Skip to playerSkip to main content
-Batang babae, naputulan ng kamay matapos masabugan ng dart bomb/Mga magulang ng biktima, pinag-aaralan ang mga legal na hakbang para mapanagot ang binatilyong dinala sa Manila Reception and Action Center


-NDRRMC, pinag-iingat ang publiko dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon/PHIVOLCS: Bulkang Mayon, patuloy na nagbubuga ng lava dome; patuloy rin ang pagbuga ng "uson" at ang rockfall events/ Mga lokal na pamahalaan, puspusan ang paghahanda sakaling iakyat sa Alert level 4 status ang Bulkang Mayon/ "Ranso" na gawa sa kawayan at anahaw, inihahanda bilang temporary housing sa evacuation center sa Sto. Domingo


-"Huwag Kang Titingin" stars Charlie Fleming, Allen Ansay at Sean Lucas, humataw sa kanilang newest Tiktok dance entry


-Abogado ni Henry Alcantara: Hindi totoong nag-recant ng testimonya ang aking kliyente/Apela ni Zaldy Co para bawiin ang kanselasyon ng kanyang passport at pagdeklara sa kanya bilang pugante, ibinasura ng Sandiganbayan/DILG: Iniutos ni PBBM na pag-aralan ang mga paraan para mapauwi si Zaldy Co na pinaniniwalaang nasa Portugal/Mga mamahaling sasakyang konektado umano kay Zaldy Co, nananatili sa kustodiya ng ICI/ICI, hindi pa makapagbibigay ng bagong referral dahil wala pang kapalit ang nag-resign na commissioners


-Sarah Discaya at 9 na iba pa, naghain ng not guilty plea sa kasong graft at malversation kaugnay sa P96.5M ghost flood control project sa Davao Occidental


-3, arestado matapos maaktuhang nagsusugal sa Brgy. Tatalon; isa sa kanila, nakuhanan ng baril/2 sa mga hinuli, umaming nagsusugal


-Police asset, patay matapos saksakin nang 22 beses ng tatlong stepbrother ng kanya raw karelasyon


-Lalaki, ligtas matapos matuklaw ng cobra sa damuhan sa loob ng isang unibersidad


-Kapuso singers na kalahok sa "Veiled Cup," puwedeng iboto sa Best Listeners' Choice category sa isang streaming platform


-Kontrata ng Solar Philippines ni Rep. Leandro Leviste, kinansela ng DOE dahil bigo raw i-deliver ang halos 12,000 megawatts na power supply/Solar Philippines, pinagmumulta ng P24B dahil sa hindi umano pagtupad sa kontrata sa gobyerno/DOE Sec. Sharon Garin: Reserbang kuryente, posibleng kulangin sa hinaharap/Pagbenta umano ng shares ng Solar Philippines nang walang pasabi sa Kamara, iimbestigahan daw kapag may naghain ng resolusyon/Rep. Leviste, sasagutin ang mga alegasyon laban sa kanya sa muling pagbubukas ng Kongreso sa Jan. 26


-Ph Tennis player player Alex Eala, umakyat sa WTA ranking no. 49 na bago niyang career-high/Ph Tennis players Alex Eala at Tennielle Madis, may wildcard slots sa WTA 125 Philippine Women's Open


