- 5 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Ilang PUV driver, namomroblema sa kanilang kita dahil sa sunod-sunod na oil price hike/Ilang transport group, humihiling ng pansamantalang pisong taas-pasahe; grupong ALTODAP, iminungkahi ang pagbibigay ng fuel subsidy
-Sanya Lopez, tila may pa-soft launch sa kanyang mystery guy
-Vice President Duterte: "Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang pangulo ng Pilipinas"
-Lalaking 23-anyos, patay sa pamamaril
-Pamangkin ni Shariff Aguak Mayor Datu Akmad "Mitra" Ampatuan, Sr., patay sa ambush; 2 iba pa, sugatan
-PCG: 62 ang bagong bilang ng nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3; 17 pa ang nawawala
-Atty. Kaufman: Hindi dadalo si FPRRD sa confirmation of charges hearing via video conferencing/ Ilang kaanak ng biktima ng extrajudicial killings, pupunta sa The Hague, Netherlands para sa confirmation of charges hearing ni FPRRD
-Office of the Solicitor General: Legal ang pag-aresto kay FPRRD, alinsunod sa International Law at R.A. 9851
-Gee Canlas, thankful sa overwhelming love at support; self-love at pagmamahal sa anak at mga kaibigan ang birthday wish
-Ph tennis star Alex Eala, nag-advance sa round of 16 ng Dubai Tennis Championships
-PHIVOLCS: Bulkang Mayon, nagkaroon ng lava effusion at minor strombolian activity kagabi
-SK Chairperson na hinawakan ang panindang siopao at hotdog sa isang convenience store, binatikos online; humingi ng paumanhin
-16 Kalayaan LGU officials na nagdeklarang persona non grata kay Chinese ambassador Jing Quan, pinarangalan ng grupong AKBAYAN at Atin Ito Coalition/ DFA, pinalagan ng Chinese embassy sa posibleng pagkawala ng milyon-milyong trabaho dahil sa sagutan ng Pilipinas at China/Commodore Jay Tarriela sa mga pahayag laban sa kanya ng Chinese embassy: "That means probably I'm effective, right?"
-Bureau of Immigration: Dating DPWH Sec. Bonoan na nasa precautionary HDO, kailangan muna ng allow departure order bago makalabas ng bansa/ Sen. Jinggoy Estrada, kokonsulta raw muna sa mga abogado bago magbigay ng pahayag kaugnay sa precautionary HDO laban sa kanya
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Sanya Lopez, tila may pa-soft launch sa kanyang mystery guy
-Vice President Duterte: "Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang pangulo ng Pilipinas"
-Lalaking 23-anyos, patay sa pamamaril
-Pamangkin ni Shariff Aguak Mayor Datu Akmad "Mitra" Ampatuan, Sr., patay sa ambush; 2 iba pa, sugatan
-PCG: 62 ang bagong bilang ng nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3; 17 pa ang nawawala
-Atty. Kaufman: Hindi dadalo si FPRRD sa confirmation of charges hearing via video conferencing/ Ilang kaanak ng biktima ng extrajudicial killings, pupunta sa The Hague, Netherlands para sa confirmation of charges hearing ni FPRRD
-Office of the Solicitor General: Legal ang pag-aresto kay FPRRD, alinsunod sa International Law at R.A. 9851
-Gee Canlas, thankful sa overwhelming love at support; self-love at pagmamahal sa anak at mga kaibigan ang birthday wish
-Ph tennis star Alex Eala, nag-advance sa round of 16 ng Dubai Tennis Championships
-PHIVOLCS: Bulkang Mayon, nagkaroon ng lava effusion at minor strombolian activity kagabi
-SK Chairperson na hinawakan ang panindang siopao at hotdog sa isang convenience store, binatikos online; humingi ng paumanhin
-16 Kalayaan LGU officials na nagdeklarang persona non grata kay Chinese ambassador Jing Quan, pinarangalan ng grupong AKBAYAN at Atin Ito Coalition/ DFA, pinalagan ng Chinese embassy sa posibleng pagkawala ng milyon-milyong trabaho dahil sa sagutan ng Pilipinas at China/Commodore Jay Tarriela sa mga pahayag laban sa kanya ng Chinese embassy: "That means probably I'm effective, right?"
-Bureau of Immigration: Dating DPWH Sec. Bonoan na nasa precautionary HDO, kailangan muna ng allow departure order bago makalabas ng bansa/ Sen. Jinggoy Estrada, kokonsulta raw muna sa mga abogado bago magbigay ng pahayag kaugnay sa precautionary HDO laban sa kanya
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Humihiling na ang ilang transport group ng pansamantalang taas pasahe
00:04bunsod ng sunod-sunod na linggong oil price hike.
00:07Halos wala na raw kasing mayuwing kita ang ilang chuper mula sa pamamasada.
00:11Balitang hatid ni James Agustin.
00:17Maagang namamasada ang jeepney driver na si Rogelio sa rutang Filcoa-Arayat,
00:22ang dating na iuwi niyang 100,000 pisong kita.
00:24Malaki na raw ang natapya simula noong nakaraang buwan
00:27dahil sa walang pati na taas presyo sa DC.
00:30May mauwi sana kami na,
00:31kanyari ang may 200 na dagdag sana sa araw-araw na kita namin,
00:38nababawasan po ngayon kasi patuloy na patuloy yung pagtas ng diesel.
00:45Ganyan din ang sentimiento ni Catalino.
00:47Kumisa na pupunta lang daw sa diesel at boundary ang perang na ipon niya
00:51sa buong araw na pamamasada.
00:53Kasi amin sana ibalik yung dati para naman,
00:57pagkuhin namin, mayroon naman kahit papaano.
01:00Kaya ngayon wala, hirap na talaga.
01:02Hindi lang diesel maging presyo ng gasolina,
01:04walang patid ang pagtaas.
01:06Kaya ang taxi driver na si Lamberto, hirap din.
01:09Wala tayo ka, pahirap talaga sa amin.
01:10Pahirap din.
01:12Alos doon na na po po na yung hirikita namin.
01:16Kaya, wala, tsaga-tsaga na na talaga sa biyari.
01:20Ngayong taon, anim na beses ng sunod-sunod na linggo,
01:22tumasang presyo ng gasolina,
01:24habang pitong beses ang diesel.
01:26Kaya ang ilang transport group gaya ng pasang Mazda,
01:29humihiritan ng pansamantalang pisong taas pasahe sa jeep.
01:32Kung mapagbibigyan, malaking bagay, sabi ng mga jeepney driver.
01:35Pabor yun eh sa amin kasi kami, mga pamilyado kami,
01:39kaya gusto rin namin madagdagan.
01:42Mas davis namin yan kung magdagdag piso sa pamasahe.
01:47Kasi sa ngayon sir, wala ba nang magdagdag eh,
01:49yung diesel to mataas.
01:52Tapos yung boundary pa namin mataas din.
01:54Ang mga paserong suki ng jeep na iitindihan naman daw
01:57kung sakaling kailangan magtaas pasahe.
01:59Pabor naman po.
02:01Yung nga po eh, para naman sa mga drivers po yan.
02:05Ang mamasahe ro, lumalaban ng patas.
02:09Ayag akong taasahan pero dapat yung produkto,
02:14mga bilihin, babaan din.
02:16Kasi hindi balance eh.
02:19Tataas ang pamasahe.
02:20Tapos yung bilihin, patas ng patas din.
02:22Ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines,
02:27o Alto Da,
02:28iminumungkahi na mamagbigay ng fuel subsidy ang pamahalaan.
02:31May pagpulong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board
02:35ang ilang transport group ngayong linggo
02:36para pag-usapan ng inihihirit nilang taas pasahe.
02:40James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:47Happy Wednesday mga mari at pare,
02:50may pahabol Valentine's Date si Danaya Sanya Lopez
02:53na tila pa-soft launch sa kanyang mystery guy.
02:58Kabilang sa posts, ni Sanya sa IG ang may caption na celebrating.
03:03Kita sa picture na may suot siyang promise ring na ibinigay raw ni mystery guy.
03:08Kita rin sa picture ang rest ni mystery guy habang nakapatong sa table.
03:12Isa lang yan sa mga ipinasilip ni Sanya na highlights ng kanyang Valentine's Day.
03:18Pinusuan niya ng kanyang friends at followers.
03:20Ngayong February sa Fast Talk with Boy Abunda,
03:23nireveal ni Sanya na in a relationship siya,
03:26pero preferred niya raw na huwag muna i-introduce sa public ang partner.
03:31Almost one year ago nang makatsikahan ang inyong mare si Sanya
03:34sa GMA Integrated News Interviews.
03:37Inamin niyang nakikipag-date siya,
03:39pero single ang kanyang status.
03:45Mainit na balita,
03:47tatakbong presidente ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte.
03:53Ako si Sara Duterte.
03:57Tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
04:01Sinabi yan ng vice-presidente sa kanyang press conference ngayong umaga.
04:05Bago yan,
04:06humingi ng tawad si Vice President Duterte sa publiko
04:08dahil tinulungan niya raw mahalal si Pangulong Bongbong Marcos.
04:13Umali siya noon bilang bahagi ng gabinete,
04:15kahit alam daw niyang kapalit nito ay ang impeachment laban sa kanya.
04:19Hindi tumanggap ng tanong mula sa media si Vice President Duterte matapos ang kanyang pahayag.
04:25Silusubukan po ng GMA Integrated News na kunin ang reaksyon ng Malacanang sa mga pahayag ni VP Duterte.
04:33Ito ang GMA Regional TV News.
04:39Maiinit na balita sa Visayas at Mindanao,
04:41hatid ng GMA Regional TV.
04:43Patay sa pamamarilang isang lalaki sa Lapu-Lapu, Cebu.
04:47Cecil, alam na ba ang motibo sa krimen?
04:51Rafi, inaalam pa ang motibo, lalo't kalilipat lang daw,
04:55sa Lapu-Lapu City ng biktima mula sa Surigao.
04:58Ayon sa polisya, nagulat na lang daw ang ilang residente ng barangipahak
05:02nang makita ang katawan ng lalaki sa likod ng isang tricycle nitong lunes.
05:06May iilan daw sa kanilang nakarinig ng putok ng baril.
05:10Nakitaan ang biktima ng sampung tama ng bala sa kanyang katawan.
05:14Kumakala pa ng CCTV footage ang mga polis sa lugar bilang bahagi ng imbestigasyon.
05:20Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang mga kaanak ng 23 anyos na biktima.
05:26Apat pang bangkay ang narecover mula sa paglubog ng MV Trisha Trisha Kirsten III sa Basilan
05:32ayon sa Philippine Coast Guard.
05:34Dahil diyan, 62 na ang bagong bilang ng nasawi sa trahedya na nangyari nitong Enero.
05:40Pinoproseso na ang mga bangkay matapos maiturn over sa PNP Soco sa Zamboanga City.
05:45Nagpapatuloy pa rin ang diving operations para mahanap ang 17 pang nawawala.
05:49Sabi ng Department of Transportation Kamakailan, overloading at overcapacity ang tinitinang posibleng dahilan ng paglubog ng naturang Roro vessel.
05:59The International Criminal Court is now in session.
06:04Rodrigo Roa Luterte
06:13Upunta sa The Netherlands ang ilang kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings
06:18para sa confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
06:24Ang dating Pangulo naman hindi raw dadalo sa pagdinig via videoconference ayon sa kanyang abogado.
06:31Balitang hatid ni EJ Gomez.
06:36Sa February 23, magsisimula ang confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
06:42sa pre-trial chamber 1 ng International Criminal Court o ICC
06:46para ito sa kinakaharap niyang tatlong counts ng crimes against humanity for murder
06:50at attempted murder dahil sa madugong kampanya kontra-droga ng kanyang administrasyon.
06:56Sabi sa GMI Integrated News ng lead counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman,
07:01hindi dadalo ang dating Pangulo sa confirmation hearing sa pamamagitan ng videoconferencing.
