Skip to playerSkip to main content
-PHIVOLCS: Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo kaninang 12:50am


-Rep. Erice: May ledger si dating Usec. Bersamin ng mga perang pumasok noong isang taon at noong panahon ng kampanya ng grupo ni PBBM/Rep. Erice, hinimok ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang palitan umano ng text messages nina PBBM at dating Usec. Bersamin


-Motorsiklo na nag-counterflow, naipit sa pagitan ng truck at SUV


-Nasa 10 bahay sa Brgy. Pinagbuhatan, nasunog


-Ilang senador, iminungkahing palitan ang Chinese ambassador sa Pilipinas/Sen. Raffy Tulfo: Hindi binabantaan ng Senado ang Chinese Embassy; "Sila ang aggressor dito"/Sen. Pangilinan: Ang ilegal na ginagawa ng China sa West Philippine Sea ang puno't dulo ng issue/Sen. Padilla: Dapat maging diplomatiko ang Pilipinas at China sa pag-uusap


-Chinese Embassy, kinuwestiyon ang mungkahi ng ilang senador na palitan ang Chinese ambassador to the Philippines


-Presyo ng bulaklak sa Dangwa, nagmahal na


-Batang isang taong gulang, patay nang masunog ang bahay nila sa Brgy. Poblacion II; kapatid niya, sugatan


