00:00Mas mabagal ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at servisyo o inflation ng bansa nitong Enero
00:07kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
00:10Ito'y batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority
00:14kung saan lumabas din na bumagal pa ang inflation pagdating sa pagkain.
00:19Si Denise Osorio sa Sentro ng Balida.
00:23Mas mura ng magluto ng baon kaysa bumali ng rice meal sa labas nitong nakaraang January 2026.
00:30Matapos bumaba ang presyo ng ilang pangunahing sangkap, lalo na ang gulay, isda at iba pang seafoods.
00:37Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumagal ang inflation ng vegetables, tubers at iba pa sa 3.3% mula 11.6% noong December 2025.
00:47Bumagal rin ang pagtaas ng presyo ng fish and other seafood sa 7.3% mula 9.0% noong nakaraang buwan.
00:55Paliwanag ng PSA, nag-normalize na ang supply ng gulay matapos humupa ang epekto ng mga nakaraang bagyo,
01:02pagbaha at pag-uulan.
01:04Kaya mas dumami na ulit ang produksyon at biyahe ng gulay mula sa mga probinsya patungo sa mga pamilihan,
01:11kasama na sa Metro Manila.
01:12Aminado ang PSA na kahit mas affordable ang mga sangkap sa pagkain,
01:17tumaas naman ang presyo ng tinitakeout na pagkain dahil naman sa ibang mga kinokonsumo para rito.
01:23So yung mga binibili ng mga kababayan natin, di ba parang 7 million sa mga karinderya,
01:29medyo may mga increases na more than 10%.
01:32Ang nakikita namin of course, tumataas kasi yung raw material din, lalo na yung karne ng baboy.
01:37Tumataas din yung mga energy, kasi syempre ginagamit mo yung electricity,
01:41maybe renta, kasi yung renta sa place, tumaas din, plus maybe yung wages.
01:46Dagdag ni Mapa, kahit na mas mahal na ang pagkain sa labas,
01:50posibleng mas marami sa ating mga kababayan ang mas pinipiling bumili na lang ng lutong pagkain
01:56kaysa sa magluto ng pansarili dahil sa kakulangan ng oras.
01:59Tulad ni Rondel Raimundo at Marjon Florita na araw-araw bumibili ng pananghalian sa karinderya.
02:05Maliban sa oras, mas convenient din ito para sa kanila
02:19dahil iisang budget lang ang kailangan nilang isipin ilaan,
02:24500 to 750 pesos kada linggo para sa pagkain.
02:28Hindi na nila kailangan isipin ang iba pang gastusin,
02:32tulad ng LPG at presyo ng mga bilihin sa merkado.
02:35Hindi po makasikaso. Solo lang po ako sa bahay.
02:40Sa lunch lang po, mayigit 100 din po.
02:44Kapag kasama merienda, 150.
02:49Makakatipid pa rin ang mga pamilya kung magluluto at magbabaon na lang ng pagkain mula sa bahay.
02:55Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments