00:00Mas mabilis nang may paparating sa mga kongresista at mga ahensya ng pamahalaan
00:05ang hinihingi ng tulong ng ating mga kababayan.
00:08Iyan ang ulat ni Bel Custodio.
00:12Inilunsad the House of Representatives ang suporta sa Bayan Desk o SBD,
00:17isang centralized public assistance program na layong ilapit ang tulong ng pamahalaan sa mga Pilipino
00:23at iyaking mas mabilis at mas organisado ang paghahatid ng suporta.
00:27Isa sa mga matiagang pumila sa SBD si Ginang Eya para sa kapatid niyang may karamdaman.
00:33Nabasa ko po sa FB yung mga medical assistance na pwedeng lapitan.
00:39Kaya po pumunta ako rin ito ngayon.
00:41Lumalapit po ako para po humingi ng tulong, medical or financial assistance po para sa kapatid ko po.
00:49Ano pong kalagayan niya po ngayon?
00:51Meron po siyang cervical cancer stage 4.
00:54Napakalaking tulong po kasi po ang mahal po ng mga gamot eh.
00:59Hindi na po makayana ng kapatid ko.
01:01Kaya po lumalapit po ako ngayon sa government natin para sa financial assistance or medical assistance.
01:08Mula binangonan Rizal, alas 4 pa lang ng umaga,
01:12nakapila na si Michelle para sa funeral assistance na pumanaw niyang bayaw.
01:16Walang ibang mag-a-assist kasi ang asawa ko na kapatid niya is PWD.
01:21And then yung isang bayaw ko, sinundo yung nanay niya sa Ilocos.
01:27Okay naman po. Maganda yung approach na sa tao. Very friendly.
01:32Ayon sa mga kawaninang suporta sa Bayan Desk,
01:35limampu ang kanilang sinisilbihan kada araw mula lunes hanggang webes.
01:40Bahagi ang SBD ng alagang kongreso na isang three-prong institutional program na nauna ng inilunsad ng kamara.
01:48Nagsisilbi itong centralized access point para sa mga request na dinadaan sa mga mambabatas at partner offices
01:54at nakikipag-unayan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa paghahatid ng agarang suportang medikal,
02:01funeral, transportasyon at cash relief assistance.
02:04Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, sumasalami na programa sa mas malawak na pagsisikap
02:11sa ilalim na pamumuno ni Speaker Bojidi III na gawing mas konkreto at nakasentro sa tao ang serbisyong pampubliko.
02:18Layunin ang kamara na maghatid ng mas kumpleto at inklusibong sistema na pag-aalaga,
02:23hindi lang para sa mga retirado, mga empleyado nito, kundi sa sambayan ng Pilipino.
02:29Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments