-Lalaki, sugatan matapos saksakin ng mga lalaking nangholdap sa kanya/Wallet at cellphone ng biktima, nabawi matapos mahuli ang 2 sa mga suspek; isa pang suspek, tinutugis pa/2 naarestong suspek, inaming sinugod ang biktima; itinanggi ang pananaksak


-PAGASA: 2 LPA, posibleng mamuo malapit sa bansa ngayong Valentine's Week


-16 na Kalayaan, Palawan LGU officials, pinagbawalang makapasok ng China, Hong Kong at Macau


-Chinese Embassy spokesperson, tinawag na political stuny ang Senate Resolution na kumokondena sa mga pahayag ng mga opisyal ng China laban sa Pilipinas/Panawagan ni Chinese Amb. Jing Quan: Mag-usap ang Pilipinas at China para maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan/Senate Pres. Sotto: Tila gustong patahimikin ng Chinese Embassy ang Senado/Chinese Amb. Jing Quan, umaasang mabubuo ang Code of Conduct sa South China Sea


-1, patay sa salpukan ng dalawang motorsiklo; 3 kabilang ang 1 buntis, sugatan


-Lalaki, patay matapos mabangga ng motorsiklo at magulungan ng kotse


-Lalaki, hinablutan ng cellphone at tinutukan ng kutsilyo sa Brgy. 19


-Lalaking nangikil umano sa ex-girlfriend kapalit ng hindi pagpapakalat ng maseselang video at larawan, arestado; suspek, itinangging may hawak siyang mga sensitibong video at litrato


-Bathalang Gargan, winakasan ang buhay ni Terra sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"/Bianca Umali: Marami pang unexpected scenes at plot twists sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"/Bianca Umali, may farewell post sa kanyang character na si "Terra"


-Nasa 100 pamilya, nasunugan sa Brgy. Addition Hills/Nasa 30 pamilya, nasunugan sa Brgy. 49


