Skip to playerSkip to main content
-Babaeng naiulat na nawawala, natagpuang patay sa loob ng balon; 8 tao, irereklamo ng murder kaugnay sa pagpatay


-3 lalaking nahulihan ng 14 na rolyo ng ipinagbabawal na sigarilyong tuklaw, arestado


-Bangkay na natagpuan sa dagat sa Brgy. Dungon, may mga sugat na pinaniniwalaang mula sa pag-atake ng buwaya


-3 bahay at 2 tindahan sa Brgy. Inayawan, nasunog; 2 sugatan


-Octopus ride sa isang perya, nasira; mga sakay, ligtas


-Lalaking dalaw sa kulungan, arestado matapos magtangkang magpuslit ng hinihinalang shabu at marijuana


-3 sangkot sa ilegal na sugal sa isang bilyaran, arestado; tumangging magbigay ng pahayag


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Oras na para sa maiinit na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:11Bangkay na ng matagpuan sa Siniluan, Laguna, ang isang babae na napaulat na nawawala.
00:17Chris, ano nangyari sa biktima?
00:21Rafi Walo ang sinasangkot sa pagpatay umano sa 30 anyos na biktima.
00:25Kabilang ang fine suspect na si Alyas Popoy na itinuturo o itinuro kung saan itinapon ang bangkay ng biktima.
00:33Nakabalot ito sa plastic bag ng matagpuan ng maotoridad sa balon malapit sa isang lumang minahan sa bundok.
00:39Ayon sa polisya, December 8, umalis ang biktima sa kanilang bahay sa Hala-Hala Rizal.
00:44December 14, nangyulat ng pamilya na nawawala siya.
00:49Batay sa investigasyon, sangkot sa iligal na droga ang biktima.
00:52At kasintahan niya ang sospek na si Alyas Popoy na leader umano na isang drug syndicate.
00:58Itinanggi ni Alyas Popoy na siya ang pumatay.
01:01At sa halip, itinuro ang pitong iba pang sospek na tinutugis pa.
01:06Sasampa ng reklamong murder ang walong sospek.
01:10Arestado naman sa Bakor, Cavite, ang tatlong lalaki nagbebenta umano ng iligal na sigarilyong tuklaw.
01:17Edad ni si Bebe, 23 at 27 ang mga naaresto sa bybast operation sa Barangay Poblason.
01:25Nasabat sa kanila ang labing apat na rolyo ng itinagbabawal na sigarilyo na nagkakahalaga ng pitong libong piso.
01:32Bukod dyan, nasamsam din sa kanila ang isang sachet na hinihinalang dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng isang libong piso.
01:40Tumanggi magbigay ng pahayag ang mga sospek na naharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:50Ito ang GMA Regional TV News.
01:55May init na balita sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
02:00Isang bangkay ang natagpwang palutang-lutang sa dagat na sakop ng panglimasugala sa Tawi-Tawi.
02:06Cecil, ano raw nangyari dun sa lalaki?
02:08Rafi, ayon sa kanyang mga kalugar, posibleng inatake ng buhaya ang 56-anyos na lalaki.
02:17Nanghanguin kasi ang katawan niya, nakitaan ito ng mga sugat sa kanang bahagi ng tiyan, leeg at hita na pinaniniwala ang mga kagat ng buhaya.
02:26Naroon daw ang biktima para manguhasana ng panggatong na kanyang ibibenta.
02:31May hinuli ang mga residente na buhaya ang hinihinalang umatake sa lalaki.
02:35Balak itong i-turn over sa lokal na pamalaan.
02:39Bago yan, may isa ring nasugatan matapos atakihin ang buhaya sa lugar ngayong buwan.
02:46Nasunog ang tatlong bahay at dalawang tindahan sa barangay Inayawan dito sa Cebu City.
02:52Nangyari yan ilang oras bago salubungin ang Pasko.
02:55Ayon sa may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog, nagsimula ang apoy nang mag-spark ang isa sa linya ng kanilang kuryente.
03:03Dalawang miyembro ng pamilya ang nagtamo ng first degree bird.
03:07Kumalat ang apoy sa dalawa niyang kapitbahay, isang tindahan ng ukay-ukay at isang tindahan ng bigas.
03:13Kabilang sa natupok ng apoy sa mga tindahan, ang perang ipamimigay sana bilang bonus at pangsahod sa mga empleyado.
03:21Ayon sa BFP, tinatayang aabot sa 40,000 piso ang halaga ng pinsala.
03:28Ito ang GMA Regional TV News!
03:34Sa gitan ng kasiyahan, nasira ang octopus ride sa isang perya sa Candelaria, Quezon.
03:40Makikita pa sa ere ang ilang sakay ng octopus ride na biglang tumigil dakong alas 8 kagabi.
03:46Matinding takot at nervyos ang inabot ng mga residente at turista roon.
03:51Mabuti na lang at walang nagtamo ng matinding sugat sa insidente.
03:55Wala pang pahayag ang pamunuan ng perya.
03:58Inibesigahan pa ang nangyari.
04:04Diretso kulungan ang isang lalaking bumisita sa Negros Occidental District Jail sa Bagus City.
04:10Natuklasang mag-popusate sana siya ng umano'y iligal na droga sa loob ng piitan.
04:15Sa isinagawang inspeksyon, nabistong may itinago siyang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at pinatuyong mariwana sa dalangkalan, ustog.
04:24Batay sa embesigasyon, nakulong din dahil sa iligal na droga ang PDL na bibisitahin sana ng sospek sa male dormitory.
04:33Wala pang pahayag ang sospek na nahaharap sa karampatang reklamo.
04:39Ito ang GMA Regional TV News!
04:46Arestado ang tatlong lalaking sangkot sa pagpapatakbo ng iligal na sugal sa isang bilyaran sa Mulo, Iloilo City.
04:53Sa isinagawang raid ng pulisya sa barangay San Pedro, naaresto ang dalawang may-ari ng bilyaran na may hawak din daw ng pusta at nagsisilving spotter sa bilyar.
05:05Naaresto rin ang isa sa mga naglalaro, habang nakatakas naman ang iba pa nilang kasamahan.
05:10Ayon sa pulisya, pustahan sa larong bilyar ang ginagawa ng mga sospek na nila livestream pa raw sa social media.
05:17Wala rin daw permit mula sa lokal na pamalaan ang nasabing bilyaran.
05:22Na-recover sa mga naaresto ang limang dibong pisong pusta at mga gamit sa pagbibilyar.
05:28Mahaharap sa reklamong paglabag sa anti-illegal gambling ang mga sospek na tumangging magbigay ng tahayag.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended