- 35 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Parañaque Police: Gunman sa residential building, dating nakaalitan ang isa sa mga napatay niya/Gunman na namaril sa residential building, patuloy na tinutugis ng pulisya
-Misis ni House Deputy Minority Leader Bong Suntay, nag-sorry para sa mga sinabi ng asawa tungkol kay Anne Curtis
-Yasser Marta, bibida sa "Ang Presong nangarap maging Pulis" episode ng "Magpakailanman," bukas, 8:15pm sa GMA
-Rep. Erice: Si Rep. Marcos ang nasa likod ng pagtanggal sa akin bilang Senior Deputy Minority Leader/House Minority Leader Libanan: Walang nag-pressure sa akin para palitan si Rep. Erice bilang Senior Deputy Minority Leader/House Deputy Speaker Garin kay Erice: Huwag akusahan ang majority bloc ng pakikialam sa mga opisyal ng minority/Rep. Erice: May basbas ng majority ang mga itinatalagang opisyal ng minority/UP-NCPAG Prof. Mendoza: Delikado kung hindi malayang nakakapagdesisyon ang House Minority; kailangan may checks and balances sa gobyerno
-P653,500 halaga ng cash at alahas, natangay mula sa jewelry shop sa Brgy. Pasong Putik; isa sa mga suspek, arestado
-BFP: Nasa 200 pamilya sa Parola Compound, nasunugan kaninang madaling-araw; halaga ng pinsala, umabot sa P400,000
-Notice to respondent sa 2 impeachment complaints vs. VP Duterte, natanggap na ng kampo niya; March 15 ang deadline para sumagot
-INTERVIEW: ANA LIZA SOLIS, CHIEF, CLIMATE MONITORING AND PREDICTION SECTION, PAGASA
-Ph gymnast Karl Eldrew Yulo, nag-qualify sa floor exercise finals ng FIG Artistic Gymnastics World Cup sa Baku, Azerbaijan
-11 sa 18 dating tauhan umano ni Zaldy Co, muling humarap sa media; kinuwestyon ang anila'y hindi pag-iimbestiga sa alegasyon nilang delivery ng pera sa ilang politiko/Mga dating tauhan umano ni Zaldy Co, pinanindigan ang paghahatid nila ng maleta sa ilang politiko at personalidad/ Kredibilidad ng kuwento ng mga dati umanong sundalo, iniimbestigahan ng NBI/Mga dati umanong sundalo, iginiit na wala silang sinusuportahang politiko/Dating Rep. Mike Defensor at Ret. Gen. Hermogenes Esperon, nagpakita ng suporta sa mga dati umanong sundalo
-Ombudsman Remulla: May mas malalim na pakay ang alegasyon ng 18 dating tauhan umano ni Zaldy Co
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Misis ni House Deputy Minority Leader Bong Suntay, nag-sorry para sa mga sinabi ng asawa tungkol kay Anne Curtis
-Yasser Marta, bibida sa "Ang Presong nangarap maging Pulis" episode ng "Magpakailanman," bukas, 8:15pm sa GMA
-Rep. Erice: Si Rep. Marcos ang nasa likod ng pagtanggal sa akin bilang Senior Deputy Minority Leader/House Minority Leader Libanan: Walang nag-pressure sa akin para palitan si Rep. Erice bilang Senior Deputy Minority Leader/House Deputy Speaker Garin kay Erice: Huwag akusahan ang majority bloc ng pakikialam sa mga opisyal ng minority/Rep. Erice: May basbas ng majority ang mga itinatalagang opisyal ng minority/UP-NCPAG Prof. Mendoza: Delikado kung hindi malayang nakakapagdesisyon ang House Minority; kailangan may checks and balances sa gobyerno
-P653,500 halaga ng cash at alahas, natangay mula sa jewelry shop sa Brgy. Pasong Putik; isa sa mga suspek, arestado
-BFP: Nasa 200 pamilya sa Parola Compound, nasunugan kaninang madaling-araw; halaga ng pinsala, umabot sa P400,000
