Skip to playerSkip to main content
  • 8 months ago
DTI, nagsagawa ng special monitoring sa ilang pangunahing bilihin sa Taguig City | ulat ni Elijah Canlas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigpit na binabantayan ng DTI ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa Taguig City.
00:06Kasabay nito, pinag-aaralan din ang ahensya ang pagpapatupad ng price cap hinggil sa presyo ng LPG, si Elijah Canlaas
00:14sa Sentro ng Balita.
00:18Pinangunahan ni Department of Trade and Industry Secretary Cristina Roque ang isang special monitoring ng mga basic necessities and prime
00:25commodities o BNPC sa mga malalaking supermarkets sa Taguig City
00:30bilang togo nito ng DTI sa nararanasang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan na direktang nakaapekto sa gasto
00:38sa logistics ng mga bilihin.
00:39Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng ahensya sa FTI Taguig, lumabas na walang pagtaas sa presyo ng 205 produkto kabilang ang
00:48binabantayan ng kagawaran.
00:50Sa katunayan na tuklasan pa ng DTI na may ilang produkto gaya ng meatloaf na mas mababa pa ng 70
00:56sentimo ang presyo kumpara sa itinakdang suggested retail price o SRP.
01:00Ayon kay Secretary Roque, magpapatuloy ang kasalukuyang presyo ng mga bilihin hanggang sa ikalabing-anim ng Abril, habang ang ilang
01:07produkto ay posibleng hindi magtaas ng presyo hanggang sa katapusan ng buwan.
01:11Before April 16, we will update the people, the consumers, on what the, kung anong nag-transpire sa meeting namin
01:20with the manufacturers.
01:21So weekly na po ang meeting. After this Holy Week, we will meet again with the manufacturers and also with
01:27the retailers.
01:28I-pinaliwanag ng kagawaran na ang pangunahing salik sa anumang paggalaw ng presyo ay ang gasto sa pagbiyahe ng mga
01:34produkto dahil secured na ang mga raw materials o sangkap ng mga manufacturers.
01:39Mahigpit ding binabantayan ng DTI ang presyo ng mga bilihin sa mga probinsya upang matiyak na hindi nagsasamantala ang mga
01:45negosyante sa labas ng Metro Manila at nananatiling zero ang ulat ng panic buying.
01:51Hinggil naman sa presyo ng LPG kasa lukuyan ang nakikipag-ugnayan ng DTI sa Department of Energy o DOE upang
01:58pag-aralan ng pagpapatupad ng price cap o limitasyon sa presyo nito.
02:01To all the consumers, there's no need to panic and there's no need to hoard kasi meron po tayong enough
02:06supply ng pagkain.
02:08Kami po ang we coordinate with the supermarkets and also with the manufacturers and they have assured us din po
02:15that there is enough supply.
02:16Binigyang babala ng DTI ang mga mananamantalang retailers na lalagpas sa SRP na maaaring maharap sa mabigat na parusa kabilang
02:24ang pagmumulta at pagkansila ng kanilang business permit.
02:28Para sa mga mamimili, hinimok ng kagawaran na sumangguni sa opisyal na website at Facebook page ng DTI para sa
02:35pinakabagong listahan ng presyo ng mga sardinas, canned meat at iba pang pangunahin produkto.
02:40Hinimok din ang pamahalaan ng publiko na maging mapanuri sa pagbili dahil maraming mga supermarket na kabilang sa Philippine Amalgamated
02:47Supermarket Association na mas mababa pa ang presyo kumpara sa itinakda ng kagawaran.
02:53Pagtitiyak ng Department of Trade and Industry na nanatiling sapat at stable ang supply ng basic necessities at prime commodities
02:59sa mga pamilihan sa kabila ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
03:05Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended