Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ngayong Merkulay Santo ng gabi, umabot sa mahigit 90% ng fully booked ng mga biyahe pa Bicol mula PITX.
00:07Kabilang dyan ay yung additional trips. May report si Oscar Oida.
00:13Tila nagpinitensya na ang mga humahabol na pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX ngayong Merkulay Santo.
00:22May ilang ngayon pa lang bumili ng tiket dahil pumasok pa sa trabaho.
00:27Sayang naman po kasi yung sweldo ngayon kaya pumasok na lang po ako.
00:32As of 8pm, umabot na sa mahigit 179,000 ang pasahero sa terminal.
00:38Sabi nga ng pamunuan ng PITX, baka mahigitan pa ang lagpas 200,000 na biyahero na naitala noong nakaraang taon.
00:46Ang ilang kasing may sasakyan, posibleng nag-commute na rin.
00:50Napakataas ng presyo ng produktong petrolyo.
00:54Nakikita natin na yung mga dating motorista na nagdadala ng kanika nila mga privado sa sasakyan patungo sa mga probinsa.
00:59E ngayon, nagpa-public transport na o nagbo-boost na.
01:02Sa kabila niyan, sasapat daw ang mga bus.
01:05In the last few days, marami ng special permit din na na-issue no.
01:08In the past few days, nagsabi na ilan sa ating mga operators na magbabawa sila ng mga biyahe.
01:13Pero thankfully, tumalima rin naman at sumunod yung mga transport operators natin na magpadala pa rin sila na kanilang mga
01:19units dito.
01:20Ang di-otorizadong taas-pasahe ng ilang bus companies na ibalik na rin daw sa dati.
01:26Wala pa namang pinataw na suspension as far as I know.
01:29As of 8pm, 90% ng mga biyahe pa Bicol ngayong araw ang fully booked na.
01:35Kabilang 63 additional trips.
01:38Lagpas 90% na rin ng mga biyahe ngayong araw pa Visayas at Mindanao at pa Mindoro ang fully booked.
01:45Para sa mas ligtas na biyahe, nag-inspeksyon sa terminal ang pulisya, pati ang Office for Transport Security at ang
01:53Bureau of Fire Protection.
01:54May nasita kami dahil nakatali ng alambre and it took him 8 seconds para matanggal yung alambre and it's supposed
02:04to be.
02:04Dapat madali minsan maugod dahil 8 seconds tapos merong nasusunod sa mukbang.
02:11That's a long-long time.
02:13Ang dinadrive mo rito, hindi lang buhay mo.
02:15You're carrying and protecting the safety ng mga pasahero mo.
02:20And malaking obligasyon yun.
02:24Ang PNP, nakabantay na rin sa mga bus terminals sa Cubao, Quezon City.
02:29Bukod sa public announcement system, gumamit na rin sila ng placards para magpaalala sa publiko.
02:35Yung pananamantala ay palagi po ang ating kapulisan dyan na nagbabantay to make sure na ligtas ang ating mga kababayan.
02:45Lalong-lalo na po yung ating mga kababayan na bibiyahe.
02:50Maganda rin para maalam mo safe ka.
02:52Okay lang po kasi para po maging ligtas po yung kapaligiran.
02:56Ang dagsa ngayon ng mga biyahero, di raw inaasahan ng mga bus driver.
03:01E nakala kasi nilang magiging matumal na dahil noong nakarang linggo pa lang ay punuan na ang mga biyahe.
03:09Oscar Oida, GMA News.
03:12Nanibago ang ilang pasahero sa bagong sistema ng pagkuhan ng tiket sa Batangas Port kung saan ramdam ang pagtuma ng
03:19pasahero ngayong Semana Santa.
03:21Ang sitwasyon doon sa live report ni Bam Alegre.
03:25Bam!
03:30At ang maganda gabi dito sa Batangas Port.
03:32Yung sitwasyon dito maghapon eh matumal yung foot traffic.
03:35Pero kaninang pasado las 10 ng gabi, nagsimula rin magsidatingan yung mga pasahero.
03:40Ang running count natin, as of 10pm, nasa mahigit 20,000 na mga pasahero ang dumaan dito sa Batangas Port
03:48ngayong Merkules Santo.
03:49Pero mas mababa yan kung ikukumpara natin noong nakaraang taon na nasa mahigit 29,000.
03:58Kararating lang ni April at ng kanyang anak mula Korea.
04:01Kahit pagod at mas mahal ang pamasahe, nasa Batangas Port sila kanina para bumiyahe pa Buracay.
04:06Sabi ng kapatid ko, ate wika, mag-reunion tayo sa ano, nito nga, 60 years old na kasi.
04:13Kasi pagdating kasi sa mga birthday, siyempre lagi ako wala.
04:18Yun lang, wala silang online ticket kaya kailangan ng pass mula sa Online Registration Assistance System o ORAS.
04:25May help desk naman ang ORAS pass para sa mga nangangailangan ng tulong, lalo na yung walang internet connection o
04:30hindi techie.
04:31Kami nakakuha ng pass para sa ticket.
04:36Ano na pa hiningi sa inyo?
04:37ID, ito ID.
04:39Mabilis naman, basta senior citizen.
04:42Para sa akin, hassle lang. Parang hassle. Kasi ano po, yung ano namin, 10, anong oras, 9.45 tapos may
04:50pila po ulit dito.
04:52Naging matiwasay naman ang sitwasyon sa Batangas Port. May isang biyahe lang na kinailangan palitan ng barko pero di naman
04:58na delay ang mga pasahero.
05:00Mas maluwag din kumpara noong nakaraang taon pero nananatiling mahigpit ang siguridad.
05:04So far, compared din ulit sa last year, maluwag pa rin nating masasabi. Lagi kong sinasabi, hindi pa rin tayong
05:14pwedeng mga pante kasi baka mamaya, mamaya pa rin dumagsa hanggang bukas.
05:18Pero ang Dalahigan Port sa Lucena, Quezon, puno ng pasahero. May mga nakahiga na sa sahig dahil walang mapwestuhan.
05:25Ultimo labas ng terminal area, marami naghihintay ng oras ng biyahe ng barko.
05:35At ang magnamag din naka-duty, itong mga health desks dito sa tinatawag nilang oras o yung online registration assistance
05:42system.
05:43Para yan matiyak na mayroong biyahe yung mga pasahero rito at hindi sila magiging chance passenger lamang.
05:49Ito ang latest na sitwasyon dito sa Batangas Port, Bam Alegre. Balik sa'yo yan, Atom.
05:53Maraming salamat, Bam Alegre.
05:55Pabilis naman ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway at South Luzon Expressway.
06:00May live report si James Agustin.
06:03James?
06:08Atomaluwag na yung traffic dito sa Balintawaktol Plaza ng NLEX ngayong gabi.
06:12Kung nagkakapila man ay dun sa mga links kung saan maaaring magbayad ng cash yung mga motorisa.
06:17Pero mabilis din naman silang nakakausad.
06:21Saan na lang titipirin?
06:23Tinapos pa ng anak ni Lito ang trabaho kanina, kaya ngayon lang sila babiyahing mag-anak palinggay ang Pangasinan.
06:28Tuloy ang bakasyon kahit pamataas ang presyo ng petrolyo.
06:31Ay, walang tayong magagawa. Tiyaga-tsyaga lang. Basta makauwi.
06:37Mahal na araw, bakasyon. Kaya saka ipasyal ko din yung mga apoko. Yun lang ang time kasi.
06:45Biyahing loan nyo naman si Andre kasama ang apat na kaibigan.
06:48Bago pumasok sa North Luzon Expressway, nagpakarga siya ng dagdag na 1,000 peso sa isang gasolinahan sa EDSA Balintawak.
