Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong February 17, 2026


- Drone show at fireworks display, bumida sa pagsalubong sa Chinese New Year | Mga sumalubong sa Chinese New Year, nagtipon sa Jones Bridge at Pasig River Esplanade | Ilang nagtitinda ng pampasuwerte sa Binondo, bukas 24 oras


- Tikoy at fortune cake, patok ngayong Chinese New Year | Davao-Chinese community at mga taga-Davao, sinalubong ang Chinese New Year sa Bucana Bridge | Ceremonial lighting sa Bucana Bridge, tampok din sa Chinese New Year celebration sa Davao City | Mayor Baste Duterte sa gitna ng palitan ng pahayag ng mga opisyal ng Pilipinas at China: "We have to remember that China is a friend"


- 8 'co-perpetrators' umano ni FPRRD sa drug war, pinangalanan ng ICC | Sen. Bong Go, pinabulaanan ang alegasyon ng ICC na 'co-perpetrator' umano siya sa drug war ni FPRRD | Sen. Dela Rosa, hindi pa nagpapakita sa Senado | Ilang senador, iginiit na walang senador ang puwedeng maaresto sa loob ng Senado habang nakasesyon | Sen. Lacson: Dapat idaan sa local court ang anumang arrest warrant ng ICC o iba pang foreign court | Dating DOJ Sec. Aguirre: 'I've never engaged in any extrajudicial killing' | Atty. Conti: Pagpangalan ng ICC Sa 8 'co-perpetrators' umano ni FPRRD, hindi ibig sabihin na may ilalabas nang warrant of arrest laban sa kanila | Malacañang: Sa Interpol makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas at hindi sa ICC, kaugnay sa 8 'co-perpetrators' umano ni FPRRD sa drug war


- Pangmatagalang rehabilitasyon ng Maharlika Highway, planong simulan sa Hunyo o Hulyo | DPWH Sec. Dizon: Malalaking contractor lang ang puwedeng sumali sa bidding para sa long-term rehabilitation ng Maharlika Highway | Phase 1 ng EDSA Rehabilitation, inaasahang matatapos sa Hulyo; maghapon at magdamag na rehabilitasyon sa Holy Week, pinag-aaralan ng DPWH


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
02:30Pabibili rin ang tikoy mula 75 hanggang 200 pesos depende sa size.
02:35Sa matagumpay ng pagsalubong sa Chinese New Year kapayapaan, ang naging panawagan ni Manila City Mayor Isco Moreno.
02:41Happy New Year po sa inyong lahat.
02:44Ang wish ko, kanina nasabi ko na, I hope we'll find peace.
02:51We must seek peace because peace will create peace of mind and progress and opportunity to a person, to a
03:00family, to a community, to a city and to the country and to our neighboring countries.
03:13Maris, nagkaroon ng mga road closure nung salubong program pero ngayon all roads accessible na dito sa Binondo na oldest
03:21Chinatown sa mundo.
03:22Ito itinatagyan ng panahon ng mga Kastila, noong 1594.
03:26Ito ang unang balita, malarito sa Chinatown, Bama Legre, para sa GMA Integrated News.
03:31Sa gitna ng word war, kaugnay sa West Philippine Sea, hiling ni Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte na magkaroon
03:38ng mapayapaan niyang usapan ang mga opisyal ng Pilipinas sa China.
03:42Sinabi niya yan sa pagsalubong sa Chinese New Year sa Davao City kasama ang Consulate General of the People's Republic
03:48of China.
03:49May unang balita live si Arjel Relator ng GMA Regional TV.
03:53Arjel!
03:57Maris, highlight nga ng pagdiriwang ng Chinese New Year dito sa Davao City, ang ceremonial lighting ng Bucana Bridge.
04:03Samantala mula pa kahapon, naging mabenta na ang fortune cake at tikoy dito sa Davao City.
04:13Busy ang mga tauhan ng kilalang bakery na ito sa Davao City sa bispiras ng Chinese New Year kahapon.
04:20Inihahanda nila ang mga order na tikoy at fortune cake.
04:24Ang mabentang tikoy with pinak, 45 pesos ang bawat piraso o 2,250 pesos ang isang box na may 50
04:32na piraso.
04:33May nakaplastic container din na 200 pesos ang presyo.
04:38Mabibili rin ang fortune cake sa halagang 480 pesos.
04:41Para long life, ito isa para wapong yung pangkwan sa 2026, sa lubong wapong.
04:52For health health, nung atas-tas na kinabuhi o kwan, may nga kwan.
04:58May nga kwan, may nga kwan, kinabuhi.
05:00Alami kumana, isa po doon.
05:02Tradisyon, dugay na gindul dito eh, nagabaligya.
05:04Gamay ba dito po.
05:07Samantala,
05:12Masayang sinalubong ng Davao Chinese Community at mga Dabawenyo ang Chinese New Year 2026 lunas ng gabi.
05:19Sa kakabukas lang noong Disyembre 2025 na Bukana Bridge na itinayo mula sa China Aid Project,
05:26isinagawa ang Chinese New Year 2026 celebration.
05:31Napuno ang selebrasyon ng lion at dragon dances at cultural performances mula sa Chinese school sa lungsod.
05:38No matter where we are, the Spring Festival remains the shared cultural foundation and emotional anchor for all Chinese people.
05:49The Bukana Bridge serves as our venue for celebrating the Chinese New Year, a gift we present to the people
05:57of Davao.
05:58Highlight sa pagdiriwang ang seremonya lighting ng Bukana Bridge na napapaloob sa Davao City Coastal Road Project.
06:06Ang naturang tulay, sumisimbolo raw ng pagkakaibigan ng China at Davao City.
06:12Tonight we celebrate not only the New Year, but the long-standing relationship between Davao City and China.
06:18We have to remember that China is a friend.
06:23Dili na ito gustog silingan na kaaway ni mo.
06:26Kaya ang silingan, dool kayo na sa imuha.
06:29Dagdag ni Mayor Baste, sana raw ay madaan sa mapayapang usapan ang palitan ng pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno
06:37at Chinese embassies sa Pilipinas.
06:39I hate to see the current ambassador having to deal with behavior that is unfriendly towards a loving and a
06:53peaceful neighbor.
06:54My wishes would be it would calm down and they would talk in peaceful ways.
07:10Maris, inilunsa din kagabi ang Davao Chinatown Coffee Table Book na inihanda ng Davao Chinatown Development Council na bahagi ng
07:18pagdiriwang ng Chinese New Year.
07:20Yan ang latest, Maris.
07:21Dagang salamat, Arjil Relator ng GMA Regional TV.
07:26Hindi sa International Criminal Court, kundi sa International Criminal Police Organization o Interpol daw makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas ayon
07:35sa Malacanang.
07:35Kasunod po yan ang pagpangalan ng ICC sa co-perpetrators umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa drug war kabilang
07:43sina Senador Bongo at Ronald Bato de la Rosa.
07:46Binigyan diin ang ilang Senador na kung sakali hindi pwedeng arestuhin ang sino mang Senador sa loob ng Senado habang
07:53nakasesyon.
07:54May unang balita si Sandra Aguinaldo.
07:59Walong kasabuat umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tinukoy ng International Criminal Court o ICC kaugnay ng kanyang gyera
08:07kontra droga.
08:08Sina Senador Bato de la Rosa, dating Acting PNP Chief Vicente Danau, ang namayapan ng dating PNP Chief na si
08:15Camilo Cascolan,
08:16dating PNP Chief Oscar Albayalde, Senador Bongo, dating NBI Director Dante Gueran, dating PIDEA Chief Isidro Lapeña, at dating Justice
08:26Secretary Vitaliano Aguirre.
08:28Kabilang sa aligasyon ay ang pagpapatupad umano ng tinatawag na common plan o plano para in-neutralize ang hinihinalang kriminal
08:36sa pamamagitan ng karasan tulad ng murder mula 2011 hanggang 2019.
08:41Sa kaso ni Go, nagsimula raw ito ng personal aid at special assistant pa siya ni Nooy Mayor Rodrigo Duterte
08:49hanggang itinalaga siyang special assistant to the president.
08:53Walaan niyang kaugnayan ang mga bintang sa kanyang mga naging papel at responsibilidad bilang special assistant to the president at
