online registration assistance system o ORAS.
07:37May helpdesk naman ang ORAS PASS para sa mga nangangailangan ng tulong, lalo na yung walang internet connection o hindi
07:43techie.
07:44Kami nakakuha ng pass para sa tiket.
07:48Ano na pa hindi nga isayin naman?
07:50ID. Ito ID.
07:52Mabilis naman, basta senior citizen.
07:55Para sa akin, hassle lang. Parang hassle.
07:57Kasi ano po, yung ano namin, 10, anong oras, 9.45, tapos may pila pa ulit dito.
08:05Naging matiwasay naman ang sitwasyon sa Batangas Port.
08:08May isang biyahe lang na kinailangan palitan ng barko, pero di naman na delay ang mga pasahero.
08:13Mas maluwag din kumpara noong nakaraang taon, pero nananatiling mahigpit ang siguridad.
08:17So far, compared din ulit sa last year, maluwag pa rin nating masasabi.
08:24Lagi kong sinasabi, hindi pa rin tayong pwedeng mangkampante kasi baka mamaya, mamaya pa rin dumagsa hanggang bukas.
08:31Pero ang Dalahigan Port sa Lucena, Quezon, puno ng pasahero.
08:35May mga nakahigana sa sahig dahil walang mapwestuhan.
08:38Ultimo labas ng terminal area, marami naghihintay ng oras ng biyahe ng barko.
08:48At magdamag din naka-duty itong mga health desks dito sa tinatawag nilang oras o yung online registration assistance system.
08:56Para yan na matiyak na merong biyahe yung mga pasahero rito at hindi sila magiging chance passenger lamang.
09:01Ito ang latest na sitwasyon dito sa Batangas Port.
09:04Bam Alegre, balik sa'yo yan, Atom.
09:05Maraming salamat, Bam Alegre.
09:08Hinigpitan pa ang siguridad sa ilang airport matapos makumpiska ang daan-daang basyo ng bala at live ammunition simula noong
09:16linggo.
09:17Sa Puerto Princesa Airport, isang babae ang di pinayagang makabiyahe matapos makuhana ng dalawang magazine ng M16 na naglalaman ng
09:2665 live ammunition.
09:27Isang pasahero naman sa NIA Terminal 2 ang na-enquest netong lunes matapos ma-detect ang labing tatlong cartridges ng
09:35liquid marijuana at tatlong piraso ng drug paraphernalya sa kanyang bagahe.
09:41Ibinibentang expired at smuggled na grocery items.
09:45Yan ang nabisto sa magkahiwalay na operasyon sa Tarlac at Bulacan.
09:48Bukod pa yan sa milyong-milyong pisong halaga ng bocha na galing umanong China.
09:53May exclusive report si John Consulta.
09:58Pagpasok sa loob ng compound na ito sa Bambantarlac, tumambad ang sako-sako noodles, biskuit, tsokolate at iba pang pagkain.
10:06Mga expired na ito. Pero ibinibenta po umano ng bagsak presyo ng suspect.
10:11Hindi mo sa akin yan?
10:12Hindi.
10:15Doon sa ano? Kinaano lang yan?
10:17Hindi po. Atay, noong ilang linggo na po namin kayong minaman-manan, hindi naman po namin kayo pupuntahan dito.
10:25Kung basta-basta, di ba po, siyempre ito yung narabaho naman. Hindi, mamaya po, tinarabaho na rin po namin kayo.
10:34Nagkasakit yung isa sa mga nakakain. Binubura nila yung expiration date, may ginagamit silang kemikal at yun ay binibenta nila.
10:44Sa hiwalay na operasyon sa isang warehouse sa Marilaw, Bulacan, nasam-sam ang sako-sakong noodles, mga sakap sa pangluto
10:52at hot meat o bocha na galing umalong China.
10:56Tinatayang na sa 5 milyong pisong halaga ang smuggled o poslit na karne.
11:00Arestado ang isang Chinese na wala pang pahayag.
11:03Ayon sa Police Regional Office 3, lubhang delikado ang mga pagkain expired na na kanilang narecover mula sa kanilang dalawang
11:11magkahiwalay na raid.
11:12May nakakarating dito, may sumasalo, pagdating dito, binibenta nila.
11:18Kakakalungkot yan kasi maraming magkakasakit sa mga nakabili kung yan ay patuloy na magbebenta ng mga iligal na produkto na
11:30ganyan.
11:31John Consulta, GMA News.
11:33Halos 20,000 turista na ang dumating sa isla ng Buracay.
11:38Bagya namang nanlamig ang mga nais magbakasyon sa City of Pines sa gitna ng taas presyo sa langis.
11:44Mula sa Baguio City, may live report si Bea Pinlak.
11:48Bea?
11:52Atong pati mga maliliit na negosyo talagang umaaray sa epekto ng pagtumal ng mga turista dito sa Baguio City.
12:05Ramdam ang pagbaba ng bilang ng mga umaakyat sa City of Pines.
12:08If we're going to compare the traffic situation last year to this year, e talagang there is a significant change
12:19mas maluwag ngayon.
12:20Parang ang makunti ngayon maluwag pa.
12:22Lumuwag man ng traffic, tuloy pa rin sa pagsaway ang mga polis sa mga motoristang pumaparada sa tabing kalsada para
12:29magpapicture sa lion's head.
12:31May designated parking lot naman, pero kapag nalagpasan na ito ng mga motorista, wala nang ibang bukas na paradahan.
12:39Para sa maraming turista, hindi kumpleto ang Baguio travel experience kung walang picture dito sa lion's head sa Kennon Road.
12:45Pero matumal ang dating ng mga turista kung ikukumpara raw nung mga nakaraang Semana Santa.
12:51Apektado ang maliliit na negosyo.
12:54Ang hirap anak ng buhay namin ngayon dito sa may ulo ng lion.
13:02Kaya, these days lang.
13:04Wala kaming kikitain. Lalo na pa ngayon, pinag-gipit nilang.
13:11Tiniyak naman ang lokal na pamahalaan na may mga hakbang sila para alalayan ng mga maliliit na negosyo.
13:18Kung may impending na mga increases sa rentals, hindi na muna.
13:24Second is, siguro magbibigay kami ng sort of a tax relief.
13:33Yung aming programa ng fund, loan na walang interest.
13:40Para mapanatili ang kaayusan sa lungsod, mahigit sanliwong polis at force multiplier ang nakadeploy sa Baguio hanggang May 31.
13:51Binalik-balikan din ang mga lokal at banyagang turista ang isla ng Boracay.
13:57Sa datos ng Malay Tourism, mahigit 19,000 tourists na ang dumating sa isla mula March 26 hanggang 29.
14:05Inaasahan pa yung madaragdagan ngayong Holy Week break kahit pa nagmahalang pamasahe at petrolyo.
14:12Yung atmosphere, yung vibe ng isla.
14:15Mga activities, island hopping.
14:18Ating gusto rin din lang mga ATV.
14:22Hindi nakaplano siya since January.
14:23Higit sa pag-e-enjoy, sasamantalahin din daw ng ilan na magninilay-nilay.
14:29One week lang po kasi kami dito. Kung makapunta man po kami ng simbahan, siguro saglit lang.
14:34Paalala ng Malay LGU, sundin ang lahat ng protocols.
14:39Gaya ng pagbabawal sa malakas na pagpapatugtog lalo sa Good Friday.
14:44Lalo namang hinigpitan ang inspeksyon sa kagban at katiklan jetty ports.
14:49Ang pinagbabawal natin dyan ng unang-una, ang matatalas na bagay, mga pointed,
14:54ang mga barel na hindi, ano, tapos ang ibang mga ano natin.
15:00Bawal din po dyan yung mga playmable.
15:07Atom dito sa Baguio City, wala pang namamonitor na dagsa ng mga motorista.
15:12Pero umaasa ang Baguio LGU na bahagyang dadami ang bilang ng mga turista simula bukas.
15:18Yan ang latest mula rito sa Baguio City, Bea Penlac, GMA News.
15:22Maraming salamat, Bea Penlac.
15:26Humihiling na umano ng ceasefire o tigil putukan ng Presidente ng Iran.
15:31Ayon sa post ni U.S. President Donald Trump,
15:34ikokonsidera nila ang hiling na ito kung bukas na ang Strait of Hormuz.
15:38Pero hanggat hindi, patuloy raw nilang pupulbusin ang Iran.
