00:00E.J. Gomez
00:26E.J.
00:30Igan, good morning.
00:33Nagsimula ng kahapon, February 1,
00:36ang pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng EDSA dito sa Quezon City
00:40dahil sa girder launching ng MRT-7.
00:44Ikalawang araw pa lang ngayon pero ilang motorista na ang nagsabi,
00:48lalo na yung mga namamasada na malaking abala raw sa kanilang hanap buhay,
00:53ang road closures.
00:54May pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng North EDSA sa Quezon City
01:01dahil sa girder launching ng MRT-7 simula nitong unang araw ng Pebrero.
01:06Apektado ang EDSA North Avenue, EDSA West Avenue at North EDSA
01:11mula Landmark Trinoma hanggang Unified Grand Central Station.
01:14Yung girder launching na gagawin namin, yun yung tatawid doon sa West Avenue.
01:21Kaya nga naglalagay kami ng tower support para dito idudugtong namin ito dito,
01:29papunta doon sa EDSA, apos diretso doon sa West Avenue.
01:34Nagpo full road closure kami dito mga after 10 days,
01:39kaya volume talaga yung traffic.
01:41So makaka-apekto talaga.
01:43Sa northbound patungong Balintawak, dalawang lanes ang isasara 24-7 hanggang May 8.
01:49Dalawang lanes din ang isasara 24-7 sa southbound patungong Kubaw
01:53mula February 15 hanggang May 18.
01:56May full night time closures din tuwing 10pm hanggang 4am sa mga piling araw.
02:01Hindi rin madaanan ang West Avenue, EDSA mula March 24 hanggang April 29 sa parehong oras.
02:07Ang trabaho namin dito 24-7 around the clock.
02:11Sisikapin namin na masunod talaga yung schedule, masunod yun.
02:16Kasi katatakbo na itong trend by middle of 2027.
02:22Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta tulad ng Quezon Avenue, Mindanao Avenue, Visayas Avenue, West Avenue at iba pa.
02:32Magpapatupad din ang zipper lane sa tuwing may full closure para makadaan pa rin ang mga sasakyan.
02:37Ang MMDA, Quezon City LGU at Transportation Department Contractors ay nakaantabay para gabaya ng mga motorista.
02:45Dalawang araw pa lang ang mga road closures sa EDSA.
02:48Nagre-reklamo na ang ilang driver.
02:50Konsumo po sa diesel yun.
02:52Tapos yung mga ibang pasyero po, misan napapaaway po kami sa kanila kasi pablasan diretso po.
02:58Madali po saan makarating.
03:00Lalo natatagalan po ma'am kasi umiikot pa po kami.
03:03Kaya yun po ang pinaproblema namin.
03:05Ang dalawang dekadang taxi driver naman na si Jerry, sinabing malaking kabawasan daw sa kita nila ang isinasagawang road closures.
03:14Napakalaking abala ko talaga.
03:16Lalo na kung iikot pa po kami, ahanap kami ng alternatibong ruta para mayatid namin ang pasyero.
03:21Hindi namin alam kung saan kami dadan.
03:23Lalo na po dito sa likod, sa Memindano Avenue, sa Project 6.
03:27Napakahira po talaga. Malaking epekto po talaga sa amin lalo mga taxi driver.
03:35Iga, nandito tayo ngayon sa kahabaan nitong North Avenue.
03:41At yung nakikita ninyo ngayon ay isa sa mga ginagawang tower support kung saan ilalagay nga yung girder.
03:49Ayon sa MMDA, Iga, kailangan naman daw talagang isara itong ilang bahagi ng EDSA para raw yan sa kaligtasan ng mga gumagawa.
03:56Gayun din ng mga motorista.
03:59At yan, ang unang balita mula po dito sa Quezon City.
04:03EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
04:07Pinunan ni Department of Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang ilang proyekto sa Bicol Region na hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.
04:21Kabilang dyan, ang balabog flyover na 2021 pa sinimulan pero 12% pa lang daw ang nagagawa.
04:29May unang balita si Darling Kai.
04:31Mga nakatiwangwang na pose ang dinatna ni DPWH Secretary Vince Dizon ang inspeksyon niya ng dapat sanay malabog flyover sa Albay na 2021 pa sinimulang itayo.
04:45Clearly pinabayaan. Obvious naman. Inabando na na.
04:5012% pa lang ng kabuang 700 metrong flyover ang nagagawa.
04:54Dalawang kontratisang gumawa ng 159 milyon pesos na proyektong ito.
04:58Ang high-tone construction and development corporation ng kapatid ni dating congressman Zaldico na si Christopher Co.
05:04At ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation ng mga diskaya.
05:10Kasama ang dalawang kumpanya sa lista ang inilabas si Pangulong Bombo Marcos ng top 15 contractors na naka-corner ng 20% ng lahat ng flood control projects sa bansa.
05:19Magaking problema talaga itong dinadanas natin dito sa Bicol kasi ang daming sunwest at ang daming high tone na nandito.
05:27Na alam naman natin, hindi na pwedeng mangontrata yung sunwest sa kahay toon ngayon kasi may mga kaso na frozen na lahat ng accounts niyan.
05:35Ngayong February, papabid na natin ang bago.
05:39So may pondo naman ito for 2026.
05:45Kaya nga nang ipabid, terminate si Diskaya, tatapusin na natin.
05:50Disbayado rin si Dizon sa inabotang estado ng konstruksyon ng Bicol Regional Medical Center sa Daragaalbay.
05:56Mula nang simulan ng proyekto noong 2023, apat pa lang sa sampung palapag ang natatapos.
06:02Minus 15% yung dilay, magakiyon.
06:05Sinuspindi raw kasi ang pagawa sa ospital dahil kailangang baguhin ang disenyo.
06:10Pero masyado raw matagal ang pagkakabimbin, sabi ni Dizon.
06:13Kaya 36% pa lang ang nagagawa sa ospital na nagkakahalaga ng 3.5 billion pesos.
06:19I will have to talk to DOH kung ano yung binago.
06:227 months is too long for a design revision. Masyado matagal yun.
06:28Ipatatawag at pagpapaliwanagin din daw ni Dizon ang kontratista ng proyekto.
06:32Napakahalaga pa naman daw para sa buong Bicol Region na magkaroon na ng malaking ospital.
06:36We have, sometimes we have more than 600 patients at one time.
06:42So ang kaya ng nitong available natin is about 300 to 400 lang.
06:46So malaki ang backlog natin. Kaya naka-host back by secretary, kailangan i-pass track natin ito.
06:51Si Sika pin daw ng DPWH na matapos ang Bicol Regional Medical Center sa susunod na taon.
06:57Pinamamadali na rin ni Dizon ang pagkukumpuni sa isang bahagi ng Maharlika Highway sa Albay.
07:02Sarado ang isang lane, lubak-lubak din at sira ang daan.
07:05Paspasan niya lahat ito. Kasi pagdating ng Holy Week tapos may mga closed lanes ka dito at tapos tayo sa traffic dito.
07:19Papanood ka sa TV, sa social media. Ibibigti ka ng mga taga-albay dito pag hindi mo nagawa yan.
07:26Nauna ng ipinangako ng DPWH ang rehabilitasyon ng buong Maharlika Highway.
07:30Iniutos sa Manitransportation Secretary Giovanni Lopez sa Civil Aviation Authority of the Philippines na paglaanan ng 200 to 300 million pesos ang pagresolba sa issue ng Bicol International Airport sa National Grid Corporation of the Philippines.
07:45Limitado lang kasi ang nagagamit sa kanilang runway dahil may sagabal na transmission line.
07:50Ito ang unang balita. Darlene Kai para sa GMA Integrated News.
07:55Walong luxury vehicle na mga diskaya ang ipasusubasta ng Bureau of Customs ngayong Pebrero.
08:01Ayon sa BOC, gagawin ang auksyon sa February 11, Mierkules.
08:06Bukas daw para sa mga interesado ang public viewing ng mga sasakyan sa February 5 at 6.
08:11Bukod sa mga sasakyan ng mga diskaya, may dalawang sports car din na ipasusubasta.
08:15Noong Nobyembre at Desyembre, ipasusubasta na rin ng Bureau of Customs sa iba pang mamahaling sasakyan ng mga diskaya.
08:23Hindi nga lang lahat ay naibenta.
08:28Utos ng Department of the Interior and Local Government sa lahat ng lokal na pamahalaan,
08:33alisin ang mga pangalan, larawan, logo, kulay o anumang simbolo na maguugnay ng mga proyekto ng gobyerno sa mga politiko.
08:41Binigyan din ng DILG na bawal ang EPAL.
08:43Inikayat ng DILG ang publiko na isumbong ang mga makikita nilang lumalabag sa anti-EPAL guidelines.
08:51Pananagotin daw agad ng mga opisyal na hindi susunod.