-Sandamakmak na patay na hipon, inanod sa dalampasigan


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagpulasan ng mga batang niya nang biglang sumabog ang paputok na dart bomb sa bahaging niyan sa Santa Cruz, Maynila.
00:09Napuruhan ang 10 taong gulang na babaeng nag-inline skates at nagbabalanse sa bintana kung saan nakakabit ang paputok.
00:18Isinugod siya sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
00:22Nakaligtas po ang biktima pero kinailangang putulin ang buong kaliwang kamay niya
00:27dahil wala nang natirang daliri matapos masabugan.
00:32Dinala naman sa Manila Reception and Action Center ang 14-anyos na lalaking naglagay ng paputok sa bintana.
00:39Humingi ng tawad ang mga magulang ng binatilyo sa mga magulang ng biktima nang magkaharap sila sa barangay hall.
00:46Pinagaaralan ng mga magulang ng batang babae ang mga legal na hakbang para mapanagot ang binatilyo.
00:53Ipinablotter na rin ang insidente sa pulisya.
00:57Update na po tayo sa Bulcang Mayon at live mula sa Daraga Albay.
01:03May ulat on the spot si Ian Cruz.
01:05Ian?
01:09Yes, Connie. Sa mga sandaling ito ay nakikita natin na natatakpan na naman ng ulap yung tuktok ng Bulcang Mayon.
01:17Hindi katulad kanina nga mas maaga pa na talagang kitang kita ang kabuoan nitong Bulcang.
01:23Kaya naman tanaw na tanaw din yung tinatawag na almost perfect shape nito na cone.
01:29At kanina nga Connie ay may usok pa na lumalabas doon sa tuktok nga nitong Bulcang.
01:34At sa abiso ng NDRRMC patuloy nga na pinakiingat ang publiko sa pag-agos ng uson at rockfall dulot umano ng pagguho ng lava dome ng Bulcang.
01:45Kagabi, pasada na 9.30 ng mamataan aktibilidad ng Bulcang.
01:49Ang tumatakip na ulap kung saan nga kitang-kitang usok sa tuktok pati ng pag-agos ng uson sa dalis-dis ng Bulcang.
01:57Connie, nananatili sa alert level 3 ang status ng Bulcang sa nakalipas na 24 hours.
02:03Kabilang sa mataas na aktividad nito ang pagbuga ng lava dome at lava flow.
02:07Nakapagtala rin ng dalawang volcanic earthquakes, 209 rockfall events at 46 na pyroclastic density currents o uson.
02:15Nasa 1,387 tons naman ang inilabas na sulfur dioxide o asupre.
02:21Nagpapatuloy din ang pamamaga ng bulkan kaya naman naghahanda na ang mga LGU na walang evacuee ngayon.
02:28Pero darami ang kanilang evacuee kapag inakyat na sa alert level 4 ang status ng bulkan.
02:34Kagaya na lamang doon sa Santo Domingo na inaasahang papalo sa 10,000 kataong kailangang ilikas
02:39kapag kailangan ng alisin sa 7 to 8 km radius o ang extended danger zone ang mga tao.
02:47Aminado nga ang administrator ng bayan na si Arnel Teodoro na hindi ganun karami ang sasakyan nilang pwedeng gamitin sa paglikas sa mga tao.
02:54Pero may handa naman daw umalalay sa kanila gaya ng mga line agencies na kapaloob sa Disaster and Risk Reduction Council ng buong Albay.
03:02Anim na paralan ang inihahanda nila para maging temporary evacuation pero sa mga tinatawag na mga taga Santo Domingo na ranso,
03:10yung parang kubol ang magiging temporary housing ng mga evacuees.
03:15Ayon nga sa isa sa mga nagpapatayo ng ranso na si Erlina Balunso,
03:18nagkahanda na sila para kung mag-alert level 4 ay may matitirahan agad sila sa kanilang kagyat na paglikas.
03:26Pagkagawa man, Connie, ng mga lilikas ang ranso, ang iba pang pangailangan ay sagot na rao ng munisipyo.
03:32Ayon kay Mart Ian Shapno, ang MDRRMO officer ng Santo Domingo, Albay,
03:37bukod sa ayun ng pagkain, maglalagay din ng tubig at kuryente ang munisipyo para sa mga ranso,
03:44gaya nga doon sa Barangay San Andres.
03:47So yan, Connie, ang latest mula rito sa Albay, Connie.
03:51Ian, papaano pinaghahandaan ng mga taga-albay yung posibleng epekto roon ng Bagyong Ada?
04:00Well, Connie, ang huli nating komunikasyon kay Governor Noel Rosal ng Albay,
04:05ang sinasabi niya sa atin ay talagang minomonitor nilang maigi itong bagyo
04:10dahil nga syempre, Connie, may magiging matinding epekto kung dito sa aktividad din ng vulkan
04:17itong pagdaan ng bagyo dahil maaring magkaroon o mag-trigger ng lahar flow
04:23yung malakas na ulan dahil nga maraming deposits ng mga volcanic materials
04:28at pyroclastic materials doon sa dalisdis ng vulkan.
04:32Hindi lamang sa aktividad ngayon, maging doon din sa naging aktividad nga
04:36nitong Mayon Volcano noong 2023 at noong 2018, Connie.
04:41Alright, maraming salamat at Ian, sabi mo nga yung mga binabantayan na mga lugar pa sa Albay,
04:51yung pag-agos ng lahar particularly, yun yung talagang medyo matindi-tindi dyan e, hindi ba Ian?
05:00Yes, Connie, talagang matindi ang bantanang lahar.
05:02Connie, kung maging intense yung pag-ulan, nagiging dulot halimbawa ng mga bagyo,
05:08e talagang delikado ito dahil bukod nga doon sa sinasabing mud flow,
05:13dahil sa bilis nito, Connie, minsan o kadalasan ay meron din itong kasamang mga boulders,
05:19may mga bato, kaya kapag may mga structure natin naman, siguradong masisira.
05:24Ang kagandahan naman talaga dito sa Albay, yung 6-kilometer permanent danger zone nila
05:29e talagang halos wala ng tao.
05:32Doon nga sa last na count ay nasa 4,000 individuals yung naialis.
05:36And ang problema nga, doon may mga tao sa 7 to 8 extended danger zone.
05:43So, yan talaga yung minomonitor ng probinsya at ng mga LGU
05:47dahil dito sa kinaroonan natin sa daraga, sa ginobatan, sa kamalig,
05:52yan yung mga area kung saan nag-run off itong mga tubig mula doon sa dalistis nga ng vulkan.
05:57So, iyan ang kailangan bantayang maigi at yung iba pang mga daluyan ng tubig.
06:01Oo, iyan paulit lamang kung mga nabanggit na ba ang governor ng, at dyan sa kamalig
06:08particularly, yung mga tao daw e, mga nasa evacuation centers, e syempre madadagdagan yan.
06:15Ilan pa yung sinasabing total over the weekend pagka talagang tumama ng malakas na ulan
06:21dyan sa Albay.
06:26Yes, Connie, right now, ina-assess pa nila, no, kung ang sinabi ni Governor Rosal
06:32ay tinitingnan pa nila, no, kung talaga bang magiging malakas, no, itong magiging epekto sa kanila.
06:38And then, from then on, ay iaayos nila, no, kung papaano nga yung mga tao pa
06:43na kailangan ialis doon sa mga area na lalo na yung malalapit doon sa mga waterways
06:49o yung mga tinatawag dito na mga gullies, yun, Connie, ang magiging concentration nila, no,
06:54kapag talagang nakita at base rin sa assessment ng NDRRMC at ng iba pang ahensya ng gobyerno
07:00kung merong intense rain, ano, na maidudulot ang parating na bagyo dito sa kanilang lugar.
07:07Pero at the same time, Connie, talagang naghahanda din sila, no, doon sa possible hazard
07:12nitong, kung sakasakaling iakyat sa alert level 4 itong bulkang mayon
07:18dahil hindi naman makakaapekto, no, yung parating na bagyo doon sa activity ng bulkang mayon
07:23dahil independent yung nangyayari sa bulkan doon sa parating na bagyo.
07:27So, yun, Connie, ang mas malaking evacuation na inihahanda nila
07:31dahil around 70,000 na karagdagang mga individual yung maaring i-evacuate
07:38kapag inihahanda sa alert level 4 yung alerto ng bulkang mayon, Connie.
07:42Maraming salamat, Ian Cruz.
07:52Wednesday latest ng kumari at pare, bago ang pananakot this 2026,
07:57kumasa muna sa TikTok dance craze ang stars ng upcoming kapuso horror film na huwag kang titingin.
08:09Hataw kung hataw sina Sparkle stars Charlie Fleming, Alan Ansay at Sean Lucas
08:14ang kanilang TikTok entry mayroon ng over 500,000 views.
08:19Kasama rin nilang bibida sa GMA Pictures film si Sofia Pablo,
08:23pati si na Michael Sager, Marco Massa, Josh Ford, Anthony Constantino,
08:30Kira Ballenger, Shubi Etrata at Sherilyn Reyes.
08:34Mapapanood na po yan soon.
