Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 27, 2026


- 2 verified impeachment complaints vs. PBBM, ini-refer na sa House Committee on Justice | Rep. Renee Co: Pagtanggap umano ng kickback, malawakan umanong plunder, at unprogrammed appropriations sa budget, ilan sa mga basehan ng 2nd impeachment complaint vs. PBBM | Malacañang: Handa si PBBM na harapin ang impeachment complaints | Rep. Sandro Marcos, hindi lalahok sa anumang talakayan kaugnay sa impeachment complaints vs. PBBM
- Dating Sen. Revilla at mga kapwa-akusado, isasama na sa ibang preso sa New Quezon City Jail Male Dormitory ngayong araw | BJMP, handa raw sakaling madagdagan pa ang mga makukulong doon kaugnay sa flood control projects
- Pagtaas ng farmgate price ng palay, ikinatutuwa ng mga magsasaka; malaking tulong daw para makabawi sa pagkalugi nitong 2025
- PH tennis player Alex Eala, pasok na sa Round of 16 ng WTA 125 Philippine Women's Open
- Professional diver at pating na magkayakap, kinaaaliwan


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Majority Leader
01:00May arguments in the second impeachment complaint that is not included in the first one.
01:05Yung tatlo po na yan, yung reference, the direct testimony ni DPWH Undersecretary Bernardo na may 8 billion pesos na tinatanggap si President Marcos Jr. bilang kickbacks.
01:18Number two, yung paggamit po ng BBM parametric formula bilang institutional policy of widespread plunder.
01:26And number three, yung unprogrammed appropriations and yung supporting evidence po nito.
01:30Agad nirefer ng House Secretary General kay House Speaker Bojid yung ikalawang impeachment complaint, alinsunod sa Rules of Procedure and Impeachment Proceedings ng Kamara.
01:39Bago ito isinama sa Order of Business at nirefer sa House Comunyon Justice.
01:42Ang sunod na proseso base sa Rules ng Kamara ay ang pagtukoy ng Justice Committee kung ang reklamo ay sufficient in form at substance.
01:53Alinsunod sa Konstitusyon, isa lang ang impeachment proceedings na pwedeng simulan sa parehong opisyal sa loob ng isang taon.
02:00Matatanda ang nagtangka at nabigong maghahay ng impeachment complaint ang ilang dating opisyal ng gobyerno noong nakaraang linggo dahil wala noon si Secretary General Garafil.
02:10Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ni Garafil.
02:14Nauna nang sinabi ng Malacanang na handa ang pangulo sa mga reklamo at malakas ang loob niyang wala siyang nilabad na anumang batas.
02:21Ang presidential son naman na si House Majority Leader, Sandro Marcos, hindi raw sasali sa anumang diskusyon o debate kaugnay sa impeachment complaints na kinakaharap ng kanyang ama.
02:32Ito ay para raw pangalagaan ang integridad ng Kamara.
02:36Ito ang unang balita, Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
02:43Samantala ngayong araw po nakatakdang ihalo sa ibang inmate sa New Quezon City Jail, Mail Dormitore, si dating Senador Bong Rebilla.
02:51At mga kapwa-akusado niya sa kasong malversation.
02:54Hiling naman na mga kapwa-akusado ni Rebilla, huwag silang isama sa dating Senador.
02:59Narito ang unang balita ng kasama natin si Marie Zuman.
03:02Isang linggo mula ng sumuko si dating Senador Bong Rebilla sa Camp Crame matapos lumabas ang arrest warrant para sa kasong malversation na sa 92.8 million peso ghost flood control project sa Pandi Bulacan.
03:18Mula nitong Martes, nakakulong siya sa New Quezon City Jail, Mail Dormitore, gayon din ang apat sa anim na kapwa-akusado niya.
03:25Nakatakda na silang ihalo sa ibang preso matapos ang pitong araw na medical quarantine.
03:29Wala namang, wala tayong report or any notable report regarding their stay in isolation.
03:41Walang sakit.
03:41Base sa pamantayan ng United Nations na sinusunod ng BJMP, may isang oras kada araw ang mga PDL para magpa-araw.
03:49Dinadala ang pagkain sa selda ng inmate upang malimitahan ang kanilang galaw para sa kanilang siguridad.
03:54Mahigit 3,600 pa lang ang napunan sa mahigit 5,000 kapasidad ng mail dormitory.
04:00Kaya hindi raw issue ang congestion.
04:02Ayon sa BJMP, handa rin sila sakaling madagdagan pa ang mga ikukulong kaugnay sa kontrobersyal na flood control project scam.
04:09Dito halimbawa sa Quezon City Jail Mail Dormitory, bukod sa labing apat pang bakanting selda, ay may 195 pang bagong gawang selda na maaari raw paglagyan ng mga bagong ipapasok na PDL.
04:22Mayroon pa yang reception cell at medical ward.
04:25Sino nga ba ang makakasama ni Revilla sa selda?
04:28Nauna nang hiniling ng apat na kapwa-apusado niya na huwag silang isama sa dating senador dahil sa mga pahayag nilang nagdidiin kay Revilla.
04:36Definitely not to the fore because of the previous request and may merit na naman ang request nila considering the nature of their case kung individually.
04:49Pero may possibility pa siyang masama dun sa pitong nauna na kinulong dito noong October?
04:56Yes, it's possible po. Hindi naman sila magkaka-acuse.
04:59Definitely may makakasama siyang siyam.
05:02Yes, that's the instruction po.
05:04Ang pitong tinutukoy ni BJMP spokesman J. Rex Bustinera na pwedeng makasama ni Revilla sa selda
05:10ay kabilang sa mga akusado sa P289M substandard flood control project sa Nahuan Oriental Mindoro.
05:17Nagpapatuloy ang mga pagdinig para sa petisyon ng mga akusado na magbiansa sa non-vailable na kasong malversation.
05:24Pinagahanap pa rin ang kapwa-akusado nilang si dating Congressman Zaldico at anim na iba pa kabilang ang limang opisyal ng SunWest.
05:31Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
05:35Tumasa po ang Farmgate Price ng Palay para sa mga magsasaka.
05:40Malaking tulong yan para makabawi sila sa pagkalungi noong nakaraan taon.
05:44Tinututukan na rin daw ng lokal na pamahalaan sa Pangasinan ang mataas sa kalendan ng Palay sa kanilang probinsya.
05:50May unang balita live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
05:54Sandy?
05:55Ivan, tuloy-tuloy pa rin ang pag-aani ng Palay ng mga magsasaka, partikular na dito sa barangay Lanas, Mangal, Danpangasinan.
06:05Ayon sa mga magsasaka, bahagya silang nakahinga ng maluwag dahil sa pagtaas ng Farmgate Price ng Palay ngayong buwan ng Enero.
06:12Luging-lugi kung ilarawan ng mga magsasaka sa mga danpangasinan ang kanilang ani noong huling bahagi ng 2025 dahil sa pagdaan ng sunod-sunod na kalamidad.
06:25Pumapatak noon sa 10 hanggang 12 pesos kada kilo ang Farmgate Price ng Palay.
06:30Ngayong Enero, umakyat na sa 20 to 25 pesos kada kilo ang presyo ng tuyong palay sa bayan.
06:36Aabot naman sa 19 to 22 pesos ang kada kilo ng basang palay.
06:39Para medyo makabawi-bawi doon sa last cropping kasi yung last cropping talagang lugi na nga, talagang luging-lugi talaga kasi sa mura ng palay.
06:49Ayon sa Municipal Agriculture Office, malaking tulong sa mga magsasaka ang pagtaas ng Farmgate Price ngayong buwan.
06:55Lalo na't mababa ang supply pero nalanatiling mataas ang demand.
06:58Tiniyak ng lokal na pamahalaan na tuloy-tuloy ang pamahagi ng tulong at suporta sa mga magsasaka lalo na sa papalapit na cropping season sa Pebrero at Marso.
07:08Tinututukan din ang LGU ang masagana at high-quality production ng palay sa bayan.
07:13Inaasahan din kasi na magiging magandang ani natin sa ngayon dahil na syempre nakapag-intervene tayo ng mga high-quality seeds, mga hybrid dry seeds.
07:22At saka nakikita base sa monitoring ng ating opisina na maganda ang tubo o maganda ang kondisyon ng ating palayan.
07:31Ivan, halos mag-unahan na ang mga supplier sa pagbili ng basa at tuyong palay dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa bigas.
07:44Hiling ngayon na mga magsakasa na raw sa susunod na cropping season ay hindi na bababa sa 20 pesos ang kada kilo na Farmgate Price ng palay.
07:53Ivan.
07:54Maraming salamat, Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
08:01Hindi pinalampas ng fans ang pagkakataong mapanood ng live si Pinay tennis player Alex Ayala sa WTA 125 Philippine Women's Open.
08:14Sa unang niyang pagsabak sa tournament, tagumpay agad si Ayala na pasok na sa round of 16.
08:20May unang balita si JP Soriano.
08:22Sa unang pagsabak ng Filipino Ace at World No. 49 Alex Ayala sa Philippine Women's Open ng WTA 125,
08:32natalo ni Ayala ang pambato ng Russia na si Alina Shareva.
08:35Sa set scores na 6-1, 6-2, nag-advance si Ayala sa round of 16.
08:41Hindi rin naging madali ang pinagdaanan ni Alex dahil sa isang punto ng kanyang laban ay nagkaroon siya ng medical timeout kung saan may tatlong minuto rin siyang nawala sa court.
08:50Maayos din siyang nakabali at naipanalo ang laban.
08:56Si Michael, excited na bumiyahe pa may nila para manood sana ng laban ng Filipino tennis ace na si Alex Ayala sa Philippine Women's Open ng WTA 125.
09:07Pero sold out na raw ang ticket at ground pass na lang ang kanyang nakuha.
09:11Ang malungkot lang po kasi. Actually, galing pa po kami Tugigaraw. Tugigaraw pa po kami galing para makapanood po sana.
09:19Gayun pa man, todo cheer pa rin si Michael para kay Ayala.
09:23Ilan pa sa mga nanood at nag-cheer sa unang laban ni Alex sa WTA 125 ay ang kanyang mga tiyahin at pinsan.
09:30You see, she's really that nice girl, mabait na bata, very grounded and we love her for that. She has a very nice personality.
09:41She's always active in our family gatherings so I'm very thankful for that. She doesn't forget family.
09:47Ito ang unang balita, J.P. Soriano para sa GMA Integrated News.
09:54Ang matapang na pating, pwede rin palang maging malambing.
09:59Yan ang pambihirang underwater encounter sa Cebu City at sa kuha ni U-scooper Patricia Ann Gabrielle.
10:05Makikitang swimming while hugging ang isang professional shark diver at isang maliit na pating sa loob ng giant aquarium.
10:13May punto pang hinimasimas ng diver ang pating na tila clingy.
10:16Na-touch naman ang netesis sa video na ngayon ay may 2.8 million views na online.
10:22Paalala po, huwag gagayahin.
10:25Professional diver po ang napanood nyo sa video.
Comments

Recommended