00:00Sa gitna ng dami ng pasahero sa Naiya, dalawang mukha ng kapaskuhan ang makikita.
00:06Kung maagang regalo ang pagdating ng ilang OFW at balikbayan na makakasama ang pamilya sa hapag,
00:13may ilan ding malungkot na magdiriwang ng Pasko dahil aalis ng bansa.
00:18Nakatutok live si Ian.
00:20Ian.
00:21Vicky, maraming nga masaya pero marami rin tayong malungkot na tagpo na nasaksihan dito sa Naiya Terminal 3 ngayong bispiras ng Pasko.
00:37Naiyak sa tuwa ang 74 anyo sa si Lola Norma nang salubungin ang anak mula Dubai, United Arab Emirates kanina.
00:45Kahapon lang, dumating din ang isa pa niyang anak mula in Japan kaya sama-sama silang pamilya ngayong kapaskuhan.
00:53Kasi ngayong Pasko nag-iipon yung mga anak ko kasi noon wala.
00:59Ako lang ang nagpapasko sa bahay namin.
01:01Nag-isa ka sa bahay.
01:03Opo.
01:03So ito, natupad po ang pangarap niyo ngayon.
01:06O, maraming salamat po kay Lord talaga nag-iipon kami.
01:09First time ko ngayon magpapasko, siguro enjoy ko na lang itong day ko.
01:14Uwi siya ng Pilipinas, wala ako, ganun. Uwi ako ng Pilipinas, hindi rin siya nakaka-uwi.
01:19Kung baga, first time namin magkasama-sama ulit ng 10 years.
01:22At hindi lang sila.
01:24Sunon-sunod ang mga dumarating, sakto, bago ang Noche Buena at Pasko bukas.
01:30Tunga-tunga ako nga nagkarating siya.
01:33Kasi matagal lang hindi siya umuwi.
01:35Masaya po ngayon kasi magpapasko kaya happy-happy po.
01:40Pero kung may mga nag-reunion, meron ding mabibitin ang kapaskuhan.
01:45Isang araw na lang, hindi pa inabutan ng December 25 kasama ng kanilang mga pamilya,
01:50sina Jason at sampung kasama.
01:53Kailangan na kasi sila sa pinapasukang oil and gas company sa Dubai.
01:56Wala't yung mga gawin. Talang aas-taalis din kami kata paano.
02:01Masaya't yung buhay natin dito.
02:02Bittersweet din ang pag-alis ng mag-asawang Feli at Joy.
02:06Dahil kailangan iwan ang mga kaanak ngayong Pasko at sa Abu Dhabi na mga kapag-Noche Buena.
02:12Malungkot dahil iiwanan yung mga kapatid ko dito, mga hipag, mga pamilya ko dito.
02:18Pero sa isang parte, masaya din naman kasi yung anak ko po yung makikita ko naman doon.
02:23Tsaka yung isa ko pong kapatid.
02:24May mga inabutan din tayo rito ang lilipad pa probinsya.
02:28Si Gloria, nahirapang makakuha ng mas maagang flight papuntang Bacolod.
02:33At mula roon, ilang oras pa bago makauwi sa Sipalay City.
02:38Tiyak nang aabuti ng Noche Buena sa daan, pero magkasama naman silang mag-ina.
02:43Mga anong oras kayo darating sa bahay?
02:45Mga 2 a.m.
02:46So paano kayo mag-Noche Buena? May dalawa kayong pagkain o paano ba?
02:50Didelay na lang ang Noche Buena?
02:51Delay na lang po. Pagdating na lang po ng bahay mag-Noche Buena.
02:54Sa tansya ng Nuna Ia Infrastructure Corporation, papalo sa 2.5 milyon ang pasaherong daraan sa Ia mula December 20 hanggang Januari 5.
03:04Kahapon lang, nasa 169,000 ang mga pasahero dito.
03:09Mas mataas ng halos 10% kumpara sa parehong petsa noong 2024.
03:13Kahit man, mas magaan ng biyahe dahil nagagamit ng marami ang self-check-in kiosk.
03:20Kaya iwas pila sa mga counter.
03:23Mabilis din sa immigration ayon sa Moroccan na si Anas, na nasa Pilipinas para makasama ang nobyang pinay.
03:29Sa pagkuhan ng bagahe naman.
03:31It's very smooth. It's just difficult to get the bag.
03:34Okay, how many minutes?
03:35It's quick but there's layers of people like waiting for the bags.
03:40Vicky, sa maghapon natin dito sa Naya Terminal 3 ay wala naman tayong nabalitaan na major na aberya dito sa Paliparan.
03:52Liban doon sa nakita natin na isang lalaki na nabuwal dito sa Arrival Hall pero agad din naman siyang nilapatan ng lunas ng mga medics na nakatalaga dito.
04:00So yan muna ang latest mula rito sa Naya Terminal 3.
04:03Merry Christmas sa'yo Vicky at sa ating mga kapuso.
04:06Merry Christmas din at marami salamat sa'yo Ian Cruz.
04:10Merry Christmas.
Comments