08:41Sa matala utos ni Pangulong Bombong Marcos sa Department of the Interior and Local Government,
08:46pag-aralan ang mga paraan para mapauwi si dating Congressman Zaldico
08:50na nakaharap sa mga kaso kaugnay sa flood control projects.
08:54Itinanggin naman ang kampo ni dating Engineer Henry Alcantara na binawi niya ang kanyang testimonya.
09:01Balitang hatid ni Rafi Tima.
09:02Nasa DOJ si dating DPWH Bulacan, 1st District Engineer Henry Alcantara.
09:10Ayon sa abugado niya, walang katotohanan ang mga lumabas na ulat na nag-recant o binawi niya
09:15ang kanyang mga pahayag sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
09:19Sa Sandigan Bayan, ibinasura naman ng 5th Division ang urgent motion for reconsideration
09:23ni dating Congressman Zaldico laban sa pagdeklara sa kanya bilang pugante
09:27at pagkakabasura ng kanyang passport.
09:29Sa pinakahuling impromasyon ng DILG, nasa Portugal si Coe
09:33at pinaniniwala ang meron siyang Portuguese passport.
09:36Ayon kay Interior Secretary John Vic Rimulia,
09:39nagutos na si Pangulong Bongbong Marcos na pag-aralan ng mga paraan
09:42para maibalik si Coe sa bansa sa lalong madaling panahon.
09:45There is the Interpol, there is the United Nations,
09:49there are other agencies which we can pass through.
09:52So pinapag-aralan niya sa amin kung paano gagawin.
09:54Ang mga sasakyan namang iniuugnay kay Coe at kinumpis ka nitong Huwebes
09:57na nanatili sa kustudiya ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
10:02Ayon kay ICI Special Advisor Rodolfo Azurin,
10:05kung mapapatunayang pag-aari ni Coe ang mga sasakyan nakapangalan sa ilang kumpanya,
10:09malaking tulong ito para mapalakas ang kaso laban sa dating kongresista.
10:13Ang titignan mo dyan, ano ba yung mga kontrata na nakuha nung company na yan?
10:17Di ba? And then, kailan na-acquire yung sasakyan?
10:22So, dahil company yan, anong pinambili ng sasakyan?
10:26Natuntun daw ang mga sasakyan dahil sa sumbong na isang sibilyang nagtungo sa kanilang opisina.
10:31Hindi na idinital niya ang pagkakakilanlan nang nagbigay ng tip.
10:34Panawagan ng ICI, tularan siya ng iba pang may nalalaman sa mga ari-arian na mga sangkot sa flood control scandal.
10:40Kung yung mga nakakaalam, ganun din ang gagawin, mapapabilis talaga yung asset recovery natin.
10:47Sa ngayon, di raw makapagbigay ng referral ng ICI kaugnay sa investigasyon sa flood control projects.
10:52Kulang daw kasi sila sa commissioner.
10:54Sa mga orinal na commissioner ng ICI, si ICI Chairman Andres Reyes Jr. na lang
10:58ang natira matapos mag-resign si Narohelio Singson at Rosana Fajardo.
11:03Hindi raw sila apektado ng balibalitang mabubuwag sila.
11:05Pero susulat sila sa palasyo para tanungin kung may papalit sa mga nagbitiw na commissioner.
11:11Wala pong anumang panaguutos pa ang Pangulo kundi pagpatuli pa rin ang kanilang mandato.
11:17Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:22Nag-ha-in ang not guilty plea ang kontratistang si Sara Descaya ng mga kasong graft at malversation of public funds.
11:29Kagnay po yan sa halos 100 million pesos na ghost flood control project sa Davao Occidental.
11:35Nag-pleed ding not guilty ang presidente ng St. Timothy Construction na si Maria Roma Rimando at walang taga DPWH Davao Occidental.
11:45Ibinasura naman ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court a motion to quash information ng mga akusado pati ang motion to transfer
11:53para maibalik sila sa kustudiya ng National Bureau of Investigation.
11:57A-appela daw rito ang kampo ng mga taga DPWH officials.
12:02Hindi naman nagbigay ng pahayag ang kampo ni Nadiskaya.
12:06Sa February 3, itinakda ang pre-trial sa mga kaso.
12:09Sa ibang balita, sa presinto ang bagsak ng tatlong lalaking na aktuhang iligal na nagsusugal dyan po yan sa Barangay Tatalon, Quezon City.
12:22Isa sa kanila na kuhanan pa ng baril.