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ninakawa na sinaksak pa ang isang lalaki ng mga nanghold up sa kanya sa Antipolo Rizal.
00:07Dalawa sa mga suspect ang arestado.
00:09Balitang haid ni EJ Gomez.
00:14Naglalakad ang lalaki niyan sa barangay San Isidro, Antipolo City, madaling araw nitong martes.
00:20Pagliku niya sa Eskinita, nilapitan siya ng mga lalaki tila nakatambay.
00:25Isa sa apat na lalaki ang umalis at bumalik din kalaunan.
00:28Hindi gaanong kita sa kuha ng CCTV pero hinold up at sinaksak daw ang 35-anyos na lalaking trike driver.
00:58Ay sinalo niya ng kamay yung kutsilyo para hindi tumama sa katawan.
01:02Sa kanang kamay nahiwa ang biktima na isinugod daw sa ospital ayon sa barangay.
01:07Nanakaw sa biktima ang kanyang wallet at cellphone na kalaunay nabawi ng mahuli ng mga barangay tanod ang dalawa sa mga suspect.
01:14Ito yung mga nang hold up February 10, dito sa mesityo Epita, barangay San Isidro, Antipolo City, ang mga suspect kay taga Sityo Tanglao.
01:25Nakumpis ka sa kanila ang mga ginamit nilang patalim.
01:28Ayon sa barangay, ikatlong sospek ang lalaking nakatakas at kumuha ng cellphone ng biktima.
01:34Hindi naman daw itunod rin ang biktima ang reklamo sa ikaapat na sospek na nakita sa CCTV na umalis at bumalik para tulungan ang biktima.
01:41Tumangging magsalita sa kamera ang mga sospek. Aminado silang kinornir nila ang biktima.
01:48Lasing daw sila noon pero itinanggi nila ang pananaksak.
01:52Sa records ng polisya, dati nang nakulong ang mga sospek dahil sa mga kasong alarm and scandal, robbery at theft.
01:59Itong mga sospek kasi talagang kinila namin eh. Yung dalawa rito, isa kalalaya lang.
02:05Yung isa mga limang araw pa lang nakakalaya, yung isa mga tatlong linggo.
02:09Yung isang nanaksak naman, nangulungan na rin to.
02:13E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:21Ngayong Valentine's Week, dalawang low pressure area po ang pusibling mamuumalapit sa bansa.
02:26Base sa datos ng pag-asa, ang isang LPA ay pusibling mamuumalapit sa southern portion ng Palawan.
02:32Habang ang ilawang LPA naman ay sa silangan ng Mindanao.
02:36Pusibling po yung lumapit sa Mindanao pero mababa ang chance ang maging bagyo.
02:41Sa ngayon, walang namamataang sama ng panahon sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
02:47Ayon sa pag-asa, hanging amihan ang patuloy na umiiral sa Luzon habang shear line naman ang magpapaulan muli ng gusto sa Visayas.
02:55Na itala ngayong araw ang 14.4 degrees Celsius na minimum temperature sa La Trinidad Benguet, 14.6 degrees Celsius sa Baguio City, habang 21.8 degrees Celsius dito sa Quezon City.
03:11Samantala, pinagbawalan ng China ang labing-anim na lokal na opisyal ng Kalayaan Palawan na makapasok sa China, Hong Kong at Macau.
03:20Kabilang po dyan ang mayor at vice mayor ng bayan.
03:23Sabi ng Chinese Embassy, dahil yan sa resolusyon ng munisipalidad noong 2023 at ngayon 2026 para ideklarang persona non grata ang dalawang Chinese ambasador.
03:34Noong 2023, idineklarang persona non grata si Nooy Chinese Ambassador to the Philippines, Wang Shillian, dahil sa kanyang pagdepensa sa harassment ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas.
03:46Nitong Enero naman, pinagbawalang makapasok sa Kalayaan si Chinese Ambassador to the Philippines, Jing Chuan, dahil sa umano'y paglabag sa diplomatic protocol at hindi pagrespeto sa mga opisyal ng bansa.
03:58Kasunod po ng pagbabawal ng China sa mga opisyal ng Kalayaan LGU, sinabi ni Vice Mayor Maurice Philip Albaida na kahit kailan daw ay karangalan ang maging Pilipino.
04:11Para naman kay Consihal Francis Polizon, hindi nila mapapangunahan ang embahada ng China sa desisyong ito tulad ng hindi mapipigilan ng China ang ipinasang resolusyon ng Kalayaan LGU.
04:24Sinusubukan pa namin kunan ng reaksyon ang iba pang opisyal ng Kalayaan LGU.
04:29Pinalagaan ni Senate President Tito Soto ang sinabi ng Chinese Embassy spokesperson na political stunt lamang ang resolusyon ng Senado na kumukundi na sa mga pahayag ng mga opisyal ng China laban sa Pilipinas.
04:44Para naman kay Chinese Ambassador Jing Chuan, dapat mag-usap ang Pilipinas sa China para ma-resolba ang mga anyay hindi pagkakaunawaan.
04:54Balitang hatid ni JP Soriano.
04:56Tinawag na political stunt ng tagpagsalita ng Chinese Embassy na si Xi Jinping ang Senate Resolution na kumukundi na sa mga pahayag ng mga opisyal ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas.
05:12Aniya, kahit gaano raw karaming resolusyon ang ipasa ng mga mambabatas sa Pilipinas, hindi raw nito mapapahina ang kanilang panimindigan na labanan ang mga umunoy malisyosong kilos laban sa China.
