Skip to playerSkip to main content
Aired (February 8, 2026): MGA ‘YOUNG STUNNA’ NA PANSININ SA KANILANG PANANALITA AT PORMA, IPINAGBABAWAL NA RAW SA BGC?!

Mainit na pinag-usapan at pinagdebatehan ang paghaharang kamakailan ng mga guwardya ng BGC o Bonifacio Global City sa Taguig sa ilang kabataan.

Diumano, hinarang sila dahil sa kanilang suot na oversized shirt, jorts at baggy pants. Ganito raw kasi ang pormahan at palatandaan sa mga tinatawag nilang Young Stunna na diumano, ugat daw ng mga napaulat na kaguluhan sa lugar?

Pagpapanatili ba ito ng seguridad sa isang public space pero isa ring private property? O maituturing na diskriminasyon at pagpapakita ng elitism?

Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ang tawag sa kanila, Young Stunas.
00:06Kakaiba ang kanilang mga kasuotan, pati na ang kanilang mga galawan.
00:12Kaya nga ba sila sinisita at tinataboy pa mula sa BGC o sa Bonifacio Global City?
00:22Mainit na pinag-usapan at pinag-debatihan ang pagharang kamakailan ng mga gwardya ng BGC.
00:30O ng Bonifacio Global City sa Taguig sa mga kabataang ito.
00:37Iumano, pinarang sila dahil sa kanilang mga suot na oversized t-shirt, jorts at baggy pants.
00:45Ganito raw kasi ang formahan at palatandaan sa mga tinatawag nila, Young Stunas.
00:53Their place, their rules. Sana hindi sa form magumasa yung mga marshal.
00:58Sa mga nakalipas na linggo kasi, ang mga Young Stunas ang itinuturo sa likod ng ilang mga riot at nakawan sa BGC.
01:09Kaya tuloy may nagbansag dito na Bonifacio Gangster City.
01:15Pagpapanatili ba ito ng seguridad sa isang public space pero isa ring private property o maituturing na diskriminasyon at pagpapakita ng elitism?
01:28Teka rin muna, Young Stunas. Ano yun?
01:38Ang grupong bumiyahe pa pa BGC pero naharang mga tiga barangay matandang balara sa Quezon City.
01:46Sila ang magkakaibigang Ralph, Brent at Robert.
01:50Mga Certified Young Stunas.
01:53Sa mga tropa ko po nakuha, parang nagandaan din po ang saot nila.
02:03Tinatry po namin kung babagay saan.
02:05Ang Young Stunas, slang daw ng Young Stunas.
02:09Young Stunas. Grupo raw sila ng mga kabataang maangas manamit, mahilig magpakitang gilas at hindi takot na maging iba.
02:20At kaya raw sila nasa BGC noon para ipiktoryal ang mga suot nilang damit.
02:26Ito po yung imamodel po dapat namin that time.
02:29Pagbaba nga po namin, napansin nga po na isang kaibigan po namin na parang nagraradyo na nga po yung mga guards.
02:35Unikain niya sa nangaraw po amin ng martial law, malis na nga po.
02:38Huwi na kayo, huwi na kayo.
02:40Huwag kayo dito, huwi na.
02:41Parang nakaka-intimidate lang po kasi first time lang din po na maranasan na sundan na mga ganun po.
02:47Pakiramdam po po namin na parang may nagawa aming masama.
02:51Huwi na kayo, huwi na kayo.
02:52At hindi raw sila magpipicture-picture para lang may pampost online.
02:57Pictoryal daw sana ito para sa negosyo ni Ralph at ng kuya niya na Young Stunas fashion.
03:05So, handa na ganun ito, G.
03:06All that's say, G.
03:08Nagbibenta po ako ng clothing.
03:09Tapos naglalatag po amin ng mga damit po ganun para may pera din po.
03:15Ito po, ano po ito?
03:16P500 po.
03:17Tapos yung cup naman po namin, P300.
03:20Ito, bilhin na kayo neto, G.
03:21Solid to.
03:22Para maraming may love na ea sa inyo.
03:24Kung ang mga gengen, Y2K o Year 2000 ang pormahan,
03:29ang mga Young Stunas, Western Hip-Hop daw ang fashion inspiration.
03:36Panis ka po, panis ka po, panis ka po, panis ka po, panis ka po, panis ka po.
03:43Pag gaya ito po saot ko, confident ako lumabas-labas sa mga ano.
03:46At ang firming ginagawang backdrop ng mga Young Stunas sa kanilang pictorial,
03:54nakalsada ng BGC.
03:56Magaganda po kasi dun yung pat po, tas marami din pong ilaw.
04:01Ang isa pang kapansin-pansin sa mga Young Stunas,
04:04bukod sa kanilang fashion sense,
04:07ang kakaiba nilang tono at lengguahe.
04:10Meron silang sariling bokabularyo,
04:12kung saan ang mga salita binabaligtad.
04:14Epos ka lang lagi sa akin sa,
04:17bit-bit ko lang lagi yung swag.
04:19Pag nagkakayaan po tumahambay tapos parang ayaw po yung isa,
04:22yung po yung sila sa, na-oyet eh, yan tayo eh.
04:26Pinapaiksi.
04:26Musta ka naman, G?
04:28Buds lang sak, soktan-sokta lang.
04:29O hindi kaya, binibigyan ng double meaning.
04:33Hindi yan tatagos, Eka, marami nang sumubok,
04:36pero hindi natupad ang mga plano.
04:38Hindi siya sumasabay sa paglipad ng aeroplano.
04:41Ay!
04:42Ano raw?
04:44Tatagos ka ba?
04:46May gusto ka sa akin?
04:48Hindi ko na-entendan talaga yung mga ganong salitanga eh.
04:50Epos, wala akong idea.
04:52Yung bounce na ako,
04:53ang pagkaintindi ko parang na-touch,
04:56parang nag-bounce ko.
04:59Nahihirapan man daw ang iba
05:00na maintindihan ang mga sinasabi nila.
05:03Hindi naman daw nila maunawaan
05:05kung bakit ganon-ganon na lang daw sila
05:08kung husgahan.
05:09Huwag kayo dito, huwag kayo dito.
05:11Huwag kayo dito, huwag kayo dito.
05:11Iko-comment po na ano,
05:13Youngstangas,
05:13Kuami,
05:14bawal na raw po sa BGC yun
05:15kasi pang-social na lugar.
05:17Kaya po kami sinabihin na Youngstangas
05:19dahil lang po sa panunot,
05:20hindi nga po nila kami kilala
05:21para sabihin ng ganon eh.
05:23Bagamat iginigiit ng magkakaibigan
05:25na wala raw silang balak na manggulo sa BGC,
05:29batid din daw nila na may ilang pangkat
05:31ng mga Youngstangas sa ibang mga lugar
05:34na napapatrobol.
05:37Gaya na lang ng mga Youngstangas na ito.
05:46Na na-video ang nagtatakbuhan
05:48sa isang park sa General Trias sa Cavite.
05:51What happened, G?
05:56Kabilang sa mga naroon,
05:58ang crew o grupo
05:59ng mga magkababatang sinasiyan,
06:02Joseph,
06:03JR,
06:04at Renan,
06:06ang G10K.
06:14Mayigit 5 years na rin po kami nagsasama
06:16kung magtatropa po.
06:16Ang meaning po ng G yun,
06:18parang katawagan lang po namin na
06:19what's up, G.
06:20Then yung 10 po,
06:21nagsimula po sa unang members po namin,
06:23isampu lang po talaga.
06:24Tapos yung K po,
06:25sumisimbolo po sa ito sa pera.
06:27May bitaw ba kayo?
06:28Opo.
06:28Paano yun?
06:29Opo.
06:32Gusto lang nilang linawin
06:34sa mga nangmamata raw sa kanila.
06:36Ang kanila raw talagang trip,
06:37hindi magbasag ulo,
06:39kundi
06:40mag-food trip!
06:43Quality time po kami,
06:47like,
06:47ano po,
06:48Budel Park.
06:51Hindi rin daw sila
06:52ang may pakana
06:53ng gulo
06:54nung navideohan silang
06:56nagtatakbuhan sa park.
06:57Nadamay lang daw sila
06:58ng ibang napatrobol na crew.
07:01Nakipag-collab lang po kami
07:02sa ibang crew
07:03para po sa mga photoshoot po,
07:04para marami rin po kami
07:05makilala pong kaibigan.
07:07Opo,
07:07nakakasakot rin po kasi
07:08sa damdamin yung
07:09parang i-judge ka po nila
07:10na hindi po alam
07:11yung buong story mo
07:12kahit po sa mga
07:13paramaan mo lang po
07:14na mga ganito po.
07:15Ang kanila raw crew,
07:17lahat good,
07:18eka,
07:18o good boys.
07:20At ang kanila raw focus
07:21ang maabot
07:22ang kanikanilang goals.
07:25Mag-aaral na mabuti
07:26at pagsunod po sa
07:27mga sinasabi nila
07:28at sa paggawaing bahay.
07:29Kapaki-pakinabang din daw sila.
07:32Katunayan,
07:33ang kanila raw
07:33pampalipas oras
07:35mag-general cleaning
07:37sa kanilang barangay.
07:39Ose?
07:40Nag-usap-usap po kami noon
07:41na gumawa naman po kami
07:42ng tama.
07:43Hindi puro pamalian
07:45na nakikita ng mga tao.
07:46Aral mabuti,
07:47linis kalisada.
07:48Iba rin daw silang magmahal.
07:51Loyal daw sila
07:53sa kanilang
07:53ea cakes
07:54o nobya.
07:56Labo pa rin ba ako
07:57kahit maging bulate ako?
07:58Siyempre naman.
07:59Andang ano,
08:04iwan ng kalsada
08:05para sa isang prinsesa.
08:06Yon!