12:25Balitang hatid ni James Agustin.
12:29Sa isang iskinita sa Barangay Tatalon, Quezon City, naaresto ng polisyan tatlong lalaking na naaktuhang nagsusugal.
12:35Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng tawag ang polisya mula sa concerned citizen.
12:41Nakuha mula sa isang sospek ang improvised na baril na kargado ng bala.
12:45Although improvised siya, subject for ballistic examination pa rin yung baril natin at for cross-matching pa rin.
12:55Kasi possible po pwedeng magamit din sa ibang krimenyo.
12:58Ayon sa polisya, magkakakilala ang tatlong sospek na lahat ay residente sa lugar.
13:03Inaalam pa kung may kinabibilangan silang criminal group.
13:06Hindi natin tinatanggal yung posibilidad na yun na ang lakad nila is robbery hold-up din kasi may mga baril.
13:13Based dun sa record po nung isa natin sospek is may the same po na kaso.
13:21Robbery hold-up at Republic Act 1591 din po.
13:25So may baril din na previous record niya.
13:28Marap ang mga sospek sa reklamong illegal gambling.
13:31Ang isa may karagdagang reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and the Munition Regulation Act.
13:37Naglilibang lampo.
13:39E yung baril.
13:41Ang proteksyon po.
13:43Ang napadaan lang po rastang tsugal lampo.
13:46Magtakbuan sila.
13:47Tapos.
13:49Pinamay lang ako yan.
13:50James Agusti nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:55Ito ang GMA Regional TV News.
14:00May iinit na balita sa Kabisayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
14:06Binugbog na.
14:07Sinaksak pa ang isang lalaking police asset sa Cagayan de Oro City.
14:11Cecil, kakilala ba yung sospek ng biktima?
14:16Connie, tatlong stepbrothers ng karelasyon umano ng biktima ang sangkot sa pagpatay.
14:23Huli kam kung paano'ng pinagtulungan ng mga sospek ang biktima.
14:26Ayon sa Cagayan de Oro City Police, 22 saksak sa katawan ang tinamunya at idiniklarang dead on arrival sa ospital.
14:35Naaresto ang isa sa mga sospek na sinusubukan pang punan ng pahayag.
14:40Sabi ng polisya, ang dalawa pang tinutugis ay dati ng kaalitan ng biktimang polis asset.
14:46Siya raw ang itinuturong nagsuplong sa ama ng mga sospek na nakulong dahil umano sa iligal na droga.
14:53Nahaharap ang mga sospek sa reklamong murder.
14:56Sinusubukan pang punan ng pahayag ang pamilya ng biktima.
15:01Sa Saugod Southern Leyte, nagpapagaling na sa ospital ang isang lalaki matapos matuklaw ng cobra sa isang universidad.
15:09Ayon sa Supervising Administrative Officer ng universidad,
15:13bigla na lang tinuklaw ng ahas ang biktima habang naglilinis sa damuhan.
15:19Agad niyang napatay ang cobra.
15:20Rimuspundi rin ang iba pa niyang kasamahan.
15:24Isinugod siya sa ospital at nabigyan ng anti-venom.
15:28Naglabas naman ng abiso ang universidad para paalalahanan ang mga estudyante na umiwas sa mga madadamong lugar
15:35at makipag-ugnayan sa mga otoridad kung makakita ng ahas.
15:40Kapag natuklaw ng ahas, payo ng Department of Health,
15:44kumalma, humingi ng tulong at magpadala agad sa pinakamalapit na ospital.
15:48Paalala rin ng DOH, huwag sipsipin ang kamandag, huwag galawin o pakialaman ng sugat at huwag itong lagyan ng halamang gamot o ice pack.
15:58Maiging mga medical expert ang umasikaso agad-agad.
16:02Mga mari at pare, it's time to support some kapuso singers sa Vailed Cup competition sa South Korea.
16:15Open na ang botohan para sa Best Listener's Choice category ng Reality Singing Contest.
16:21I-search ang Vailed Cup playlist sa Spotify at pumunta sa voting section.
16:25I-select ang entries ng Pinoy contestants na Wishful Thinking by Manila Storyteller,
16:32Our Love by Zambales Beast, at Wake Up by Laguna Diva.
16:37Three votes per day ang pwede hanggang sa January 29.
16:41Tuloy-tuloy ang pagsuporta sa kapuso singers na si Nathaya Astley, Garrett Bolden, at Arabal de la Cruz