05:26Para lang din daw sa politikal na interes ang mga ginagawa ng mga mambabatas na aniya ay kaunti ang nalalaman ukol sa diplomasya.
05:35Sa pagtitipo ng Chinese New Year Reception kagabi, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines, Jing Chuan,
05:42na dapat upuan at pag-usapan ng China at Pilipinas ang mga anyay hindi pagkakaunawaan.
05:48Hindi raw nila hahayaang pahinain ng bangayan ng mga opisyal ng Pilipinas at China ang bilateral relationship ng dalawang bansa.
05:57Let's sit down, let's talk, let's find ways to manage differences.
06:04Gayunman, hindi raw mag-atubili ang China na pumalag sa amin ay nagpapakalat na mga maling impormasyon kaugnay sa China.
06:12So as we advance China-Philippines cooperation, sometimes we also hear some noise from time to time.
06:22Someone, it seems that they want to spread false narratives, smear China and stoke confrontation.
06:30It is the mission of our embassy to firmly, loudly, clearly say no to those people.
06:37Matatanda ang kinundena at ipinurotesta ng Chinese embassy ang mga naging pahayag ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela.
06:47Iginiit ni Tariela, pagtatanggol lang yun sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
06:53Sinuportahan ng ilang senador si Tariela at naghahain ang resolusyon na inadapt sa plenaryo sa Senado.
07:00Sabi ni Senate President Tito Soto, tila gusto raw silang patahimikin ng tagapagsalita ng Chinese embassy.
07:06Si Chi, inakosahan daw ni Chi ng paninindak ang mga senador habang patuloy raw ang mga walang galang napahayag ni Chi sa mga mambabatas.
07:16Anya, respect begets respect.
07:18Sa gitna ng issue, umaas na raw ang ambassador ng China sa Pilipinas,
07:22uusad na ang pag-uusap sa Code of Conduct o COC na mahigit isang dekada ng pilit binubuo.
07:29So this year, the Philippines serves as ASEAN's chair.
07:34We all hope that we can speed up consultations on what we call COC, Code of Conduct in the South China Sea.
07:43So reaching that agreement would lay a solid foundation for managing maritime differences.
07:49Ang COC ay ang binabalangkas na kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas,
07:55pati na rin ang ilang bansa sa ASEAN na may inaangking bahagi sa South China Sea.
08:00Inaangking ng China ang halos buong South China Sea na bahagi raw ng kanilang 9 o 10-line historical map.
08:08Ibinasuran ng 2016 Arbitral Award ang pag-aangking ito ng China
08:12at kinatigan ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
08:17Dumalo sa pag-itipon si First Lady Liza Araneta Marcos,
08:20ilang ambassadors ng mga kaalyadong bansa ng Pilipinas,
08:24gaya ni Japanese Ambassador to the Philippines, Endo Kazuya.
08:27JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:33Ito ang GMA Regional TV News.
08:37May init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:43Huli kam ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Bulacan sa salawigan ng Bulacan.
08:49Chris, kamusta ang sakay ng mga motor?
08:54Kodi isang patay at tatlo ang sugatan sa insidente.
08:58Sa kuha ng CCTV sa barangay Bampang,
09:00paparating ang motorsiklong yan na biglang sinalpok ng kasalubong na motorsiklo.
09:05Mabilis ang takbo at lumampas sa kabilang dinya ang nakabanggang motor.
09:10Nasawi ang angkas ng nakabanggang motor dahil sa injury sa ulo,
09:14habang sugatan ang rider na pinsan niya.
09:17Nagtamuri na mga sugat ang rider ng nasalpok na motorsiklo,
09:21pati na ang angkas na kalivin na tatlong buwang buntis.
09:25Kwento ng ina ng nasawi,
09:27nakakulong ngayon at naharap sa reklamo ang nakabanggang rider.
09:30Wala pang pahayag ang iba pang sangkot sa aksidente.
09:33Dito naman sa Pangasinan, patay ang isang dalaki matapos na mabangga ng isang motorsiklo
09:39at magulungan ng kotse sa Santa Barbara.
09:42Ayon sa pulisya, patawid ang biktima sa kalsada na walang pedestrian lane
09:46ng mabangga ng motorsiklo.
09:48Sa lakas ng impact, parehong bumagsak sa kalsada ang biktima at ang rider.
09:53Sakto raw na may mabilis na kotse ang dumaan sa lugar at nagulungan ng biktima.
09:57Tumakas ang driver ng kotse.
09:59Agad namang dinala ang biktima sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.
10:04Napagkasundo ang sasagutin ng rider ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa biktima.
10:10Hinahanap naman ang pulisya, ang driver ng kotse,
10:13na sasampahan ng kaukulang reklamo.
10:15Sa kuha ng CCTV sa barangay 19 sa Bacolod City nitong lunes,
10:22nakatambay ang lalaking yan sa tabi ng tricycle.
10:25Maya-maya, nilapitan niya ang isa pang lalaking naglalakad.
10:29Sunod, hinablot niya ang cellphone ng lalaki.
10:33Naghatakan silang dalawa hanggang sa tuluyan ng maagaw ang cellphone.
10:37Tumakas ang nanghablot sa kai ng tricycle na minaneho ng kasabwat.
