Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong February 19, 2026


- Nat'l Commission on Muslim Filipinos: Ngayong araw ang simula ng Ramadan ng mga Muslim sa bansa
- FPRRD, hindi dadalo sa confirmation of charges hearing dahil sa hindi niya pagkilala sa hurisdiksiyon ng ICC
- Sen. Bong Go, hindi raw natatakot sa posibleng warrant of arrest ng ICC; iginiit na wala siyang kasalanan | Senate Minority, bumubuo ng resolusyon kaugnay sa pagrespeto sa mga korte sa bansa | Sen. Alan Peter Cayetano: Hindi dapat automatic ang pagpapatupad ng arrest warrant mula sa ICC | Malacañang, nakahandang makipagtulungan sa Interpol kapag muling naglabas ng arrest warrant ang ICC | Senate Pres. Tito Sotto: Pagpapatupad ng posibleng arrest warrant ng ICC laban kina Sen. Go at Dela Rosa, hindi pa napag-uusapan | Sen. Dela Rosa, tinanggal bilang miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee; pinalitan ni Sen. Padilla | DOJ, hinihintay ang desisyon ng SC sa petisyon ng mga Duterte sa legalidad ng pag-aresto kay FPRRD
- Pinoy tennis star Alex Eala, pasok na sa Dubai Tennis Championships Quarterfinals

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:08Thank you so much for joining us.
00:30Kailangan din po sila o obligado silang magdasal ng limang beses kada araw.
00:35At bago po silang magdasal ay kailangan po nilang dumaan dito sa ablution area.
00:39Ito po yung lugar ng purification.
00:42Dito po sila naguhugas ng kanilang mga kamay, ng kanilang mga paa at ng kanilang mga mukha o ng ulo
00:48bago po sila pumasok sa mosque para magdasal.
00:52Papakita ko naman po sa inyo, ito po yung lugar para mapakita yung division.
00:57Ito po yung lugar kung saan nagdarasal yung mga babae.
01:01At dito naman po sa aking gilid, nagdarasal yung mga lalaki.
01:05So kailangan hiwalay po sila.
01:07At bago po sila pumasok, ay kailangan nilang tanggalin yung kanilang mga saplot sa paa
01:11o yung kanilang mga sapatos at shinelas para mapanatiling banal.
01:15So gaya nga po nang binanggit ko sa inyo mga kapuso,
01:18limang beses po sa isang araw sila nagdarasal.
01:20So kanina, nagsimula nga ng 5.15 yung kanilang early morning prayer o yung fajar.
01:26Kaya sa ngayon, wala po muna nagdarasal.
01:28Papahinga lang yung iba bago sila pumasok sa kanilang mga trabaho o negosyo.
01:31Mamaya na pong 12.30pm ang susunod yung luhur.
01:35At susundan po ito ng 3.30pm o asar, yung afternoon prayer.
01:39Susundan po ito ng 6.15 o magrib, yung evening prayer.
01:43Pagkatapos po nito, ay pwede na po silang mag-break ng fast.
01:47Ibig sabihin, pwede silang kumain o uminom.
01:49At susundan po ito ng 7.30pm na mass o yung ISA.
01:52So limang beses po yan.
01:54At every dasal, pinakanaayon po na sa loob po sila mismo ng mosque magdarasal.
02:00Dahil ito po yung tinatawag na jamaa prayer o yung group prayer.
02:03Mas malaki daw po kasi yung biyaya mula sa Panginoon kapag sama-sama silang nagdarasal.
02:07Ito naman po ay masusundan ng optional o yung tarawi night prayer ng Ramadan
02:11kung saan pumupunta ulit dito yung mga worshippers.
02:14Ibig sabihin po na optional, may blessing sila pag ginawa nila ito
02:17pero wala namang kasalanan pag hindi nila nagawa ito.
02:20Unlike yung 5 times na obligatory.
02:22Lahat po ito para matanggal yung 7 demons sa kanilang puso.
02:25Bawal magsinungaling, bawal magnakaw, pumatay, magmayabang, magkuripot.
02:29Bawal tumingin sa mga malalaswa at bawal din magnegosyo ng hindi halal o yung riba.
02:34Ibig sabihin po nito yung mga nagpa-5-6 o nagpapatubo o may interest.
02:38So ang essence lamang po na lahat ng ito sa panahon ng Ramadan,
02:41ay magkaroon ng pure heart o dalisay na puso ang ating mga kapatid na muslim.
02:46Hindi pa rin kinikilala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
02:49ang jurisdiction ng International Criminal Court.
02:53Isa yan sa mga dahilan kaya hindi dadalo ang dating Pangulo
02:56sa confirmation of charges hearing sa mga kaso niyang crimes against humanity
03:00sa International Criminal Court sa Lunes.
03:02Sa kanyang sulat sa ICC, pinabulaanan din ni Duterte
03:06na siya ang nangasiwa sa extrajudicial killings.
03:10Pinakakalat lang daw ito ng mga kalaban niya sa politika.
03:13Sabi pa ni Duterte, paglabag sa konstitusyon at soberan niya ng Pilipinas
03:17ang persahan daw na pagdala sa kanya sa Dehaig.
03:20Ang anya'y pagkidnap sa kanya ay pinamunuan daw ni Pangulong Bombong Marcos.
03:24Dati nang sinabi ng Malacanang na ang pag-turnover kay Duterte sa ICC
03:29ay bilang pagtupad ng gobyerno sa tungkulin nito sa International Police Organization.
03:35Dagdag ni Duterte sa kanyang liham,
03:38pinaubayan na niya sa kanyang abogado at defense team
03:40ang pag-challenge sa mga ebidensya ng prosekusyon.
03:45Bumubuo ng resolusyon ng Senate Minority
03:48tungkol sa pagrespeto sa mga korte sa bansa.
03:51Kasunod ito ng pagtukoy ng Office of the Prosecutor
03:54ng International Criminal Court na co-perpetrator umano
03:57si dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:59sina Senador Bongo at Bato De La Rosa sa War on Drugs.
04:04Guit ng minority,
04:06hindi dapat basta-basta damputin si Nago at De La Rosa.
04:09May unang balita si Joseph Moro.
04:15Limang araw mula na ang pangalanan
04:17ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court
04:20bilang co-perpetrator umano
04:22ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
04:23sa Crimes Against Humanity.
04:25Dumalo sa sasyon ng Senado si Senador Bongo.
04:28Ani, hindi siya natatakot mga isyohan ng warrant of arrest
04:31dahil inosyente raw siya sa mga ipinaparatang sa kanya.
04:35Importante rito, dapat fair po.
04:38Dumaan sa tamang proseso.
04:40Hindi naman po ako takot
04:41dahil wala naman po ako kasalanan.
04:43So hindi kayo mawawala sa Senate?
04:45Hindi po kayo absent or anything?
04:47Kaya nga ako nandito eh.
04:48Tuloy raw siya sa pagtatrabaho
04:50sa kabila ng ane ID patas
04:52na paratang ng ICC Office of the Prosecutor.
04:54I firmly dispute the allegations
04:57in that document
04:58which are entirely unfounded
05:02founded at one-sided
05:04at napaka unfair naman po yun
05:06sa party ko.
05:07Ang aking trabaho ay
05:09naayon sa batas
05:10ng tao
05:11at naayon sa batas
05:13ng Diyos.
05:14Ang Senate Minority
05:16na kinabibilangang na Senador Goe
05:17may binubong resolusyon
05:19tungkol sa pagrespeto
05:20sa mga korte ng bansa.
05:22Ang spirit ng ating konstitusyon
05:24ay kung may problema
05:25pwede kang tumakbo
05:26sa Philippine courts.
05:27So hindi naman pwede-pwede na
05:29pag sinabi ng ICC
05:31o kahit anong international court
05:33na may arrest
05:34dadamputin mo na lang dito
05:35dadalin mo sa ibang bansa.
05:37Kung ganun ang interpretasyon
05:39napaka-delikado.
05:40Hindi raw dapat automatic
05:41ang pagpupatupad
05:42ng arrest warrant ng ICC.
05:44Sira ang ating
05:45constitutional framework
05:46and the concept of sovereignty
05:48kung ang ating local courts
05:51ay gagawin nilang powerless.
05:54Nababawasan ba yung human rights
05:55kung yung isang tao
05:56ay nakakatakbo muna sa korte.
05:58Dati nang sinabi ng Malacanang
06:00na ngayong dumabas na
06:01ang pangalan ng mga
06:02co-perpetrator umano
06:03sa war on drugs
06:04handa silang makipagtulungan
06:06sa Interpol.
06:07Gaya na nangyari
06:08nung arestuhin
06:09si dating Pangulong
06:10Rodrigo Rute
06:10at Marso ng nakaraang taon.
06:12Hindi raw ito
06:13pagsuko ng soberanya
06:14kundi pagtupad
06:15sa obligasyon
06:16ng bansa sa Interpol.
06:182019
06:19nang kumalas ang Pilipinas
06:20sa ICC.
06:21Ayon kay Sen.
06:22President Tito Soto
06:23di pa na pag-uusapan
06:24ang posibilidad ng ICC
06:26warant labang kay Go
06:27at kay Sen.
06:28Bato de la Rosa
06:29na isa rin sa pinangalan
06:31ng co-perpetrator.
