Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Actually, nagla-lunch na lamang sila. Tapos na yung pagdinig dito sa 3rd Division.
00:36Pero dahil meron pa kasing arraignment o nakatakdang pagbasa ng sakdal sa 4th Division naman sa Kasong Graff,
00:43ay hindi na muna sila ibinalik sa Quezon City Jail Mail Dormitory.
00:48At sa halip ay nandito na lang muna sila at hinihintay.
00:51Katulad nga nang nabanggit mo, Connie, ay dito nga sa Sandigan Bayan 3rd Division
00:55na dumidinig ng kasong malversation case laban kay Revilla, mga kapwa-akusado niya.
01:01Kaugnay ng kasong di ho man ay ghost flood control project sa Pandi Bulacan,
01:06ay napustpone yung arraignment o pagbasa nga ng sakdal.
01:10Naghahain kasi ng mga musyon ng mga abogado ng mga akusado.
01:14Kaya't sabi ng Korte ay re-resolvahin muna ito bago basahan ng sakdal ang mga akusado.
01:19Binigyan ng prosekusyon hanggang January 28 para magkomento sa mga musyon ng depensa.
01:26Pagkatapos nun ay deemed for resolution na.
01:29Pito yung musyon ng depensa.
01:31Sa panig ni Revilla, ilan sa mga musyon ay motion for reinvestigation
01:35o ibalik yung kaso para muling maimbestigahan ng ombudsman.
01:40Hinihingi rin nila to quash the information o ibasura yung kaso.
01:44So, hinihingi rin nila na maisailalim si Revilla sa kustudiyan ng PNP sa halip na sa BJMP.
01:52So, sa ngayon ay mananatili pa rin si Revilla sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
01:58Pinaharap pa ng mga mahistrado ang jail warden para tiyaking secured ang dating senador.
02:04Sabi ng jail warden sa ngayon ay mag-isa si Revilla sa selda
02:08habang magkasama naman yung apat na lalaking co-accused sa isang selda.
02:13Mag-i-inspeksyon daw yung mga mahistrado na mga kulungan.
02:18Gusto rin daw nilang makita ang kalagayan di lamang ng mga akusado dito sa flood control case
02:23kundi ng ibang mga persons deprived of liberty.
02:27Dumating si Revilla sa Sandigan Bayan kaninang umaga,
02:30mga around 8 o'clock in the morning na naka yellow t-shirt at brown pants.
02:36Ito yung uniforme ng mga PDL sa kustudiya ng BJMP.
02:40Naka-handcuff din si Revilla, ang dating senador.
02:44Pagdating niya ng Sandigan Bayan, tinanggal na lamang ang handcuff na ito sa loob ng korte.
02:50So katulad ng sinabi ko ngayon, kanina Connie ay nasa loob lamang ngayon ng korte ng 3rd Division.
02:58Itong si Revilla kasamang ibang mga kapusado.
03:01Nagla-lunch lamang dahil hinihintay nila yung nakatakdang 1-30 na arraignment
03:05sa 4th Division naman na dumidinig ng kasong graft.
03:09Connie?
03:10Maraming salamat, Maki Pulido.
Comments

Recommended