00:00Nagkasa ng kilos protesta ang ilang grupong kontra at pabor sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
00:06Sa kabila nito, iniulat naman ang polisya na pangkalahatang naging mapayapa ang sitwasyon sa Senado.
00:12Nagbabalik si Carlo Candelaria.
00:16Sa unang araw ng impeachment trial ng pangalawang Pangulo kahapon,
00:20nagsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo sa labas ng Senate Compound,
00:24na nanawagan silang ipagpatuloy ang paglilitis sa Bise.
00:27Nagmarcha sila sa may kahabaan ng Jocno Boulevard,
00:30bit-bit ang kanilang mga placards habang sinisigaw ang Convict at Impeach Sara Now.
00:34Sa kabilang banda naman, present din ang ilang taga-suporta ng Bise na kontra naman sa isinasagawang impeachment.
00:40Samantala, nagpunta rin si NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin
00:44para personal na tingnan ang sitwasyon ng mga polis na nakadeploy sa paligid ng Senado.
00:48Pinakyaw niya ang paninda ng ilang sorbetero at namahagi ng ice cream sa mga nagbabantay na polis na kanina pa
00:53nakabilad sa initan.
00:54Sa ating mga polis na nagbabantay, of course, wag pa-i-rally ng init ng ulo.
01:00Ang kailangan natin ang ma-strip and of course, maximum toleration.
01:04Ayon kay Aberin, generally ay mapayapa ang mga naging kilos protesta sa maghapon.
01:09Minarapat na rin nila Anya na paghiwalayin ang dalawang grupo ng mga kontra at pabor sa impeachment
01:13para hindi na sila magpangabot at magkagirian pa.
01:16Dita natin na nagkakaroon ng tension sa labas because yung pro-impeachment at anti-impeachment
01:21at yung lahat sila, nagkakaroon ng tension.
01:24So all we have to do is pagkawin natin.
01:26Kaya pinayari natin makapasok.
01:28Yung isang grupo, so tapos yung anti-impeachment.
01:32Carlo Luis Candelaria para sa bayan.
Comments