00:00Samantala, hihigpitan ng Department of Agriculture ang pagmomonitor sa farm-to-market roads
00:05para tiyaking nagagamit ng tama ang pondo para rito.
00:09Kaya naman inilunsad ng kagawaran ng isang transparency portal na accessible para sa lahat
00:14para imonitor ang mga FMR projects.
00:17Yan ang ulat ni Vell Custodio.
00:21Inilunsad ng Department of Agriculture ang FMR Watch,
00:24na isang transparency web portal kung saan maaari nang i-access at i-monitor ang farm-to-market road projects.
00:32Sa pamamagitan ng FMR Watch,
00:34mamamonitor na kung saan dapat makikita ang mga farm-to-market roads,
00:39pag-usa na proyekto at kung tama ang implementasyon.
00:43Today we are not just launching a web portal.
00:45We are restoring trust when public funds are spent to build real roads and not private fortunes.
00:52Everyone benefits and moves faster, farmers and consumers alike.
00:58And yes, babantayan namin at babantayan natin lahat ang mga FMR na kalsada.
01:05Maaaring i-access ang mga detalye na proyekto kagaya na project code,
01:09actual completion date, duration, nakalaang budget, target length, contractor at ang status nito.
01:17I-upload din ng DA ang mga geo-tag photos ang farm-to-market roads kada linggo.
01:22Para magamit ang FMR Watch, kailangan muna mag-register upang i-verify na totoong tao ang user ng web page.
01:30May kalayaang magbigay na feedback, magtanong tungkol sa proyekto,
01:34at mag-upload ng photos ang mga gagamit ng web page na siya namang i-re-review ng ahensya.
01:40May 48 hours response time ang DA para sa mga high urgency complaints.
01:45Kung sakaling may nakitang issue sa FMR projects, ipagbibigay alam ito ng ahensya sa Independent Commission for Infrastructure o ICI para sa karampatang hakbang.
01:56Pinag-aaralan na rin ang DA ang pag-livestream ng FMR projects at bidding process para sa real-time updates.
02:03Makikipag-ungnayan naman ang DA sa DICT para sa pagpapaganda ng functionality ng website.
02:08Yan ang utosunang ating Pangulo na kailangan lahat ng ahensya ay coordinated.
02:15Eventually, this will be part of yung blockchain movement ng ating DICT, yung ginagawa nilang software.
02:23So, i-integrate namin ito. And this will be part also of the EGOP portal natin.
02:29Samantala, pinangungunahan ng Bureau of Agricultural, Fisheries and Engineering o BAFE ng DA ang implementasyon ng FMR projects sa buong bansa.
02:39Titiyakin ang BAFE na pare-pareho ang mga pamantayan ng mga ginagawang FMRs at sisiguraduhin ang maayos sa logistics at access sa merkado.
02:48Nationwide po, meron tayong 192 projects na sinimulan na ng ating mga regional offices.
02:55So, we are expecting na mag-start natin tayo ng procurement by April.
03:00Hinihintay lamang po natin na matapos ang ating implementing guidelines na isasabit po natin sa Department of Budget and Management.
03:0833 billion pesos ang budget ng DA para sa 2,300 kilometers farm-to-market roads ngayong taon.
03:16Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.