15:43Hindi pa kinukumpirma ng Iran kung humiling nga sila ng ceasefire sa Amerika.
15:47Bago yan, sinabi ni Trump na posibleng tapusan na nila ang gera sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
15:54Ito raw ay kahit wala silang mabuong kasunduan sa Iran.
15:58Ang tanging requirement lang daw nila ay hindi na sila bubuo ng nuclear weapon.
16:03Pag natapos sa ang gera, inaasaan ni Trump na bababa na ang presyo ng petrolyo.
16:11Makipagtulungan daw sa imbesigasyon ng kumpanya ng ginagawang gusali sa Maynila
16:15kung saan bumagsak ang isang crane lift.
16:18Isa ang sugatan sa insidente.
16:20May report si Vona Quino.
16:25Halos matabunan na ng mga debris ang asul na truck na ito
16:28matapos bumagsak ang isang crane lift sa ginagawang kondominium sa Santa Cruz, Maynila.
16:34Kasabay nito, bumigay rin at humambalang sa kalsada ang covered walkway
16:38na nagpaprotekta sa mga pedestrians at sasakyan.
16:41May mga kable rin ang kuryente na humarang sa kalsada na agad namang inayos ng Meralco.
16:46Sa initial report ng MPD Station 11, habang iniaakyat ang kahon ng buhangin gamit ang crane,
16:53natanggal ang hook block ng crane hanggang sa bumagsak ang kahon ng buhangin sa canopy.
16:57Ayon sa mga otoridad, may isang nagtamo ng sugat.
17:01Pansamantala namang ipinatigil ang konstruksyon ng kondominium.
17:05Sa payag ng Ompin Tower, nakalabas na ng ospital ang nasugatan nilang tauhan.
17:09Tututukan daw nila at ng kanilang contractor ang clearing operations
17:13at tutulong sa pagsasaayos ng linya ng kuryente.
17:16Handa rin daw silang makipagtulungan sa imbestigasyon ng otoridad.
17:20Sinusubukan pa rin kunan ang pahayagang safety officer ng construction site.
17:24Nasa kustudiya naman ng MPD Station 11, ang crane operator.
17:29Von Aquino, GMA News.
17:37Ang tradisyonal na pabasa tuwing Semana Santa, mas naisasapusurao ng ilan sa ibang paraan.
17:43Pusuan natin yan sa report ni Sandra Aguinaldo.
17:48Sa buling pag-alingaw-ngaw ng tradisyonal na pabasa ng pasyon,
18:00ilang katoliko ang nagbabasa na talagang full of passion.
18:09Masigla at tonong tila bago nga sa pandinig ng ilan.
18:13Ang pabasa nila Ara Molar ng Malabon.
18:16Pero aniya, bahagi talaga ng marami pang versyon ng pabasa ang kanyang tono.
18:22Ang panata niyang ito, pagpupugay sa talento.
18:25At ang ganda ng boses ni Ara, bagay na mas kinagiliwan ng kanyang mga kasama,
18:31pati na ng netizens.
18:43May vibrato, ang panalangin na taus-puso.
19:03Abot langit naman sa taas ang versyon ng pabasa ni B.J. Tabios sa Navotas.
19:08Gamit niya raw ang baleling tune, na ginagamit rin daw nila tuwing may pabasa sa Pampanga.
19:15Bumilib pa ang ilan dahil kahit bata.
19:17Alam niya ang pangmatanda na raw na versyon.
19:27Mas pabilyar na himig naman ang gamit ni Rusta Flores sa Quezon City.
19:38Sa ganitong versyon ng pabasa, mas marami raw ang nakakasabay at nakakaintindi kahit pa ang mas nakababatang henerasyon.
19:46May ilan man daw na napapatakip ng tainga dahil sa kanilang versyon,
19:52ang mahalaga sa kanila, mas marami ang makaintindi ng totoong mensahe ng pasyon,
19:59ang sakripisyo ni Yesu Cristo.
20:05Sandra Aguinaldo, GMA News.
20:09At yan ang mga balitang dapat niyong malaman.
20:12Ito ang GMA News.
20:14Walang kinikilingan, walang prinoprotektahan.
20:16Noon at ngayon, serbisyong totoo.
20:19Ako po si Atom Maraulio at ito ang State of the Nation.
Comments