-Notice to respondent sa 2 impeachment complaints vs. VP Duterte, natanggap na ng kampo niya; March 15 ang deadline para sumagot
-INTERVIEW: ANA LIZA SOLIS, CHIEF, CLIMATE MONITORING AND PREDICTION SECTION, PAGASA
-Ph gymnast Karl Eldrew Yulo, nag-qualify sa floor exercise finals ng FIG Artistic Gymnastics World Cup sa Baku, Azerbaijan
-11 sa 18 dating tauhan umano ni Zaldy Co, muling humarap sa media; kinuwestyon ang anila'y hindi pag-iimbestiga sa alegasyon nilang delivery ng pera sa ilang politiko/Mga dating tauhan umano ni Zaldy Co, pinanindigan ang paghahatid nila ng maleta sa ilang politiko at personalidad/ Kredibilidad ng kuwento ng mga dati umanong sundalo, iniimbestigahan ng NBI/Mga dati umanong sundalo, iginiit na wala silang sinusuportahang politiko/Dating Rep. Mike Defensor at Ret. Gen. Hermogenes Esperon, nagpakita ng suporta sa mga dati umanong sundalo
-Ombudsman Remulla: May mas malalim na pakay ang alegasyon ng 18 dating tauhan umano ni Zaldy Co
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Update po sa pamamaril sa isang residential building sa Paranaque na ibinilita namin kahapon.
00:05Sinabi ng polisya na may dating alita ng gunman at ang isa sa mga napatay niya.
00:10Ayon kay Paranaque Police Chief, Colonel Nicolas Pinion,
00:13dati raw kumatok ang gunman sa unit ng isa sa mga biktima dahil may hinahanap na tao.
00:18Nagsumbung daw ang biktima sa security ng gusali at ipinatawag noon ang suspect.
00:24Pumihingi pa raw ng karagdagang detalyang Paranaque Police sa pamunuan ng residential building
00:28tungkol sa dating alitan umuno ng gunman at isa sa mga biktima.
00:32Dalawa ang napatay ng gunman.
00:35Apat naman ang sugatan.
00:37Pinupuntahan na raw ng Paranaque Police sa mga kamag-anak ng gunman na posibleng makapagturo
00:41o makakumbinsi sa kanya na sumuku na.
00:45Nauna nang sinabi ng pamunuan ng residential building na prioridad nila
00:48ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga residente.
00:54Nag-sorry ang asawa ni House Deputy Minority Leader Bong Suntay
00:59na si Sheila Guevara kay Ann Curtis
01:01para sa mga sinabi ng kanyang mister tungkol sa aktres.
01:05Sa isang social media post,
01:07sinabi ni Guevara na walang sino mang babae ang dapat pag-usapan ng ganoon.
01:11Nag-sorry din si Guevara sa pamilya ni Curtis.
01:14Binigyang diin ni Guevara na lahat ng babae ay dapat igalang
01:18at tratuhin ng may dignidad.
01:21Hindi raw sang-ayon at hindi kinukonsinti ni Guevara
01:24at ng kanyang mga anak ang mga pahayag ni Suntay.
01:28Itinanggirin ni Guevara na natawa siya
01:31at na-approve sa kanya ang mga pahayag ng kanyang mister tungkol sa aktres.
01:38Nanawagan din si Guevara sa publiko na huwag siyang idamay
01:41at ang kanyang mga anak sa kontrobersya
01:44dahil sila'y private citizens at walang kinalaman sa mga pahayag ng congressman.
01:49Kinundin na rin ng Commission on Human Rights
01:51ang mga anilay bastos na pahayag ni Congressman Suntay.
01:55Wala raw dapat lugar ang mga ganoong pahayag sa mga institusyon
01:59kung saan dapat manaig ang tiwala ng publiko,
02:04professionalism at accountability.
02:06Nanawagan din ang CHR sa Kongreso na pagtibayin ang kanilang code of conduct
02:11at yaking patuloy ang paggamit ng pamantayan
02:15at pananalitang may gender sensitivity sa kanilang proceedings.
02:19Nag-sorry si Congressman Suntay at iginiit na taken out of context
02:23ang kanyang mga pahayag sa ating panayam sa kanya nitong miyerkoles.
02:28Sinusubukan pa siyang kunan ng pahayag tungkol sa ethics complaint
02:32na isinampalaban sa kanya ng ilang women's rights advocates.
02:36Iniutos na rin ng Kamara ang formal na ethics investigation kaugnay nito
02:40kasunod ng privileged speech ni House Women and Gender Equality Chair Ann Matibag
02:46na kumukondina sa naging pahayag ni Suntay.
02:55Happy Friday mga mari at pare!
02:58Kwento ng inspirasyon at pag-asa ang tampok
03:01sa episode ng Magpakailanman Bukas na Pagbibidahan ni Sparkle Star Yasser Marta.
03:15Patikim yan sa ang presong nangarap maging pulis episode na Pagbibidahan ni Yasser.
03:21Makakasama nga rito si Nayayo Aguila at Mon Confiado.
03:25Mapanood na yan bukas Sabado sa GMA, 8.15pm pagkatapos ng Pepito Manaloto.
03:31Sabi ni Yasser ipakikita sa episode ang pagpupursige ng isang taong naligaw ng landas
03:38na makabalik sa tama at gawing maayos ang kanyang buhay.
03:45Ang natutunan ko rin, ano eh, sa mga pagkakamali natin, hindi natin siya matatakpan
03:51kung gagawa lang tayo ng kabutihan eh.
03:54Para sa character ko na si Von, it's accountability.
03:58Kailangan natin pagbayaran, kailangan natin akuin ang mga pagkakamali natin para magbago.
04:07Si House Majority Leader at Presidential San Sandro Marcos ang itinuturo
04:11ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Arise
04:14na nasa likod umano ng pag-alis sa kanya bilang Senior Deputy Minority Leader.
04:18Sabi ng ilang kongresista, hindi nakikialam ang House Majority sa mga opisyal ng minority.
04:24Balita natin ni Darlene Kai.
04:29Eh kasi mahirap naman yung ginagawa ko eh. Mahirap talaga.
04:33Mahirap daw ang kanyang kalagayan ayon kay Caloocan Representative Edgar Arise.
04:38Ang kanyang aligasyon, hindi independent ang minorya sa Kamara.
04:42Dahil ang kanilang nagiging leader, mayorya pa rin daw ang pumipili.
04:46At nasa likod ng kanyang pagkaalis bilang Senior Deputy Minority Leader
04:50si House Majority Leader Sandro Marcos dahil sa kanyang pagbabatiko sa gobyerno.
04:56Inamin daw ito sa kanya ni Minority Leader Congressman Marcelino Libanan.
05:01Sabi niya sa akin, pare, hindi ko na kaya yung pressure ng itaas.
05:06Sabi ko hindi, okay lang.
05:07Kasi alam po na naman, matagal na kasing laging nagsasabi sa akin si Congressman Nonoy,
05:14si Minor Nonoy na tuwing may mga speeches ako,
05:19may mga na nakikritisize ako ng mga policies ng gobyerno,
05:26ay tinatawagan daw siya ni Majority Leader Sandro.
05:31Sabi ni Arise Minsan daw sinita siya ng anak ng Pangulo si House Majority Leader Sandro Marcos
05:37pagkatapos ng kanyang privilege speech na bumabatiko sa kanyang ama.
05:41Hindi ba ako tapos magsalita?
05:42Sinundo na ako sa plenary ni Minority Leader Libanan.
05:49So pagkata sa magsalita, in-escort na niya na ako papunta sa office ni Congressman Sandro.
05:57Pagdating ko, nandun si Speaker Bojidi, nakaupo.
06:02Sabi niya, ano yun?
06:04Sabi ko, yung speech ko para yung anti-political dynasty, matagal ko na yung advocacy, bata pa ako.
06:13Sabi ko, hindi, hindi yun. Binabanatan mo yung si Presidente.
06:19Sabi ko, hindi banat yun, tulong yun.