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa iba pang balita, nagbuga ng aboh ang Bulkan Kanlaon sa Negros Island.
00:05Nakunan po ng FIVOX ang ash emission mag-aalauna kanina madaling araw.
00:09Abot hanggang 300 metro ang taas ng nalikhang ash plume na tumagal hanggang 17 minuto.
00:16Sa nakalipas na 24 oras, mahigit 70 metrong taas ng degassing plume o pagsingaw ng volcanic gas ang naitala sa
00:24Mount Kanlaon.
00:25May naitala rin 14 na volcanic earthquake at halos 300 toneladang asupre o sulfur dioxide.
00:32Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkan kaya bawal pumasok sa 4-kilometer permanent danger zone.
00:45Nais paimbestigahan ni Caloacan 2nd District Representative Edgar Irise sa Senado
00:50ang palitan ng text messages umano ni Pangulong Bongbong Marcos at ni dating Undersecretary Adrian Bersamin
00:56kaugnay sa mga kickback umano sa flood control projects.
00:59Balita ng atin ni Joseph Moro.
01:04Binasa ni Rep. Antonio Tiniong umunipalitan ng text message ni Pangulong Bongbong Marcos at Adrian Bersamin,
01:12dating Undersecretary sa Palacio.
01:14Ang tawag ni Tinio kay Bersamin Bagman ang Pangulo kaugnay sa kickback sa manumalyang flood control projects.
01:20Bersamin, complete na po ang 7.122 delivery sa akin.
01:26Tapusin ko po computation today.
01:29That was March 24, ah?
01:31From July 10, 2025.
01:33Ito nga yung nagpapaabot si Bersamin na meron pong cash delivery.
01:41Dadalin natin sa 2 billion, dadalin sa Nara Residence.
01:47Okay?
01:49At ang sabi naman ng Pangulo, quote, sasabihan ko si June Baris.
01:55Ang mga text message na kuha daw ni Tinio at Rep. Edgar Arise sa kapwa kongresistang si Leandro Leviste.
02:02Bukod sa umunay 2 billion pisong ipinalam ni Bersamin sa Pangulo na na-deliver na,
02:07may ledger din daw na mga pumapasok na pera si Bersamin nung isang doon
02:12at panahon ng kampanya ng grupong alyansa ng Pangulo.
02:15Si Arise hinimok ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang umunay palitan ng text messages.
02:22Did you believe that it was the President's number?
02:24Well, siguro dapat imbestigahan kasi yung details medyo talagang mahirap.
02:31It's so detailed na meron din mga conversations na hindi naman tungkol sa pera.
02:41Yung iba parang tungkol sa mga national issues.
02:44Pwede ba yung tayuan yun na parang, ah, si Presidente talaga yung kausap or hindi?
02:48Ay, siyempre hindi. It would take, ano, it would take, siyempre, investigation.
02:54Pero ang ipinagtataka rao ni Arise.
02:57Nakikita naman natin, after naming si Senator Laxon, after naming the Bersamines,
03:03hindi niya pinatawag sa Blue Ribbon.
03:06Why?
03:07Bangit lagi humihinto? Doon ako nagtataka eh.
03:10Even in the ICI, di ba?
03:12Hinihinga namin ang reaksyon dito si Senator La Ribbon Kamili Chair Ping Lakson.
03:16Dagdag ni Arise saya nga daw at nakaibasuran ng impeachment complaint laban sa Pangulo sa Kamara.
03:22Pero bakit ngayon lamang ito inilulutang?
03:25Tinanong ko rin niya kay Congressman Levis, bakit ngayon yun lang binigay?
03:28Kung kailan halos suli na?
03:30Sabi niya kasi nag-aalanganin kasi sila noon.
03:35Kasi baka parang napaka-powerful nung kanilang binabangga.
03:47In fact, they tried to...
03:51Sabi nga na nakipag-usap sa isang bishop ang payo sa kanila huwag na ilabas.
03:57Sinubukan namin kunan ang pahayag si Leviste pero itinuro niya ang kanyang Facebook post
04:01na alaman ang mga naging pahayag ni Arise at Act Partialist Representative Antonio Tinho.
04:06Hinihinga namin ang tugon dito ang Malacanang pero nauna na itong sinabi na wala raw katotohanan
04:11ang mga ibinabato sa Pangulo.
04:13Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:20Kita ang pag-counterflow ng motorsiklong yan sa isang viral video online.
04:25Hanggang makasalubong na nito ang isang SUV kaya naipit siya sa pagitan nito at ng isang truck.
04:30Kuminto ang SUV pero mayamay ay umandar din kahit nasabitan nito ang motorsiklo.
04:35Nakarating sa Land Transportation Office ang insidente
04:38at pinagpapaliwanag ang motorcycle rider, ang SUV driver
04:42at ang nakarehistrong may-ari ng kanilang sasakyan.
04:45Ayon sa LTO, kitang-kita na nag-counterflow ang rider
04:48pero mali rin ang SUV driver dahil sa paggit-git parao nito sa motorsiklo.
04:53Inasusuko ang kanilang lisensya
04:55at nakatakday itong suspindihin ng siyam na pong araw
