Skip to playerSkip to main content
-Embalsamador na ginawang content ang pag-embalsamo sa katawan ng isang babae, inirereklamo ng pamilya ng nasawi

-Nakaparadang tricycle, tinangay ng dalawang lalaki

-4 na rider, ilegal na nagkarera sa Centennial Road

-PNP Reg. 12: Mahigit P10M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat; isa, arestado/ Lamitan Police: Smuggled na sigarilyo na aabot sa P3.8M ang halaga, nadiskubreng abandonado

-3 armadong lalaki, pinasok ang isang bahay sa Brgy. Silangang Mayao

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:11Inireklamo ng isang pamilyang namatayan sa Tagkawayan, Quezon,
00:14ang nag-embalsamo sa namayapan nilang kaanak.
00:18Chris, ano ang ginawa ng embalsamador?
00:23Connie, ginawa kasing content sa social media ng embalsamador
00:27ang pag-embalsamo sa babaeng namatay.
00:30Kwento na gina ng babae, hindi ito ipinalam sa kanila,
00:34tapos kita pa ang buong katawan at muka ng kanyang anak.
00:39Napagalaman pa raw nilang hindi lesensyado ang embalsamador.
00:43Tinawagan nila ang embalsamador para burahin ang video.
00:46Umamin daw siya at nag-deactivate ng kanyang social media account
00:50makalipas ang ilang oras.
00:52Patuloy pa siyang hinahanap ng mga pulis.
00:54Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang pamunuan ng ponirarya.
00:59Hulikam naman ang pagdanakaw sa isang nakaparadang tricycle sa Mangaldan,
01:04dito sa Pangasinan.
01:05Huminto ang dalawang dalaking niyan na target pala ang isa sa mga nakaparadang tricycle.
01:11Tumawid ng kalsadang isa at lumapit sa tricycle.
01:14Habang nagsilbi namang lookout ang kasama niya.
01:17Maya-maya napaandar at pinangay na ng kawatan ng tricycle.
01:21Natagpuan ang ginakaw na sasakyan sa isang shop dito sa Dagupan City.
01:26Isinanglao man ito ng isa sa mga sospek.
01:29Tukoy na siya ng pulisa at kanyang asawa.
01:32Ayon sa pulisa, hinahanda na ang reklamong isasampa laban sa kanilang dalawa.
01:40Ito ang GMA Regional TV News.
01:45Mga iinit na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:50Bistado ang delikadong motorcycle stunt ng ilang rider sa Cordeva, Cebu.
01:55Cecil, anong ginawa nila?
02:00Rafi Tatlo sa apat na rider na sangkot sa drag racing ay nag-superman stunt.
02:06Nahuli kami yan sa kabaan ng Centennial Road.
02:10Kitang humarurot ang mga rider sabay eksibisyon ng tatlo sa kanila.
02:14Ayon sa uploader, paulit-ulit nilang ginawa yan at tumigilang nang madisgrasya ang isa sa kanila.
02:21Nakipag-ugnayan na ang LTO Region 7 sa pulisya para makuha ang CCTV footage sa lugar at matrace ang mga
02:28sangkot.
02:30Pagpapaliwanagin din daw ang mga rehistradong may-ari ng mga motorsiklo.
02:35Mahigit 10 milyon pesos na halagaan ng smuggled na sigarilyo ang nasabat sa Lebak Sultan Kudara.
02:42Ayon sa Police Regional Office 12, nagpapatrolya ang mga pulis sa barangay Aurelio Freires
02:48kaugnay sa insidente ng pamamaril, nang mapansin nilang tumatakbo palayo ang dalawang lalaki.
02:54Nang hinabol, naaresto ang isa sa kanila at nadiskubre sa inspeksyon sa bahay umano nila
03:00ang mahigit 200 kahon na smuggled na kontrabando.
03:04Walang pahayag ang nahuli na pusibling maharap sa karampatang reklamo.
03:08Hinahanap ang isa pang sospek.
03:10Sa Lamitan Basila naman, kahon-kahong smuggled na sigarilyo rin ang nadiskubreng abandonado.
03:16Inaalam pa ng Lamitan Police kung sino ang nag-iwan ng mga sigarilyo na aabot sa halos 4 milyon pesos
03:24ang halaga.
03:27Ito ang GMA Regional TV News.
03:36Hulikam sa Lucena, Quezon.
03:38Pinasok ng tatlong armadong lalaki ang isang bahay sa barangay Silangang, Mayaw.
03:43Nang ipin na damit at bonnet ang mga lalaking may dala ng baril.
03:47Hinalughog nila ang mga gamit at drawer.
03:50Kwento ng may-ari ng bahay nasa itaas sila noong oras na yon nang makarinig sila ng tila may bumagsak
03:56na gamit.
03:58Sinilip nila ang CCTV at nakita ang tatlong lalaki.
04:02Pinatulog nila ang alarm system ng bahay kaya nagmadaling umalis ang mga lalaki.
04:06Naiwan pa nila ang bareta de cabra na ginamit para buksan ang pinto ng bahay.
04:12Nang makaalis ang mga lalaki nakitang nakagapos ang security guard ng bahay.
04:17Patuloy pa ang investigasyon at ang pagtugis sa tatlong lalaki.
Comments

Recommended