06:55Ay, yun lang po kasi yung budget namin. Tapos masyado mataas yung unledded nyo yun. Holy Week eh.
07:03Susulitin talaga namin.
07:05Mag-alas 9 ngayong gabi, mabilis ang usad ng mga sasakyan papasok ng NLEX.
07:09Ganyan din ang sitwasyon sa Balintawak, Toll Plaza.
07:12Ayon sa pamunuan ng NLEX bago mag-alas 5 ng hapon, maluwag na ang daloy sa magkabilang lane ng Expressway.
07:18Sa mga nagdaang Holy Week, mga ganito hanggang 10 o'clock or even 11 o'clock, may volume pa po
07:25tayo.
07:26Pero sa ngayon, sa naranasan po natin, mukhang kung magkakaroon man po tayo mga kapatayong mabiyahe, ganito na lang po
07:34karamihan.
07:35Gayun ma, nakahanda ang counterflow lane mula Balintawak hanggang Marilaw, kung tatas ulit ang volume ng mga motorisa na mabiyahe
07:41pa Norte.
07:43Nagdagdag din ang cash lane sa Toll Plaza.
07:44Mabilis naman ang biyahe sa South Ozone Expresswayo, SLEX.
07:48Bahagya lang nagka-build up kanina dahil sa ilang minor accident pero mabilis din na clear.
07:53Bahagya rin bumagal ang trafico sa dulo ng SLEX sa Santo Tomas, Batangas dahil sa ginagawang kalsada.
07:58Nagka-build up din sa Calamba Exit pero lumuwag din kalaunan.
08:02Pansin ang operator ng SLEX, mas kakaunti ang dumaan ngayon kumpara sa mga nagdaang semana santa.
08:07Simula po kagabi, inobserbahan na namin, talagang light traffic po tayo at mabilis po ang mga sasakyan.
08:17Siguro po dahil na rin po dito sa pagtaas po ng petrolyo.
08:22Pero di lang daw yan ngayong Holy Week nangyari.
08:24Simula nung tumaas po yung petrolyo, bumagsak na po yung volume of vehicles natin ng 10-15% po doon
08:35sa average daily natin traffic.
08:43Samatala, balik po dito sa NLEX. Ito yung sitwasyon dito sa Balintawak, Tall Plaza ngayong pasado las 11 ng gabi.
08:49Bahagya nagkakaroon po ng pila doon sa cash lanes pero doon po sa RFID lanes ay maluwag naman yung sitwasyon
08:55ngayong gabi.
08:56Yan muna yung latest mula po dito sa NLEX, Balintawak. Balik sa'yo, Atom.
08:59Maraming salamat, James Agustin.
09:02Hinigpitan pa ang siguridad sa ilang airport matapos makumpiska ang daan-daang basyo ng bala at live ammunition simula noong
09:10linggo.
09:10Sa Puerto Princesa Airport, isang babae ang hindi pinayagang makabiyahe matapos makuhana ng dalawang magazine ng M-16 na naglalaman
09:19ng 65 live ammunition.
09:22Isang pasero naman sa NIA Terminal 2 ang na-enquest na itong lunes matapos ma-detect ang labing tatlong cartridges
09:28ng liquid marijuana
09:30at tatlong piraso ng drug paraphernalya sa kanyang bagahe.
09:35Ibinibentang expired at smuggled na grocery items.
09:39Yan ang nabisto sa magkahiwalay na operasyon sa Tarlac at Bulacan.
09:42Bukod pa yan sa milyong-milyong pisong halaga ng bocha na galing umanong China.
09:47May exclusive report si John Consulta.
09:52Pagpasok sa loob ng compound na ito sa Bambantarlac, tumambad ang sako-sako noodles, biskuit, tsokolate at iba pang pagkain.
10:00Mga expired na ito.
10:01Pero ibinibenta po umano ng bagsak presyo ng suspect.
10:05Hindi mo sa akin yan?
10:06Hindi.
10:09Doon sa ano? Kinaano lang yan?
10:11Hindi po.
10:11Atay, nung ilang linggo na po namin kayong inaano, minaman-manan, hindi naman po namin kayo pupuntahan dito.
10:21Kung basta-basta, di ba po?
10:23Siyempre tinarabaho naman.
10:24Hindi, mamaya po.
10:25Tinarabaho na rin po namin kayo.
10:28Nagkasakit yung isa sa mga nakakain.
10:30Binubura nila yung expiration date, may ginagamit silang kemikal at yun ay binibenta nila.
10:38Sa hiwalay na operasyon sa isang warehouse sa Marilaw, Bulacan,
10:42nasam-sam ang sako-sakong noodles, mga sangkap sa pangluto at hot meat o bocha na galing umalong China.
10:50Tinatayang na sa 5 milyong pisong halaga ang smuggled o poslit na karne.
10:54Arestado ang isang Chinese na wala pang pahayag.
10:57Ayon sa Police Regional Office 3, lubhang delikado ang mga pagkain expired na na kanilang narecover mula sa kanilang dalawang
11:05magkahiwalay na rate.
11:07Nakakarating dito, may sumasalo, pagdating dito, binibenta nila.
11:12Nakakalungkot yan kasi maraming magkakasakit sa mga nakabili kung yan ay patuloy na magbebenta ng mga iligal na produkto na
11:24ganyan.
11:24John Consulta, GMA News.
11:27Halos 20,000 turista na ang dumating sa isla ng Buracay.
11:32Bagya namang nanlamig ang mga nais magbakasyon sa City of Pines sa gitna ng taas presyo sa langis.
11:38Mula sa Baguio City, may live report si Bea Pinlak.
11:42Bea?
11:46Atong pati mga maliliit na negosyo talagang umaaray sa epekto ng pagtumal ng mga turista dito sa Baguio City.
11:58Ramdam ang pagbaba ng bilang ng mga umaakyat sa City of Pines.
12:02If we're going to compare the traffic situation last year to this year, e talagang there is a significant change
12:13mas maluwag ngayon.
12:14Parang ang makunti ngayon maluwag pa.
12:16Lumuwag man ng traffic, tuloy pa rin sa pagsaway ang mga polis sa mga motoristang pumaparada sa tabing kalsada para
12:23magpapicture sa lion's head.
12:25May designated parking lot naman, pero kapag nalagpasan na ito ng mga motorista, wala nang ibang bukas na paradahan.
12:33Para sa maraming turista, hindi kumpleto ang Baguio travel experience kung walang picture dito sa lion's head sa Kennon Road.
12:39Pero matumal ang dating ng mga turista kung ikukumpara raw nung mga nakaraang Semana Santa.
12:45Apektado ang maliliit na negosyo.
12:48Ang hirap anak ng buhay namin ngayon dito sa may ulo ng lion.
12:56Kaya, these days lang.
12:58Wala kaming kikitain. Lalo na pa ngayon, pinag-ipit nilang.
13:05Tiniyak naman ang lokal na pamahalaan na may mga hakbang sila para alalayan ng mga maliliit na negosyo.
13:11Kung may impending na mga increases sa rentals, hindi na muna.
13:18Second is siguro magbibigay kami ng sort of a tax relief.
13:27Yung aming programa ng fund, loan na walang interest.
13:34Para mapanatili ang kaayusan sa lungsod, mahigit sanliwong polis at force multiplier ang nakadeploy sa Baguio hanggang May 31.
13:45Binalik-balikan din ang mga lokal at banyagang turista ang isla ng Boracay.
13:51Sa datos ng Malay Tourism, mahigit 19,000 tourists na ang dumating sa isla mula March 26 hanggang 29.
13:59Inaasahan pa yung madaragdagan ngayong Holy Week break kahit pa nagmahalang pamasahe at petrolyo.
14:06Yung atmosphere, yung vibe ng isla.
14:09Mga activities, island hopping.
14:12Ating gusto rin din lang mga ATV.
14:16Hindi naka-plano siya since January.
14:17Higit sa pag-e-enjoy, sasamantalahin din daw ng ilan na magninilay-nilay.
14:23One week lang po kasi kami dito. Kung makapunta man po kami ng simbahan, siguro saglit lang.
14:28Paalala ng Malay LGU, sundin ang lahat ng protocols.
14:32Gaya ng pagbabawal sa malakas na pagpapatugtog lalo sa Good Friday.
14:38Lalo namang hinigpitan ang inspeksyon sa Kagban at Katiklan Jetty Ports.
14:43Ang pinagbabawal natin dyan ng unang-una, ang matatalas na bagay, mga pointed,
14:48ang mga barel na hindi, ano, tapos ang ibang mga ano natin, bawal din po dyan yung mga playmable.
15:01Atom dito sa Baguio City, wala pang namamonitor na dagsa ng mga motorista.
15:06Pero umaasa ang Baguio LGU na bahagyang dadami ang bilang ng mga turista simula bukas.
15:12Yan ang latest mula rito sa Baguio City, Bea Penlac, GMA News.
15:17Maraming salamat, Bea Penlac.
15:20Humihiling na umano ng ceasefire o tigil putukan ng Presidente ng Iran.
15:25Ayon sa post ni U.S. President Donald Trump,
15:28hindi kukonsidera nila ang hiling na ito kung bukas na ang Strait of Hormuz.
15:32Pero hanggat hindi, patuloy raw nilang pupulbusin ang Iran.
15:37Hindi pa kinukumpirma ng Iran kung humiling nga sila ng ceasefire sa Amerika.
15:41Bago yan, sinabi ni Trump na posibleng tapusan na nila ang gera sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
15:48Ito raw ay kahit wala silang mabuong kasunduan sa Iran.
15:52Ang tanging requirement lang daw nila ay hindi na sila bubuo ng nuclear weapon.
15:57Pag natapos na ang gera, inaasaan ni Trump na bababa na ang presyo ng petrolyo.
16:05Makipagtulungan daw sa embesigasyon ng kumpanya ng ginagawang gusali sa Maynila
16:09kung saan bumagsak ang isang crane lift.
16:12Isa ang sugatan sa insidente.
16:14May report si Vona Quino.
16:19Halos matabunan na ng mga debris ang asul na truck na ito
16:22matapos bumagsak ang isang crane lift sa ginagawang kondominium sa Santa Cruz, Maynila.
16:27Kasabay nito, bumigay rin at humambalang sa kalsada ang covered walkway
16:32na nagpaprotekta sa mga pedestrians at sasakyan.
16:35May mga kable rin ang kuryente na humarang sa kalsada na agad namang inayos ng Meralco.
16:40Sa initial report ng MPD Station 11, habang iniaakyat ang kahon ng buhangin gamit ang crane,
16:47natanggal ang hook block ng crane hanggang sa bumagsak ang kahon ng buhangin sa canopy.
16:51Ayon sa mga otoridad, may isang nagtamo ng sugat.
16:55Pansamantala namang ipinatigil ang konstruksyon ng kondominium.
16:58Sa payag ng Ompin Tower, nakalabas na ng ospital ang nasugatan nilang tauhan.
17:03Tututukan daw nila at ng kanilang contractor ang clearing operations
17:07at tutulong sa pagsasaayos ng linya ng kuryente.
17:10Handa rin daw silang makipagtulungan sa investigasyon ng otoridad.
17:14Sinusubukan pa rin kuna ng pahayag ang safety officer ng construction site.
17:18Nasa kustudiya naman ng MPD Station 11 ang crane operator.
17:22Von Aquino, GMA News.
Comments

Recommended