06:32Ang tanong muna
06:33is there an arrest?
06:34I'll cross the bridge
06:35when I get there.
06:36Are there members
06:37who would want a caucus?
06:39Then
06:39I'll call the caucus.
06:41Hindi pa
06:41pero hindi ko pang umunahan.
06:43Si de la Rosa
06:44tinanggal na bilang
06:45miyembro
06:45ng Senate
06:46Luribon Committee.
06:47Nobyembre pa siya
06:48huling pumasok
06:49sa Senado.
06:50Pumalit sa kanya
06:51sa Sen.
06:51Robin Padilla.
06:52Ang DOJ
06:53hinihintayang
06:54ang desisyon
06:54ng Korte Suprema
06:55sa petisyon
06:56ng mga duterte
06:57na kumikwestyon
06:58sa legalidad
06:59ng pag-aresto
07:00sa dating Pangulo
07:01at pagdala sa kanya
07:02sa dahiga.
07:03The DOJ
07:04takes the position
07:05that it would be prudent
07:07to wait the resolution
07:08of the Supreme Court
07:09before it acts
07:10upon any alleged warrant
07:12should one be issued.
07:15Pero meron din daw
07:16tinatawag na
07:17executive prerogative
07:18o otoridad
07:19ng ehektibo
07:20na pinamunuan
07:21ng Pangulo.
07:22Meron po tayong batas
07:23either through
07:24extradition
07:25or surrender.
07:27Ito pong matter na ito
07:28ay executive prerogative.
07:30Kunwari,
07:30may warat na po.
07:31Executive prerogative po
07:32to either
07:33file for extradition
07:35assuming na merong
07:36extradition treaty
07:37and lastly
07:39to surrender
07:39or in the alternative
07:40to surrender
07:41the individual.
07:42Yun po yung kapangyarihan
07:43ng Estado.
07:44Makita po natin yan
07:45sa ilalim ng batas.
07:47Ayon pa sa DOJ,
07:48meron din responsibilidad
07:49ang Pilipinas
07:50sa international community.
07:52If the Philippines
07:53being part of
07:54a community of nations,
07:57if we do not
07:58comply with this obligation
07:59sa mga pagkakataon
08:01po kunwari
08:01na tayo naman po
08:02humingi ng tulong
08:03sa Interpol,
08:05hindi po tayo
08:05ganung kadali
08:06pagbibigyan.
08:07Primary consideration here
08:09is our
08:10deference
08:10to the Supreme Court.
08:12Sa petisyon
08:13ng mga anak
08:13at tagal-suporta
08:14ni Duterte
08:15sa Supreme Court,
08:16iligal o manu
08:17at walang due process
08:18ang sapilitan
08:18naman ng pagkuha
08:19kay Duterte
08:20at pag-surrender
08:21sa kanya
08:21sa ICC.
08:23Wala o manong
08:23naipakitang official
08:25and sealed copy
08:25ng warrant of arrest
08:26mula sa ICC
08:28ang mga opisyal
08:29ng gobyerno.
08:30Wala rin o manu
08:30itong access
08:31sa legal counsel
08:32noong panahon na yun.
08:33Sinabi naman
08:34ng Office of the
08:35Solicitor General
08:36sa memorandum nito
08:36sa Supreme Court
08:37itong Enero
08:38na narspeto nito
08:39ang karapatan
08:40ni Duterte
08:40sa buong proseso
08:41ng pag-aresto
08:42at pag-surrender
08:43dito.
08:44Itong unang balita
08:45Joseph Morong
08:46para sa GMA
08:47Integrated News.
08:54Quarter finals bound na
08:56si Pinay tennis star
08:57Alex Iala
08:58sa Dubai Tennis Championships.
09:00Sa round of 16
09:01nakarap ni Iala
09:03si Sorana
09:04Cristia
09:05ng Romania.
09:07Dikit ang parehong sets
09:08kung saan hinabol ni Iala
09:09ang lamang ni Cristia
09:10sa first set
09:11bago maipanalo ito
09:12sa score na 7-5.
09:14Si Iala naman
09:15ang unang lumamang
09:16sa second set
09:16para madikitan
09:18ng kalaban ng score
09:19hanggang makuha ni Iala
09:21ang panalo
09:22sa score na 6-4.
09:24Maka kalaban po ni Iala
09:26sa quarter finals
09:27si Coco Goff
09:28na Amerika
09:29na world rank number 4.
09:34Mga kapuso
09:35tumutok lang po
09:36sa mga ulat
09:36ng unang balita
09:37para laging una ka.
09:39Mag-subscribe na
09:40sa GMA Integrated News
09:41sa YouTube.
Comments

Recommended