09:01executive assistant ng alkalde noon ng Davao City.
09:05Dagdag pa ni Go, walang iligal na inuuto sa kanya si dating Pangulong Duterte.
09:09At hindi rin naman anya siya susunod sa anamang iligal na utos mula kanino man.
09:15Iginiit din sa press release ni Go na ang kanya mga responsibilidad noon ay administrative at clerical lang at hindi
09:22konektado sa police o operational matters.
09:25Sa sesyon ng Senado nitong Merkules, nakita pang dumalo si Go.
09:28Pero si Senador De La Rosa, mula Nobyembre pa hindi pumapasok sa Senado simula ng umugong na may arrest warrant
09:35na ang ICC laban sa kanya.
09:37Sa dokumento ng ICC, isinangkot siya ng mga prosecutor sa kaso mula rin noong alkalde pa, si Duterte.
09:45Siya naman ang nakaupong hepe ng Davao City Police noon at kalaunay naging PNP chief.
09:50Wala pantugon si De La Rosa sa pagpapangalan sa kanya ng ICC.
09:55Pero nabanggit niya noong handa siyang humarap sa anamang kaso pero sa isang korte lang sa Pilipinas.
10:01Ayon sa ilang Senador, hindi pwedeng arestuhin ang sinamang Senador sa loob ng Senado habang nakasesyon.
10:08I would stand by what sinabi ni Senate President Tito Soto noon na by tradition, while the Senate is in
10:17session, walang miyembro ang inaaresto sa loob.
10:21Pero kung nasa labas ng Senado, maaari bang mangyari ang ginawa noon kay dating Pangulong Duterte?
10:27I believe in the previous arrest, nagkaroon kasi ng sense na na-exhaust yung remedies dito.
10:37I mean, similar principles should apply, pero kung paano aasta ang Senado in these two cases dahil sa mga miyembro
10:47namin sila.
10:48Naniniwala naman si Senate President Pro Tempore Ping Lakson na dapat idaan sa local court ang anumang arrest warrant galing
10:56sa ICC o kahit anong foreign court.
10:59Pwede anong niyang talakayin ng Senado sa miyerkules ang mga posibling hakbang sa issue at pag-aaralan din ng mga
11:06abugado ng Senado ang dapat gawin.
11:09Ang isa pang pinangalan ng co-perpetrator na si dating Justice Secretary Aguirre, pinabulaan ng kasabot siya sa extrajudicial killings.
11:18Binawit lang daw siya ng prosecution panel ng ICC para bigyan ng kredibilidad ang sinasabi nitong common plan.
11:25I've never engaged in any extrajudicial killing. Hindi ko sinuporta niyan. Kung meron man, hindi ko nga alam yan eh.
11:34Sa isang Facebook post, sinabi ng asawa ng namayapang si Kaskolan na sana'y nabubuhay pa ang kanyang asawa para
11:42ipaliwanag ang oplantokhang at double barrel.
11:45Sinusubukan pa naming makuna ng pahayag ang iba pang pinangalan ng co-perpetrator pero wala pa silang tugon sa ngayon.
11:53Pero kahit ipinalabas ng ICC ang pangalan ng mga co-perpetrators, hindi raw ito nangangahulugang may lalabas ng warrant of
12:02arrest laban sa kanila.
12:03Ang ICC sa ngayon ay hindi naman sinisilip o hindi nila kakasuhan yung lahat ng involved.
12:12Meron silang prosecutorial strategy kung saan yung pinaka-responsable ang kanilang kakasuhan.
12:19Pusibling ang pagsasapubliko raw ng mga pangalan ay para mas klarong maipaliwanag sa publiko ang kinakaharap na kasong crimes against
12:28humanity ni Duterte.
12:30Sakaling maglabas ng warrant of arrest ayon kay Conti, mainam na sundin daw ng Pilipinas ang prosesong nakasaad sa Article
12:3859 ng Rome Statute.
12:39Nakasaad dito na sa oras na matanggap ang warrant of arrest, nararapat itong ipatupad agad ng isang bansa.
12:46Tsaka iharap ang arestado sa competent judicial authority sa naturang bansa para alamin kung tama ang proseso ng pag-aresto
12:55dito at kung nirespeto ang karapatan dito.
12:59Pero hindi nakasama ang Pilipinas sa Rome Statute matapos mag-withdraw noong 2019 sa ilalim ng Duterte administration.
13:07Nang ma-aresto noong nakaraan taon si dating Pangulong Duterte,
13:11iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na sa Interpol nakipagtulungan ang gobyerno at hindi sa ICC.
13:17Ito rin ang sinabi ngayon ng Malacanang.
13:20Nakikipagtulungan tayo sa Interpol but not with the ICC in the same way that we've cooperated with the Interpol during
13:28the arias of the former president.
13:29Ganun po ang mangyayari.
13:30Yun po ang nangyari before at yan din po ang mangyayari ngayon.
13:35Nanindigan din ang palasyo na hindi pagsuko sa soberania ang pagtupad sa obligasyon ng bansa sa Interpol.
13:41Pero sa ngayon, wala pa namang warrant na inilalabas ang ICC sa mga pinangalanang kasabwat sa drug war.
13:48Ito ang unang balita.
13:50Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
13:55Sa Hunyo o Hulyo, planong simula ng Department of Public Works and Highways ang long-term rehabilitation ng Maharlika Highway.
14:02Sa ngayon, pinamamadali muna ng DPWH ng pag-aalis ng mga harang sa kalsada para sa Holy Week.
14:0816 billion pesos ang kakailangan ng pondo para sa long-term rehabilitation.
14:13May mga kinuha ng foreign consultant mula Japan at Korea, kaugnay nito.
14:16Gagamit din daw ng akmang teknolohiya.
14:21Only big contractors can join the bidding.
14:25Hindi pwedeng haw-syaw.
14:28Hindi pwedeng magigit.
14:30We will require that whoever bids for Maharlika Highway need to have equipment like this.
14:40Hindi na pe pwede yung manumano.
14:45Samantala, sa Hulyo naman, inaasahan matatapos ang Phase 1 ng rehabilitasyon ng EDSA mula Taft hanggang Orense.
14:52Kapag natapos ito, magkakaroon daw ng mga sidewalk para sa publiko.
14:55Pinag-aaralan din ang DPWH kung pwede ang maghapon at magdamag na rehabilitasyon sa Holy Week dahil walang masyadong tao
15:03sa Metro Manila.
15:07Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat
15:14sa ating bansa.
Comments

Recommended