Skip to playerSkip to main content
-Pagdukot sa isang negosyante, nahuli-cam; pinsan niyang nag-AWOL na pulis at 2 kasabwat, arestado/Mga suspek, aminadong dinukot ang biktima para makahingi ng P5M ransom


-Lalaki, namaril ng sasakyang sakay ang ilang kabataan na nang-doorbell prank umano sa kanya/Suspek sa pamamaril sa sasakyan ng ilang kabataan, naaresto; lisensiyado ang baril niya


-Lalaking umawat sa away, sugatan matapos masaksak


-Ilang residente sa baybayin ng Brgy. Nalilidan, lumikas kasunod ng Magnitude 5.7 na lindol


-Barangay kagawad, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mga kapuso, mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:12Huli kampo ang pagdukot sa isang negosyante sa Kabanatuan Nueva Ecija.
00:17Chris, nasa gip ba yung biktima?
00:23Connie, nailigtas na ang dinukot na negosyante.
00:25Na-aresto rin ang tatlong sospek kabilang na ang pinsa ng biktima na'y tinuturong mastermind ng kidnapping.
00:32Balitang hatid ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:39Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang lalaki na naglalakad sa gilid ng kalsada sa isang subdivision sa Kabanatuan Nueva Ecija bandang mag-aalas 8 ng umaga nitong lunes.
00:51Nakasuot siya ng kulay pulang damit at may takip sa muka.
00:53Maya-maya pa, may dalawa pang lumapit sa lalaki na kapwa may takip ang mga muka.
00:59Kasunod nito na nakita sa CCTV ng pagdating ng isang kulay pulang pick-up na pumarada.
01:04Bumaba ang isang may edad na lalaki na nakasuot lamang ng kulay puting sando.
01:09Lumakad siya papalapit sa pintuan para buksan ang lak sa pinto pero mabilis na lumapit ang dalawang lalaki at makikitang nagpupumiglas ang matandang lalaki.
01:18Pilit namang pinupwersa ng dalawang lalaki pabalik na ilapit sa kanyang sasakyan ang biktima habang nakatutok ang isang baril.
01:25Hanggang sa may lapit ang biktima sa kanyang sasakyan.
01:28Ilang saglit pa, pilit na isinakay ng mga sospek ang biktima at agad na umalis.
01:32Ang biktima ang sapilitang tinangay, isa palang negosyante.
01:36Sa tulong ng kuha ng mga CCTV, mabilis na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad.
01:43Through back-tracking, isa natagpuan natin yung subject sa San Miguel la Pumarada.
01:52Natuntun at nasagip nila ang duguang biktima sa barangay Bakod Bayan.
01:56Gayon din ang sasakyan ng biktima na inabandonan ang mga sospek.
01:59Agad na dinala ang biktima sa ospital na ngayon ay ligtas na sa kapahamakan.
02:05Sunod-sunod namang naaresto ng mga polis ang tatlong sospek sa magkahihwalay ng operasyon sa Nueve Ecija at San Miguel Bulacan.
02:12Isa sa mga sospek ang itinuturong mastermind na napagalamang pinsan ng biktima.
02:17Isa rin siyang awol na polis.
02:19Nahuli natin yung pinakamain sospek na nataon naman na ex-polis.
02:26Sa panayam ng GMA Integrated News sa mga sospek,
02:39aminado sila sa ginawang krimen para makahingi ng 5 milyong pisong ransom kapalit ng paglaya ng biktima.
02:44Nag-demand sila ng 5 milyon.
02:49Yun nga, nataroon ng konting negosyasyon.
02:52Nakapit na sila sa Kabanatuan City Police Station at mahaharap sa reklamong kidnapping.
02:57Nag-alit sir ako sa kanya dahil nangangailangan ako ng trabaho.
02:59May sakit yung asawa ko, hindi niya ako kinakasin.
03:01Eh sila lahat papi-pera.
03:03Ako nang bisan na ka dito.
03:04CJ Turida ng GMA Regional TV,
03:07nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:10Nang dahil umuno sa prank,
03:14pinagbabaril ang kotse yung sinasakyan ng ilang kabataan sa Lipa, Batangas.
03:19Sa investigasyon ng pulisya,
03:20may inihatid na kaibigan sa barangay Marawoy nitong lunes ng madaling araw
03:24ang magkakaklaseng edad 17 hanggang 17.
03:28Nang paalis na sila,
03:30bigla na lamang daw lumabas ang sospek
03:32at pinagbabaril ang sasakyan ng mga biktima.
03:35Nakalayo ang kotse na tinamaan ng bala.
03:38Walang nasaktan sa magkakaibigan.
03:40Lumalabas sa investigasyon na bago ang pamamaril,
03:43isa sa mga magkakaibigan ang nanundo sa lugar
03:47ang pumindot sa doorbell ng sospek na posibleng ikinagalit nito.
03:52Inireport na sa pulisya ang insidente matapos ang ilang oras
03:56at naaresto ang lalaking na maril.
03:59Kinupis ka na pulisya ang kanyang baril na lisensyado naman.
04:02Tumangging magpaunlak ng panayam ang sospek.
04:05Ito ang GMA Regional TV News.
04:12Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
04:17Sugata ng isang lalaki sa Naga Cebu matapos masaksak.
04:22Cecil, ano nangyari?
04:23Rafi umawat lang sa away ang biktima nang bigla siyang saksakin
04:29ng isa sa mga nag-aaway.
04:32Base sa investigasyon, nakikipag-inuman ang sospek sa kanyang anak
04:36at mga kaibigan sa tapat ng bahay ng biktima.
04:40Maya-maya ay nagtalo ang bayaw ng biktima at ang anak ng sospek
04:44na dati na raw may alitan.
04:46Nagising ang biktima dahil sa ingay.
04:48Nang lumabas, siya at umawat.
04:51Doon na siya sinaksak ng sospek gamit ang ice pick.
04:55Tinamaan siya sa kaliwang braso.
04:57Nagpapagaling siya ngayon sa ospital.
04:59Habang hinahanap naman ang sospek na tumakas matapos ang insidente.
05:05Lumikas ang mga residenteng nakatira malapit sa baybayin sa Sultan Kudarat.
05:10Kasunod ng magnitude 5.7 na lindol,
05:13pasado alauna ng madaling araw kanina.
05:16Ayon kay news cooper na Itabay,
05:18pumunta sila sa tinatawag na kilometer 1
05:20ng barangay na Lilidan,
05:23na mas mataas at malawak na lugar.
05:25Wala pong inilabas na tsunami alert ang PIVOX.
05:28Patuloy ang paalala ng mga otoridad sa aftershocks.
05:32As of 6 a.m.,
05:33mahigit 1,400 aftershocks na ang naitala
05:36mula sa main shock na may epicenter
05:39na mahigit 50 km sa timog kanluran ng Kalamansin.
05:44Kabilang naman sa pinakabagong aftershock,
05:46ang magnitude 5.1 kaninang pasado, alas 9.
05:49Ito ang GMA Regional TV News.
05:57Patay sa pamamaril ang isang barangay kagawad sa Mursha, Negros Occidental.
06:02Base sa investigasyon,
06:04nang galing sa clean-up drive ang biktimang 59 anyos.
06:08Pinagbabaril siya ng riding in tandem na tinutugis pa hanggang sa ngayon.
06:13Tinamaan ang bala ng baril sa ulo ang biktima.
06:16Inaalam pa ang motibo sa krimen.
06:19Ayon sa kanyang mga kaanak,
06:20dati nang pinagtangkaan ang buhay ng biktima
06:22dahil sa alitan sa lupa.
Comments

Recommended