Skip to playerSkip to main content
  • 4 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong February 12, 2026


- Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, hiniling sa DOJ na huwag gamiting ebidensiya ang mga sinumpaang salaysay noong nag-a-apply pa sila bilang state witnesses | DOJ: May mga naisampang kaso kaugnay sa flood control scandal gamit ang mga testimonya nina Hernandez at Mendoza
- Sen. Lacson: Case buildup kay dating Speaker Romualdez, irerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee
- Rep. Tinio: Dating Usec. Adrian Bersamin, "personal bagman" ni PBBM ng mga kickback, base sa palitan ng text messages ng dalawa | Rep. Tinio: Rep. Leviste, isa sa mga source ng palitan ng mensahe nina PBBM at dating Usec. Bersamin | Rep. Erice, kinumpirmang ipinakita sa kaniya ni Rep. Leviste ang umano'y palitan ng mensahe nina PBBM at dating Usec. Bersamin | Makabayan Bloc, nais magamit sa imbestigasyon sa flood control issue ang umano'y palitan ng text messages ni PBBM at Bersamin | Malacañang sa umano'y text messages: Intriga lang ito mula sa mga taong nais patalsikin sa puwesto ang Pangulo
- Kalayaan, Palawan Vice Mayor Albayda, matagal na raw inaasahan ang pag-ban sa kanila ng China | Malacañang: Hindi natin saklaw ang polisiya ng China, tulad ng hindi dapat nila masaklawan ang ating polisiya | Sen. Erwin Tulfo: Walang bansang puwedeng magsabi sa atin na bawal tayo magsalita | DFA, nanawagan na dapat kalmado at propesyonal ang pakikipag-usap ng mga embahada sa isa't isa


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30Laging una ka sa balita ni Joseph Morong, exclusive.
01:00Na isinimitin nila noong nag-a-apply sila para makapasok sa witness protection program.
01:05Kabilang dito ang whistleblowers report na isinimitin nila noong September 4, supplemental affidavit at panghukumang salaysay noong Oktubre.
01:13Sa nabihin daw sila noon ang NBI na hindi gagamitin laban sa kanila ang kanilang mga salaysay.
01:20Pero sa halip, ang nangyari daw, ginamit daw ang mga ito bilang basehan ng kaso laban sa kanila.
01:27Dagdagpan Hernandez, tila nabudol daw sila at pre-nessure lamang daw siya na pirmahan ang mga salaysay nang hindi pa
01:34niya ito nare-review.
01:35Ginawa daw nilang salaysay dahil sabi sa kanila ng NBI gagamitin daw ito laban sa ibang opisyal ng gobyerno
01:43at para makatulong sa kanilang aplikasyon sa witness protection program o WPP.
01:49Pero hindi sila nakasama sa mga pinasok sa WPP.
01:53Sabi ni Hernandez, tinanong daw siya ng NBI uko sa modus operandi sa flood control project.
01:58At ang mga sagot daw nila naging basihan sa ginagawang investigasyon ng gobyerno laban sa ilang personalidad
02:05tulad na Sen. Joel Villanueva, Sen. Jingo Estrada, dating Congressman Sal Dico, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at iba pa.
02:14Kasama rin dito ang tungkol sa kanilang pagkakasangkot sa umunin mga maanumalyang flood control project.
02:20Sabi ni Hernandez at Mendoza, ang paggamit ng kanila mismong salaysay laban sa kanila ay paglabag laban sa self-incrimination.
02:29Kinumpirma ng kampo ni Hernandez na isinimit na na sa DOJ ang affidavit pero hindi na sila nagdagdag ng komento
02:35dahil magiging unfair o hindi raw ito patas sa investigating panel kasumasa ilalim pa ang reklamo sa pagdinig.
02:43Ayon sa Department of Justice, may mga ilang kasas silang isinampa kaugnay ng mga manumalyang flood control projects
02:49ang gumamit ng mga testimonya ni dating DPWH Engineer Bryce Hernandez.
02:53I would say certain statements led us to those evidence kasi pirapirasong ebidensya.
02:59Definitely may mga nakuha at napulot na particular statements na nagamit sa mga kasong nakasalang.
03:07Pero may iba pa namang mga testigong inaasahan ang DOJ.
03:11Sa ngayon po, yung ating naman po mga witnesses, yung mga nagpatuloy sila nakikipag-cooperate sa akin.