06:24Yung malalim mag-isip, tulong yun.
06:28Itinanggin ni Libana na may nag-pressure sa kanya para palitan si Arise.
06:31Sinabi ko kay Distinguist colleague Arise that I think you see this coming.
06:43Ibig sabihin, pinangkukuna siya na baka magpalit na kami ng Senior Deputy Minority Leader.
06:51Ibig sabihin,
06:54naihirapan na kumagampanan ng aking alter ego ang mga tungkulin dito sa plinag.
07:06Hindi po pinalitan ang ating Senior Deputy Minority Leader dahil may pressure sa taas.
07:11Ito po ay sa ganang trabaho ng Minority Black ng Kongreso.
07:19Pumalag din si House Deputy Speaker Janet Garin.
07:22Please spare us the majority.
07:26Papayag ba ang minority na sabihin, tila sunod-sunuran lang kayo?
07:30Ang sa akin lang, Mr. Speaker, let us put the quorum in this house.
07:35Let us not accuse the majority of meddling.
07:38Do not drag us into the problem of your election of officers.
07:43Pero aligasyon ni Arise,
07:44ang House leadership ang nagbibigay ng basba sa magiging mga opisyal kahit ng minority.
07:49At alam niya yun.
07:51Hindi po imposible.
07:52Tagal-tagal niya ng congressman.
07:54Ano yun?
07:56Hypocrisy yun kung hindi niya alam yung system.
07:59So kung ganyan yung sinasabi niyo, sir, na reality,
08:01what does it say about the House minority leadership, yung independence?
08:07Hindi independent talaga.
08:09Hindi independent talaga.
08:10Eh, matikas lang ulo.
08:12Patuloy na sinusubukan ng GMA Integrated News
08:15na kunin ang panig ni House Majority Leader Sandra Marcos
08:18at ng Malacanang tungkol sa mga sinabi ni Arise.
08:22Hinahayaan ang saligang batas ang bawat kapulungan ng kongreso
08:25na pumili ng kanika nilang mga opisyal
08:27sa paraang tingin nila ay kailangan.
08:29Pero ayon kay Dr. Maria F. Mendoza
08:31ng UP National College of Public Administration and Governance,
08:34Delikado kung sakaling totoong aligasyong,
08:37hindi malayang nakapagde-desisyon ang minorya ng Kamara.
08:41Hindi maganda yun kasi walang ibang idea,
08:46walang ibang different perspective na pumapasok doon sa conversation and debate.
08:53So parang nagkukunwari lang.
08:55Sabi pa ni Mendoza,
08:57isa pang mahalaga ay siguruhin na independent
08:59o may sariling mga desisyon ng legislatura
09:02at hindi na i-impluensya ng ibang sangay ng pamahalaan.
09:06Mali yun kasi nga,
09:07na-compromise yung independence of each branch of government
09:13tapos wala yung checks and balances.
09:18So ang ano mo doon,
09:19kung wala kang checks and balances,
09:21di pari na lang tayong ano,
09:24yun nga, yung mga,
09:25yung ano na yes men lahat
09:27at wala ng ibang,
09:29magbibigay ng parang kakaibang opinion.
09:34Darlene Kai,
09:35nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:41Pumasok ang 6 na lalaking nakahelmet sa jewelry store na yan
09:44sa barangay Pasong Putik sa Quezon City.
09:46Tinutukon nila ng baril ang mga nasa loob ng kindahan
09:49at pinapasok sa isang sidib.
09:52Dali-dali nilang hinilimas ang alahas at pera
09:54na nagkakahalaga ng mahigit 653,000 pesos at saka tumakas.
10:00Nahuli sa hot pursuit operation sa Kaloocan
10:02ang isa sa mga suspect.
10:04Nakuha sa kanya ang isang hindi lisensyadong baril
10:07at mga helmet na pinaniniwala
10:08ang ginamit ng gawin nila ang pangu-hold up.
10:11Walang pahayag ang lalaki
10:13na naharap sa patong-patong na reklamo.
10:15Patuloy na tinutugis pa ang limanyang kasama.
10:21Ngayon pong Fire Prevention Month,
10:23doble ingat po sa sunog.
10:25Sa Tondo, Maynila,
10:26nasa dalawang daang pamilya
10:27ang nasunugan kaninang madaling araw.
10:29Balitang hatid ni Bam Alegre.
10:35Kumislap at nagputukan ang mga kawad na kuryenteng ito
10:38na magkasunog sa Barangay 20, Gate 10, Parola, Tondo, Maynila.
10:41Sa lakas ng apoy,
10:43itinakas ito sa ika-apat na alarma
10:44bago mag-alas dos ng madaling araw kanina.
10:47Pudya, para rumisponde ang hindi bababa
10:49sa labing-anim na firetruck.
10:50Magkakadikit halos ng mga bahay at ang ilan.
10:52Pawang gawa sa light materials,
10:54kaya mabilis kumalat ang apoy.
10:56Ang isa sa mga nasunugan na si Salve Ausa,
10:58walang naisalbang gamit.
11:00Nanunod po ako ng movie noon,
11:01ng Korean movie.
11:03Ngayon may naririnig po ako sumisigaw na
11:05may sunog daw po,
11:06kinakalabog niya yung kamag-anak niya
11:09doon na malapit sa amin.
11:10Labis namang nabalhala si Jacqueline Lape.
11:13Wala raw siya sa bahay na magkasunog.
11:14Ang mga anak niya ang naiwan sa bahay,
11:16kaya agad siyang umuwi.
11:18Lahat po ng pamilya ko,
11:20walang naisalba kahit isa.
11:23Wala po.
11:25Suot lang po talaga nila.
11:27Sa initial estimate ng Barangay 20,
11:29sa pangigipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection,
11:31nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog,
11:34sandaang istruktura,
11:35at 400,000 pesos ang halaga ng pinsala.
11:38Sa kalapit na Delpan Covered Court,
11:40pansamantalang nagpalipas ng gabi
11:41ang mga nasunugan.
11:43Dito nagsimula yung sunog sa bahay ni Alias Toto.
11:46Kasi base sa aking investigasyon
11:50sa mga kapitbahay,
11:52doon nagsimula yung apoy sa second floor.
11:54Naapula ang apoy bago mag-alas 6 na umaga.
11:56Walang naitalang nasawi o nasaktan.
11:59Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection
12:00ng Sanhinang apoy.
12:01Light materials siya,
12:03then ano siya,
12:04yung mga iskin-iskinita.
12:05So nag-adjust po tayo,
12:07nagtas po agad tayo ng alarma
12:08para mabilis po yung takbo ng ating BFP
12:11tsaka ng ating mga kaibigan sa volunteers.
12:13Then ano naman po siya,
12:15natulungan mo siya,
12:16may hydrant po tayo doon sa kabila.
12:17So hindi na po siya masyadong kumalat.
12:20Bam Alegre,
12:21nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:32Natanggap na ng kampo ni Vice President Sara Duterte
12:35ang notice to respondent mula sa Kamara
12:37para sa dalawang impeachment complaints
12:38laban sa kanya.
12:40Kinumpirma yan ang tagapagsalita
12:41ng kanyang defense team
12:42na si Atty. Michael Poa.
12:44Gate niya,
12:45wala pa rin silang nakikitang dahilan sa ngayon
12:47para maglabas ng komento.
12:49May isampung araw ang kampo ng vice
12:51para ibigay ang kanyang tugon
12:52sa mga aligasyon.
12:54Sa panayam ng balitang halik kahapon,
12:56sinabi ni House Justice Committee Chairperson
12:58Rep. Jervil Luistro
13:00na sa March 15
13:01ang deadline sa reply ng vice.
13:04Base sa Rules of Procedure
13:05and Impeachment Proceedings,
13:07kung hindi sasagot ang panig
13:08ni Vice President Duterte,
13:10ituturi ng pagtanggi ito
13:11sa mga aligasyon.
13:13Ayon kay Luistro,
13:14bahagi ng due process
13:15ang paghingi nila
13:16ng reply ng vice.
13:25Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius
13:27ang heat index
13:28o damang inid
13:29sa ilang lugar sa bansa
13:30ngayong araw.
13:31Goodbye, Amiha.
13:32Na nga ba?
13:33Kausapin na po natin
13:34si Pag-asa Climate Monitoring
13:36and Prediction Section Chief
13:38Annalisa Solis.
13:39Magandang umaga
13:39at welcome po
13:40sa Balitanghali.
13:42Gandang tanghali po,
13:43Miss Connie,
13:44at sa lahat ng po
13:44ng nanonood
13:45at nakikinig sa ating programa.
13:47Ma'am,
13:48hindi pa opisyal
13:49na panahon po
13:49ng tag-init
13:50pero may mga lugar na po
13:51na nakapagtalana
13:52ng mataas na heat index.
13:54Ano po ang dahilan niyan?
13:56Well,
13:56sa ngayon ay
13:57unti-unti na po
13:58humingi na yung ating
13:59hanging-amihan.
14:00So,
14:00nandiyan na lang po
14:01sa may extreme northern Luzon
14:02kaya nakakaranas na rin po
14:03tayo ng medyo
14:04maiinit na temperatura
14:05at pataas
14:07na mga alinsangan.
14:09Pero sa ngayon,
14:09Miss Connie,
14:10hindi pa naman po
14:11widespread
14:11yung tinatawag nating
14:13matataas na alinsangan
14:14na nararanasan
14:15ng ating mga kababayan
14:16sa ngayon.
14:17So,
14:18mga few areas pa lang
14:19sa ngayon
14:19mostly ay dito
14:20sa mga postal areas pa lang.
14:22I see.
14:23At ibig sabihin po ba nito
14:24ay malapit ng matapos
14:25ang amihan season?
14:27Mga kailan kaya natin
14:28na makikita talaga
14:29yung pagpaso po
14:31ng tag-init?
14:32So,
14:33asahan po natin
14:34ngayon din pong Marso
14:35maaasahan natin po
14:36yung pagtatapos
14:37ng ating amihan.
14:38So,
14:38base po sa monitoring
14:39ng DOST pag-asa,
14:41meron pa rin po tayong
14:42mga surge
14:43ng northeast monsoon
14:44although ito ay mahina na
14:45at dito na lang po
14:46sa may extreme northern Luzon
14:48pero meron pa rin po
14:49mga cooler
14:51na mga temperature
14:51na mararanasan natin
14:53kaya hindi pa rin po tayo
14:55makapag-terminate
14:56na ganap
14:57ng ating amihan
14:58sa ngayon.
14:59Okay.
14:59So,
15:00ano ho ang parameters ninyo
15:01para official
15:02nang ma-declara
15:02ang panahon
15:03ng tag-init
15:04dun sa mga excited
15:05na hong
15:05mag-beach?
15:07Well,
15:08sa ngayon
15:08ang binomonitor natin
15:09is yung pataas
15:10ng pataas
15:10yung temperatura,
15:11tumataas yung relative
15:12humidity
15:13or alinsangan
15:14at hindi sa lahat
15:15yung posisyon
15:16ng mga tinatawag
15:17na mga high pressure system
15:19yan po
15:20sa may itaas
15:20ng ating bansa
15:22yung tinatawag
15:23nating rates
15:24of high pressure area
15:25so yan po yung
15:26minomonitor natin
15:27siya din po
15:28yung magdidikta
15:29whether kung
15:30magtutuloy-tuloy na
15:31yung ating pag-init
15:32ng temperatura
15:33sa pagtatapos
15:34ng amihan
15:34at pagpasok
15:35ng ating
15:36warm and dry season months.
15:37Okay.
15:38At ano naman ho
15:38ang inaasahan natin
15:39sa El Niño
15:40sa kalagitnaan po
15:41ng habagat season?
15:42Well, sa ngayon Ms. Connie
15:44ay minomonitor pa rin natin
15:45itong potensyal
15:47dahil sinabi po
15:47ng World Meteorological Organization
15:49yung potensyal
15:50ng ating pagkakaroon
15:52ng El Niño
15:52this year
15:53but for now
15:54so ngayon po
15:54ay nakataas pa rin po
15:56yung Laniña Advisory
15:57na kung saan
15:58nakaka-apekto pa rin po
15:59yung madaming ula
16:00na nararanasan
16:01ng ating mga kababayan
16:02dyan sa may Visayas
16:03and Mindanao.
16:05So after po
16:05nitong termination
16:06natin ng amihan
16:08and at the same time
16:09ng ating Laniña Advisory
16:11pagpasok po
16:12ng warm and dry
16:13season months natin
16:14ito naman po
16:15yung imomonitor natin
16:16yung potensyal
16:17na pagdating ng El Niño
16:18but for now
16:19wala pa po tayong
16:20El Niño
16:21at sa ngayon
16:22monitoring pa rin po tayo.
16:24Marami pong salamat
16:25sa inyo pong ibinigay
16:26sa aming impormasyon
16:27si Pag-asa Climate Monitoring
16:29and Prediction
16:30Section Chief
16:31Ana Liza Solis
16:32po yan.
16:39Pasok si Pinoy gymnast
16:40Carl L. Dulliulo
16:41sa floor exercise finals
16:43ng Fig Artistic Gymnastics
16:44World Cup
16:45sa Baku, Azerbaijan
16:46sa score na 13.8
16:48naka-4th place si Carl
16:49sa qualification round
16:50kahapon.
16:51Nanguna
16:52ang gymnast
16:53mula sa Kazakhstan.
16:54Magkakaroon pa ngayong araw
16:56ng tatlong qualification events
16:57para sa finals
16:58bukas.
17:10Kinistyon
17:10na mga dati umanong sundalo
17:12na nagpakilalang
17:13dating tauhan
17:14ni Zaldico
17:15kung bakit hindi anilang
17:16inimbisigahan
17:17ang kanilang kwento
17:18kaugnay sa pag-deliver
17:19umano
17:20ng mali-malitang pera
17:21sa ilang politiko
17:22at personalidad.
17:24Iginiit din nilang
17:24wala silang sinusuporta
17:26ang sinumang politiko.
17:27Balitang hatid
17:28ni Maki Polido.
17:33Emosyonal
17:33ang ilang mga dating sundalo
17:35na nagpakilalang
17:36mga dating security
17:37down ni Zaldico
17:38nang humarap
17:39sa ipinatawag nilang
17:40press conference.
17:41Ginigipit daw sila
17:42at pinagdududahan
17:44sa kanilang alegasyon
17:45na naghatid sila
17:46ng mali-malitang pera
17:47sa ilang politiko
17:48at personalidad
17:49kabilang na
17:50si Pangulong Bongbong Marcos.
17:52Wala silang
17:53partikular na tao
17:54o grupong itinuro
17:55sa likod
17:56ng panggigipit
17:57pero bakit daw
17:58di iniimbisigahan
17:59ang mga sinabi nila
18:00na anilay
18:01walang halong politika?
18:02Sa ganitong sitwasyon
18:04na naglalahad kami
18:05ng katotuanan
18:06na aming salaysay
18:08sana restituin nila kami
18:11bigyan nila kami
18:12ng credibility
18:13hindi yung moral namin
18:16para ito sa bayan sir
18:17ang ginagawa namin sir
18:18hindi ito pang sarili lang namin
18:20Buhay po namin
18:22sa kapamilya namin
18:22ang nakataya dito
18:23hindi namin isusugal
18:25ng ganun-ganun lang
18:26Sa press con
18:28matipid ang pahayag
18:29ng mga dating sundalo
18:30pinanindigan nilang
18:31naghatid sila ng pera
18:33na nasa limang maleta
18:34sa bahay ng Pangulong Marcos
18:35sa Ilocos Norte
18:37Limang maleta po yun
18:38na dinala namin
18:40ni Kong Saldi doon
18:41sa bahay
18:42Saan po exacto?
18:44Sa Ilocos po
18:45Saan po sa Ilocos?
18:46Yung ano po may lake po
18:48Ilan po yung
18:49May ano po?
18:51Yung may lake
18:51Nakita rin daw nila
18:53si Congressman Lila Delima
18:55noong taong 2025
18:56sa isang townhouse
18:57sa Forbes Park, Makati
18:58na laging kamiting
18:59si Congressman Saldi
19:00ko
19:01Yung time na nakikita
19:03namin siya ma'am
19:042025 po
19:06Sa townhouse
19:07Sa townhouse po
19:09Lagi po siya doon
19:11Kamiting sila boss
19:13Then paglabas niyan
19:15may mga bit-bit na po yan
19:16sila nakuha
19:17Paper bag
19:19Paper bag
19:20At paano nyo alam
19:21na may laman
19:22yung paper bag na pera?
19:24Kasi po
19:24galing po yung horizon ma'am
19:25kami po ang nagdadala
19:27sa townhouse
19:27Tsaka alam po namin
19:29ang pera yun
19:30kasi
19:31sinasabi po
19:32ng mga iimang
19:33Tsaka nakikita rin namin
19:35Nauna nang itinanggi
19:36ni Delima
19:37ang aligasyong
19:37tumanggap siya
19:38ng pera mula kay Co
19:39Ang palasyo
19:41tinawag na rin
19:41lousy script
19:43at paulit-ulit
19:44umanong kasinungalingan
19:45ang mga aligasyon
19:46ng mga dating sundalo
19:48Nauna nang sinabi
19:49ng NBI
19:50na iniimbestigahan na nila
19:51ang kredibilidad
19:52ng kwento
19:52at akusasyon
19:53ng mga dating sundalo
19:55Sa inisyal na impormasyon
19:56ng NBI
19:57at Ombudsman
19:58ilan daw sa mga sundalo
19:59may kinakaharap
20:00na kasong kriminal
20:01kasama raw
20:02sa iniimbestigahan
20:03ang mga personalidad
20:04na umanoy
20:05nasa likod nila
20:06Giit naman
20:07ng mga dating sundalo
20:23Sa press conference
20:25dumating
20:26si na Mike Defensor
20:27at dating AFP
20:28Retired General
20:28Hermo Henes Esperon
20:30suportado ng dalawa
20:31ang mga dating sundalo
20:33Karangalan
20:34na mapasama sa kaso
20:36nakasama sila
20:37Yung sinasabi ng mga taong to
20:39ay katotohanan
20:41Tumutulong ako sa kanila
20:42dahil ayoko mangyari
20:44nung nangyari
20:45kay Sgt. Gutesa
20:46Hindi kumpleto
20:47ang lahat
20:48ng labing walong marines
20:49ang iba daw
20:50tinitiyak na safe
20:51ang pamilya nila
20:52Biglang tinapos
20:53ang press conference
20:54dahil may pangamba na raw
20:55sa siguridad nila
20:57Mackie Pulido
20:57nagbabalita
20:58para sa GMA
20:59Integrated News
21:01May mas malalim daw
21:03na pa kaya
21:03ang aligasyon
21:04ng labing walong
21:04dating tauhan o mano
21:05ni Zaldico
21:06ayon kay Ombudsman
21:07Jesus Crispin Rimulia
21:11They're trying to create
21:12a political tipping point
21:13What more?
21:15Alam na natin yun
21:16Diba?
21:16They want
21:17they want to
21:18a branch of the service
21:19to rise up in arms
21:22Local yan
21:22local yan
21:23I think we know
21:24who's behind it
21:25Sabi ni Rimulia
21:26patuloy pang iniimbestigahan
21:28ng National Bureau of Investigation
21:29ang pagkatao
21:31ng mga dati umanong sundalo
21:32Nasabihan na rin daw
21:34ng Ombudsman
21:34ng abogado ng grupo
21:35na si Atty. Levito Baligod
21:37na magsumiti sila
21:38ng kanya-kanyang affidavit
21:42Coming up very soon
21:45Our ability to Se Damn
21:46...
Comments