07:06Pero nang tanungin kung personal na dadalo ang Pangulo o i-wave ba niya ang karapatan,
07:11tumanggi na si Kaufman na sagutin ito.
07:13Nakahanda namang pumunta sa dahig ang ilang kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings
07:18para personal na saksihan ng confirmational charges.
07:21Kabilang dyan si Shira Escudero, ang kanyang kapatid na tagpo ang nakagapos ang mga paa at kamay
07:27at tag-tag nang tama ng bala ang bangkay noong 2017 sa kasagsagan ng drug war.
07:32Gusto ko pong tumayo sa harap ni Duterte, ipakita sa kanya na totoo ako,
07:40totoo kaming mga pamilya at isa lang po ako sa mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay.
07:51Libo-libo po kami.
07:52Kasama niya ang iba pang kaanak na migrante kaya nasa Europa na.
07:55Marami parawsan ang gusto rin pumunta kung hindi lang limitado ang pondo.
07:59Pero higit sa pera, hamon din ang natatanggap umanong banta sa kanilang siguridad.
08:04Sa kabila niyan, may mga nakalatag na silang aktibidad gaya ng pagmarcha patungong ICC
08:10sa unang araw ng confirmation of charges kasama ng ilang human rights groups sa dahig.
08:15May maikli rin silang programa bago pumasok ng ICC para panuorin ang pagdinig.
08:20Sa ICC po, para sa amin, ito yung lugar kung saan kami naririnig at nakikita.
08:28Samantalang dito po sa Pilipinas, yung mga biktima katulad ni Ephraim.
08:35Kaya binabaligtad po sila, sinisisi pa kung bakit sila namatay.
08:40Ayon sa ICC Assistant to Council na si Atty. Christina Conti,
08:44tatlong oras kada araw lang ang pagdinig bilang pagsasaalang-alang sa kalusugan ni Duterte.
08:49Kaya hindi tiyak kung magpipresenta ng testigo ang ICC prosecutors
08:53kahit pinayagan na sila ng ICC pretrial chamber noong nakaraang taon.
08:57Kung meron, kabilang sa mahalagang testigo ang iharap ang mga insider witness.
09:01Dati nang napaulat na nagbigay na ng testimonya sa ICC si Edgar Matubato at Arturo Lascañas.
09:08Pareho silang nagpakilalang naging hitman ng Davao Death Squad.
09:12Kapwa nila itinuro si Duterte bilang nagutos umano na mga pagpatay.
09:17Most usually itong mga insider witness ay kabahagi ng plano, posibleng down the line, lower rank sila, mababa sa hierarchy,
09:28pero willing na mag-come forward ngayon.
09:31Kaya ito yung uri ng mga witnesses na pwede nating asahan sa ICC.
09:36E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:41Nanindigan ang Office of the Solicitor General na legal ang pag-aresto at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:47sa International Criminal Court noong March 2025.
09:50Mahagi ito ng komento ni Solicitor General Darlene Berberabe sa Rit of Havias Corpus Petition sa Porte Suprema
09:56na inihain ng tatlong anak ng dating Pangulo.
09:59Kinwestyon ng magkakapatid na Duterte ang pag-aresto sa kanilang ama at nanawagan na siya ay pauwiin na sa Pilipinas.
10:06Ayon sa Solgen, ang pag-aresto sa dating Pangulo ay alinsunod sa International Law.
10:10Gayun din sa Republic Act 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,
10:17Genocide and Other Crimes Against Humanity.
10:19Iginalang din naman daw ang karapatan ng dating Pangulo dahil sinamaan siya na kanyang abogado
10:24at hindi pinagbawalang bumisita ang kanyang pamilya.
10:27Sabi ng Solgen, hindi na may patupad ang Rit of Havias Corpus dahil wala na sa Pilipinas ang dating Pangulo.
10:33May aktibong partisipasyon din anya ang dating Pangulo sa kanyang depensa sa kasong kinakaharap sa ICC.
10:40Indikasyon daw yan na ang legal remedies para sa dating Pangulo ay nasa ICC at wala sa Korte sa Pilipinas.
