00:00Pinarangalan kamakailan ng World Boxing Council o WBC ang pambansang kamao at ang nag-iisang 8th Division World Boxing Champion na si Manny Pacquiao ng 2025 Comeback of the Year Award.
00:14Ayon sa WBC, sapat na ang majority draw ni Pacquiao kontra sa reigning welterweight champion na si Mario Barrios oong hulyo ng nakaraang taon upang patunayan na world class pa rin ang Filipino boxing icon sa kabila ng apat na taong pagkakawala sa professional boxing.
00:32Sa edad na 46, muling umapak sa ibabaw ng ring si Pacquiao na may layuning maibalik at mahigitan pa ang sarili niyang record bilang pinakamatandang welterweight champion na isang tagumpay na una niyang nakamit noong 2019 nang talunin si Keith Thurman sa edad na 40.
00:49Sa kabila ng resulta, nilinaw ng kampo ni Pacquiao na nananatiling aktibo ang pambansang kamao kung saan kasalukoy nakikipag-negosasyon ang kanyang kampo ngayong buwan para sa next big fight niya.
Comments