03:19Tumanggi naman magdagdag ng komento ang DOJ para hindi mapangunahan ang resulta ng preliminary investigation.
03:27Nakakulong ngayon sa New Quezon City Jail si na Hernandez at Mendoza,
03:30kasama si dating Sen. Bong Revilla at ibang akusado sa mga kasong graph at malversation
03:36patungko sa iba pang ghost projects sa Pandi, Bulacan.
03:39Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
03:49Case build-up para kay dating House Speaker Martin Romualdez
03:52ang irerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee
03:55na naging bisiga sa questionabling flood control projects.
03:58Ayon sa Chairman ng Committee na si Sen. Ping Lakson,
04:01ang basya ng rekomendasyon ay ang pahayag ni Orly Gutesa
04:04na personal siyang nagatid ang pera sa mga bahay ni Romualdez
04:08at di dating Congressman Saldico.
04:10Dati na itinaginin na Romualdez at Co. ang paratang.
04:13Paliwanag ni Lakson nung walang nag-corroborate
04:16o nag-validate sa mga sinabi ni Gutesa
04:18kaya case build-up ang rekomendasyon kay Romualdez
04:22imbis na preliminary investigation.
04:24Hindi pa rin daw final ang Blue Ribbon Committee report
04:27dahil hindi pa tapos ang mga hearing.
04:31Halimbawang merong validation
04:33o corroborasyon doon sa paglilink
04:36kay former Speaker Romualdez
04:38sa final report ng Blue Ribbon
04:41mapapalitan yun.
04:43Masasama na siya doon sa i-recommend up
04:45for preliminary investigation.
04:46So, more on fact-finding
04:49o kaya case build-up.
04:50At saka yung in-recommend siya
04:52para sa yung AMLOC
04:55magsagawa ng tracking
04:57ng mga movement ng accounts.
05:02Gusto ng makabayan block na isama sa mga embesikasyon sa flood control issue
05:06ang isiniwalat ni Acti Church Party List Antonio Tino
05:10na umunit text messages ni na Pangulong Bumong Marcos
05:13at dating Undersecretary Adrian Bersamin.
05:17Patunay umano yan na kumikbak ang Pangulo sa flood control project.
05:21Sagot ng Malacanang,
05:23Intriga lang yan mula sa mga taong na ispatalsikin sa pwesto ang Pangulo.
05:27May unang balita si Tina Panganiban Perez.
05:33Pinatay at inilibing na ng Kamara
05:36ang impeachment complaints
05:37laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
05:39Pero hindi pa sumusuko ang makabayan block
05:42na nag-endorso sa pangalawang reklamo
05:45laban sa Pangulo.
05:46Pinag-aaralan daw ng grupo
05:48kung paano pa magagamit bilang ebidensya
05:51laban sa Pangulo
05:52ang umano'y palitan nito ng text messages
05:54kay dating PLLO Undersecretary Adrian Bersamin
05:59noong nakaraang taon.
06:00Mga komunikasyon sa pagitan mismo
06:04ng Pangulo at saka ni Undersecretary Adrian Bersamin.
06:09Ang lumalabas talaga
06:11ay siya yung personal runner
06:16ibig sabihin utusan
06:19Bagman Bersamin
06:21Complete na po ang 7.122 delivery sa akin.
06:26Tapusin ko po computation today.
06:29That was March 24, ah.
06:31From July 10, 2025.
06:33Ito nga yung
06:37nagpapaabot si Bersamin
06:39na meron pong cash delivery
06:41dadali natin sa
06:432 billion
06:44dadali sa
06:45Nara Residence.
06:48Okay?
06:49At
06:49ang sabi naman
06:51ng Pangulo
06:52quote
06:53sasabihan ko si June Baris
06:55quote
06:57Sabi ni Tinio
06:59pwedeng ibangga
07:00ang umunoy text messages
07:01na ito
07:02sa pahayag noon
07:03ni dating DPWH
07:05Undersecretary
07:06Roberto Bernardo.
07:07I-correlate natin ito
07:09dun sa
07:11salaysay naman
07:12ni Bernardo
07:13na
07:14in March
07:15meron siyang
07:18kinomplete
07:19ng mga deliveries
07:20including
07:21one delivery
07:22of
07:24is it
07:25around 2 billion
07:26ganon
07:26in an armored van
07:28diba?
07:29Nang tanungin kung sino
07:30ang nagpakita sa kanya
07:31ng messages
07:32sabi ni Tinio
07:33Isa nga po si
07:34Congressman Leviste
07:35sa sources
07:36Yes
07:38Ipapakita rin niyo po
07:39sa amin
07:40yung pong text messages
07:42Ako?
07:43Apo
07:44Well, you know
07:45it's better
07:46that for example
07:48Congressman Leviste
07:50be the one
07:51Bakit?
07:51Because he can explain
07:53the provenance
07:54of these records
07:57Siya ang mas
07:58makakapagpaliwanag
08:00kung paano
08:03napasakamay
08:04sa kanya
08:05niya
08:06ang
08:06mga records
08:08na ito
08:09Ayon pa kay Tinio
08:10alam rin daw ito
08:11ni Representative
08:12Egay Erice
08:13at iba pang
08:14kongresista
08:15Sinisikap namin
08:16kung pirmahin ito
08:17kay Leviste
08:19Ipinadala lang niya
08:20ang kanyang social media
08:21post
08:21na nagsasabing
08:23sa mga nagtatanong
08:24kung totoo bang
08:25may hawak siyang
08:25ebidensya
08:26panoorin na lang daw
08:27ang mga pahayag
08:28ni na Representative
08:29Antonio Tinio
08:30at Egay Erice
08:32Sa isa namang
08:33text message
08:34kinumpirma ni Erice
08:35na ipinakita nga
08:36ni Leviste
08:37ang sinasabing
08:38text messages
08:39ng Pangulo
08:40at ni Bersamin
08:41Sabi ni Erice
08:43natakot daw si Bersamin
08:45na maging fall guy
08:46kaya gumawa raw ito
08:47ng affidavit
08:48sa bahay ni Leviste
08:50sa Taal, Batangas
08:51Ipinakita pa raw
08:52sa kanila ni Leviste
08:54ang CCTV footage
08:55ng pagdating ni Bersamin
08:57kasama ang ilang
08:58umanoy mga abogado
08:59Nais ngayon
09:01ang makabayan block
09:01sa kamera
09:02na maggamit
09:03ang mga ito
09:04sa mga investigasyon
09:05Hinahamon natin
09:06ang Office of the Ombudsman
09:08gayon din
09:09ang kapulungan na ito
09:10itong bagong developments
09:11na ito
09:12seryoso
09:13at hindi dapat
09:13ipagsawalang bahala
09:15Ina-explore po
09:16ng makabayan
09:17nag-aaralan
09:18yung pag-file
09:18ng kaso
09:19laban sa mga
09:21opisyales
09:22na sangkot
09:23Pero sabi ni
09:24Palace Press Officer
09:25Claire Castro
09:26wala raw katotohanan
09:27ang mga ibinabato
09:28ngayon sa Pangulo
09:30Hindi na raw bago
09:31ang mga intriga
09:32mula sa mga taong
09:33na isyampadalsigin
09:35sa pwesto
09:35Ito ang unang balita
09:38Tina Panganiban Perez
09:39para sa GMA Integrated News
09:43Hiniikayat ng ilang senador
09:44ng Department of Foreign Affairs
09:45na umaksyon
09:46kaugnay sa mainit
09:47na sagutan
09:48ng Chinese Embassy
09:49at ilang opisyal
09:50ng Pilipinas
09:51kamakailan
09:52Ayon naman sa DFA
09:53dapat maging kalbado
09:54at profesional
09:54ang mga opisyal
09:55sa isa't isa
09:57May unang balita
09:58si JP Soriano
10:02Matagal nang inaasahan
10:04ng Vice Mayor
10:04ng Kalayaan Palawa
10:05na si Maurice
10:06Philip Alexis Albaida
10:08na ibaban sila
10:09sa pagpunta sa China
10:10Kasama si Albaida
10:12sa labing-anim na opisya
10:13ng Bayan ng Kalayaan
10:14na ayon sa Chinese Embassy
10:16ay bawal pumuntang China
10:18kabilang ang Hong Kong
10:19at Macau
10:20Dahil yan
10:22sa mga ipinasang resolusyon
10:23ng Kalayaan
10:24noong 2023
10:24at 2026
10:26na idiniklarang
10:27persona ng grata
10:29ang Chinese Ambassador
10:30Wala rin naman po tayong balak
10:32sa napumunta
10:34sa Hong Kong
10:34Macau
10:35at China
10:35Kung kami man po
10:37ang mapabilang po