10:51Full of gratitude si House of Life star, G. Kanda sa kanyang mga mahal sa buhay dahil sa kanilang overwhelming
10:58love at support.
11:00Mas naramdaman daw yan ni G. Ngayong siya'y solo parent na sa anak na si Caleb at naging maayos
11:06ang kanyang sitwasyon.
11:07Recently, nag-celebrate ng birthday si G. na maladyosa ang atake sa pictorial.
11:13Self-love ang birthday wish ni G. sa sarili.
11:16Gaya ng love daw niya sa ibang tao, mas gusto ni G. na mag-effort sa mga mahal niya sa
11:21buhay.
11:22Itinuring niya rin tahanan ang kanyang trabaho.
11:25Napapanood si G. bilang hana sa GMA Afternoon Prime na House of Lies.
11:31My heart is this. It's better. It's healing.
11:39I wouldn't say na I'm at a place na sobrang 100%.
11:44But I have a very faithful God who helps me in my everyday.
11:51And I think naman I'm getting stronger everyday.
12:28Sa iba pang balita, nagkaroon ng lava effusion o nagbuga po ng lava ang bulkang mayon kagabi.
12:36Naitalayan ng FIVOX mula pasado alas 7.30 kagabi at nagtagal ng isang oras.
12:42Nagkaroon din po ng minor strombolian activity o panakanakang maliliit na pagsabong ang bulkan.
12:49Nagdulot po yan ng incandescent lava flow, rockfall at pagdaloy ng uson.
12:55Sa nakalipas na 24 oras, naitala rin sa mayon ang 8 volcanic earthquakes at mahigit 3,000 toneladang asupre o
13:04sulfur dioxide.
13:05Nananatili sa alert level 3 ang mayon.
13:08Ibig sabihin po niyan, bawal pasukin nino man ang 6 kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.
13:24Viral ang video na yan ng paghahawak ng customer sa mga shopaw at hotdog na paninda sa isang convenience store.
13:31Binatikos ng mga netizen ang kanyang ginawa.
13:33Kumento ng ilan, maaaring magdulot ng piligro sa kalusugan ang ginawa ng customer.
13:38Ang nasa viral video, kinilalang si Mark Adrian Napiza.
13:43Sangguni ang kabataan chairman sa Santa Cruz, Laguna.
13:46Sa ipinost niyang pahayag sa Facebook, inamin niyang hindi nararapat ang ikinilos niya sa video.
13:51Naan niya'y biro lang at parte ng kanyang video content kasama ang mga kaibigan.
13:56Wala rin daw siyang masamang intensyon.
13:58Dagdag pa niya, binili niya lahat ng nahawakan niyang shopaw at hotdog.
14:02Humingi rin siya ng paumanhin sa pamunuan ng convenience store dahil sa abalang idinulot niya
14:08at sa paggawa ng content na walang pahintulot.
14:12Handa rin siyang tanggapin ang anumang nararapat na hakbang o gabay mula sa Sangguniang Kabataan, Federasyon at sa DILG.
14:23Nababahala ang Department of Foreign Affairs sa pahayag ng Chinese Embassy
14:26sa posibleng pagkawala ng milyong-milyong trabaho kapag nasira ang diplomatic relations ng Pilipinas at China.
14:32Binigyan naman ang parangalang labing-anim na opisyal ng Kalayaan LGU
14:36dahil sa naging aksyon nila sa ambasador ng China.
14:39Narito po ang aking report.
14:44Parangalang ay ginawad ng grupong at bayan at ating koalisyon sa tinaguri ang Kalayaan 16.
14:49Sila ang labing-anim na opisyal ng munisipalidad ng Kalayaan na pinagbawalang tumuntong sa China
14:54kabilang ang Hong Kong at Macau.
14:56Matapos nilang itiklarang persona nun grata si Chinese Ambassador to the Philippines, Jing Kuan.
15:01Ito pong pagtindig ng ating pong mga kababayan mula po sa Kalayaan, munisipyo ng Kalayaan
15:09ay pagpapakita na bilang mga ordinaryong mamamayan, mayroon tayong kapangyarihan to stand up to bullies.