04:58habang patuloy ang imbestigasyon.
05:02Nasa sampung bahay ang nasunog sa barangay pinagbuhatan sa Pasig.
05:07Ang ilan sa kanila walang nailigtas na ari-arian.
05:10Balitang hatid ni Bam Alegre.
05:15Ganito katindi ang lagablab ng apoy sa barangay pinagbuhatan, Pasig, pasado hating gabi kanina.
05:21Sa isa pang kuha ng residente, kita ang lawak ng pinsala habang tinutupok ng apoy ang mga bahay.
05:27Sobrang bilis lang po talaga niya. Nagising na lang po kami na may mga ingay na po na nakita na
05:32narinig namin.
05:33Sa pagbaba namin, medyo may apoy na.
05:35So dala lang talaga namin yung anak namin na mailabas po talaga namin.
05:40Sa pagbalit po namin paglabas, may mga ano na, hindi namin makakapasok kasi sobrang lakas na po talaga nung apoy.
05:46Nailabas ni Stephanie ang buong mag-anak niya mula sa nasusunog nilang bahay.
05:50Walang naitalang sugatan o nasawi, ayon sa mga otoridad.
05:53Pero isa sa mga nasunugan na si Marciano, walang natirang ari-arian.
05:58Hindi, mabilis lang nangyayari.
05:59Pagtiging ko sa baba, may apoy niya pala sa baba namin, sa tabi ng bahay namin.
06:04Yung mga gamit talaga?
06:05Ubus lahat ito. Walang tira.
06:08Sa tala ng barangay, siya mahanggang sampung bahay ang naapektuhan ng sunog na umabot ng unang alarma.
06:14Hindi bababa sa apat na truck ng bombero ang rumisponde.
06:17Naka-duty ako doon. May tumabag.
06:19Nagparadyo sa amin, may sunog ng mga apoy na.
06:22Nabilis naman pumasok ito yung bombero.
06:24Saka dyan, iskinita. Nagduktuk-tungan na yung mga truck nila.
06:28Naapola ang sunog pasado alauna ng madaling araw.
06:30Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhinang apoy at halaga ng pinsala.
06:35Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:40Sa gitan ng mala-ward war ng Pilipinas at China,
06:43may mungkahay ang ilang senador para daw maayos ang relasyon ng dalawang bansa.
06:47Letale tayo sa balitang hatid ni Mav Gonzalez.
06:53Matapos ang palitan ng maaanghang na salita ng mga opisyal ng Chinese Embassy at gobyerno ng Pilipinas,
07:00mungkahay ng mga senador, palitan na ang kinatawan ng China sa Pilipinas.
07:05Ang mas maganda, kung papalitan ng someone who is more diplomatic in dealing with the host country.
07:11Di na ba sinaalating yung personal ng Grata, pero he's not, I don't think he is,
07:17they are, the current embassy officials of China are improving or helping improve the relationship between China and the Philippines.
07:29They should not be hostile. Nandito sila sa host country.
07:34They have been very hostile against the officials of our government.
07:41Bago nito, naglabas ang mga senador ng resolusyong kumukondena sa mga sinabi ng Embahada ng China
07:47laban sa mga opisyal ng Pilipinas na nagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
07:53Sabi ni Senador Rafi Tulfo, hindi naman binabantaan ng Senado ang Chinese Embassy,
07:58kaya hindi niya anya naiintindihan kung bakit agresibo sila.
08:02O baka katangisip lang nila, the resolution is no way a threat to any members of the Chinese Embassy.
08:11Silang agresor dito, and yet nakuha pa nilang maging sensitive?
08:15Come on, we're just expressing our voice, the sentiments of the official folks na matagalang nahaharas, nabubuli.
08:23Totoo naman yung mga pinagagawa nila.
08:25Kasama na yung mga Philippine Coast Guard na kanilang hinaharas, kinakano, water cannon.
08:29Hindi ba haras medyan, hindi ba pambubuli yan?
08:31Sabi ni Tulfo, dapat mag-usap ngayon ambassador to ambassador para maayos ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
08:38Sabi ni Sen. Kiko Pangilinan, punot dulo nito ay ang iligal na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
08:46Nagkaroon na ng arbitral ruling noong 2016, ayaw nilang kilalanin.
08:52Ayaw natin silang awayin, pero ayaw din natin at hindi tayo papayag na aagawin nila
08:58at manatiling nararian sila iligal sa usapin ng ating exclusive economics.
09:05So, yung bitiw nilang salita after our resolution, ay patunay talaga na isa silang bully.
09:12Bagaman hindi pumirma sa resolusyon ng Senado kontra sa mga pahayag ng Chinese Embassy,
09:18sabi ni Sen. Robin Padilla na dapat maging diplomatiko.
09:22Dapat sumunod tayo kung ano yung sinasabi ng Pangulo.
09:27Firm, doubt, pero diplomatic, hindi bastos.
09:30Kung ano man ang gawin ng Senado, amin yun, kasi hindi naman yun.
09:35Hindi namin sinasama ang executive doon, hindi namin sinasama ang judisyari doon.
09:40Desisyon lang ng Senado yun.
09:43Kaya kung ano man yung posisyon namin, walang sino man ang pwede magsabi na mali yun.
09:47Desisyon yun ng mga Senado eh.
09:50Pero ako, personal ako, hindi ako kasama doon sa resolusyon na yun.
09:55Kasi nga, ang gusto ko tanggalin yung sinasabi na sinusuportahan si Tariela.
10:01Ang mungkahin ng mga Senador, nagmula sa bagong banat ni Chinese Embassy spokesperson Xi Lingping
10:07kay Senate President Tito Soto.
10:09Sabi ni Xi sa isang pahayag, kung tingin sa kanila ay bastos,
10:13ano na lang aniya ang mga Senador na nagsabi sa kanila sa plenaryon na umalis na.
10:18Sinasabihan aniya silang hindi marunong rumispeto,
10:21gayong may mga Senador na tumawag sa China bilang bully
10:24at sinabihan ang Chinese Embassy na bad guest at troll farm.
10:28Hindi anila sila mape-pressure sa mga pahayag o resolusyon
10:32at sasalagin ng anumang kasinungalingang sabihin laban sa kanila.
10:35Sagot ni Senate President Tito Soto sa huling tirada ng Chinese Embassy,
10:39nakakainis pag kinakanti ka at hindi ka kumikibo.
10:43Mas gusto raw niyang manginis na lang.
10:45Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:51Tinwestyo naman ang Chinese Embassy ang mungkain ng ilang Senador
10:53na palitan ang Chinese Ambassador to the Philippines.
10:56Tanong ni spokesperson Ji Lingpeng,
10:58ano ba ang tingin ng mga Senador sa kanilang sarili?
11:01Alam naman daw nilang wala silang ganitong kakayaan,
11:03pero patuloy pa rin anya ang mga Senador sa pagpapangga.
11:06Sino raw ba ang sinusubukang takutin at bantaan ng Senado?
11:10Ito raw ba ang tinatawag nilang respeto?
11:13Dagdag ni Ji Lingpeng,
11:14umaas ng bata ang ilang politiko tuwing diplomatic affairs
11:17ang pinag-uusapan.
11:18Sana raw ay matuto silang intindihin kung paano tumatakbo ang diplomasya.
11:31Samantala sa mga bibili po ng bulaklak para sa Valentine's Day,
11:34nagmahal na po eh ang presyo ng ilan sa mga yan sa Dangwa Flower Market sa Maynila.
11:39Eh magkano na nga ba? Yan po ang ating alamin sa ulat on the spot
11:43ni Manny Vargas ng Super Radio DZ Double B.
11:46Manny?
11:48Yes, Connie. Tumaas na nga ang presyo ng bulaklak sa Dangwa, Maynila
11:52at inaasang tataas pa ng ilang oras bago ang mismong araw ng mga puso
11:56bukas February 14 na.
11:58Sa ngayon, ang cada pirasong rosas madibili sa halagang 150 hanggang 200 pesos
12:03magamat may nakita pa tayo na umaabot ng hanggang 250 pesos
12:07ang bukay ng bulaklak. Yan ay halo-halo nang may rosas, may carnation,
12:12Malaysian moms at iba pa ay nasa 400 pesos kapag walang rosas.
12:17Habang 500 piso na ang pinakamura kapag may nakasama na isang pirasong rosas.
12:22Habang ang bukay ng bulaklak na mayroong isang dosyan ng rosas,
12:25mabibili sa halagang 3,000 piso.
12:28Mas marami naman ang walking customer spot sa mga nagpapareserve.
12:32Samantala, sa mga natanggatong nga, ano ba ang pinakamabiling bulaklak
12:36dito sa bahagi ng Dangwa, Maynila?
12:37Rosas pa rin po, mga kapuso, kung kaya't mabibilihan ng isang piraso
12:42o kaya ay nakahalo sa iba o yung tinatawag na bukay.
12:45At bukas, 24 oras, ang mga tindahan dito sa bahagi ng Dangwa.
12:49Partikular na itong Dangwa Flower Market para naman sa mga kababayan nating
12:53natahanap ng panregalong bulaklak sa kanilang mga mahal sa buhay.
12:59Maraming salamat, Manny Vargas, ang Superadyo DZBB.
13:05Ito ang GMA Regional TV News.
13:11May init na balita sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
13:15Patay ang isang tanggulang na bata ng matrap sa nasusunod nilang bahay
13:19sa parang Maguindanao del Norte.
13:22Cecil, anong naging sanhin ng apoy?
13:26Rafi, isa pa yan sa mga inaalam ng Bureau of Fire Protection,
13:29kaugnay sa sunog sa barangay Poblasyon Dox.
13:32Base sa investigasyon, nasa palengkin noon ang lola ng bata para bumili ng gatas.
13:37Nang bumalik siya sa bahay ay nasunog na ito.
13:40Sugatan din ang limang taong gulang na kapatid ng bata
13:42matapos mapaso nang subukan niyang iligtas ang nakababatang kapatid.
13:47Ayon sa BFP, nasa pintuan na noon ang isang taong gulang na bata pero may harang ito.
13:53Wala rin sa bahay ang magulang ng bata dahil nagtatrabaho sa palengke ang kanilang ama
13:58habang nasa abroad ang kanilang ina.
14:01Inaasikaso na ng regional government ang tulong na ibibigay sa pamilya.
Comments

Recommended