10:38sa 16
10:39na ipinagbabawal
10:42ng bansang China
10:42or sinabing unwelcome doon
10:44ikinararangal po natin
10:46ito bilang mga Pilipino
10:48Suportado
10:49ni Interior Secretary
10:50John Vic Rimulya
10:51ang mga lokal na opisyal
10:52ng Kalayaan
10:53pupunta rin daw
10:54sa Rimulya
10:54sa Kalayaan
10:55at handa rin daw siyang
10:57mabad
10:58ng China
10:58Ang Malacanang
11:00hindi daw pwedeng makiilam
11:01sa pulisiya ng China
11:02sa kanilang bansa
11:03pero di rin daw pwedeng
11:05makiilam
11:06ang China
11:06sa pulisiya
11:07ng Pilipinas
11:08Kung ano man po
11:09ang naging desisyon
11:10at pulisiya ng China
11:11ay hindi naman po
11:12natin ito saklaw
11:13Katulad din po
11:14na hindi nila
11:15dapat masaklawan
11:16kung ano po
11:16ang nagiging desisyon
11:17ng administrasyon na ito
11:19Sabi rin ang DFA
11:20bagamat nakasalalay
11:22sa China
11:22kung sino ang papapasukin
11:24sa kanilang bansa
11:25hindi raw nakatutulong
11:27ang mga ganitong pulisiya
11:28sa ugnayan ng China
11:29at Pilipinas
11:31Inalmahan
11:32Sen. President Tito Soto
11:33ang pahayang
11:34na tagpagsalita
11:35ng Chinese Embassy
11:36na political stunt
11:37umano
11:38ang Sen. Resolution 256
11:40In-adopt kamakailanang Senado
11:42ang resolusyong
11:43kumukondena
11:44sa mga sinabi
11:45ng Chinese Embassy officials
11:46laban sa mga opisyal
11:48ng Pilipinas
11:48na nagtatanggol
11:49ng karapatan
11:50ng bansa
11:50sa West Philippine Sea
11:52Si Sen. Kiko Pangilinan
11:54tinawag na undiplomatic
11:56at walang modo
11:57ang sagot
11:58ng Chinese Embassy
11:59Patunayan niya ito
12:00na bully ang China
12:02Dapat daw umaksyon
12:03ang DFA
12:04Paglabag din daw
12:05ang pahayang
12:06ng Chinese Embassy
12:07spokesperson
12:07sa Vienna Convention
12:09on Diplomatic Relations
12:11Bagay na ipinunturin
12:12ni Sen. Committee
12:13on Foreign Relations
12:14Chairman Irwin Tulfo
12:15Siguro kailangan nilang
12:16balikan yung
12:17Vienna Convention
12:18of 1961
12:20na if you are
12:21a visitor here
12:23a diplomat
12:25dapat po respetuhin
12:27yung mga batas
12:28ng host country
12:29Walang pwedeng magsabi
12:30sa atin na bansa
12:31na bawal tayo
12:33magpahayag
12:34na nararamdaman natin
12:35bawal tayo
12:36magsalita
12:37Ayon naman sa DFA
12:39dapat kalmado
12:40at profesional
12:41ang sagot
12:41ng mga embahada
12:42sa isa't isa
12:43mensahe nila
12:44sa Chinese Embassy
12:46We urge the Chinese Embassy
12:48to be constructive
12:50in its statements
12:51towards a healthy dialogue
12:53despite major differences
12:55with a view to advance
12:57the overall bilateral relationship
13:00Kung may kalayaan po
13:02ang China
13:03sa kanilang pamamahayag
13:04ganon din naman po
13:05ang sino man
13:07na Pilipino
13:08at kung ano man din po
13:09ang inihayag
13:10ng Senado
13:11at muli
13:13uulitin po natin
13:14ang posisyon
13:15ng Pangulo
13:15patungkol po
13:16sa relasyon
13:16sa China
13:17Firm
13:18but diplomatic po
13:20Ito ang unang balita
13:22J.P. Soriano
13:24para sa GMA Integrated News
13:26Mga kapuso
13:27tumutok lang po
13:28sa mga ulat
13:29ng unang balita
13:30para laging una ka
13:31magsubscribe na
13:32sa GMA Integrated News
13:33sa YouTube
13:34showb
13:34Music
13:36.
13:37.
13:37.
13:37.
13:37.
13:37.
13:38.
13:38.
13:39.
Comments

Recommended