16:48as they represent the talent and pride of the Filipinos.
16:52Sa ibang balita, kinansila ng Department of Energy ang kontrata ng Solar Energy Company
16:59ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste dahil umano sa mga paglabag.
17:04Sabi ni Leviste, sasagutin niya ito maging ang iba pang isyong ibinabato sa kanya
17:09sa muling pagbubukas ng kongreso sa January 26.
17:13Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
17:15Dahil bigong maideliver ang commitment na halos 12,000 megawatts na power supply,
17:24kinansila ng Department of Energy ang mga kontrata para rito ng Solar Philippines Power Project Holdings,
17:31kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
17:36Ang kanselasyon, bahagi ng mas malawak na paglilinis daw ng DOE sa mga hindi natutupad na kontrata.
17:45Sa isang mensahe sa GMA Integrated News, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin
17:50na mga lehitimo at seryosong investors lamang ang gusto nila sa energy sector.
17:56Kaya kinansila nila ang mga kontratang aabot sa 17,000 megawatts ng renewable energy,
18:03kabilang ang sa Solar Philippines.
18:05Ayon kay Garin, ilang beses silang nagpadala ng show cost orders at iba pa,
18:11pero wala raw silang nakuhang tugon sa Solar Philippines.
18:14Pinagmumulta sila ng tinatayang 24 billion pesos.
18:18Dagdag ni Garin, ang kanselasyon ay base lamang sa discipline, performance
18:23at pagpapatupad ng kanilang contractual obligations.
18:27Pagsunodan niya ito sa integridad ng mga kontrata at pananagutan sa publiko
18:32at hindi dahil sa politika.
18:35Ayon pa sa kalihib, posibleng kulangin na ang reserbang kuryente sa hinaharap
18:40at hindi mangyayari ang inaasahan sa nang pagbaba ng presyo ng kuryente.
18:45Hininga namin ang reaksyon si Leviste at ang Solar Philippines,
18:50ngunit wala pa silang tugon.
18:51Tungkol naman sa umano'y pagbebenta ng shares ng kumpanya ni Leviste
18:55ng walang pasabi at pagpayag ng kamera na nagbigay ng prangkisa nito,
19:01sinabi ng isang vice chairperson ng House Committee on Legislative Franchises
19:06na i-investigahan ng kumite ang issue kung may maghahain ng resolusyon.
19:10Sir, kailangan kong may reso, hindi po pwede mo ito.
19:14Well, first, let me just say it's my first term as a congressman.
19:20From my understanding, there has to be some kind of resolution
19:23because that's the formal way of actually bringing it to the attention of the committee.
19:27Kamakailan, sinabi ng kongresista na magbibigay siya ng dalawang linggo
19:32para sabihin na na mga tao ang lahat tungkol sa kanya,
19:36sa kanya ito sasagutin sa pagbubukas ng kongreso sa January 26.
19:41Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:50New career high para kay Pinay tennis star Alex Ayala
19:54ang kanyang ranking ngayon sa Women's Tennis Association.
19:58Umakay po si Alex sa rank number 49.
20:02Apat na spots, yung tumaas mula sa pagtatapos ng kanyang 2025 season.
20:07Kasunod din yan, ang paglaban ni Alex sa 2026 ASB Classic sa New Zealand
20:12kung saan umabot siya sa semifinals ng women's singles.
20:16Ngayong Enero, kabilang si Alex sa mga nabigyan ng wildcard slots
20:20para sa WTA 125 Philippine Women's Open.
20:25Kauna-unahang beses ito na mag-host ang Pilipinas ng isang WTA 125 event.
20:31Isa rin sa mga wildcard ang kapaw-Pinay Sea Games medallist ni Alex na si Teniel Madis.
20:37Halos mahalo na sa buhangin ang sandamakmak na patay na hipon sa dalampasigan niyan sa Sokotra, EMM.
20:48Nangyari po yan sa Ditwa Nature Reserve.
20:51Ayon sa mga taga roon, first time ito nangyari sa kanilang lugar.
20:55Hiling ng mga residente sa mga otoridad,
20:57imbisigahan ang sanhinang pagkamatay ng napakaraming hipon
21:01na itinuturing na banta sa supply ng lamang dagat doon.
21:07Hiling ng burn
Comments

Recommended