10:42Ayon sa pulisya, kwento ng nahablutan,
10:44hindi na siya nanlaban sa sospek dahil tinutukan siya ng kutsilyo.
10:49Tinangkarin daw agawin ang kanyang bag.
10:52Sabi ng pulisya, posibleng inabangan daw ng dalawang sospek ang lalaki.
10:56Patuloy ang paghahanap sa mga sospek.
10:58Arestado sa Quezon City ang isang lalaking nangikil-umano sa kanyang ex-girlfriend
11:04kapalit ng hindi pagpapakalat ng masiselang video at litrato.
11:09Balitang hatid ni James Agustin.
11:14Pumapalagpa at sinubukan tumakas ng 26-anyo sa lalaki
11:17na na-aresto sa entrapment operation ng pulisya
11:19sa barangay San Bartolomeno Valiches, Quezon City.
11:23Pinadapa ang lalaki at pinusasan.
11:25Ang lalaki inireklamo na pangingikil-umano sa dati niyang kasintahan
11:29kapalit ng hindi pagpapakalat ng masiselang video at larawan.
11:33Ang usapan kasi nila is dapat magkikita sila sa isang mall
11:36sa loob ng isang fast food chain.
11:38Ngunit hindi dumating yung lalaki.
11:40May message siya na sa labas na lang daw sila magkikita.
11:45At yun na nga, buti na lang nakahanda yung mga operatiba natin.
11:48Nakapwesto na rin sa labas.
11:50Namataan din agad yung sospek.
11:52Ayon sa pulisya, unang dumulog ang 25 anyo sa biktima noong February 2.
11:57Dalawang beses na siya nakapagbigay ng pera sa sospek
11:59na aabot sa 20,000 pesos.
12:02Hindi pa raw na kontento at patuloy ang pananakot ng sospek.
12:06Nangingi pa raw siya sa biktima ng karagdagang 20,000 pesos.
12:09Kaya ikinasan na ang operasyon nitong February 9.
12:11Ilang beses na raw ginawa sa kanya, parang nakakadalawang beses na sa kanya
12:16at ito ay parang pangatlong beses na, nahiningan siya.
12:21Kaya yun nga, napagpasyahan niya na ipahuli na itong ex-boyfriend niya.
12:28Nakakuha mula sa sospek ang inyabot na pera ng biktima
12:31at ang ginamit niya motorsiklo.
12:33Sa imisigasyon na pag-alaman na naghiwalay ang dalawa noong Nobyembre
12:36matapos ang tatlong buwang relasyon.
12:39Nakakulong sa Novaliches Police Station ang sospek.
12:42Itinanggi niya ang aligasyon sa kanya.
12:44Black lang po yun. Wala po ako. Wala po ako talagang record.
12:48Sabi niya po kasi ito, tulungan niya po ako.
12:50Sinampahan na ang sospek na mareklamang rabire extortion,
12:53resistance and disobedience to a person in authority
12:56at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act o 2004.
13:02James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:06Merkoles, latest mga mari at pare,
13:13nabalot ng lungkot ang mundo ng Encantadya sa pagkamatay
13:17ni Tera Bianca Umali sa episode ng Encantadya Chronicles Sangre kagabi.
13:24Tanda akong mamatay ng paulit-ulit.
13:30Pakapangalagas mga aking brilyante.
13:36I-muling el-cancantadya!
13:40Winakasan ni Batalang Gargan Tom Rodriguez ang buhay ni Tera
13:45matapos mabigong makuha mula sa kanya ang brilyante ng lupa.
13:50Nabatid na rin ang iba pang sangre at kambaldiwa ang pagkamatay ni Tera.
13:54Chika ni Bianca sa GMA Integrated News,
13:57pinaghirapan nila ang eksena ng pagtutuos nila ni Gargan.
14:00Marami pa raw ang dapat abangan.
14:05Talagang pinaghirapan naming lahat at naging hands-on ako sa eksenang to
14:11na kami ng action team ko ang nag-choreo ng buong fight namin.
14:16Meron kaming mga ginawang mga eksenang kaabang-abang.
14:25Siguro gano'n na lang.
14:26Hindi aakalain na mangyayari.
14:29Sa isang Facebook post naman,
14:32sinabi ni Bianca ang katagang Abisala Maiste o paalam sa kanyang karakter na si Tera.
14:38Nagpasalamat din si Bianca sa lahat ng tumulong na gawing efektibo
14:42ang kanyang pagganap mula sa training at collaboration sa creatives.
14:47Sabi pa ni Bianca, memorable ang journey niya bilang Tera
14:50at marami siyang natutuhan.
14:52Shoutout niya sa Encantadix, Abisala Eshma.
14:56Heto na ang mabibilis na balita.
15:00Tinatayang sanda ang pamilya ang nasunugan sa barangay Addison Hills sa Mandaluyong kaninang madaling araw.
15:08Dikit-dikit ang mga bahay roon kaya mabilis pong kumalat ang apoy.
15:12Marami sa mga pamilya ang walang naisalbang gamit.
15:15Ilang po sa kanila, namatayan pa ng alagang hayop.
15:19Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.
15:23Nasa tatlong pong pamilya naman ang nasunugan din sa barangay 49,
15:27dyan sa Kaloocan, kanina rin umaga.
15:29Kwento po ng may-ari ng bahay kung saan nagsimula ang apoy.
15:32Bigla na lang daw sunigaw ang kanyang misis
15:35nang mag-apoy ang karton sa ibabaw ng kanyang hinihigaan.
15:39Tatlong isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga.
15:42Isang babaeng residente naman ang nilapatan ng pangunang lunas
15:46matapos kagatin ng aso habang lumilikas.
15:50Iniibisigahan pa ang sandhi ng apoy.