08:06Pero paano nga ba umusbong
08:15ang youngstana culture
08:17sa mga Pinoy Gen Z?
08:19Isa sa nagpasimuno raw nito
08:21ang tiga North Kalooka
08:22na si Carlo.
08:24Also known as
08:25Low Dripping.
08:26Isang po yung dripping na yan
08:28kasi yung pinaporma ko po
08:30ng mga nakaraan,
08:31mga 2024,
08:32drip po talaga.
08:33Ang kanya raw mga bitawan,
08:36inspired ng kanyang
08:37mga iniidolong rapper.
08:39Sa mga New York rapper po,
08:41doon po na tutunan yung
08:42ganung poroma.
08:43Sabi ko parang gusto kong
08:44pausuhin to dito sa Pilipinas.
08:46Ang kanya raw claim to fame
08:48ang busay niya
08:49sa pag-sturdy
08:50na isang nauusong
08:52dance craze.
08:53Mahirap po siya matutunan.
09:01Gawa ng pagpapractice ka po noon,
09:03mahihirapan ka po doon
09:04sa mga tutorial po nila
09:05sa ibang bansa.
09:06Tsaka sasakit pa yung mga tuhod mo noon
09:08gawa ng maninibago pa ganun.
09:11Nagsutuloy-tuloy na po yun,
09:13gumawa ko ng social media.
09:14Medyo nakikilala na ako.
09:23Hanggang sa ginaya na nga siya
09:28ng napakaraming kabataan.
09:30Masarap sa pakiramdam kasi
09:31na i-impluensyaan ko sila.
09:33Samantala,
09:34ang pagbabawal sa mga youngstana
09:36na pumasok at gumala sa BGC,
09:39naaayon din ba sa batas
09:41at patakaran?
09:42O maituturing din ba itong
09:43diskriminasyon?
09:45Bilang isang pribadong lugar,
09:47ay meron namang karapatan
09:48ang management
09:49ang sino ang papapasukin
09:50at hindi papapasukin.
09:52Ngunit,
09:52kailangan maging resonable ito.
09:54Kung wala namang nagawang
09:55mga pagkakamali
09:56o kasalanan ng mga tao,
09:58sa nakaraan,
09:59ay wala ang karapatan
10:00ang sino man
10:01para ipagbawal ito
10:02kahit na pribadong lugar ito.
10:04Huwi na kayo.
10:06Huwag kayo dito.
10:06Huwag kayo.
10:07Kung mapapatunayan
10:08na ang mga ito
10:09ay talagang nanggugulong
10:11at kilala na sila
10:12ng mga marshals,
10:13ay maaari naman talaga
10:15silang ipagbawal
10:16sa ilalim ng Article 26,
10:18Paragraph 4
10:18ng ating Civil Code
10:20ay ipinagbabawal
10:21na hamakin
10:22o libakin
10:22ang sino man
10:23dahil lamang
10:24sa kanyang mababang katayuan
10:26sa buhay.
10:27Sinubukan naming
10:28hinga ng panayam
10:29ang pamunuan
10:30ng Bonifacio Global City
10:31tungkol sa insidente.
10:33Wala pa silang tugon
10:34sa oras ng ulat na ito.
10:36Merong certain assumptions
10:37when you're wearing clothes.
10:39Merong mga symbolic
10:40minimang events na ito
10:41that pertains to
10:42someone's background,
10:43power,
10:43and economic status.
10:44When it comes
10:45sa criticism
10:46or pag-i-stereotype
10:47or pag-i-stigmatize
10:48sa mga tao,
10:49we need to be more critical
10:50kung ano ba talaga
10:51yung effect
10:51ng ginagawa natin.
10:52Kung ipaparalel din natin to,
10:56noong September 21,
10:57marami rin
10:57mga kabataan
10:58na youngstown
10:59lumabas
11:00at nagprotesta.
11:01Pero pagkatapos
11:02ay tinatarget sila.
11:05Sila ang sinasabihang
11:06mga naging rason
11:07for the riots.
11:09May outrage
11:09na nararamdaman
11:10ang mga marginalized
11:12or poor communities.
11:14Huwag po kami
11:15i-judge sa gantong
11:15sot.
11:16Tsaka ba't po
11:16kayo nandidiri?
11:17Ano lang naman po ito.
11:18Pananamit lang din
11:19naman po namin ito.
11:27Nararapat lang
11:27panagutin
11:28ang mga gumagawa
11:30ng krimen
11:30at gulo.
11:31Pero ang tunay
11:32na kaayusan
11:33nagmumula
11:34sa patas
11:35na pagpapatupad
11:36ng batas
11:37para sa lahat.
11:41At hindi lang
11:42dahil sa hinala
11:44base sa
11:44pananamit,
11:45pananalita
11:46o itsura.
11:48Thank you for watching
11:54mga kapuso.
11:55Kung nagustuhan niyo po
11:57ang videong ito,
11:58subscribe na
11:59sa GMA Public Affairs
12:01YouTube channel
12:02and don't forget
12:03to hit the bell button
12:05for our latest updates.
12:06PYM JBZ
Comments

Recommended