00:00Discrepancies sa flood control project coordinates ating tatalakayan kasama si Undersecretary Ricardo Bernabe III,
00:06Spokesperson for Legal Matters ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:11Yusek, magandang tanghali po.
00:13Magandang tanghali po sa atin lahat.
00:17Yusek, paano po tinutugunan ngayon ng DPWH ang mga naging epekto ng maling datos at coordinates sa ilang flood control projects?
00:24Opo, no, bali we are continuing our validation.
00:27Kami po ay naggagawa ng masusing inspection at document audit noong lahat po noong 416 na projects.
00:37So ito po ay nasimula naman po last year.
00:40Ito po ay ating inaasahang matapos by the first quarter of this year po.
00:45Yusek, ano-ano naman po yung mga hakbang na isinasagawa ng DPWH para maitama at maiwasan yung mga ganitong pagkakamali sa hinaharap?
00:53Opo, no, bali po for this year, pag-train nyo po yung ating mga projects, nandoon na po yung mga station limits na meron na po yung mga corresponding coordinates.
01:07So kumbaga, title pa lang po, alam na po dapat natin kung ano ang magiging coordinates ng proyekto from start to end.
01:14At hindi na po tayo basta-basta pwede magpalit ng coordinates kung wala po itong approval ng ating sekretary at dumaan po sa tamang proseso.
01:23Yusek, kasabay nga nitong mga kinakaharap na issues sa GOES, flood control projects.
01:27Sa ngayon po, paano po pinananatili ng DPWH yung kalidad at integridad ng mga flood control projects matapos po ang audit?
01:34Opo, no, bali, well for this year, alam talaga naman po natin na wala po tayong bagong mga flood control, na wala po tayong flood control projects for this year's budget.
01:45Kaya po ang ating tinutugunan po ay ito pong mga ating nai-inspect na mga kailangan ayusing flood control projects at ang ating mga pinagahandaan ay yung for next year.
01:57Kaya po ngayon, nag-itipon-tipon po ang ating mga flood control experts kasama ng ating sekretary upang magkaroon po ng isang flood control master plan.
02:07Na ito na po ang ating gagamitin simula next year moving forward para naman po sigurado na lahat ng gagawing flood control projects ay talaga po needs-based
02:16at manutugunan ang problema ng ating bansa sa mga pagbabaha at mga pag-mitigate ng mga calamities po na cost ng bagyo.
02:26So Yusek, ano naman po yung natutunan ng DPWH mula sa mga incidenting ito at paano nila ito gagamitin para mapabuti yung kanilang servisyo?
02:37Opo, nakita po talaga natin dito yung pagkakulang sa ating mga control measures.
02:42Dahil nga po dati meron lang mga inagamit na coordinate at ito ay naiba-iba.
02:50Ngayon po, ang ating ginawa nga po ay sa title pala ng ating proyekto, nandun na po yung mga station limits.
02:56Alam na po agad natin kung ano ang start at end ng proyekto.
03:00That way po, alam kayang-kayang ating bantayan kung ang proyekto ba ay nga gawa sa tama.
03:06Okay. Sa ngayon, Yusek, sa inyo pong datos, ilang kaso na po ang iniimbisigahan ng DPWH kaugnay sa mga maanumaliyang proyekto.
03:15And we understand na nung nakita itong mga ghost projects na ito ay nakatingga.
03:19May idea din po ba kayo kung kailan ito masisimulan ulit sa lalo at madaling panahon?
03:22Pabalag ngayon po kasi ang ating ipag-file ng kaso ay tuloy-tuloy po ito.
03:28Ang huli po naming bilang sa mga individuals na meron na tayong mga na-file na case or na-refer na case
03:35sa ombudsman at sa Sandigan Bayan ay nasa 87 na po.
03:3987 na po ang individuals na aming mga nahasampahan na kaso.
03:43So, both contractors, DPWH officials, and mga elected officials.
03:50And ito po ay matutuloy-tuloy.
03:52Every week po kami po ay nag-asagawa pa rin ng mga audit.
03:56Lalo pa rin po kami pinapalabas ng mga audit teams at quality assurance units to inspect mga projects.
04:03And tuwing meron po kaming makikita na ghost or substandard,
04:08sila po ay siguradong maharap sa administrativo at kriminal na mga kaso.
04:14So, yun sa kailan po inaasahan yung susunod na pag-ahaay ng reklamo sa iba pang sangkot sa flood control scandal
04:20o iba pang mga maanumal yung project?
04:22Kasi alam naman po natin na hindi lang flood control projects meron ng DPWH.
04:28Meron di po kayong mga skwelahan, mga ospital.
04:30So, may mga nakatutok din po bang investigating bodies sa mga ito?
04:35Kasi delikado yun eh, mga school buildings, hospital.
04:37I know a hospital na napuntahan ko pero parang antagal niyang ginawa,
04:43pagkatapos hindi siya ma-fully utilized dahil may mga depekto.
04:48So, yung mga ganun na masyadong delikado, meron po bang nag-iimbestiga rin?
04:54Katulad dun sa antipolomay na discovery ang DUH na unfinished project na ospital.
04:58Tama po kayo, no?
05:00In fact, si Secretary Vince Dizon po mismo, last month, inikutan po niya yung mga ospital na hindi matapos-tapos.
05:09Parangin po tayo ang mga ospital na priority projects po ito, mga flagship projects.
05:14Ngunit napaka-delayed na po.
05:16Kaya po ito po ay tinutukan mismo ng ating Secretary.
05:19Ngayon naman po, sa ganyan po ng mga substandard or yung mga hindi natapos-tapos na proyekto,
05:26ulitin ko po, kami po ay tuloy-tuloy na nag-iinspect.
05:29Siyempre po sa aming limited na manpower at sa dami ng proyekto,
05:32kami po ay pumipili ng mga i-inspecting based po sa mga informasyon at mga reports na dumarating sa amin.
05:40At linggo-linggo po, nagpapalabas kami ng mga teams para po inspektuin nito.
05:46At sa oras po na makita namin na meron nga pong cause of action dito,
05:51may delay or may substandard or ghost or may anomalya,
05:56kami po agad ay nag-i-case teams up para po makapagsampan ang kaso.
06:00In fact, meron po kami ngayong mga nakaabang na mga cases na binibuild up po sa aming opisina.
06:06In the coming weeks po, naasahan po na kami ay mag-aasasampanan ng mga kaso ulit.
06:11Sir, sa inyo po bang datos, meron nang na-i-report kayo pa paano na ganoon,
06:15eskwelahan, substandard, kasi mahirap yan yung mga studyante yung gumagamit dyan.
06:19Kung pinagkakitaan yung mga proyekto, may mga government buildings na ginawa,
06:24mga housing units, paano po natin na-inspect ito?
06:27Tsaka kung meron na pong na-i-report sa inyo at nasimulan na rin ng initial investigation?
06:31Opo, kami naman po ay nakikipagtulungan po dahil pag mga eskwelahan po.
06:38Ito po ay mga deaf-ed projects.
06:41Pag naman po mga hospital, kaya naman po ay mga DOH projects.
06:46Kaya po kami po ay nakikipagtuloy-tuloy ang aming coordination at tulungan po sa kanila
06:51para nga po may-inspect itong mga kanilang mga projects na kanilang po ay ang gumagawa.
06:58Okay, Yusek, balikan ko lang ng konti yung flood control projects.
07:02We understand na, na-mention nyo po na patuloy yung inyong investigation at audit.
07:07Sa tingin nyo po ba sa inyong estima, masisimulan na gawin itong mga ghost flood control projects na ito
07:12at least bago sumapit na naman ng tagulan ngayong taong ito?
07:17Yun po ang ating prioridad.
07:20Lalo na po, for example, sa Bulacan, mayroon po dyan tatlong proyekto na napaka-importante.
07:25Ito po ang mga pinapamadali po ng ating sekretary para po bago umabot ng tagulan ay magawa na rin po ito.
07:33Ganon din po sa Cebu, kung saan nga po maraming nakita ng mga defective na infrastruktura.
07:40So ito po yung mga hinahabol para naman po bagating ng tagulan ay maprotektahan naman po ang ating mga mamamayan.
07:47Pangusapin naman po, paano po naapektuhan nung kamakailang sunog sa DPWH Cordillera,
07:53yung mga nakaplanong proyekto sa region?
07:56Wala naman po, no, natapos na po namin ang pag-audit ng mga dokumento doon.
08:01Wala naman po kahit anong sensitibong dokumento ang na-damage doon sa sunog sa Cordillera.
08:07In fact, ito po ay mga lumang mga dokumento.
08:11Lahat po ito ay merong mga digital copies.
08:14Kaya po, sinigurado po namin na wala naman po ang sensitibong na sira at lahat po nung nandoon na-damage ay meron po tayong mga backup copies.
08:24So Yusek, may mga nakuha po ba kayong informasyon kung anong naging dahilan ng sunog?
08:28Alam ko po, ang report ng BFP ay pina-finalize na po.
08:33Pero meron na po tayong conclusion na wala naman pong foul play na nangyari.
08:39May mga inisiyatibo din po ba tayo, Yusek, or mga hakbang na isinasagawa ng DPWH para mapigilan o maiwasan yung ganitong insidente sa hinaharap?
08:47Opo, kami naman po ay patuloy na nagko-coordinate sa ating BFP para po mayawasan ng mga ganitong insidente.
08:57At least naman po, on our end, yung mga files nga po nung sisimula pa lang nung nangyari itong mga flood control scandal,
09:04sinigurado po namin na lahat ng mga files ay meron ng mga backup copies.
09:08Pero ngunit, aside from that, siyempre po kami po ay patuloy na nagko-coordinate sa mga BFP
09:14at siguraduhin po namin na ang aming mga building at structures ay safe po
09:20at sila ay nagko-comply sa mga rules and regulations ng ating fire code.
09:26So, Yusek, mensahin nyo na lang po sa ating mga kababayan, lalo na po yung mga nagkakaroon ng pagdududa
09:31o agam-agam kasi nga biglang nagkakaroon ng mga sunog doon sa mga lugar.
09:35Kamakailan, di ba? Yung opisina nyo po sa ED sa Quezon City ay may sunog din na naganap.
09:40So, sinabi, may mga documents doon ng mga listahan.
09:43So, ano pong gusto nyo sabihin sa ating mga kababayan para hindi po magkaroon ng pagdududa
09:47pagdating dito sa investigasyon ng mga flood control scandals?
09:51Opo, sinasagurado naman po namin, especially po sa leadership ng Secretary Vince Lison,
09:57na kami po ay patuloy na mag-i-investiga dito, tuloy-tuloy po ang aming pagsampuan ng mga kaso.
10:04Gratuhin po namin na ang mga dapat managot ay managot.
10:07Ang pera ng taong bayan ay ating ibabalik.
10:11At ang mga reforma ng DPWH ay ating itutuloy-tuloy po para hindi niya pa maulit ang mga ganitong mga pangyayari.
10:18Wala po tayong ginagawang any cover-up.
10:22Tayo po ay kung saan ang ebidensya, saan takdada rin ang ebidensya, doon po tayo po patahin.
10:28Alright, maraming maraming salamat po sa inyong oras, Undersecretary Ricardo Bernabe III, spokesperson for legal matters ng DPWH.
10:38Thank you, you said.
Comments