15:17Ang Vice Mayor ng Kalayaan na tumanggap sa parangal,
15:20umaasang sa halit na maghati, mapag-isa sana ng West Philippine Sea issue ang mga Pilipino.
15:24Ang parangal po na ito, higit po sa 16, sa 16, ay parangal po para po sa ating pong bayan,
15:33sa ating pong mga magigiting na mamamayan.
15:35Walang ibang pwede makapagkaisa sa bawat Pilipino kundi ang West Philippine Sea,
15:42ang munisipyo ng Kalayaan, ang Kalayaan Island Group at ang ating mga magigiting na mamamayan.
15:48Sa susunod na civilian mission ng atin ito sa Kalayaan,
15:50isa daw sa kanilang isusulong ang pagsuporta sa lokal na pamahalaan ng Kalayaan Municipality.
15:56Sa gitna naman ng patuloy na pakikipagsagutan sa mga senador at iba pang opisyal ng Pilipinas,
16:01tina nagbabala ang embahado ng China.
16:03Sabi ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng,
16:06anuman daw pinsala sa diplomatic relations ng Pilipinas at China,
16:09maaari daw magdulot ang pagkawala ng milyong-milyong trabaho ng mga Pilipino.
16:13Handa daw ba ang mga senador na bayaran ng mga mawawala ng trabaho?
16:16Ang pahayag na ito, pinalaga ng Department of Foreign Affairs.
16:19Tina daw kasi nagagamit ang economic cooperation ng dalawang bansa para maging leverage o ganti sa isyo.
16:25Ito ay kahit ayon sa strat base, walang basihan ang pahayag ng China
16:28dahil limitado ang nila ang kontribusyon ng China sa investment inflow sa bansa.
16:333.76% o mahigit 10 billion pesos lang daw ang investment pledge ng China
16:38kumpara sa 272 billion pesos na investment pledge na natanggap ng Pilipinas noong nakaraang taon.
16:44Sa isang bagong pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Embassy na tinututulong nila ang pamabastosan nila
16:50laban sa kanilang bansa sabay giit na tumulong sana ang DFA para rendahan
16:55ang ilang individual sa bansa laban sa pagsasalita ng masama kontra China.
16:59Ilang linggo nang tinutuligsan ng Chinese Embassy si Coast Guard Spokesperson Comm. J. Tariela
17:04dahil saan nila ay pamabastos kay Chinese President Xi Jinping matapos gamitin ang isang karikatsyur ng Chinese leader.
17:10Tugo na Tariela sa patuloy na pagtuligsa sa kanya ng Chinese Embassy.
17:13That means probably I'm effective, right? Because they are zero in on me being silenced, I guess.
17:21Ayon kay Comm. Tariela, susuporta nila ang bagong civilian-led initiative ng atin ito koalisyon.
17:26Paniwala ng tagapagsalita ng Coast Guard, isa sa'y kinakatakot ng China ang pagdami ng mga civilian-led initiative
17:32para patuloy na pag-usapan ang West Philippine issue.
17:35Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:44Bago makalabas ang bansa, kailangan muna raw pahintulutan ng korte.
17:48Si dating DPWH, siya kita rin, Manuel Bonoan.
17:51Ayon sa Bureau of Immigration, sa kaso ni Bonoan, kailangan muna siyang ma-issuehan ng Allow Departure Order.
17:57Kabilang si Bonoan, sa limang inilagay sa Precautionary Hold Departure Order nitong lunes.
18:03Base po yan sa utos ng Manila Regional Trial Court, Branch 52.
18:07Bago pa yan, sinabi ni Bonoan na pinayagan umans siya ng Department of Justice na pumunta sa Amerika kung nasaan
18:13ang asawa niyang nagpapagamot.
18:15Wala pang kumpirmasyon dito ang DOJ.
18:18Ang isa pang isinailalim sa Precautionary HDO na si Sen. Jingo Estrada,
18:23kokonsulta raw muna sa mga abogado niya bago magbigay ng pahayag kaugnay nito.
Comments