Skip to playerSkip to main content
  • 3 days ago
Ating balikan ang mga naging aktibidad ni Pres. Marcos Jr. sa nagdaang linggo | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naging abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-inspeksyon sa mga pasalidad na itinayo at pinaganda ng pamahalaan.
00:07Ang buong lingong aktibidad ng Pangulo, ating pumbalikan sa report ni Kenneth Pashempe.
00:14Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapasinaya ng pinakabagong Antique Airport Development Projects.
00:22Giit ng Pangulo, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan para mapabilis ang biyahe ng mga turista, dahilan-anya para mapalakas ang connectivity sa Western Visayas.
00:32Umabot sa 1.576 billion pesos ang halaga ng proyekto, kabilang ang bagong passenger terminal building na pinalawak mula 181 hanggang 2,224 square meters.
00:45Dahil dito, tumaas ang kapasidad ng pasahero mula 64 hanggang 360.
00:52In-inspeksyon din ang Pangulo ang Rice Processing System Facility sa munisipalidad ng Hamtik sa Antique.
00:58Nagpo-produce ang naturang pasilidad ng nasa halos 260 kaban ng bigas kada araw.
01:03Sabi ng Pangulo, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na makapagtayo pa ng mga ganitong pasilidad para mapaigting pa ang food security sa bansa.
01:12Sa ngayon, nasa 152 rice processing system facility na ang naitayo sa ibat-ibang lugar sa bansa.
01:19Pinangunahan din ang Pangulo ang pagbibigay ng ibat-ibang agricultural assistance sa mga magsasaka, kabilang na ang cash assistance at farm inputs.
01:28In-inspeksyon naman ang Pangulo ang Sumag Water Treatment Facility sa Mursha, Negros Occidental.
01:35Binigyang din ang Pangulo na ang proyekto ay patunay ng kahalagahan ng public-private partnership para maisulong ang mga imprastruktura na makakatulong sa pagtugon sa pangmatagalang hamon sa supply ng tubig.
01:47Nanguna din ang Presidente at si First Lady Liza Araneta Marcos sa pagkilala at pagbibigay parangal sa mga atletang Pinoy na sumabak at nag-uwi ng medalya sa 33rd Southeast Asian Games.
01:58Nagbigay ng insentibo ang Pangulo para sa mga nakasungkit ng medalya, 300,000 para sa gold medalists, 150,000 para sa silver medalists at 60,000 sa bronze medalists.
02:09Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang pagpapatibay pa ng sports development sa bansa at walang patid na pagsuporta sa Filipino athletes.
02:19Dumalo rin ang Pangulo sa ikapitong taong anibersaryo ng Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City kung saan ipinunto niya ang kahalagahan ng pagkakaisa.
02:28Nanawagan ng Pangulo ng patuloy na pagpapalawak ng kabuhayan at oportunidad pang ekonomiya sa BARM upang mapabuti ang pamumuhay ng mga pamilya sa rehyon.
02:37Tiniyak din niya ang patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan lalo na habang naghahanda ang BARM para sa nalalapit na halalan at binigyang diin ang kahalagahan ng tapat at makataong pamamahala.
02:49Kenneth, pasyente. Para sa pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
02:56Pumabot sa mayigit 74 na bilyong pisong hospital bills ang nailibre nitong 2025 sa ilalim ng Zero Balance Billing Program.
03:05Ayon sa Health Department, na binipisyuhan ito ang nasa mahigit 1.3 milyon na mga pasyente na naka-admit sa basic o ward accommodation.
03:15Batay sa datos ng DOH, 70% ng mga hospital bed sa mga pasilidad ng DOH ang nakalaan sa basic accommodation.
03:22At para mapalawak pa ang servisyo, tigisang bilyong pisong pondo ang inilaan para sa ilang hospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan at apat ng specialty hospitals para naman sa libreng gamota.
03:34At para mapalawak l Billy Napa.
Comments

Recommended