00:00Mga hinabing istorya, ito ang tawag ng Malacanang sa ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08na tinangkang ihain, hamon ng palasyo, patunayan ang mga ibinabatong aligasyon laban sa Pangulo.
00:14Nagbabalik si Kenneth Pasyente sa sentro ng balita.
00:19Patunayan, iyan ang hamon ng Malacanang sa bagong alyansang makabayan o bayan
00:24na naghain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:28Sabi ng palasyo, mahirap na base lang sa paghahabi ng storya ang mga inihaing reklamo
00:34at sa halip, dapat nilang patunayan ang kanilang mga aligasyon.
00:38Tinukoy ng bayan sa articles of impeachment ang institutionalizing systematic corruption and patronage
00:44sa pamamagitan umano ng BBM parametric formula.
00:48Unang-una, ito rin naman po yata ang naging isyo patungkol pa rin po sa gaa, patungkol pa rin po sa pagbibigay ng ayuda.
00:54Unang-una, nasaan po ba yung sinasabi nating BBM parametric formula? They have to prove that.
00:58Pangalawa po, yung sinasabi yung pork barrel, mapapatunayan po natin sa mga ginawa ng Pangulo
01:03na pinag-ingatan, ulitin po natin, pinag-ingatan po ng Pangulo ang budget.
01:07Marami pong na-vito at ang binigay niyang utos noon sa DBM ay magkaroon ng conditional implementation.
01:16Marami po ang mga nasaktan dahil hindi na ibigay ang kanilang mga budget na hinihiling dahil pinag-ingatan po at meron po tayong tinatawag na for later release.
01:29Tinukoy din ang abuse of discretionary power over unprogrammed appropriations at ang direct personal involvement in kickback schemes.
01:37Pero giit ng palasyo, mahihirapan silang mapatunayan ito.
01:41Pag sinabi nilang abusive, kailangan talaga i-prove ito. Kung wala lang po sila mailalagay na anumang pruweba sa kanilang complaint,
01:50naggagawa lamang po sila ng kwento, nag-ahabi ng istorya.
01:54At po sila namin yung kickbacks, kailangan po pa rin patunayan ito.
01:59Hindi po pwedeng nasa guni-guni ng isipan ng tao.
02:03So mahihirapan po sila talagang i-prove ito dahil wala naman po talagang ginawa na violation ang ating Pangulo.
02:08Muli ring nanindigan ang Malacanang na walang ginawang impeachable offense ang Pangulo.
02:13Malakas po ang loob ng ating Pangulo na wala po siyang nalabag na anumang batas at hindi po siya gumawa ng anumang impeachable offense.
02:22Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments