Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong February 16, 2026


- Trimestral system sa mga pampublikong paaralan, ipinapanukala ng DepEd | Ilang magulang at estudyante, pabor sa panukalang trimestral system kung makatutulong na maibsan ang pagod ng mga estudyante | Ilang magulang, iginiit na marami ring matututunan ang mga estudyante sa non-academic activities
- Dept. of Agriculture: Hindi hinihila pababa ng imported na stock ang halaga ng pulang sibuyas sa mga pamilihan | Presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan, bumaba
- DOH: Bilang ng mga dentista sa Pilipinas, isa lang sa kada 53,000 Pilipino
- Sen. Marcoleta, kakasuhan daw ng treason si Ret. Justice Carpio dahil sa isang desisyon noong 2011 kaugnay sa teritoryo ng Pilipinas | Dating Sr. Assoc. Justice Carpio: Labag sa UNCLOS at customary international law kung isama sa Philippine Territory waters ang lampas sa 12 nautical miles mula sa archipelagic baseline ng bansa | Dating Sen. Tolentino: Hindi na kailangang gumawa ng mapa ng Pilipinas
- Pinoy tennis star Alex Eala, panalo sa round of 64 ng Dubai Tennis Championships; kalaban niya, na-injure


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:33Ivan Pabor, ang ilang magulang at mag-aaral na nakausap natin dito sa Maynila sa panukalan ng DepEd na magpatupad
00:40ng trimestral system sa mga pampublikong paaralan.
00:43Ivan Pabor, ang ilang mag-aaral na nakausap natin dito sa mga pampublikong paaralan.
00:48Simula pa lang ang fourth quarter sa paaralan ng grade 6 student na si Crystaline.
00:52Pero sa dami ng ginagawa niya sa academics at extracurricular activities, ngayon pa lang kinakapos na raw siya sa pahinga.
01:00Medyo na stress din po kasi po. Fourth quarter po medyo lang ano, minsan minsan lang po merong pahinga.
01:07Tsaka po ano, pinagsasabay po yung mga sport namin tsaka mga activities po sa isang araw.
01:13Kaya po pagod na pagod po kami.
01:15Kaya kung si Crystaline ang tatanungin, okay sa kanya ang plano ng DepEd na magpatupad ng trimestral system sa mga
01:22pampublikong paaralan simula sa susunod na school year.
01:25Sa plano ng DepEd, wala raw mababago sa petsa ng pasok sa mga paaralan.
01:30201 school days pa rin mula Hunyo hanggang Marso.
01:34Hahatiin lang ito sa tatlong bahagi base sa panukalan ng DepEd.
01:38Sinapansin namin, parang ang daming ginagawa sa short period of time.
01:42And walang oras parang nagko-compete yung mga activities nila.
01:46So dun sa trimester, meron tayong oras para sa lahat mga activities nila.
01:51Meaning, there's an opening time. Each trimester will be about 50 to 61 days.
01:56Wala raw babaguhin sa curriculum at subjects, pero babawasan daw ang mga aktibidad na umaagaw sa aktual na pagtuturo ng
02:03leksyon
02:03na ayon sa pinakahuling EDCOM review ay tulad ng pagdalo sa National Schools Press Conference,
02:09Palarong Pambansa at National Festival of Talents.
02:13Tapos iiwasan na natin yung masyadong magpaparticipate sa mga...
02:17During that time, dapat ang focus talaga is academic.
02:20Overburden yung teachers, there's too many activities, there's too many missed days,
02:23too many overlapping activities during the school year.
02:26Sabi ng DepEd na konsulta na nila ang iba't ibang stakeholder tungkol dito.
02:31Approved din sa plano ng DepEd ang ilang magulang na nakausap namin.
02:35Siyempre, pabor kami. Magulang, kung ano rin yun, iiwas sa pagod.
02:41Siyempre, pagod.
02:42Pag fourth quarter na kasi.
02:44Matutukan talaga ng mga guro yung mga bata.
02:47At kung mababawasan man po yung mga ibang gawain ng bata,
02:53kagaya ng mga ibang extracurricular activities, more on academics sila ngayon.
02:58May pangamba naman ang ilan sa planong bawasan ng activities ng mga bata na labas sa academics.
03:04May mga aral din daw kasi na hindi na ituturo sa loob ng classroom.
03:08May mga talents po sila na hindi na ituturo sa academics.
03:11So yun din po yung cons nun kung mabawasan nila.
03:18Ivan, sabi ng mga magulang na nakausap natin, paboros sila sa plano,
03:22pero dapat daw tutukan ng DepEd ang maayos na implementasyon nito sa lahat ng pampublikong paaralan.
03:28Yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
03:31Bea Pinlac para sa GMA Integrated News.
03:41Namanan ang ilang nagtitinda at mamimili ang pagbaba ng presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan.
03:46Ayon sa mga magsaka, hinihila na imported na mga sibuyas ang presyo ng kanilang ani.
03:51Live mula sa Pasay City, may unang balita si Bam Alegre.
03:56Bam!
04:00Again, good morning.
04:01Ayon sa pamahalaan ay hindi raw hinihila pababa ng imported stock ang presyo ng pulang sibuyas sa pamilihan.
04:14Sa datos, ang basihan ni Agriculture Secretary Francisco Chula Oral Jr.
04:18Hindi raw sandamakmak ang supply ng mga imported na sibuyas para pataasin ang presyo ng mga lokal na pulang sibuyas.
04:25Mula February 13, 82% ng mga cold storage warehouse ang may hawak ng 4,454 metric tons ng pulang
04:33sibuyas.
04:34Lahat pawang imported, lalo na ang presyo nito ay 30.36 pesos kada kilo.
04:40Hanggang Pebrero at Marso lang daw ang supply nito.
04:43Sakto lang sa pag-aani ng mga magsasaka ng sibuyas lalo na sa Nueva Ecija sa Marso at Abril.
04:49Sila rin ang nagparating ng kanilang hinaing sa DA, ang mga magsasaka mula Nueva Ecija,
04:55na hinihila raw ng imported na mga sibuyas ang presyo ng kanilang ani.
04:58Habang hindi paanihan, 9,325 metric tons pala ang red onion production ng ating mga magsasaka ayon sa Department of
05:06Agriculture.
05:07Sabi naman, nang nakausap nating tindera na si Josie Carataw,
05:10dama niya ang pagbaba ng presyo ng sibuyas dahil sa imported stock.
05:14Noong Enero, ang isang kilo ng Chinese onion nasa 120 pesos.
05:18Ngayon, 80 pesos na lang daw ito kada kilo.
05:21Ganito lang din ang presyo ng sibuyas mula Nueva Ecija, dating 120 pesos kada kilo.
05:26Ngayon, 85 pesos per kilo na lang.
05:28Ang variant naman na sibuyas, Tagalog, 600 pesos ang kilo noon.
05:32Ngayon, 120 pesos per kilo na lang.
05:35Kahit papaano naman, pabor ito para sa mami-mili na si masing kuliran
05:39dahil naging abot-kaya raw ang presyo ng sibuyas.
05:42Pakinggan natin ang pahayag ng ating nakapanayam na tindera at mami-mili.
05:49Medyo mababa po.
05:53Okay naman. Medyo mababa yung malalaki.
05:56Kasi diba presyo po ito eh, Tagalog.
06:04Medyo mahal po. Mahalaga, pampasarap.
06:08Bumaba siya, malaki binaba. Lalo na yung ating imported.
06:17Igan mong kahin ng Department of Agriculture ay gamitin daw ng ating mga magsasaka
06:20yung mga available na cold storage facilities para i-imbak yung kanilang mga ani
06:25para maibenta ito sa panahon daw na mas maganda raw ang presyo.
06:29Ito ang unang balita. Mala rito sa Pasay Bamalegre para sa GMA Integrated News.
06:34Nagkukulang ng dentista sa bansa ayon sa Department of Health.
06:37Sa Panayam and Super Radio DCWB, sinabi ni Health Undersecretary Emi Perez
06:42na ang bilang ng mga dentista ay isa lang sa kada 53,000 Pilipino.
06:48Higit ang mababa yan sa rekomendasyon ng World Health Organization
06:51na isa sa kada 7,500 tao.
06:55Ito ang posibleng dahilan kung bakit maramihan sa mga kabataang Pilipino
06:58ay may problema sa ngipin.
07:01Sa ayo pa ni Perez, may mahakbang na silang ginagawa.
07:04Isa raw ang nakikita nilang rason sa kakulangan ng dentista
07:07ay ang mababang pasahod sa mga government dentists.
07:12Kakasuhan daw ni Sen. Rodante Marcoleta
07:15sa retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ng treason.
07:19Dahil sa isang 2011 decision,
07:21kauna ay sa teritoryo ng Pilipinas.
07:23Sagot ni Carpio,
07:25magagawa o makukumit lang ang kasong treason sa panahon ng gera.
07:29May unang balita si Mav Gonzalez.
07:34Sa kanyang TV show,
07:36sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta
07:38na kakasuhan niya ng treason
07:40si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
07:43Sabi ng Senador,
07:45dahil ito sa desisyon aniya ni Carpio
07:47na paliitin ang teritoryo ng Pilipinas
07:49sa kasong Magalyona v. Ermita noong 2011.
07:53Sabi ni Marcoleta,
07:54pumayag si Carpio sa argumento ng gobyerno
07:56na paliitin ang territorial scene natin
07:59dahil makakakuhaan niya tayo ng ganansya
08:01o advantage sa ating exclusive economic zone.
08:03Dagdag ni Marcoleta,
08:05sa isinumitin ang Pilipinas na Volume 2
08:07o Atlas of Relevant Features sa Orbital Tribunal,
08:11malinaw na hindi raw kasama sa teritoryo natin
08:13ang Kalayaan Group of Islands,
08:15ang puting bahagi na kamarkang West Philippine Sea.
08:19Ang asul na bahagi naman,
08:21tinawag na High Seas,
08:22na bahagi ng karagatang walang may-ari.
08:24Nandito sa asul na bahagi ang Pagasa Island.
08:26Base rin Ania sa mapang ito,
08:29nasa labas ng teritoryo ng Pilipinas
08:31ang iba pang isla sa West Philippine Sea,
08:33gaya ng parola, kota at panata.
08:36Kaya tanong ni Marcoleta,
08:38bakit hindi isinama sa mapa natin
08:40yung mga features na okupado ng mga Pilipino?
08:43Gobyerno Ania ng Pilipinas
08:45ang nagsumiti nito sa tribunal
08:46kasama si Justice Carpio
08:48at Maritime Law Expert Atty. J. Batong Bakal.
08:51Ngayon daw,
08:52siya pa ang hinahamon
08:53sa sinabi niya kung parte ba ng Pilipinas
08:55ang Kalayaan Group of Islands o hindi.
08:58Giit pa ni Marcoleta,
08:59hindi naman niya sinabi
09:00na hindi parte ng teritoryo ng Pilipinas
09:03ang Kalayaan Group of Islands,
09:04pero kailangan daw ng mapa
09:06at coordinates nito.
09:07Tugo naman ni Justice Carpio,
09:09lahat ng first-year law student
09:11alam na pwede lang magkaroon ng treason
09:13kung nasa gitna ng digmaan ng Pilipinas,
09:16alinsunod sa Article 114
09:17ng Revised Penal Code.
09:19Dagdag niya sa kasong Magalyona v. Ermita,
09:22gusto ni Magalyona
09:23na isama sa teritoryo ng Pilipinas
09:25lahat ng isla
09:26at katubigang sakop
09:27ng 1898 Treaty of Paris Lines.
09:29Ito ang tratadong nagtapos
09:31sa Spanish-American War
09:33at naglipat ng Pilipinas
09:34at iba pang kolonya ng Espanya
09:36sa kontrol ng Amerika.
09:37Pero ayon kay Carpio,
09:39malinaw na labag
09:40sa unclose
09:41at customary international law
09:42kung isama sa
09:43Philippine Territorial Waters
09:45ang lampas sa 12 nautical miles
09:47mula sa archipelagic baseline natin.
09:50Masasama rin daw rito
09:51ang malaking bahagi
09:52ng Exclusive Economic Zone
09:53at maliit na bahagi
09:55ng high seas
09:55bagay na labag din sa unclose.
09:58Kung kinatigan-ana yan
09:59ng gobyerno
10:00si na Magalyona,
10:01chak na i-dismiss agad
10:02ng arbitral tribunal
10:04ang kaso natin
10:04dahil magiging kapareho lang natin
10:06ang nine-dash line ng China
10:08na labag sa unclose
10:09at international law.
10:11Sabi naman ni dating
10:12Sen. Francis Tolentino
10:13na author at sponsor
10:14ng Republic Act 12064
10:16o Philippine Maritime Zones Act,
10:19hindi na kailangang
10:20gumawa ng mapa ng Pilipinas.
10:21Wala po nagre-require sa atin
10:23magproduce ng mapa.
10:24Iba po ang mapa.
10:25Ang mapa po ay
10:26kartographic drawing lang po yun.
10:29Ang pinaka-precise po
10:31scientific
10:31ay yung coordinates
10:33na naproduce po natin
10:35sang-ayon
10:36sa Republic Act 9522
10:39noong 2009.
10:41Nakaayon-an yan sa untos
10:42lahat ng nilalaman
10:43ng Philippine Maritime Zones Act.
10:45Nang tanongin naman
10:46kung makakatulong ba
10:47ang hamo ni Sen. Marculeta
10:49na debate.
10:50Bugulo lang.
10:51They're entitled
10:51to their own
10:53opinions
10:54or
10:55sentiments on this.
10:57Pero yung paulit-ulit
10:58kong sinasabi,
10:59international law
11:00is not based on
11:01one's personal opinion.
11:03Ang dapat daw isulong muli
11:04ay dayalogo
11:05sa pagitan ng Pilipinas
11:06at China.
11:07Ito ang unang balita.
11:09Mav Gonzalez
11:09para sa GMA Integrated News.
11:18Panalo sa kanyang
11:19Dubai Tennis Championship
11:20debut
11:21si Pinay Tennis star
11:22Alex Ayala.
11:23Nakaharap ni Ayala
11:25si Hayley Baptiste
11:26ng Amerika
11:26sa round of 64
11:27ng torneo.
11:29Nakuha ni Ayala
11:30ang unang set
11:30sa score na 6-4.
11:31Sa second set naman
11:32mataas makapunta
11:33si Baptiste.
11:34Voluntary siyang huminto
11:35at nag-withdraw
11:37sa laban
11:37dahil sa injury.
11:39Sunod na mga kalaban
11:40ni Ayala
11:41si Jasmine Paulini
11:43ng Italy.
11:47Gusto mo bang
11:48mauna sa mga balita?
11:50Mag-subscribe na
11:51sa GMA Integrated News
11:52sa YouTube
11:52at tumutok
11:53sa unang balita.
Comments

Recommended