Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kakasuhan daw ni Sen. Rodante Marcoleta si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ng treason.
00:07Dahil sa isang 2011 decision, kaunay sa teritoryo ng Pilipinas.
00:11Sagot ni Carpio, magagawa o makokomit lang ang kasong treason sa panahon ng gera.
00:17May unang balita si Mav Gonzalez.
00:22Sa kanyang TV show, sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta na kakasuhan niya ng treason
00:27si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
00:31Sabi ng Senador, dahil ito sa desisyon aniya ni Carpio
00:35na paliitin ang teritoryo ng Pilipinas sa kasong Magalyona v. Ermita noong 2011.
00:41Sabi ni Marcoleta, pumayag si Carpio sa argumento ng gobyerno
00:44na paliitin ang territorial sea natin dahil makakakuhaan niya tayo ng ganansya
00:48o advantage sa ating exclusive economic zone.
00:51Dagdag ni Marcoleta sa isinumitin ang Pilipinas na Volume 2
00:55o Atlas of Relevant Features sa Orbital Tribunal,
00:58malinaw na hindi raw kasama sa teritoryo natin ang Kalayaan Group of Islands,
01:03ang puting bahagi na kamarkang West Philippine Sea.
01:06Ang asul na bahagi naman, tinawag na high seas,
01:10na bahagi ng karagatang walang may-ari.
01:12Nandito sa asul na bahagi ang pag-asa island.
01:15Base rin aniya sa mapang ito,
01:17nasa labas ng teritoryo ng Pilipinas,
01:19ang iba pang isla sa West Philippine Sea,
01:21gaya ng parola, kota at panata.
01:24Kaya tanong ni Marcoleta,
01:26bakit hindi isinama sa mapa natin yung mga features na okupado ng mga Pilipino?
01:31Gobyerno aniya ng Pilipinas ang nagsumiti nito sa tribunal,
01:34kasama si na Justice Carpio at Maritime Law Expert Atty. J. Batong Bakal.
01:39Ngayon daw, siya pa ang hinahamon sa sinabi niya kung parte ba ng Pilipinas
01:43ang Kalayaan Group of Islands o hindi.
01:45Giit pa ni Marcoleta,
01:47hindi naman niya sinabi na hindi parte ng teritoryo ng Pilipinas
01:50ang Kalayaan Group of Islands,
01:52pero kailangan daw ng mapa at coordinates nito.
01:55Tugo naman ni Justice Carpio,
01:57lahat ng first-year law student
01:59alam na pwede lang magkaroon ng treason
02:01kung nasa gitna ng digmaan ng Pilipinas,
02:03alinsunod sa Article 114 ng Revised Penal Code.
02:07Dagdag niya sa kasong Magalyona v. Ermita,
02:09gusto ni Magalyona na isama sa teritoryo ng Pilipinas
02:13lahat ng isla at katubigang sakop ng 1898 Treaty of Paris Lines.
02:17Ito ang tratadong nagtapos sa Spanish-American War
02:20at naglipat ng Pilipinas at iba pang kolonya ng Espanya
02:24sa kontrol ng Amerika.
02:25Pero ayon kay Carpio,
02:27malinaw na labag sa unclose at customary international law
02:30kung isama sa Philippine Territorial Waters
02:32ang lampas sa 12 nautical miles mula sa archipelagic baseline natin.
02:37Masasama rin daw rito ang malaking bahagi ng Exclusive Economic Zone
02:41at maliit na bahagi ng high seas,
02:43bagay na labag din sa unclose.
02:46Kung kinatigan-ana yan ng gobyerno si Magalyona,
02:49chak na i-dismiss agad ng arbitral tribunal ang kaso natin
02:52dahil magiging kapareho lang natin
02:54ang nine-dash line ng China na labag sa unclose at international law.
02:58Sabi naman ni dating Sen. Francis Tolentino
03:01na author at sponsor ng Republic Act 12064
03:04o Philippine Maritime Zones Act,
03:06hindi na kailangang gumawa ng mapa ng Pilipinas.
03:09Wala po nagre-require sa atin mag-produce ng mapa.
03:12Iba po ang mapa.
03:13Ang mapa po ay kartographic, drawing lang po yun.
03:17Ang pinaka-precise po scientific
03:19ay yung coordinates na naproduce po natin
03:22sang-ayon sa Republic Act 9522 noong 2009.
03:29Nakaayon-ani sa untos lahat ng nilalaman
03:31ng Philippine Maritime Zones Act.
03:32Nang tanongin naman kung makakatulong ba
03:35ang hamon ni Sen. Marculeta na debate,
03:50Ang dapat daw isulong muli ay dayalogo
03:53sa pagitan ng Pilipinas at China.
03:55Ito ang unang balita.
03:56Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended