Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong February 16, 2026


- 8 opisyal noong Duterte Administration, tinukoy ng ICC Prosecutor na kasabwat umano ni FPRRD sa war on drugs | ICC Asst. to Counsel Atty. Conti: 8 co-perpetrators, binanggit ng ICC Prosecutor para maunawaan ang konteksto ng umano'y EJK; hindi nangangahulugang akusado na rin | Sen. Bong Go, tinawag na walang batayan at hindi makatarungan ang pagtawag sa kaniya bilang co-perpetrator ni FPRRD sa drug war | Dating DOJ Sec. Aguirre: "I've never engaged in any extrajudicial killings"
- Senate Pres. Sotto sa inihaing petisyon sa Korte Suprema para i-cite siya ng indirect contempt: "It is a mere publicity stunt"
- 5-day wellness leave para sa mga guro at staff ng DepEd, inaprubahan
- DSWD: Bawal gumamit ng pekeng dokumento o I.D. para makakuha ng ayuda mula sa gobyerno
- NAPOLCOM, suportado ang panukalang magbibigay ng proteksiyon sa mga motoristang walang pananagutan sa kinasangkutang disgrasya


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30Dating PNP Chiefs Oscar Albayalde at Camilo Cascolan na yumao noong 2023.
00:37Dating CIDG Deputy Director Vicente Danao, dating NBI Director Dante Gueran, dating PIDEA Chief Isidro Lapeña at dating Justice Secretary
00:46Vitaliano Aguirre II na itinangging may kinalaman siya sa extrajudicial killings.
00:52Nauna na ring itinangginigo ang paratang.
00:54May unang balita si Dano Tingkungko.
01:00Walong kilalang kaalyado at dating mga opisyal noong Administrasyong Duterte ang tinukoy sa dokumentong inilabas ng International Criminal Court na
01:08mga co-perpetrator o kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang war on drugs.
01:13Ang ilan sa kanila kasalukuyang matataas sa opisyal gaya ni na Senador Bongo at Bato de la Rosa.
01:20Paglilino ni ICC Assistant to Council Cristina Conti, hindi nangangahulugang akusado na rin o may mga kaso na ang mga
01:27pinangalan ng co-perpetrator.
01:29Binanggit lamang sila sa konteksto ng pagkukwento kung ano ba ang ginawa ni Duterte.
01:35Pero sa nakikita ko mukhang nagkaroon ng kaintindihan yung defense at saka prosecution na mag-unseal o isa publiko yung
01:45ibang pangalan para mas maintindihan ng taong bayan,
01:47ng labas sa Pilipinas, kung ano ang kinikwento.
01:54Kung baga makakatulong ito dun sa pagkukwento nila sa papel ni Duterte.
01:59Nauna ng itinanggi ni Sen. Goa, mga paratang na anya'y walang batayan, hindi patas, hindi makatarungan at walang kaugnayan
02:06sa katotohanan.
02:07Si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pinabulaan ng kasabwat siya sa extrajudicial killings.
02:12But I've never engaged in any extrajudicial killing. Hindi ko sinuporta niyan kung meron man. Hindi ko nga alam yan
02:21eh.
02:22As a matter of fact, during my time as Secretary of Justice, they made a big pass about the killings
02:33of Quien de los Santos, Carlos Arnaiz, and Culot de Guzman.
02:40It was instrumental in bringing all the parents and relatives of these three to Malacanang and Bahay Pangarap.
02:52And because of this, they were able to meet with the president.
02:56And after that meeting, charges were filed against this policeman and trials were conducted.
03:05And they were all convicted.
03:10Patutsada pa ni Aguirre, dinawit lang anya ng ICC Office of the Prosecutor ang pangalan niya para bigyang kredibilidad ang
03:17sinasabi nitong common plan
03:18para in-neutralize ang mga kriminal na sangkot sa iligal na droga sa pamagitan ng pagpatay.
03:23So, ang naging partisipasyon ni Aguirre bilang Justice Secretary nung panahon ni Duterte
03:30ay doon sa bahagi pa nga ng aiding and abetting o pagtulong na gumawa ng atmosfera o mag-udyok sa
03:39iba na pumatay.
03:41Si Bato de la Rosa din, meron mga statements nung ipinapaliwanan nga nila sa publiko, ano ba itong tokhang,
03:47na ang tono ay kill, kill, kill. Yung buong setup na yun ang nagbibigay ng pananaw sa mga tao na,
03:58ah, cover ng lahat. Tokhang is a national policy.
04:03Sinisikap pa namin kunin ang pahayag ng ibang mga pinangalan ng co-perpetrator, pero wala pa rin silang tugon sa
04:09ngayon.
04:10Sa susunod na lunes, February 23, magsisimula ang confirmation of charges hearing kay Duterte.
04:15Araw-araw maliban sa miyerkoles, 10 a.m. to 3 p.m. the Hague time o 5 to 10 p
04:21.m. oras sa Pilipinas.
04:23Sa pagdinig, aalamin kung may sapat na basihan para tumuloy sa paglilitis si Duterte.
04:28Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA Integrated News.
04:33Tinawag na publicity stunt ni Senate President Tito Soto ang inihahing petisyon sa Korte Suprema
04:38para is-cite siya ng indirect contempt.
04:40Ang nasabing petisyon na isinampan ng ilang abogado at individual laban kay Soto
04:45ay kaugnay sa mga pahayag niya sa desisyon ng Korte Suprema
04:48ukol sa Articles of Impeachment na inihahing laban kay Vice President Sara Duterte noong nakaraang taon.
04:54Sabi ni Soto, hindi ba tayan para mas-cite ng indirect contempt
04:58ang pagsasabi ng hindi pagsang-ayon sa desisyon ng Korte.
05:02Dapat aniang alam ito ni Atty. Ferdinand Topacio na isa sa mga naghahain ng petisyon.
05:07Lalo na at matagal na aniang may record si Topacio
05:10ng pagpunah sa mga desisyon ng Korte na hindi pabor sa kanyang kliyente.
05:15Sasagot daw si Soto sa petisyon kapag iniutos na ito sa kanya ng Korte Suprema.
05:23Inaproba na ng Department of Education ang 5-day wellness leave
05:27para sa mga guro at staff nito.
05:29Alinsunod ito sa Mental Health Act at Wellness Leave Policy
05:33ng Civil Service Commission.
05:34Ayon sa Deped Order, pwedeng mag-file ng wellness leave
05:37ng paisa-isang araw o hindi lalampas sa tatlong magkakasunod na araw.
05:42Hiwalay ang 5-day wellness leave sa mga sick leave at vacation leave.
05:46Layunin ang wellness leave na mabigyang prioridad ng mga staff
05:49ang kanilang kalusugan.
05:54Muling nagbabala ang Department of Social Welfare and Development
05:57laban sa paggamit ng mga peking dokumento
05:59para makakuha ng tulong mula sa ahensya o gobyerno.
06:03Gitang DSWD, bahig pinagbabawal sa batas ang paggamit ng peking ID
06:07o anumang falsified na dokumento para humiling ng ayuda.
06:11Baring maharap sa reklamo ang mauhuling gumagawa nito.
06:16Supportado ng National Police Commission
06:19ang panukalang Defensive Driving Protection Act sa Senado.
06:22Sa ilalim ng panukala, hindi i-detain ang mga motoristang may maipapakita agad
06:27na ebidensyang magpapatunay na wala silang pananagutan
06:30sa kinasangkotang disgrasya tulad ng pagpapakita ng dashcam o CCTV footage.
06:36Ayon sa Napolcom, hindi dapat default o agad inaaresto ang motorista
06:40kung may malino na ebidensyang wala siyang sala o kasalanan.
06:44Masasolusyonan daw ang panukalang ito.
06:46Ang matagal naan nilang butas sa traffic enforcement.
06:49Isang motorista ang pansamantalang na detain itong isang linggo
06:53matapos tamaan ng isang taong nahulog mula sa LRT1 sa Quezon City.
06:58Binalaya rin siya kalaunan dahil hindi siya nakitaan ng pulisya
07:01ng pananagutan matapos magdesisyon ang kaanak ng nahulog
07:08na hindi na rin nila ireklamo ang driver.
07:14Gusto mo bang mauna sa mga balita?
07:16Mag-subscribe na sa GMI Integrated News sa YouTube
07:19at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended